LOGIN"Anong pangalan mo?" Malakas, at walang galang na tanung saakin ng isang matanda, makahulugan niya akong tinignan parang sinusuri niya ako at may pagmamaliit siyang napangisi habang patuloy ang mapanghusga niyang tingin saakin.
Sa wari ko ay katiwala siya ng mga Fyli'eo, nasa harap palang kasi ako ng gate ay sumulpot na siya, ni hindi kopa nga napipindot ang alarm para sa hudyat ay nauna na siya, alam nya marahil na dito ang sadya ko
"Pipi kaba?, kanina pa kita tinatanung ay ba't wala kang sagot!" Mataas ang tuno niyang sambit, ramdam mo talaga na masama siyang tao, nababagay nga at napunta siya sa lugar na ito!.
"Bingi kaba?" Napa iling iling ako bilang tugon sa sumunod niyang tanung, galit na siya marahil dahil wala akong tugon sa mga tanung niya, pero sino ba kasi siya?.
"Kim Jie po ang pangalan ko" kunwari ay magalang kung sagot, kahit labag iyon sa loob ko, gusto kung gayahin kung paano niya ako kausapin, matanda nga siya pero ang respeto hindi karapat-dapat na ibigay sa kanya.
Pumasuk na kami sa loob ng mansyon, masama parin ang tingin niya saakin, pinauna niya na ako, alam ko may plano ito kaya ganun, halata sa mga tingin niya pero ibabalik ko sa kanya ang palabas na gusto niya.
Napansin ko ang puting tali sa unahan ko, kaya naman nilawakan ko ang hakba para hindi ito masagi, at ng siya na ang tumawid ay tuloy tuloy niyang natapakan ang tali dahilan para mabuhusan siya ng isang timbang tubig, pigil akong tumawa dahil doon.
Sarili niyang pakana ang tumama sa kanya, kung sabagay naman hindi madaling makita ang tali na gamit niya, puti ito na para bang naka-ayon ang kulay sa hangin, diko siya masisisi kung matapakan niya iyon.
"Anong ingay yan!" Boses iyon ng isang babae, pero pamilyar saakin! Alam ko kung sino ang nag mamay-ari ng boses na iyon! At kilalang kilala ko ang buong pagkatao ng taong iyon!, siya ang isa sa mga taong dahilan ng pagka matay ng mga magulang ko! Siya iyon! Ang madam ng mga Fyli'eo, si Kie Zye Fyli'eo!, ang asawa ng lalaking sumira sa pamilya ko!.
"At sino ka?" Matalim niya akong tinitigan, parang sinusuri bawat piraso ng pagkatao ko, parang kinikilala ang presensya ko, at parang hinuhubaran ako sa paraan ng titig niya.
"Madam nag a-apply na maid" pasingit na sagot ng matanda, habang pilit na tumatayo mula sa sahig, masama ang titig saakin, kung kanina ay isa lang ngayun dalawa na silang mag amo!.
"At ikaw Rita! Anong nangyari sayo bakit basang basa ka?!" Maarti na sigaw ni Kie Zye habang nandidiri na tinuturo ang matanda, tumingin saakin ang matanda na parang gusto niyang sabihin na kasalanan ko lahat.
"Excuse me lang madam, ako si Kim Jie, 20 years old, ulila, lumaking mag isa sa probinsya, umaasa po na tanggapin ninyo bilang maid" kunwari ay kaawa awa kung pagpapakilala, kahit alam ko naman na walang awa ang mga taong nasa harapan ko.
"Rita dalhin mo siya sa kusina" walang galang niyang utos sa matanda na agad naman nitong tinalima/Sinunod.
Pag dating namin sa kusina inutusan niya akong dalhan ng juice si Kie Zye, sinunod ko ito dahil iyon ang trabaho ko, kasama ito sa mga plano ko, una ay ang tuluyang makakapasuk sa mansyon ng mga demonyong ito! Para makakalap ng mas maraming ebedensya.
"Ah!" Daing ko ng ibuhos saakin ni Kie Zye ang laman ng basong hawak ko, madiin akong tumingin sa baba para hindi niya mapansin na naiinis na ako!, at siguradong kapag mapansin nya iyon, tuluyan na akong hindi makakapasuk sa trabaho.
"Oh pasensya diko nahawakan ng maayos" maarti nitong wika kahit alam kung sinadya niya ang lahat, pilit akong ngumiti, ngiti na may pagbabanta at nakakatakot.
"Okay lang po madam, kukuhaan kopo kayo ulit" kunwari ay natatakot kung wika at dali daling tumayo para pumunta sa kusina.
"Ah!" Daing ko ng may makabanggaan ako, kasabay non ang nakakabinging tunog ng basag na basong hawak kona bumagsak sa sahig at ang nakakatakot na boses ng lalaki.
"Who are you?!" May diin niyang tanung, hindi ko napansin na may papalabas pala mula sa pinto ng kusina, nakayuko kasi ako habang nag lalakad, at sa palagay ko siya ang totoong target ko sa pag punta dito sa mga Fyli'eo, dahil siya na siguro ang nag iisang anak na lalaki ng mga Fyli'eo, ang lalaking gagamitin ko laban sa kanila.
"Nag apply bilang maid!" Mabilis na sagot ni Rita, ni hindi panga ako nakaka buka ng bibig ay nauna na siyang mag salita s****p talaga!.
"Ikaw ba ang kausap ko?" Pagkuwan ay walang galang na sagot ng lalaki sa matanda dahilan ng palihim kung pag ngisi, karapat-dapat siya sa ganun!.
"Oh" tanging sagot ng lalaki at tumalikod na, walang pake alam sa nabasag na baso, walang pake alam saakin, walang pake alam sa mga nangyari at naglakad na siya palapit sa mom niya.
Hindi pwedi ang ganito, Kaylangan kung makagawa ng paraan para makuha ang atensyon niya, dahil kaylangan ko siya para sa mga plano ko, Naghakbang ako at nag kunwaring matumba nagbabakasakali na saluhin niya Ako.
Pero tuloy tuloy lang itong lumakad, walang pake alam sa likuran niya, sa pagkakataong ito hindi kona kontrolado ang lahat, tuluyan na akong bumagsak, at sa pagbagsak ko nahila ko ang pants niya.
"Ahh!" Daing ko at agad nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto na nahubad ko ang pants ni Zikie, nanlaki ang mga mata ni Rita at ng mom niya, habang si Zikie at ako parang tumigil ang oras ng ilang sigundo, ang posesyon namin, ang pagka shock nanatili sa loob ng ilang sigundo hanggang sa magising kami.
Dali dali niyang itinaas ang pants niya, masama akong tinignan na para bang gusto akong isumpa, habang ako gusto kona lang lamunin ng lupa dahil sa hiya, baka imbes na maging kakampi ko siya ay siya pa mismo mag pagpapatay saakin sa kasong ito!.
"Ikaw!" Madiin niyang wika at huminga ng malalim, habang ako hindi na makapag salita, wala akong maisip na iba, hindi naman siya na brief lang, wala namang dapat ikahiya sa suot niya dahil may doble siyang short pero syempre bilang lalaki, nakakahiya talaga iyon, Wala akong pake sa kanya, o sa nararamdaman niya ang pake alam ko ay paano na ako mananatili sa trabaho sa kabila ng kapal pakan ko?
"Pasensya napo sir, diko po talaga sinadya kopo iyong nangyari" nanlaki ang mata niya dahil sa sinabi ko
Napakamot ako sa ulo at naiinis na bumulong 'umayos ka Kim Jie' pagbabanta ko sa sarili ko.
At nilibot ko ang paningin ko sa buong mansyon ng Fyli'eo, mas lumiliyab lang ang galit sa puso ko pag pinag mamasdan ang masagana at nag niningning nilang mansyon, Lalo kulang sila gusto ipabagsak dahil dito! Dahil kahit takpan pa ng mga maningning at makikinang na bagay ang buong mansyon nila hindi maitatago ang katutuhanan na nakuha nila ito dahil sa pag patay sa mga inosenteng tao! Kasama na ang mga magulang ko!.
At ngayun na nandito na ako sa loob ng mansyon nila, hindi na ako papayag na makalabas pa, dahil ako mismo ang sisira sa mansyong ito!.
"May problima ka?, bakit dimo sinabi saakin?, paano kung may mangyari sayo sa pag punta mo mag isa?, alam mobang mapanganib ang Lugar na ito?" Sunod sunod na sambit ni Zikie, diko alam kung nag aalala ba siya o pinagagalitan ako."Bakit ka umiiyak?" Tanung nito saakin, tila nag aalala siya, pero paano ko sasabihin na dahil sa magulang niya kaya ako umiiyak?, paano ko sasabihin na pamilya niya ang dahilan kaya ang pinaka maganda at safety place na ito ay naging bangungut at mapanganib sa tingin ng iba?, paano ko sasabihin lahat ng mga bagay na iyon?. Inalo niya ang likod ko at hinilot hilot, tila pinapagaan niya ang nararamdaman ko, lalo akong naiyak dahil doon, paano nangyayari ang bagay na ito?, ang mga magulang niya demonyo, tapus siya makakita lang ng umiiyak hindi na mapakali?, dugo ba talaga nila ang lalaking nasa harap ko ngayun?."Kung ayaw mong sabihin ang dahilan okay lang naman saakin, iiyak molang yan" nakakahabag na pagka sabi ni Zikie, napaka bait niya talaga, bakit ganu
"Ma, pa, lola, at lolo bumalik na ako, nandito ulit ang batang pasaway noon" wika ko habang dahan dahan na naglalakad sa sira sira naming mansyon, ang dating maganda, magara, malaki, at galante na mansyon, ngayun pangit, madumi, sira sira, at kalawang na ang lahat, pero kahit wala ng itsura kung titignan ang lugar na ito, kabisado ko parin ang bawat sulok kahit naghiwa-hiwalay na.Alam na alam kopa ang parte kung saan kami madalas mag laro ni mommy at daddy, alam kodin ang lugar kung saan ang hapag kainan na sabay sabay naming inuupuan at masayang kumakain, alam kodin ang kwarto ko, ang kwarto ni lolo at lola, at kwarto nila Mom and dad, Alam na alam kopa kung saan ako dumaan para tumakas para makipag laro sa isang lalaki, naaalala ko parin ang bawat sulok.Kung saan masayang ginaganap ang birthday ko, kung saan nagk-kwento saakin si lola ng mga kwentong pambata, kung saan si lolo, tinuturuan akong mag bisiklita, kung saan tinuturaan ako ni mom mag luto, at kung saan busy si dad sa tr
"Ang saya!, ang sayang makita na nag papanic sila!, ang sayang makita ang takot sa mga mata nila!, ang sayang makita ang natataranta nilang galaw Hahahah" para akong baliw habang kausap si tita Lieh Xien sa telepuno. Sa totoo lang ng makita ko ang takot at pagka gulat sa mga mata nila lalo akong natutuwa, dahil kung ang maliit na palabas tulad nito ay hindi na nila makakaya ano pa kaya ang susunod kong plano?, paano pa nila aaksyonan ang mga nagliliyab na planong binubuo palang ng isip ko?."Anak isa kang CEO dito sa Los Angeles California USA, bakit kilangan mong maglikod sa isang pamilya na mas mababa pa ang katayuan saiyo?" Tanung ni tita Lieh. Tama nakuha man nila ang tagumpay at kayamanan na dapat ay saamin, ang katayuan na dapat sa pamilya ko, ninakaw man nila iyon para maging nangunguna subalit ang kayamanan at katayuan nila, hindi pa sapat para ikumpara sa tagumpay at yaman ng pamilya ko sa ibang bansa.Ang yaman ng ina ko sa Los Angeles California USA ay nangunguna hindi lang
"Kim jie samahan mo ako" nagtataka akong tumingin kay Zikie Zye dahil sa sinabi niya. Saan na naman kami pupunta ngayun? Halos hindi na siya pumapasuk sa kompanya parang gusto nalang dito sa mansyon nila para bantayan ako?."Saan po sir?" Tanung ko naman, dahil nagtataka talaga ako kung saan na naman siya pupunta at kilangan pang isama ako. "Birthday ni dad mamaya, syempre kaylangan nating pumunta" maayos naman ang pagkakasabi niya, subalit hindi ko nagustuhan ang tuno dahil galit ako sa tatay niya!."Bakit po tayo sir?" Pagtatanung ko ulit, kunwari ay nagtataka subalit may nabuo ng plano kagabi palang.Alam kung birthday ngayun ni Hiz Khie Fyli'eo, syempre alam yon ng lahat dahil sikat sila at mayaman, yaman na ninakaw sa pamilya ko! Kaya bilang mabait na taong mapag higante ay gusto ko siyang bigyan ng regalo, isang regalo na sigurado akong hindi niya makakalimutan!."Ang dami mo namang tanung!, umayos kana nga doon at tayoy lalakad na" tinatamad na tugon ni sir Zikie saakin."Sir
"Naniniwala kabang dahil yon sa upos ng sigarilyo?" Kalma kung tanung saaking asawa na si Hiz Khie Fyli'eo, alam kung hindi iyon kusang nangyari, may gumawa non, dahil sa tagal ngayun lang ito nangyari!, at sa dami ng pweding maging aksedente ay sunog pa, sunog na pinanglipon namin sa buong angkan ng Shien sampung taon na ang nakalipas, pero paanong mangyari yon ubos ang buong angkan, sino ang babalik para gumanti?."Sinabi na ng doctor, aksedente lang" kampante na sagut ng asawa ko, pero ako hindi naniniwala dahil kitang kita kona may babae sa kurtina habang may sunog, naka ngiti siya ng may pagbabanta habang nakatingin ng deritso saakin, bumulong pa siya ng "Ako ang multo ng sunog" kahit malayo siya, hindi koman makita ng klaro ang mukha niya, ngunit alam ko ang binubulong niya... Alam ko dahil hindi iyon guni-guni lang, isa iyong babae na hindi takot sa sunog kundi parang galing nasa pagka sunog."Kanina habang may sunog may babae nag babanta" natatakot kung kwento sa asawa ko, um
"Kung gayon po sir, bakit kayo mag babalik balik sa lugar na ito?, sa sira sirang kompanya ng mga Shien, sa nawasak nilang mansyon?, at sa dating sikat na hospital ng mga Shien? Bakit parang naging libangan nyuna po ang pag punta sa lugar ng mga Shien?" Natahimik ako ng ilang minuto dahil sa sunod sunod na tanung ni Kim Jie ang pinili kung maging personal maid, sa totoo lang ayaw ko ng mga tao na nasa tabi ko lagi, pero iba ang pakiramdam ko sa kanya, parang may awra siya na hindi makikita sa isang tingin lang, mahirap ipaliwanag pero ayon nayon."Hindi paglilibang ang ginagawa ko, naghahanap ako ng ibedensya" hindi kopa natatapus ang sasabihin ko ng mag salita ito "Ibedensya?, gusto mobang mabigyan ng hustisya ang pamilyang Shien?" Tumango ako dahil sa sinabi niya, noon paman gusto konang bigyan ng hustisya ang mabuting pamilya ng Shien pero wala pa akong sapat na ibedensya laban sa kung sino man ang nagpa simuno ng sunog, kung sino ang taong nasa likod ng lahat, pero hindi ako tit
"Na para bang ikaw pa ang boss saating dalawa?" Dagdag pa nito, feeling ko tuloy sandaling napahiwalay sa katawan ko ang kaluluwa ko dahil sa sigaw nito, huminga ako ng malalim bago sumagot."Papasuk napo sir" magalang kong sagot kahit napapa-snob ako dahil sa kagagawan niya, pwedi naman kasing mag
Hindi ko akalain nasa kabila ng kapalpakan na nagawa ko ay tinanggap parin ako ni Zikie na maging personal maid niya, nakakapag taka pero gusto ko ito, dahil mas mapapabilis ang lahat ng plano ko."Tita Lieh, personal maid na ako ni Zikie ang nag iisang anak ng mga Fyli'eo" natutuwa kung balita kay
"Ms: Shien magtatrabaho ka talaga sa pamilyang Fyli'eo bilang maid?" gulat na tanung saakin ni assistant Lieh. Si assistant Lieh ang matalik na kaibigan ng nanay ko, at assistant niya rin ito tiwala sa kanya ang nanay ko dahil sa husay niya sa trabaho kaya naman nagtitiwala din ako sa kanya.Bilan







