LOGINSus, tampo ang Lolo rowan niyo ahah. Hola! Thank you for reading Secret Wife ni Boss Rowan, My Dear Readers! Kinikilig akong makita iyong mga same readers ko from my previous stories ahah. Hello po! And hello also to my new readers! Regular updates po tayo dito sa new story and sorry kung wala pang update kina Precious at Vaughn, and Thorne at Amber. Dito na muna kayo kay Bebe Rowan at Vivi! By the way, shout out to my Top 3 Gem Providers. 1. Abe dugan 2. Octav Bibi 3. Bebz Thank you sa lahat ng nagbigay ng gems at nag-iwan ng comments! Gems and comments are highly appreciated. I rarely use socmed pero kung gusto niyo kong pagalitan, hanapin niyo na lang peysbuk ko, search niyo lang Yenoh Smile. Note: I only write for Goodnovel alone. Thank you and Lovelots! —Honey
Huminga siya nang malalim at tumango. Nagpatulong na rin siyang magtimpla ng kape at sumama kay Matet noong ihatid na ang mga kape sa garden.Nasa garden table ang tatlo. Malapit sa mga rosas. May mga dokumento sa mesa na binaba rin ni Rowan. Mukhang seryoso rin ang usapan nila base na rin sa hilatsa ng mukha ng mga ito."I'm sure hindi na rin natin ma-access ang Voyage at hindi na makakakuha ng supply kay Brad Malaska," dinig niyang dismayadong bigkas ni Fox."What we're gonna do now?" seryosong tanong naman ni Reed."Like I said, we won't do anyhting. Hayaan niyo ang Daddy kong madapa sa sarili niyang plano," kumpyansang sagot ni Rowan.Napasipol agad si Fox, "Hirap magpalaki ng magulang. Pasaway pa—uy, Vivienne! Kumusta? Di na namumula leeg mo ah. Mukhang effective ang kisspirin ni Rowan—ouch! Joke lang naman, Bebe Rowan!" reklamo agad nito matapos lumipad sa mukha nito ang tangkay ng rosas na halatang sapilitang hinila lang bigla."Mapanakit itong asawa mo, Vivienne. Hiwalayan mo
Hinawakan niya ang braso ni Matet at hinuli ang mga mata nito."Madam... ano..." kabadong bigkas nito tapos ay napatingala sa likod niya.Pakiramdam niya, nahalukay na ni Rowan ang buong buhay niya. Sana lang, hindi pa nito alam ang kay Nathaniel at ang pagiging Natividad niya—pero alam nitong bestfriend niya si Kaori!Sumigid ang sakit sa sentido niya. Malamang kasi na alam na nitong Natividad siya kung alam na nito ang koneksyon niya kay Kaori!"Madam, bakit ka ba kasi naglilihim pa? Malay mo, makatulong si Boss sa'yo," imbis ay katwiran ni Matet."Matet—"Napatigil si Vivienne matapos marinig ang malakas na tikhim ni Rowan."Is there something wrong going on here, Wifey?" seryosong tanong ni Rowan.Ayaw pa sanang bitiwan ni Vivienne si Matet pero binawi na nito ang braso at nagkunwaring abala sa lababo.Napabuntong hininga na lang si Vivienne. Nakangusong hinarap si Rowan. Kita niya agad sa sala na nakatunghay sa kanila si Reed at Fox.Noong mapansin ni Rowan na tinitingnan ni Vivi
Sa sobrang kalabog ng puso niya, diniin niya ang pikit ng mga mata niya at hindi na umimik.Baka mamaya, mapahamak pa siya ng bibig niya.Ramdam niyang hinapit ni Rowan ang bewang niya at pinatakan siya ng h*lik sa ulo."Sleep tight, Wifey," bulong nito muli na hindi na niya sinagot.Gawa na rin siguro ng pagod sa buong araw, nakatulog siya nang mahimbing.Nagising siya, tanghali na. Wala na si Rowan sa tabi niya.Magaan na ang katawan niya at hindi na rin namumula ang leeg niya.Naligo lang siya at nag-ayos. Muntik niya pang makalimutang dalhin ang metal stick niya.Sininghot niya pa ang mabangong freshener ng mansyon.Kahit pa naroon kagabi si Crisanto at Kaori, hindi naman nadungisan ng mabahong amoy ang bahay ni Rowan.Paglabas niya ng elevator, narinig niya agad ang boses ni Reed at Fox sa loob ng study room ni Rowan.Tumigil siya sa tapat no'n at dinikit ang tenga sa p*nto."Hindi pa rin ako makapaniwala na nagpapabilog ang Daddy mo sa mga Fabroa!" inis na litanya ni Fox at nang
"Sabihin mo na sa'kin kung sino," muling ulit ni Rowan at nauubos na ang pasensya niya.Napalunok si Kaori at nanatiling nakatitig kay Crisanto.Tinitimbang niya kung ilalaglag niya ba ito o hindi. Kapag nagsabi siya ng totoo, ligtas siya kay Rowan pero matatapos ang koneksyon niya kay Crisanto.Wala namang reaksyon si Crisanto at malamig lang din na tumitig. Tinatanya kung kaya bang magsinungaling para sa kanya ni Kaori. After all, sinunod lang naman niya ang gusto nito.Bumaling si Rowan sa ama niya lalo't dito nakatitig si Kaori."Is it you Dad?" simpleng tanong niya pero kumukuyom na ang kamao niya.Humalukipkip naman si Crisanto at parang walang pakialam."Of course not. Tanungin mo ulit ang Mama mo," tukoy nito kay Kaori."She's not my mother," agad na kontra ni Rowan."Fine. Ask your stepmother again, Rowan," madiing utos ni Crisanto.Tumikhim naman si Kaori at pinunasan ng palad niya ang basang mukha."H-indi ko alam. Wala akong alam. Kasama ko si Crisanto magdamag. Isa pa, h-
Hinintay naman ni Rowan na mag-react si Vivienne sa sinabi niya pero nananahimik lang ito.Hindi niya tuloy alam kung may puwang ba siya sa puso nito o wala.Parang wala yata."Narinig mo ba ang sinabi ko?" hindi na niya mapigilang tanong sa asawa.Napakurap ito muli at imbis na sagutin siya, kumuha ito ng first aid kit."Gagamutin ko na lang 'yang sugat mo para hindi ka magdeliryo sa sakit," imbis ay bigkas nito.Napatiim bagang tuloy si Rowan. Hinayaan na lang niya na hilahin siya nito pabalik sa kama.Giniya siya nito paupo. Umupo ito sa harapan niya at mas inasikaso pa ang paglalagay ng betadine sa bulak.Marahan nitong dinampihan ang sugat niya.Pinagmasdan itong mabuti ni Rowan. "Rowan," hindi mapigilang tawag ni Vivienne."Hm?"Sinulyapan niya muna ang asawa, "Tingin mo totoong asawa na ng Daddy mo si Kaori?"Bahagyang kumibot ang kilay ni Rowan bago sumagot."I don't care, Wifey—ouch!" d*ing nito matapos niyang diinan ang bulak sa sugat nito."What was that for?" nakangiwing
"S-abi mo magpapahinga ako.... Pagod ako di ba? Hindi mo dapat ako lalong pagurin," kandautal na tanggi ni Vivienne.Mahina namang natawa si Rowan tapos ay malalim na huminga."After what happened, natakot akong mawala ka sa tabi ko. F*ck, this is not me. What did you do to me, Wifey?" medyo frustrated na ang boses nito sa dulo at mukhang hindi makapaniwalang nasabi nito ang mga 'yon.Napatitig lang si Vivienne dito.Hindi rin siya makapaniwala na lalabas ang mga ganoong salita kay Rowan.Totoo ba ang narinig niya? Kita naman niya sa kilos nito pero.... parang hindi naman ito ang tipong mahuhulog sa isang babae."Nevermind," bawi nito at binuksan na ang master's bedroom.Marahan siya nitong binaba sa kama at akmang lalayo na ngunit humawak siya sa batok nito.Marahan niyang hin*god iyon kaya't napaungol ito."Wifey, stop. Kailangan mong magpahinga," paalala nito at nilayo ang kamay niya.Binalik niya lang iyon sa batok nito at pati buhok nito ay marahan na niyang hin*god.Muli itong s







