INICIAR SESIÓN"Kim jie samahan mo ako" nagtataka akong tumingin kay Zikie Zye dahil sa sinabi niya. Saan na naman kami pupunta ngayun? Halos hindi na siya pumapasuk sa kompanya parang gusto nalang dito sa mansyon nila para bantayan ako?."Saan po sir?" Tanung ko naman, dahil nagtataka talaga ako kung saan na naman siya pupunta at kilangan pang isama ako. "Birthday ni dad mamaya, syempre kaylangan nating pumunta" maayos naman ang pagkakasabi niya, subalit hindi ko nagustuhan ang tuno dahil galit ako sa tatay niya!."Bakit po tayo sir?" Pagtatanung ko ulit, kunwari ay nagtataka subalit may nabuo ng plano kagabi palang.Alam kung birthday ngayun ni Hiz Khie Fyli'eo, syempre alam yon ng lahat dahil sikat sila at mayaman, yaman na ninakaw sa pamilya ko! Kaya bilang mabait na taong mapag higante ay gusto ko siyang bigyan ng regalo, isang regalo na sigurado akong hindi niya makakalimutan!."Ang dami mo namang tanung!, umayos kana nga doon at tayoy lalakad na" tinatamad na tugon ni sir Zikie saakin."Sir
"Naniniwala kabang dahil yon sa upos ng sigarilyo?" Kalma kung tanung saaking asawa na si Hiz Khie Fyli'eo, alam kung hindi iyon kusang nangyari, may gumawa non, dahil sa tagal ngayun lang ito nangyari!, at sa dami ng pweding maging aksedente ay sunog pa, sunog na pinanglipon namin sa buong angkan ng Shien sampung taon na ang nakalipas, pero paanong mangyari yon ubos ang buong angkan, sino ang babalik para gumanti?."Sinabi na ng doctor, aksedente lang" kampante na sagut ng asawa ko, pero ako hindi naniniwala dahil kitang kita kona may babae sa kurtina habang may sunog, naka ngiti siya ng may pagbabanta habang nakatingin ng deritso saakin, bumulong pa siya ng "Ako ang multo ng sunog" kahit malayo siya, hindi koman makita ng klaro ang mukha niya, ngunit alam ko ang binubulong niya... Alam ko dahil hindi iyon guni-guni lang, isa iyong babae na hindi takot sa sunog kundi parang galing nasa pagka sunog."Kanina habang may sunog may babae nag babanta" natatakot kung kwento sa asawa ko, um
"Kung gayon po sir, bakit kayo mag babalik balik sa lugar na ito?, sa sira sirang kompanya ng mga Shien, sa nawasak nilang mansyon?, at sa dating sikat na hospital ng mga Shien? Bakit parang naging libangan nyuna po ang pag punta sa lugar ng mga Shien?" Natahimik ako ng ilang minuto dahil sa sunod sunod na tanung ni Kim Jie ang pinili kung maging personal maid, sa totoo lang ayaw ko ng mga tao na nasa tabi ko lagi, pero iba ang pakiramdam ko sa kanya, parang may awra siya na hindi makikita sa isang tingin lang, mahirap ipaliwanag pero ayon nayon."Hindi paglilibang ang ginagawa ko, naghahanap ako ng ibedensya" hindi kopa natatapus ang sasabihin ko ng mag salita ito "Ibedensya?, gusto mobang mabigyan ng hustisya ang pamilyang Shien?" Tumango ako dahil sa sinabi niya, noon paman gusto konang bigyan ng hustisya ang mabuting pamilya ng Shien pero wala pa akong sapat na ibedensya laban sa kung sino man ang nagpa simuno ng sunog, kung sino ang taong nasa likod ng lahat, pero hindi ako tit
"Na para bang ikaw pa ang boss saating dalawa?" Dagdag pa nito, feeling ko tuloy sandaling napahiwalay sa katawan ko ang kaluluwa ko dahil sa sigaw nito, huminga ako ng malalim bago sumagot."Papasuk napo sir" magalang kong sagot kahit napapa-snob ako dahil sa kagagawan niya, pwedi naman kasing magsalita ng maayos bakit kaylangan niyang sumigaw diba?."Sige po ma'am! Pake bilisan naman po!" Gusto kung matawa dahil sa sumunod nitong sagot, alam kung galit na siya at nang-aasar pero imbes matakot ay mas natawa lang ako, I think kuhang kuha kona ang galit niya HAHHA.___"Mabuti naman at pumasuk kapa?!" Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa sigaw niya, boshiyt akala ko ay tapus na siya kanina sa tawag ngunit hanggang ngayon pala ay mukhang galit parin siya."Ano poba ang gusto nyung almusal sir?" Kunwari ay magalang kung tanung subalit nanatili akong naka yuko para hindi niya mapansing natatawa ako."Tumingin ka saakin" nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya, alam nya kayang natata
Hindi ko akalain nasa kabila ng kapalpakan na nagawa ko ay tinanggap parin ako ni Zikie na maging personal maid niya, nakakapag taka pero gusto ko ito, dahil mas mapapabilis ang lahat ng plano ko."Tita Lieh, personal maid na ako ni Zikie ang nag iisang anak ng mga Fyli'eo" natutuwa kung balita kay tita Lieh habang tinatawagan itoNasa maliit lang na kubo ang tinutuluyan ko dahil nag papanggap akong mahirap ay nag upa ako ng kubo na sira sira para mas mapaniwala ang mga kalaban na nagmula ako sa mahirap na pamilya "Oh mabuti naman, pero nak... Nag aalala ako sayo, nasa mansyon kana ng mga dem*nyo" nag aalalang wika ni tita Lieh, hindi na ako naka sagot dahil bigla nalang bumalik sa alaala ko lahat ng nangyari sampung taon na ang nakalipas."May sunog! may sunog!, lumikas na ang lahat!" Nasa mall ako kasama ang lola ko ng makarinig kami ng malakas na sigaw mula sa screen ng tv, akala ko ay nasa mall mismo ang sunog ngunit balita lang pala ito mula sa tv ng mall "Patuloy ang paglakas
"Anong pangalan mo?" Malakas, at walang galang na tanung saakin ng isang matanda, makahulugan niya akong tinignan parang sinusuri niya ako at may pagmamaliit siyang napangisi habang patuloy ang mapanghusga niyang tingin saakin.Sa wari ko ay katiwala siya ng mga Fyli'eo, nasa harap palang kasi ako ng gate ay sumulpot na siya, ni hindi kopa nga napipindot ang alarm para sa hudyat ay nauna na siya, alam nya marahil na dito ang sadya ko"Pipi kaba?, kanina pa kita tinatanung ay ba't wala kang sagot!" Mataas ang tuno niyang sambit, ramdam mo talaga na masama siyang tao, nababagay nga at napunta siya sa lugar na ito!."Bingi kaba?" Napa iling iling ako bilang tugon sa sumunod niyang tanung, galit na siya marahil dahil wala akong tugon sa mga tanung niya, pero sino ba kasi siya?."Kim Jie po ang pangalan ko" kunwari ay magalang kung sagot, kahit labag iyon sa loob ko, gusto kung gayahin kung paano niya ako kausapin, matanda nga siya pero ang respeto hindi karapat-dapat na ibigay sa kanya.P
"Ms: Shien magtatrabaho ka talaga sa pamilyang Fyli'eo bilang maid?" gulat na tanung saakin ni assistant Lieh. Si assistant Lieh ang matalik na kaibigan ng nanay ko, at assistant niya rin ito tiwala sa kanya ang nanay ko dahil sa husay niya sa trabaho kaya naman nagtitiwala din ako sa kanya.Bilan







