เข้าสู่ระบบSampung taon na ang nakalipas ng mawala lahat ng meron kay Kim Jie Shien, ang pamilya niya, mansyon, hospital, at ang kompanya na itinatag ng mga magulang niya. Sampung taong nag tago at nag panggap na patay si Kim jie Shien ang nag iisang taga-pag mana ng mayamang pamilya para palihim na mag kolekta ng mga ebedensya. Dahil sampung taon na ang lumipas, sikat at pinaka mayaman ang Shien sa buong Capital city, pero dahil sa inggit ay pinasunog ang buong kompanya at maging ang mansyon ng mga Shien ay walang itinira. Si Kim jie Shien na nag-iisang taga pag mana ng Shien ay naging ulila, ang batang dapat ay pinaka mayaman at tinitingala ng lahat ay naging ulila at nagtatago ng katauhan para protektahan ang sarili hanggang sa makahanap na siya ng sapat na ibedensya. Eksaktong sampung taon at ngayun na 20 years old na siya, nasa tamang gulang na para maningil sa mga may utang sa kanya, ang sampung taon niyang pagtatago ay mananatili bilang isang CEO patungo sa pagiging taga bukid. Nag apply siya bilang personal maid sa mansyon ng mga Fyli'eo dahil alam niya ang katutuhanan sa likod ng mga sunog na pumat*y sa kaniyang mga magulang. At ngayun ay oras na para sa kaniyang pag hihigante tapus na ang sampung taong pagtatago at pag takas sa mga eksena, ang kanyang pagpapatay patayan ay tapus na.
ดูเพิ่มเติม"Ms: Shien magtatrabaho ka talaga sa pamilyang Fyli'eo bilang maid?" gulat na tanung saakin ni assistant Lieh.
Si assistant Lieh ang matalik na kaibigan ng nanay ko, at assistant niya rin ito tiwala sa kanya ang nanay ko dahil sa husay niya sa trabaho kaya naman nagtitiwala din ako sa kanya.
Bilang pag alaala sa namayapa kong ina, at bilang pag respeto sa pasya niya.
"Totoo po yon tita Lieh" maikli kung tugon kaya naman napakamot siya sa ulo niya na tila nanggigigil
"Pero ikaw ay anak ng Shien, mayaman at kilalang pamilya sa Los Angeles California USA!, paano mo maatim na magtrabaho bilang maid ng ibang pamilya?" Nag aalala niyang tanung ngunit ngumiti lang ako
"Alam kopo ang ginagawa ko tita Lieh" kampante kung sagot
"Isa kang CEO, at tinuring narin kitang totoong anak, simula ng mawala ang magulang mo, kaya nag aalala ako sa pasya mo ngayun!" tila natataranta niyang wika at guhit sa mukha niya ang takot
"Ako si Kim jie Shien, anak ng dalawang CEO, ang nanay kona si CEO Kim Zia Shien ay matagumpay dito sa bansang kinatatayuan natin, ang nag iisa at unang babae na CEO sa Los Angeles California USA"
"At ang aking ama na si CEO Jie-Oun Shien na nagtayo ng Shien company at matagumpay sa lahat" natahimik ako ng ilang saglit at kumuha ng bwelo para mag salita ulit
"Ay pinatay lang sa sunog!" Sa tingin mopo ba tita Lieh mapapalampas koyon!" At sa wakas nailabas kona naman ang sakit na lagi kung kinikimkim
Lumapit saakin si tita Lieh at puno ng awa niya akong tinignan, hinilot niya ang likod ko para pakalmahin ako, pero hindi ganun kadali ang lahat, subrang sikip sa dibdib kapag naalala ko ang lahat ng nangyari
"Ngayun lumabas narin ang totoo mong pakay, kaya gusto mong magtrabaho sa pamilyang Fyli'eo?, dahil gusto mong mabigyan ng sagot ang mga hinala sa isip mo!"
Tumingin ako kay tita Lieh, at sa bawat kurap ko tila nababasa niya na ang nais kung sabihin.
"Salamat sa pagmamahal at pag alaga saakin tita Lieh, pero sa ngayun oras na para kumilos akong mag isa para sa hustisya ng mga magulang ko" tinapik tapik ni tita Lieh ang balikat ko bago siya muling nag salita
"Alam ko simula noon ay nagbigkas ka ng sumpa, at kung sa tingin mo ay panahon na para maningil, hindi kita hahadlangan, ang akin lang mag ingat ka dahil ikaw nalang ang tanging pag asa ng pamilyang Shien"
Napangiti ako sa Sinabi ni tita Lieh, simula noong mawala ang mga magulang ko, simula noong mamatay sila dahil sa apoy ay si tita Lieh na ang nagtayong ina-inahan ko
"Salamat tita Lieh" maikli kung saad, at ngumiti ng bahagya
"Basta mag ingat ka doon" paalala niya
"Opo, mag iingat ako"
"Kaya moba talagang maging maid!" Natawa ako dahil sa tanung niya
"Oo naman po, kayang kaya ko!, wag kang mag alala tita" masaya kung sagut.
Sa wakas makakapasuk nako sa loob ng yelong mansyon na puno ng mga taong mapag kunwari!
Sampung taon palang ako non! At sampung taon narin ang lumipas ngayun, sampung taon na ang lumipas ng masunog ang pamilya ko kasama ng kompanya at mansyon na pinag hirapan itayo ng mga magulang ko
Kung noon isa lang akong musmos na tanging pag iyak lang ang kayang gawin, ngayun iba na!, walang nakakaalam na ang anak na babae ng mag asawang Shien ay buhay pa, walang may alam na ako ang magiging liyab ng apoy na sinimulan nila.
Hanggang ngayun sariwa pa ang buong pangyayari sa isipan ko, kung paano kaawa awang namatay ang mga magulang ko, ang mga paso ng apoy na tila naging tanda sa aking paghihigante para sa kanila
Ang bawat piraso ng braso nila na halos ay hati na, ay naging tatag ng hustisya na gagawin ko para sa mga gumawa non sa kanila
Ang mga mukha nila na halos hindi na makilala ang naging kilabot ng aking galit, at ang mga apoy na tumapos sa buhay nila ang gagawin kung liyab ng paghihigante.
Sampung taon at sa wakas malapit konang makamit ang hustisya. Nong mangyari ang sunog diko matanggap dahil apat na buhay ng mahahalagang tao ang kinuha saakin
Sa kompanya ay ang buhay ng aking mga magulang, at sa mansyon ay buhay ng aking Lolo at lola, hindi lang basta gusali, hindi lang materyal na bagay kundi
Isang sugat sa puso na kahit mamatay ako ay dala ko parin ang galit sa mga buhay na ninakaw saakin.
Akala ko katapusan kona nong mga oras nayon, pero salamat kay tita Lieh ang assistant ni nanay, lumapit siya at pinalakas ang loob ko, kasabay non sinabi niya saakin ang isang sikreto
Hindi lang sa north Korea kami mayaman, dahil sa south Korea at Los Angeles California USA pag aari din namin halos lahat, sa USA si nanay ang CEO ito ay isa lamang sikreto at hindi alam ng mga kalaban
Kaya matapus lang ilibing ang mga magulang ko ay dinala na ako ni tita Lieh sa kompanya ng aking ina, at sa Los Angeles California USA na kami tumira hanggang sa dumating ang araw na ito!
Ang araw na napag decision konang lumabas at hindi tumago, dahil sila ang dapat mag tago at hindi ako!
Sila ang may utang saakin, kaya dapat lang na sila ang matakot. Ang takot na binigay nila sa mga magulang ko, ang magiging kilabot nila sa pag dating ko.
Noon kinaylangan kopang mag tago para maprotektahan ang sarili ko, pero ngayun ako na mismo ang papasuk sa pugad ng mga kalaban ko. Dahil ang mapanganib na lugar ang tunay na ligtas puntahan.
Wala silang kaalam alam na ang anak ng mga taong pinatay nila ay magsisimula ng maningil, at ang apoy na minsang natupok ay muling liliyab sa pagitan ng mga yelong sikreto sa loob ng pamilyang umangat lang dahil sa pagsunog sa matalik nitong kaibigan, at panahon na para patayin ang yelo at iparamdam ang init ng paghihigante ko.
"May problima ka?, bakit dimo sinabi saakin?, paano kung may mangyari sayo sa pag punta mo mag isa?, alam mobang mapanganib ang Lugar na ito?" Sunod sunod na sambit ni Zikie, diko alam kung nag aalala ba siya o pinagagalitan ako."Bakit ka umiiyak?" Tanung nito saakin, tila nag aalala siya, pero paano ko sasabihin na dahil sa magulang niya kaya ako umiiyak?, paano ko sasabihin na pamilya niya ang dahilan kaya ang pinaka maganda at safety place na ito ay naging bangungut at mapanganib sa tingin ng iba?, paano ko sasabihin lahat ng mga bagay na iyon?. Inalo niya ang likod ko at hinilot hilot, tila pinapagaan niya ang nararamdaman ko, lalo akong naiyak dahil doon, paano nangyayari ang bagay na ito?, ang mga magulang niya demonyo, tapus siya makakita lang ng umiiyak hindi na mapakali?, dugo ba talaga nila ang lalaking nasa harap ko ngayun?."Kung ayaw mong sabihin ang dahilan okay lang naman saakin, iiyak molang yan" nakakahabag na pagka sabi ni Zikie, napaka bait niya talaga, bakit ganu
"Ma, pa, lola, at lolo bumalik na ako, nandito ulit ang batang pasaway noon" wika ko habang dahan dahan na naglalakad sa sira sira naming mansyon, ang dating maganda, magara, malaki, at galante na mansyon, ngayun pangit, madumi, sira sira, at kalawang na ang lahat, pero kahit wala ng itsura kung titignan ang lugar na ito, kabisado ko parin ang bawat sulok kahit naghiwa-hiwalay na.Alam na alam kopa ang parte kung saan kami madalas mag laro ni mommy at daddy, alam kodin ang lugar kung saan ang hapag kainan na sabay sabay naming inuupuan at masayang kumakain, alam kodin ang kwarto ko, ang kwarto ni lolo at lola, at kwarto nila Mom and dad, Alam na alam kopa kung saan ako dumaan para tumakas para makipag laro sa isang lalaki, naaalala ko parin ang bawat sulok.Kung saan masayang ginaganap ang birthday ko, kung saan nagk-kwento saakin si lola ng mga kwentong pambata, kung saan si lolo, tinuturuan akong mag bisiklita, kung saan tinuturaan ako ni mom mag luto, at kung saan busy si dad sa tr
"Ang saya!, ang sayang makita na nag papanic sila!, ang sayang makita ang takot sa mga mata nila!, ang sayang makita ang natataranta nilang galaw Hahahah" para akong baliw habang kausap si tita Lieh Xien sa telepuno. Sa totoo lang ng makita ko ang takot at pagka gulat sa mga mata nila lalo akong natutuwa, dahil kung ang maliit na palabas tulad nito ay hindi na nila makakaya ano pa kaya ang susunod kong plano?, paano pa nila aaksyonan ang mga nagliliyab na planong binubuo palang ng isip ko?."Anak isa kang CEO dito sa Los Angeles California USA, bakit kilangan mong maglikod sa isang pamilya na mas mababa pa ang katayuan saiyo?" Tanung ni tita Lieh. Tama nakuha man nila ang tagumpay at kayamanan na dapat ay saamin, ang katayuan na dapat sa pamilya ko, ninakaw man nila iyon para maging nangunguna subalit ang kayamanan at katayuan nila, hindi pa sapat para ikumpara sa tagumpay at yaman ng pamilya ko sa ibang bansa.Ang yaman ng ina ko sa Los Angeles California USA ay nangunguna hindi lang
"Kim jie samahan mo ako" nagtataka akong tumingin kay Zikie Zye dahil sa sinabi niya. Saan na naman kami pupunta ngayun? Halos hindi na siya pumapasuk sa kompanya parang gusto nalang dito sa mansyon nila para bantayan ako?."Saan po sir?" Tanung ko naman, dahil nagtataka talaga ako kung saan na naman siya pupunta at kilangan pang isama ako. "Birthday ni dad mamaya, syempre kaylangan nating pumunta" maayos naman ang pagkakasabi niya, subalit hindi ko nagustuhan ang tuno dahil galit ako sa tatay niya!."Bakit po tayo sir?" Pagtatanung ko ulit, kunwari ay nagtataka subalit may nabuo ng plano kagabi palang.Alam kung birthday ngayun ni Hiz Khie Fyli'eo, syempre alam yon ng lahat dahil sikat sila at mayaman, yaman na ninakaw sa pamilya ko! Kaya bilang mabait na taong mapag higante ay gusto ko siyang bigyan ng regalo, isang regalo na sigurado akong hindi niya makakalimutan!."Ang dami mo namang tanung!, umayos kana nga doon at tayoy lalakad na" tinatamad na tugon ni sir Zikie saakin."Sir
"Na para bang ikaw pa ang boss saating dalawa?" Dagdag pa nito, feeling ko tuloy sandaling napahiwalay sa katawan ko ang kaluluwa ko dahil sa sigaw nito, huminga ako ng malalim bago sumagot."Papasuk napo sir" magalang kong sagot kahit napapa-snob ako dahil sa kagagawan niya, pwedi naman kasing mag
Hindi ko akalain nasa kabila ng kapalpakan na nagawa ko ay tinanggap parin ako ni Zikie na maging personal maid niya, nakakapag taka pero gusto ko ito, dahil mas mapapabilis ang lahat ng plano ko."Tita Lieh, personal maid na ako ni Zikie ang nag iisang anak ng mga Fyli'eo" natutuwa kung balita kay
"Anong pangalan mo?" Malakas, at walang galang na tanung saakin ng isang matanda, makahulugan niya akong tinignan parang sinusuri niya ako at may pagmamaliit siyang napangisi habang patuloy ang mapanghusga niyang tingin saakin.Sa wari ko ay katiwala siya ng mga Fyli'eo, nasa harap palang kasi ako
"Ms: Shien magtatrabaho ka talaga sa pamilyang Fyli'eo bilang maid?" gulat na tanung saakin ni assistant Lieh. Si assistant Lieh ang matalik na kaibigan ng nanay ko, at assistant niya rin ito tiwala sa kanya ang nanay ko dahil sa husay niya sa trabaho kaya naman nagtitiwala din ako sa kanya.Bilan












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.