Nakakita na siya ng maraming halimbawa ng mga taong nagtagumpay sa sakit na cancer.
"Anak…" Isang mahinang boses ang pumukaw kay Julliane, nagising ang ina nito na nasa kama at mahina suyang tinawag. “Ma, gising ka na pala!" Hinawakan ni Julliane ang kamay ng ina at sumandal sa kanyang harapan upang makita niya ito ng malinaw. "Huwag kang matakot, ang huling hantungan ng lahat ng tao ay kamatayan." Mahinang turan nito na medyo ikinainis niya. “Mama naman wag kang magsalita ng ganyan." Walang ibang masabi si Julliane, hinawakan lang niya ng mahigpit ang kamay nito. "Ang mabait kong anak, kung mamumuhay ka nang maayos, makakaalis ako nang may kapayapaan ng isip." Sabi pa nito ulit kaya napailing na lang ang dalaga. Ayaw niyang makarinig ng mga ganitong salita! Hindi niya nais na mag-isa sa mundo sa hinaharap, tama na yong mag-isa siyang nanirahan sa Amerika ng ilang taon. "Sabihin mo sa akin, humingi ba ng annulment si Ismael sa iyo?" Pag-iiba na lang nito sa usapan at ito pa ang unang tanong ng kanyang ina. “Opo ma, at pinirmahan ko na iyon kaagad.“ Sagot nito sa ina alam ni Julliane na hindi niya ito maitatago dito, kaya umupo ito at kinausap siya nang hayagan. "Okay! Napakabait talaga ng anak ko, why worry about not find someone who loves you? Ang hiwalayan ka ay magiging malaking kawalan niya." Sabi ng ina ni Julliane, hinawakan nito ang mukha ng kanyang anak. Ngumiti si Julliane sa kanyang ina at nagsalita. "Siyempre!" “Tama! Kahit anong oras, kailangan mong harapin ito ng masaya, ha?" Inalo siya ng ina at hinigpitan ang hawak sa kanyang kamay. “Opo mama ko." Masunuring sumang-ayon si Julliane, ngunit alam niya sa kanyang puso na walang napakaraming bagay sa mundo na maaaring harapin nang masaya. Halimbawa, tumalon ang kanyang ama sa gusali dahil sa problema nito, umibig siya sa isang taong hindi niya dapat mahalin, at iiwan siya ng kanyang ina. Matagal nang namatay ang lolo at lola ni Julliane, ang mga magulang ng kanyang ina at lolo at lola at mga magulang naman ng kanyang ama, at ang ilang tinatawag na mga kamag-anak nito ay matagal nang nawalan ng komunikasyon matapos hiwalayan ng kanyang ina ang kanyang ama noon. Nang maglaon, muling nakatulog ang ina ni Julliane, at ang babae ay nanatili sa tabi ng kanyang ina. Makasarili pa niyang ginusto na mabuhay pa ng ilang taon ang kanyang ina, kahit na ito ay hindi magiging pabor sa ina. Takot na takot siya na maiwan siyang mag-isa sa hinaharap. Nakatulog siya sa harap ng higaan ng kanyang ina ng hindi niya namalayan. Ngunit hindi niya inaasahan na makikita niya si Ismael nang maaga siyang nagising kinaumagahan. Naghatid na ang mga staff ng likidong pagkain sa ward. Pinalabas silang dalawa ng ina ni Julliane para mag-usap at uminom na rin ng gamot nito ang ginang. “Natakot ka ba kagabi?“ Tanong ni Ismael sa kanya. Mas matanda ito sa kanya ng limang taon, at parang kuya ang tono ng tanong nito sa kanya. Ngumiti si Julliane sa lalake. "Natakot ako pero maayos na si mama." “Pwede mo akong tawagan at hilingin na samahan kita sa susunod.“ Sabi nito mayamaya. "Maghihiwalay na tayong dalawa Ishmael." Nasabi niya sa lalake. “Napanood ko ang paglaki mo, Julliane..." Bulong nito kaya napatingin ito sa lalake. “Hindi matutuwa si Ate Crissia na malapit ka sa akin. Wala rin siya sa mabuting kalusugan. Mas mabuting siya na lang ang samahan mo.“ Sinabi ito ni Julliane sa lalake at sumulyap sa loob. Pinikit ni Ismael ang kanyang mga dahil sa sinabi ng babae. “Napakabuti talaga ng puso mo Julliane…” Bulong nito na sumilip rin sa loob. “So inaalagaan mo ang nanay ko dahil kay Ate Crissia?" Hindi napigilan na magtanong si Julliane sa lalake. “Legal na asawa kita, at ang pamilya mo ay pamilya ko na rin." Sabi naman ng lalake dito. Naantig pa rin ang puso ni Julliane sa sagot nito, ngunit hindi magtatagal ay mawawalan na rin sila ng koneksyon. Hindi na sila magiging pamilya dahil tanging ang kasal lang nila ang kumukonekta sa bagay na ito. At alam niya na kapag napirmahan nito ang kanilang annulment ay mawawala na iyon. ———— Tumingin si Ismael sa kailaliman ng corridor, at may mga tao na rin na marahil ay bisita ng mga pasyente dito. Tumayo naman si Julliane sa upuan, pero biglang nagdilim ang kanyang paningin. Ibinaba niya ang kanyang mga mata upang tumingin sa kanya. Itinaas ni Julliane ang kanyang ulo at tumingin sa kanya ng malinaw na mga mata. Medyo may distansiya lang sa kanilang dalawa. Dito ay lumabas na ang nurse sa loob at napatingin ito sa kanilang dalawa. “Pwede na kayong pumasok sa loob.“ Sabi nito sa kanila ni Julliane. “Salamat.“ Sabi ni Ismael sa nurse at naunang pumasok sa ward. “Ikaw na lang ang pumasok hindi na ako babalik sa loob.“ Sabi ng babae na ikinakunot ng noo ng lalaki pero agad naman itong napatango. Ayaw ni Julliane na makita niyang muli ang kanyang ina, at ayaw niyang magkunwaring nakikitungo ito sa kanya ng maayos. Kung tatapusin ang isang relasyon, dapat itong wakasan nang buo. Gusto niya yong sinasabi ng iba, na after break up, hindi na sila magko-contact. Nang pumasok si Ismael sa loob ay agad nitong binati ang ginang na nakangiti dito. Pero mayamaya lang ay bumukas ang pinto at pumasok pa rin si Julliane na hindi pa rin natiis ang ina. “Mga anak dapat kahit hiwalay na kayo ay maging mabuti pa rin kayong magkaibigan.“ Sabi ng ginang sa dalawa na ikinakunot noo ng lalaki. Tumingin si Juanita kay Ismael, ang kanyang mga mata ay nagpapakita pa rin ng katalinuhan. "Oo naman po Mama Juanita." Tumingin si Ismael sa ginang at sa kay Julliane na lumapit sa kanya, at ang kanyang puso ay may halong iba't ibang uri ng emosyon. "Mabuti naman at kasama mo siyang lumaki, at hindi mo siya dapat ipahiya kapag nawala ako. Syempre bilang ina, sana matulungan mo pa rin ang anak ko kapag nahihirapan siya." Nagpatuloy si Mama Juanita sa pagsasalita. "Mama! Anong pinagsasabi mo?" Biglang nagalit si Julliane, na para bang ipinapahiwatig na talaga nito ang pag-alis. “I told you that life and death is normal, you have to be calm, otherwise, kung wala na si nanay, anong gagawin mo mag-isa?" Nag-alala si Juanita, nag-aalala na baka hindi makayanan ng kanyang anak, kaya sinadya niya itong sabihin sa harap ni Ismael. Si Julliane, gayunpaman, ay napaluha nang marinig niya ito, at matigas na sinabi. "Hindi ka aalis mama, hindi sa ngayon." Sabi dito ng anak. “Ayoko ring umalis, pero hindi ako papayagan ng Diyos. Dalawang beses akong nagkaroon ng cancer, at maswerte akong nakatakas sa unang pagkakataon. Sa pagkakataong ito..." Tiningnan ni Mama Juanita ang kanyang mga payat na kamay at alam niyang malapit nang magwakas ang kanyang buhay. "Huwag kang mag-alala, pamilya tayo sa lahat ng oras, ako na ang bahala kay Julliane." Mahinang turan ni Ismael sa ginang at biglang hinawakan ni Ismael ang kamay nito. Napaluha naman si Julliane ng tuluyan, at dito ay naramdaman ng babae ang kamay ng lalake na mahigpit na humawak dito.Maagang pumasok si Julliane at Evelyn.Habang magkahawak sila ng kamay papunta sa una nilang klase ay may nakasabay sila na kaklase nila."Evelyn, Julliane libre ba kayo bukas na gabi?" Tanong nito sa kanilang dalawa."Ah, bakit?" Tanong ni Evelyn dito."Birthday ko kasi iimbitahan ko sana kayo, hindi naman magarbo mga kaklase lang din naman natin ang bisita." Sabi nito kaya nagkatinginan sila ni Julliane."Okay, wala naman kaming gagawin pupunta kami." Sabi ni Evelyn kaya napangiti ito at saka na nagpaalam sa amin."Bakit ka pumayag?" Tanong ni Julliane dito kaya tumawa lang si Evelyn."Need lang natin pumunta, ako bahala sa'yo." Sabi ni Evelyn kaya wala nang nagawa pa si Julliane.She's pregnant at kailangan niyang mag-ingat dahil medyo maselan ang ipinagbubuntis niya.Maagang natapos ang klase nila kaya may oras pa naman para bumili sila ng regalo para sa kaklase nila.Kaya nandito sila ngayon ni Evelyn sa mall.Habang naglalakad sila ni Evelyn ay tumunog ang cellphone ni Julliane
Pag-uwi ni Evelyn at Allen mula sa kanilang date ay hindi mapigilan na magtanong agad si Allen kay Julliane.Napailing na lang si Julliane dahil hindi na napigilan ni Evelyn ang bibig at sinabi na pala nito kay Allen na nagdadalang-tao siya."Well, pangatlo ka sa mga nakakaalam." Walang ligoy na sabi ni Mirko kay Allen na parehong ikinatawa ni Julliane at Evelyn.Ang dalawang lalaki ay sabay na napatawa at parehong excited dahil magkakaroon na sila ng pamangkin."Just tell us if you need anything for the baby okay." Biglang sabi ni Allen sa kanya kaya napangiti ng malawak si Julliane dito.Si Evelyn ay napangiti na lang at masayang napatitig sa tatlong masayang nagpapalitan ng opinsyon tungkol sa kung paano nila ipapaalam kay Ismael na magiging ama na ito."Pupusta ako na hihimatayin siya kapag nalaman niya." Sabi ni Allen habang tumatawa.Si Mirko naman ay hindi na kinontra pa ang sinasabi ni Allen dahil tiyak na ito talaga ang mangyayari.Knowing their friend, nakikinita na nila ang
Dalawang buwan na buntis si Julliane, she cannot believe it.The doctor said that she needs a proper rest, may nireseta it9ng vitamins para kanya at para sa kanyang ipinagbubuntis.Kung masaya siya ay higit na mas masaya si Evelyn, hindi pa nga lumalaki ang tiyan niya ay excited na ito na makita ang paglabas ng anak niya.Umuwi sila ni Evelyn mula sa hospital at nagulat sila dahil nasa labas ng kanilang apartment si Mirko at Allen."Anong ginagawa nuyo dito?" Tanong agad ni Evelyn sa dalawang lalaki na agad na pawang nakangiti sa kanilang dalawa."Binibisita kayong dalawa, saan kayo galing?" Tanong ni Allen na agad na hinalikan sa pisngi si Evelyn at saka si Julliane.Si Mirko ay hinalikan siya nito sa noo at niyakap kaya napangiti ng matamis si Julliane."Pumasok na tayo." Sabi ni Evelyn sa kanila na namumula ang pisngi dahil sa paghalik sa pisngi dito ni Allen.Tinago agad ni Evelyn ang dala nitong vitamins na binili nila, at saka naman inasikaso ni Julliane ang dalawang bisita."Ba
Nang makarating sa mall si Julliane ay pumasok siya sa isang cafe at nag-order lang ng chocolate milk.Habang hinihintay niya ang asawa na parating na daw.Nagbukas siya agad ng mensahe dahil may pinadala si Evelyn at mayroon rin galing kay Alvin at kina Mayi.Nangungumusta lang ang mga ito at nami-miss na raw siya ni Mayi at Dina kaya agad siyang napangiti.Nag-reply siya sa mga ito at mensahe naman ni Alvin ang kanyang binasa.He is just asking if she's okay now, o kung maayos ba ang apartment na nalipatan niya, kaya agad siyang nag-reply dito.Ang huling mensahe ay galing kay Evelyn na may halong panunudyo ang mensahe nito.Napailing na lang siya at napangiti dahil alam naman nito na magkasama sila ngayon ni Ismael.Nag-reply na lang siya nito at nagtanong kung anong oras ito eksaktong makakauwi bukas.Dahil sa naging abala siya sa pakikipagpalitan ng mensahe kay Evelyn ay hindi niya namamalayan na may nakaupo na pala sa kanyang harapan."You seen enjoying texting to someone, kaya
Nagising kinaumagahan si Julliane na magaan na naman ang pakiramdam.Pero wala na sa tabi niya si Ismael at nang mapatingin siya sa side table ay may iniwan itong notes para sa kanya.Napangiti si Julliane at agad itong kinuha, binasa niya ito at agad na napangiti.Maagang umalis si Ismael upang umatend ng huling conference at babalik mamayang tanghali.Napangiti na lang siya at agad na kinuha ang cellphone niya at nagpadala ng mensahe dito.Dahil may orientation mamaya sa kanyang eskwelahan ay papasok siya, kaya bumangon na siya at agad na naghanda ng damit at pumasok siya sa banyo.Nang hubarin niya ang kanyang pantulog at napatitig siya sa salamin, mayroong maliliit na tila kagat ng lamok ang nasa d8bdib niya at mayroon din sa kanyang leeg at balikat.She had hickey, at maging sa pababa sa kanyang tyan at puson.Ismael give her this kind of hickey, at wala itong pakialam kaya naman namula nang husto ang kanyang pisngi.Dahil sa naaalala niyang mainit na sandali nila ni Ismael ay la
Si Julliane ang unang nagbaba ng tingin dahil nakangisi na si Ismael ng wala sa loob "Kumain ka na." Sabi ni Ismael sa babaeng namula dahil sa isang advertisement, saka tumalikod at naglakad patungo sa kusina.Nag-agahan sila ng tahimik at dahil na rin abala si Ismael sa kausap nito sa telepono.Trabaho talaga ang pinunta nito dito, at kausap nito ang isa sa mga investor nito."Asawa ko aaalis ako, may meeting ako ngayong umaga. Da tanghali ay kumain tayo sa labas okay susunduin ka ng driver ko." Sabi ni Ismael habang inaayos ang kurbata nito na nakasuot na ito ng suit.Ang tinawag sa kanya ni Ismael ay hindi niya makalimutan.Tumango lang si Julliane at lumapit siya kay Ismael at siya na ang nag-ayos ng kurbata nito."Okay, ako dito lang ipagpapatuloy ko ang pag-aayos ng mga gamit namin." Sabi ni Julliane kay Ismael na tumango lang at hinalikan siya sa noo bago ito tuluyang lumabas ng apartment.Habang maaga pa ay nagsimula na siyang ayusin ang mga gamit sa kanyang kwarto, alas nuwe