LOGINXavier Iglesias"You what? You did what?" gulat kong anas nang marinig ko ang mga sumunod na sinabi ni Yven.Tinapunan ko siya ng tingin ganoon din si Naya na sa mga sandaling iyon ay agad na nagbaba ng tingin. Tumayo ako mula sa kinauupuan kong swivel chair kasunod niyon ay nilapitan ko silang dalawa na prenteng nakaupo sa couch.Napasapo ako sa noo ko habang sinasariwa ang mga narinig ko mula kay Yven.They went to see Iris Vega. Nakipagkita sila sa kanya para lang tanungin ang katotohanan sa likod ng nangyari sa pamilya nito ganoon din ang iba pang kabulastugang ginawa ni Ruan."Anong pumasok sa utak niyo at nagawa niyong pumasok sa teritoryo ng Ruan na 'yon?" galit kong sambit. "Alam niyo ba kung ano ang maaaring mangyari sa oras na naabutan niya kayo roon? Paano kung nandoon pala siya?""She's alone. I checked—""Don't you dare talk when I'm talking, young man!" bulyaw ko kay Yven. "Fuck! S
Third Person's POVIsang malakas na sampal ang tumama sa mukha ni Iris pagbukas niya ng pinto ng kanyang bahay. Agad niyang hinawakan ang kanyang nasampal na mukha at nag-angat ng tingin sa lalaking nasa kanyang harapan.It was Ruan.Pulang-pula ang mukha nito sa sobrang galit. Gigil na gigil ito at kulang na lang ay kaladkarin siya palabas.Napalunok si Iris sa mga sandaling iyon at napaatras mula sa kanyang kinatatayuan. Nanatiling tikom ang kanyang bibig sa mga sandaling iyon habang ramdam niya ang pagtulo ng kanyang mga luha.She had never seen Ruan this angry.Nakakatakot.Nakakapanindig balahibo."I heard every single thing you said, Iris," gigil nitong sambit kasabay ng padabog nitong pagsara ng pinto. "Why did you do that? Siniraan mo 'ko kay Naya. Ano? Hindi pa ba sapat ang mga kabutihang ginawa ko sa 'yo? Hindi pa ba sapat na halos kalahati ng yaman ko ay inilagay ko sa pangalan mo?"She wanted to speak, but she couldn't.Pakiwari niya, kapag nagsalita siya ay makakatikim si
Naya DiazAgad na nabaling ang tingin ko kay Iris matapos kong marinig ang buong pahayag ni Yven sa mga sandaling iyon.Sa puntong iyon ay agad siyang natahimik at hindi kalaunan ay nagbaba ng tingin. Naglaho ang kanina ay matamis na ngiting nakaguhit sa kanyang mga labi at ngayon ay hindi nito magawang makapagsalita.Kunot-noo kong binalingan si Yven.Blangko ang kanyang reaksiyon habang hindi maalis-alis ang pagkakatitig niya kay Iris. Ikinuyom ko na lamang ang mga kamao ko dahil hindi ko magawang kalabitin man lang siya."Hindi na kami magpapaligoy-ligoy pa. Naparito kami dahil gusto naming malaman ang buong katotohanan tungkol sa nangyari sa mga magulang mo. We heard that they got in an accident a month before you married Ruan Alivar."Maging ako ay nagulat sa sinabing iyon ni Yven.Plano ko sana na ako ang magtanong sa kanya tungkol sa bagay na iyon pero ang loko, naunahan na ako.Ilang saglit pa ay muling nag-angat ng tingin sa amin si Iris. Ngumiti siya ngunit hindi iyon tulad
Naya DiazPakiramdam ko ay mauubusan na ako ng laway dahil sa panay na paglunok ko sa mga sandaling iyon.Right at this moment, nandito na kami ngayon papasok sa loob ng bahay ni Iris.Kung tutuusin, hindi namin akalain ni Yven na papapasukin niya kami kaagad. I was expecting her to doubt us and maybe, wala siyang tiwala sa amin dahil hindi niya kami kilala. O di kaya naman, sinabihan siya ni Ruan na huwag siyang magpapapasok ng kahit na sino na hindi niya kilala.But it turns out, maluwag niya kaming pinapasok sa loob ng bahay niya."Maupo muna kayo rito," nakangiti niyang sambit. "Naku, pagpasensyahan niyo na ha! Medyo magulo ngayon ang bahay ko. Bumisita kasi rito ang pinsan ko kasama ang mga anak niya."Si Yven ang sumagot. "Wala problema, Ms. Iris. Biglaan lang din naman ang punta namin dito.""Iris na lang," nakangiti niyang anas at humarap sa amin. "Masyado naman kayong pormal. Siyangapala, anong gustong pagkain o maiinom? Ipaghahanda ko kayo. Do you want coffee, juice, biscuits
Naya DiazHindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko sa mga sandaling iyon.Hindi lamang si Yven kundi maging ako ay takang-taka sa sarili ko kung bakit naisipan kong puntahan si Iris Vega.Yes.Sa puntong ito ay papunta kami sa tinitirahan ng asawa ni Ruan. Walang kasiguraduhan kung ligtas ba ang lugar na iyon mula kay Ruan, pero gusto ko lang makasigurado.Kagabi pa ako hindi mapakali nang marinig ko ang tungkol sa nangyari sa pamilya ni Iris. Noong una, panatag ang loob ko nang marinig ko mula kay Yven na walang kinalaman si Ruan sa nangyari sa mga magulang ng asawa nito.But when I heard the truth from Xavier, parang bigla akong kinabahan."Are you sure about this?" basag ng katahimikan ni Yven. "Paano kung malaman ni Ruan na nagpunta tayo doon? O di kaya paano pala kung nandoon siya? Isa pa, wala namang kasiguraduhan kung papapasukin ba tayo ng babaeng 'yon.""Let's just try, okay?" anas ko. "Wala namang masama
Xavier IglesiasAgad akong tumigil sa ginagawa ko dahil hindi ko alam kung paano ako makakapag-concentrate. Kanina pa ako hindi mapakali at panay ang kaiisip tungkol sa pagkikita nina Naya at Corazon.She told me that I don't have to worry about everything. Sang-ayon din ako dahil nandoon naman at kasama niya si Yven. Sigurado ako na hindi siya pababayaan ng pinsan kong iyon at hindi papayag ang lalaking iyon na basta na lang lait-laitin si Naya.First thing in the morning, we talked about my wife's stepmother.Nang malaman niya ang tungkol sa pinaggagagawa ng Corazon na iyon noon kay Naya, kulang na lang na ibato niya sa pader ang hawak niyang mug ng kape. We had the same reaction, actually.Hindi ko rin siya masisisi.Pero kahit ganoon pa man, gusto ko pa ring masigurado ang kapakanan ng asawa ko. I want to go with her and face that woman. Gusto kong ako mismo ang magsabi sa kanya ng mga bagay na dapat noon pa man ay sinabi ko na.
Naya Diaz"Xavier!" Sebastian exclaimed. "Anong-""Anong ginagawa ko rito?" malamig na tugon ni Xavier at naglakad patungo sa pwesto namin. "This is my office. Ano pa bang rason kung bakit ako nandito? How about you? What are you doing here when everyone else is outside?"Pagak na natawa si Sebasti
Naya DiazLabinlimang minuto na ang nakalipas simula nang huli kaming mag-usap ni Xavier. Matapos niya akong iwanan at talikuran sa kanyang opisina, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagpaparamdam. Nakailang text at tawag na ako sa kanya ngunit hindi niya sinasagot ang mga iyon.Nilibot ko na ri
Xavier IglesiasNanatili akong walang imik sa narinig kong iyon mula kay Naya.Hindi nagtagal ay tumayo ako mula sa kinauupuan ko at napahilamos sa mukha ko. Napakamot ako sa batok ko kasunod niyon ay muli ko siyang binalingan ng tingin. Gustuhin ko mang magsalita sa mga sandaling iyon ay hindi ko
Naya DiazIlang taon na ang nakalipas ngunit hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa alaala ko ang nangyari nang gabing iyon. I was still a college student back then. Tahimik lamang ako sa apat na sulok ng opisina ng CEO habang inaasikaso ang mga papeles na kailangan niyang pirmahan bukas.Tuwang-tuwa







