Naya Diaz
"Gusto mo ulit itago ang relasyong meron tayo?" kunot-noong sambit ni Xavier. "Seryoso ka ba? Sa anong rason?" Humugot ako ng isang malalim na hininga. "Gusto ko munang harapin ang sarili ko. Alam mong may mga pangarap ako na hindi ko nagawang tuparin dahil sa kagustuhan ng pamilya ko, hindi ba? Iyon ang gusto kong gawin ngayon." Bumangon siya mula sa pagkakahiga sabay dampot ng kanyang boxer shorts sa sahig. Isinuot niya iyon at hindi kalaunan ay napahilamos sa kanyang mukha na humarap sa akin. "Alam ko 'yon at naiintindihan ko kung ano ang pinanggagalingan mo, Naya," tugon niya. "Pero sawang-sawa na ako sa pagtatago natin sa publiko. Gustong-gusto na kitang ipakilala sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko at sa mga taong malapit sa 'kin. Ikaw? Hindi ka ba nagsasawa?" Natigil ako sa sinabi niyang iyon. Gusto niya akong ipakilala sa pamilya niya? Lihim akong napangiti sa mga sandaling iyon. Bagamat gusto ko rin na mangyari iyon ay kailangan ko muna ng kaunting panahon para sa sarili ko. Masyado akong nakulong ng pamilya ko sa kagustuhan nila para sa akin. Ang tagal kong nagtiis at naghirap. I want to make it up to myself. "Look, I'm sorry kung sa tingin mo ay napakamakasarili ko." Umupo siya sa tabi ko. "But I'm tired of this shit! Pagod na 'ko sa mga babaeng panay ang lapit sa 'kin at panay ang tanong sa 'kin kung 'available' ba 'ko...sa kama." Umangat ang dalawang kilay ko sa sinabi niyang iyon. "Seriously? Tinatanong din nila sa 'yo 'yon? Ang akala ko ba-" "Oh, come on!" bulalas niya at muli ay tumayo. "See? This is what I'm talking about. Alam mong panay ang lapit sa 'kin ng mga babaeng 'yon pero wala ka man lang ginagawa." "Ano bang gusto mong gawin ko?" tanong ko na ikinatitig niya sa akin. "Gusto mo bang sugurin ko sila at paghahampasin? Gusto mo bang sabunutan ko sila? Gusto mo bang ipagkalat ko sa lahat na ako ang asawa ni Mr. Xavier Iglesias?" Hindi siya umimik bagkus ay nakita ko ang pagguhit ng matamis na ngiti sa kanyang mga labi. Napakameywang siyang humarap sa akin. "Say that again," tiim-bagang niyang sambit. "Ang alin?" "Iyong huling sinabi mo. I want to hear it." Tumikhim ako kasunod niyon ay umupo ako ng maayos. "Asawa ako ni Mr. Xavier Iglesias." Matapos kong sabihin iyon ay dali-dali niya akong nilapitan. Hindi kalaunan ay hinawakan niya ang pisngi ko kasunod niyon ay ang mapusok niyang paghalik sa akin. Napahiga ako habang siya ay muling umibabaw sa akin. "Please?" anas ko nang kumalas siya. "Hayaan mo muna ako. Tutal naman at mag-asawa na tayo, kahit ano namang pagtatago natin ng relasyon natin sa publiko ay sa 'yo at sa 'yo pa rin ako uuwi. Ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko." Humugot siya ng isang malalim na hininga at siniil ako ng mariing halik sa labi. He caressed my cheeks. "Fine," kunot-noo niyang sambit at humiga sa tabi ko. "Pero ginagawa ko lang 'to dahil mahal kita at naiintindihan kita. Are we clear?" "Thank you, Xavier. I love you." "I love you." Hinalikan niya ako sa noo. "Pero kung matapos mo na ang gusto mong gawin para sa sarili mo, sana naman ay tuparin mo na rin ang gusto ko para sa 'ting dalawa." Tumango ako. "I will. Hindi ko ipagsasawalang-bahala ang tungkol sa ating dalawa. After I pursue my own goal, I'll be the wife that you want and need. I promise." "Hihintayin ko 'yan." Ngiti niya. Buong buhay ko ay wala akong naging ibang kakampi kundi ang sarili ko. Ang mga kapatid ko naman ay kampi sa pamilya namin na walang ibang inatupag kundi ang kutyain ako. Four years ago, nakilala ko si Xavier nang mga panahong lubog na lubog ako. Siya ang CEO ng kompanyang pinagtatrabahuan ko. Sobrang strikto, may pagkabastos, arogante at sobrang lamig ng pakikitungo sa halos lahat ng mga empleyado. Nagawa na rin niya akong pagtaasan ng boses at pagalitan ng paulit-ulit. Pero dahil sanay na ako sa ganoon ay tinatawanan ko na lang siya. Pinakikinggan ko ang mga sinasabi niya tapos ilalabas ko naman sa kabilang tainga. Sa bawat pambabato niya sa akin ng kung ano-anong pagmamaliit ay hindi ko alintana iyon bagkus ay sinasagot ko pa nga siya. Mabuti na nga lang at hindi niya ako tinanggal sa trabaho. Siguro ay gustong-gusto rin niya akong makasagutan dahil sa lahat ng empleyado ay ako lang ang ganoon. O maaari rin naman na nang mga panahon na iyon ay nahuhumaling na rin siya sa akin. "Bakit nakasimangot ka?" tanong ko kay Xavier nang makita ko siyang nag-aayos ng kanyang sarili sa salamin. "May problema? Meron ka na naman bang kaaway sa opisina?" "Ikaw!" Sinamaan niya ako ng tingin. "Ako?" "Kung bakit ba naman kasi kailangan pa nating gawin ang gusto mo? Hindi ba pwedeng gawin natin 'yong gusto ko?" Natawa ako sabay yakap sa likuran niya. "Mr. Iglesias, kung sa opisina ay ikaw ang sinusunod ko. Dito sa bahay ay ako ang susundin mo. Remember that." Naningkit ang mga mata niyang pinukulan ako ng tingin. Hindi kalaunan ay humarap siya sa akin. Habang unti-unti siyang naglalakad palapit sa akin ay siya namang agad kong pag-atras at mabilis pa sa alas-kuatro siyang tinakbuhan. "Come back here, Mrs. Iglesias," bulalas niya sabay habol sa akin.Xavier Iglesias"Sa tingin mo. Anong type ni Ms. Naya sa isang lalaki?" anas ni Ruan na ikinabaling ko ng tingin sa kanya. "I know, I'm a good-looking man. Pero ayaw ko namang mag-assume na magugustuhan niya kaagad ako dahil lang sa kagwapuhan ko."Mabuti na lamang at hindi ako umiinom o kumakain sa mga sandaling iyon. Panigurado kasi na baka naibuga ko sa kanya ng wala sa oras ang laman ng bunganga ko.Umiling ako at salubong ang kilay kong tinapunan siya ng tingin."Mukhang masyado ka naman yatang panatag sa pagmumukhang meron ka!" sarkastiko kong sambit. "Remember, hindi pare-pareho ang mga babae. Kung ang gusto ng iba ay kagwapuhan at kakisigan, ang iba naman ay pera ang habol. But most of them wants peace and a man that could be their lifetime partner."Umangat ang dalawang kilay niya kasunod niyon ay ang pagguhit ng nakakalokong-ngiti sa kanyang mga labi.Umayos siya ng upo sabay bitaw sa hawak niyang wine glass."Ang sakit mo namang magsalita!" Hagalpak niya pero hindi rin nagt
Naya Diaz"Bakit gusto mo 'kong makausap?" tanong ko kay Victor habang naglalakad-lakad kami sa may garden. "Gusto mo bang marinig ang sagot ko sa tanong mo sa 'kin kanina? Are you waiting for my answer if I'm willing to go on a date with you?"Nahinto siya sa kanyang paglalakad.Bahagya siyang natigil ngunit hindi rin naman kalaunan ay humarap sa akin.Nginitian niya ako bago sumagot. "Yeah, I want to hear your answer. Pero gusto ko lang ding ipaalam sa 'yo na kahit na hindi ka pumayag ay hindi pa rin ako titigil na ayain kang lumabas.""Wow!" bulalas ko. "Mr. Xavier's right. Determinado kang tao."Bahagya siyang natawa at naglakad patungo sa bench mula sa di kalayuan.Sumunod ako sa kanya habang hinihintay kung ano ang susunod niyang sasabihin.He took a deep breath. "Ang totoo niyan ay hindi lang naman ang tungkol sa sagot mo ang gusto kong marinig. I want to talk to you about something. Bukod pa roon ay marami rin akong gustong tanungin sa 'yo."Hindi nagtagal ay pareho kaming umu
Xavier IglesiasMatapos ang ilang minutong pagkukwentuhan namin ng mga kasamahan ko ay napagpasyahan nilang lisanin ang table.Tapos na ang kainan at sa puntong iyon ay oras na para sa pinakasinasabikan nilang sandali – ang sumayaw sa dance floor. Lihim na lamang akong napapailing sa tinuran nila kung saan halos lahat sa kanila ay excited sa mga sandaling iyon.Lalong-lalo na sina Mrs. Victoria at Mr. Alejo na siyang palaging dance partner pagdating sa mga ganitong klaseng okasyon.Mabuti na nga lang at hindi naghihinala ang mga asawa nila sa kung paano sila ka-close sa isa't-isa. I guess, tiwala ang kani-kanilang mga asawa na hindi sisirain ng mga ito ang relasyong mayroon sila.I want that kind of relationship.Ngunit sa kalagitnaan ng pagiging abala ko sa pagtanaw sa kanila mula sa dance floor ay naputol iyon nang marinig kong magsalita si Ruan.I'm not actually surprised that he's still here.Sigurado lang naman ako na hinihintay nito ang pagbabalik ni Naya."Mabuti naman at napag
Naya Diaz"Is there any chance that I've seen you before?" tanong ni Ruan na ikinahinto ko sa pagkain ko. "Para kasing nakita na kita dati, hindi ko lang alam kung saan o kung kailan."Pinunasan ko muna ang labi ko ng table napkin bago siya sagutin."I don't think so, Mr. Ruan. Baka ho ibang tao ang nakita niyo o baka kamukha ko lang," sagot ko.Naningkit ang mga mata niyang tinapunan ako ng tingin."Ewan ko lang. Para kasing hindi," aniya na hindi maalis-alis ang pagkakatitig niya sa akin. "Hindi ako pwedeng magkamali. Matalas pa ang memorya ko at kung tutuusin ay madali kong matandaan ang mga taong nakakasalamuha ko."Tumango ako. "Maybe, we did meet. Pero kung sakali man ay baka ilang taon na rin ang nagdaan."Hindi siya sumagot bagkus ay nginitian lamang niya ako.Matapos ang usapang iyon ay nagsimula na rin siyang kumain habang ako naman ay muli kong ipinagpatuloy ang kinakain ko. Hindi tulad kanina na halos hindi maipinta ang kanyang mukha, ngayon naman ay pansin ko ang pagguhit
Xavier IglesiasMatapos ang isa at kalahating oras ay natapos na rin ang speech ni Mr. Enrique ganoon din ang ilan sa mga programa ng event na iyon.Mula sa table namin ay tanaw ko siyang agad na bumaba ng platform at nagtungo sa table kung saan nakapwesto ang dalawang anak nito ganoon din ang asawa nito.Sa mga sandaling iyon ay napuno ng masigabong palakpakan ang event hall at muli ay nabasag ang nakakabinging katahimikan. Bukod kasi sa pagtatapos ng kanyang speech ay idineklara na rin ng host ang pagsisimula ng kainan.Natatawa na lamang ako sa naririnig kong kwentuhan ng mga kasamahan namin sa table – especially Mr. Alejo, Mr. Urbano and Mrs. Garcia. Hindi raw sila nagtanghalian para lamang mabigyan ng space ang kakainin nila sa kanilang sikmura ngayong gabi.Maya-maya ay binalingan ko ng tingin si Naya na sa mga sandaling iyon ay nakatuon ang tingin sa mga pagkaing nakahain sa lamesa.Lihim akong napangiti sa tinuran niyang iyon.Kung nasa bahay kami o kung kaming dalawa lang ang
Naya DiazNagdaan pa ang ilang minuto ay tuluyan na ring nagsimula ang event. Ang kaninang maingay na kwentuhan at hagalpakan sa bawat table ay tuluyan na ring humupa at napalitan ng katahimikan. Bukod pa roon ay nagsimula na ring magsalita ang host ng gabing iyon.The light around the event hall was dimmed.At ang tanging ilaw lamang na natira roon ay ang ilaw na nakapwesto sa platform.Halos lahat sa amin ay nakatuon ang tingin at atensyon sa harap – nakikinig sa host habang ipinapakilala nito ang may-ari ng XEO Group. Ngunit sa kalagitnaan naman ng mga sandaling iyon ay pansin ko sa gilid ng mga mata ko ang panay na pagbaling ng tingin sa akin ni Xavier.Kung tutuusin ay kanina pa nga iyon habang nakikipag-usap ako kay Mrs. Victoria at sa iba pa niyang mga kasamahan sa kanilang table.Pasulyap-sulyap siya sa akin habang tila ba pinapanatili niyang kalmado ang kanyang sarili.Maya-maya ay sumandal ako sa kinauupuan ko at binalingan siya ng tingin. He did the same thing kung saan ay