Naya Diaz"Ano? Kamusta ka na, Naya?" bati sa akin ni Winnie, ang assistant ni Mr. Alejo ng Dreamland Toys Corporation. "Ang tagal din nating hindi nagkita. Sa tingin ko ay umabot yata ng tatlong buwan o mahigit pa."Tumango ako. "Oo nga. Pero may bago pa ba? Alam naman nating masyadong hectic ang schedule ng mga boss natin. Dagdag pa roon ang mga trabaho nila na kung minsan ay hindi na nila natatapos at tayo ang gagawa."Sumabat si Karyle, ang branch manager ng GRY Entertainment at assistant ni Mrs. Victoria."Hindi naman sa nagrereklamo pero kung gaano karami ang trabaho ng mga boss natin ay ganoon din yata karami ang trabaho natin." Sumipsip siya ng kanyang iniinom. "It's as if we're the one running the company instead of them."Natawa na lamang kami sa komentong iyon ni Karyle.Well, may punto naman siya.Kung tutuusin, sa isang linggo ay isang araw lang yata ako nagkakaroon ng pahinga sa lahat ng mga gawain. Minsan kasi ay depende rin kay Xavier – sa kanyang mood at sa kung ano a
Xavier IglesiasI might act like everything's fine, but I'm not. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko nang marinig ko mula kay Naya na may gusto sa kanya si Victor. Gustuhin ko mang ilabas ang inis ko nang mga sandaling iyon ay pinigilan ko lamang ang sarili ko. Victor and I had been friends for almost a decade. Pero kahit gaano pa man katindi o katagal ang pagkakaibigang mayroon kami ay mas pipiliin ko pa rin si Naya kaysa sa kanya. He never once told me that he likes her. At ang malaking katanungan ko ay kung bakit hindi niya sinabi sa akin? Bakit niya itinago sa akin ang tungkol doon?Umiling ako at itinungga ang kaunting wine na natira sa wine glass ko. "Xavier," tawag sa akin ni Mr. Urbano na ikinaangat ko sa kanya ng tingin. "Pupunta ba rito ang mga magulang mo? Balita ko ay inimbitahan din sila sa okasyon na 'to."Sumabat si Mrs. Garcia at natawa. "Well, meron bang okasyon na hindi imbitado ang mga Iglesias? As far as I know, bago tayo imbitahan sa kung ano mang klas
Naya DiazBago pa man mag-alas kuatro ay nakarating na rin kami sa event place ng XEO Group's annual celebration. Sa puntong iyon ay halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Am I being nervous? Am I feeling anxious? Matutuwa ba ako o matutulala?Kung tutuusin ay wala namang kaso sa akin ang pagpunta sa mga ganitong klaseng social gatherings. Sure, I hate going to these kind of events pero hindi naman ibig sabihin niyon na hindi ako sanay at takot akong makiharap sa mga tao. Actually, nasanay na ako noong high school at noong college. I was one of the organizers sa mga events namin noon. Palagi akong present lalo na pagdating sa mga naglalakihang event na ginaganap sa university. But right at this moment, hindi ang pagpunta ko rito ang inaalala ko kundi si Victor. He's already here, I could feel it. At kapag nagkita kami ay paniguradong tatanungin niya akong muli sa naging tanong niya sa akin kanina. Tanda ko pa ang sinabi niya na hihintayin niya ang magiging sagot ko at kung sakali
Xavier IglesiasIsang matamis na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko habang nakatuon ang tingin ko kay Naya sa mga sandaling iyon. Hindi pa man natatapos ang pag-aayos sa kanya at hindi ko pa man nakikita ang buong resulta niyon ay hindi na mapakali ang sistema ko sa makikita ko. Napailing ako kasunod niyon ay ang paghugot ko ng isang malalim na hininga. I couldn't believe na ang babaeng hinahangad ko lamang noon ay asawa ko na ngayon. Bagamat magda-dalawang linggo pa lamang kaming kasal, pakiramdam ko ay umabot na kami ng ilang buwan o isang taon. Sa puntong iyon ay wala akong gustong gawin kundi ang lapitan siya at yakapin. Halikan habang titig na titig sa kanya sa kalagitnaan ng pag-aayos sa kanya. Pero sa ngayon ay kailangan ko munang magtiis at pigilan ang sarili ko. Kaya naman sa mga sandaling iyon ay tumayo ako mula sa kinauupuan ko at nagtungo sa mini kitchen ng opisina ko upang kumuha ng maiinom. Pero hindi pa man ako nakakatagal doon ay natigil ako nang marinig ko ang usapa
Hello guys! Author here. Gusto ko lang magpasalamat sa pagsubaybay ninyo sa kwento nina Naya at Xavier. Sana ay patuloy pa ninyong suportahan ang librong ito (hanggang dulo).Sa mga subscribers ko at sa mga darating pang subscribers, mahal ko kayo. I hope na hindi lang ito ang librong suportahan ninyo kundi maging ang isa ko pang libro at siyempre sa mga susunod pa.Aishitemasu
Naya Diaz"This is a good speech, Ms. Diaz," nakangiting anas ni Xavier. "Saktong-sakto 'to para sa theme ng event ng XOE Group. It seems like you've done your research so well this time. Good job."Nginitian ko siya. "Of course, ayaw ko naman hong mapahiya kayo lalo na at malaking pangalan ang dinadala ninyo. Besides, maraming tao mamaya - hindi lang mga ordinaryo kundi mga naglalakihang mga businessmen.""You're right." Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan. "Paniguradong walang hindi mapupuna ang mga 'yon. I'm just thankful that I've chose you as my assistant. Hindi ako nagkamali ng desisyon kahit pa marami ang tutol doon."Hindi ako sumagot bagkus ay nginitian ko lamang siya. Matapos niyon ay nagbaling ako ng tingin sa orasan.It's already 3:30 in the afternoon. Ilang minuto nalang at darating na ang mag-aayos sa akin para sa pupuntahan naming event mamaya. Isang malalim na buntung-hininga ang pinawalan ko sa mga sandaling iyon. Nandito na naman ako sa punto na naglalaban ang i