Mag-log in(Four years ago)
Xavier Iglesias Isang malalim na buntung-hininga ang pinawalan ko pagsandal ko sa swivel chair ko. Agad akong pumikit kasunod niyon ay ninamnam ang katahimikang namamayani sa loob ng opisina ko. Halos inabot na ng isang linggo ang pagiging abala ko sa pag-aayos ng mga dapat asikasuhing papeles dito sa opisina. Ang dami kong inayos na problema at tila ba sa akin lahat ibinigay ang mga trabaho na hindi naman ako dapat ang gumagawa. Hindi kalaunan ay iminulat ko ang mga mata ko. It's 4:30 pm. Oras na nang uwian pero heto ako at mayroon pang kailangang habuling deadline kinabukasan. Maya-maya ay napagpasyahan kong tumayo muna mula sa kinauupuan ko. Kailangan ko ring maglakad-lakad at alamin kung nagtatrabaho ba o nagtsi-tsismisan ang mga empleyado namin dito sa kompanya. Sa pagbukas ko ng opisina ko ay agad akong naglakad patungo sa employee's workplace. Ngunit hindi pa man ako nakakalayo ng ilang hakbang ay nahinto ako nang mapansin kong wala ang assistant ko sa desk niya. Inaasahan ko na nasa ilalim siya ng kanyang desk tulad ng ginawa niya last time. But she's not there. I went to the work cafe knowing that she loves to drink coffee while working. Pero wala rin siya roon. "Excuse me," anas ko na ikinaangat ng tingin sa akin ng empleyado. "Have you seen Naya? Hinahanap ko siya but I couldn't find her." Marahang umiling ito. "No, sir. Hindi ho namin siya nakita." "Si Jasmine," sabat ng isa. "Baka ho nakita niya. Sila naman palagi ang magkasama." Hindi ako sumagot bagkus ay tinalikuran ko sila at tinungo nga ang kaibigan nitong si Jasmine. Bago pa man ako tuluyang makalapit sa cubicle nito ay inihinto nito ang ginagawa nito at tumayo. "Good afternoon, sir," bati niya sa akin na ikinatango ko lang. "Hinahanap niyo ba si Naya?" "Oo," mabilis kong sagot. "Have you seen her? Hinanap ko siya sa kung saan-saan pero hindi ko siya makita. Lumabas ba siya? May pinuntahan? Bakit hindi man lang niya magawang magpaalam sa 'kin? Sa boss niya." Hindi siya umimik. Ngunit akmang magsasalita na siya ay saka naman ako natigil nang matanaw ko ang pagbukas ng elevator mula sa di kalayuan. Isang babae ang dali-daling naglakad palabas doon. Nakayuko ito habang panay ang punas nito ng mga mata nito. "That's Naya, Mr. CEO," anas ng isang empleyado. "She's probably..." Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya at agad kong sinundan si Naya kung saan ay dumiretso ito sa kanyang desk. Nang tuluyan na akong makarating doon ay napameywang ako sa harap niya at kunot-noo siyang pinukulan ng tingin. "Where have you been?" tiim-bagang kong sambit. "Kanina pa kita hinahanap pero hindi kita makita. Saan bang lupalop ka nagpupupunta? Ni magpaalam ay hindi mo magawa. Where are your manners?" Tumikhim siya. Inabot ang isang minuto bago siya tuluyang magsalita. "Meron lang ho akong...inasikaso tungkol sa pamilya ko. Sorry ho kung hindi ho ako nakapagpaalam at kung natagalan ako. Hindi ko ho kasi inaasahan na bibisita sila rito," sagot niya. Bagamat nagsalita ay nanatili pa rin siyang nakayuko sa mga sandaling iyon. Maya-maya ay naglakad ako patungo sa harap ng kanyang desk kasabay ng pagtungkod ko ng mga kamay ko roon. Hinarap ko siya at mataman ko siyang pinukulan ng tingin. "You know, I don't like it kapag ang isang tao ay nakikipag-usap sa 'kin pero ang mata niya ay nakatingin sa ibang direksyon. Hindi ba't nilinaw ko na sa inyo ang tungkol dyan?" pahayag ko. Tumango siya. "Then look at me when I'm talking to you," pagpapatuloy ko. Napabuga siya ng hangin. Hindi kalaunan ay muli niyang pinunasan ang kanyang mga mata gamit ang kanyang panyo. Not long later after that, inangat niya ang kanyang mukha. Natigil ako nang makita ko ang namumugto niyang mga mata ganoon din ang pamumula ng kanyang magkabilang pisngi. Naglaho ang pagsasalubong ng dalawang kilay ko at agad iyong napalitan ng pag-aalala. "What happened?" tanong ko. "Bakit ka umiiyak?" Umiling siya at bahagyang natawa. A forced smile. "Wala ho 'to, sir." Muli ay umiwas siya ng tingin. "Siyangapala, bakit niyo ho ako hinahanap? Meron ho ba kayong kailangan? Ay, tapos ko na ho pala 'yong pina-print niyo sa 'kin na files na ipinasa niyo sa 'kin kanina na nanggaling sa HR." She hand me the blue folder. Ngunit imbes na kunin iyon ay nanatili ako sa kinatatayuan ko habang mataman ko siyang pinagmamasdan. "Tell me about it," wika ko. "Sir?" Umangat ang kanyang dalawang kilay. "Tell you about what? About the report?" Umiling ako. Hindi kalaunan ay walang isang salita ko siyang hinila patungo sa loob ng opisina ko. Agad kong isinara at ini-lock iyon. Matapos niyon ay pinaupo ko siya sa couch at agad naman akong umupo sa tabi niya. "Alam kong may problema ka. Sabihin mo sa 'kin," basag ko ng katahimikan. "At sinisigurado ko na hindi ka makaalis sa opisinang ito hangga't hindi mo sinasabi sa 'kin ang tungkol sa problemang 'yan. Now, tell me...everything." Pagak siyang natawa at taka akong tinapunan ng tingin. "I'm not going to tell you my problem." Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan. "This is personal. Mabuti sana kung-" Naputol ang kanyang sasabihin nang agad ko siyang hinila pabalik sa kanyang pagkakaupo. Ngunit ang masaklap ay nawalan siya ng balanse kung kaya't napaupo siya sa kandungan ko. "Tell me or you won't be able to get out of this office without your lipstick ruined," sambit ko at sinalubong ang kanyang mga tingin.Naya DiazSa paglabas ko mula sa banyo matapos kong mag-shower ay natigil ako nang muling mahagilap ng mga mata ko ang night dress na nakapatong sa kama.Nang ibigay iyon sa akin kanina ni tita Celine, Xavier's mother, ay agad na namilog ang mga mata ko. I have seen night dresses before, but not like this. Hindi ko pa man naisusuot iyon ngunit unang tingin ko palang doon ay hindi iyon ang klase ng damit na pasok sa panlasa ko.Aside from it looks expensive, mukhang hindi ako tatantanan ni Xavier buong gabi kapag nakita niyang suot ko iyon.Napalunok ako sa ideyang iyon at mabilis na napailing.Kung meron lang akong mapagpipilian, there's no way na isusuot ko ang damit na ito. Pero bukod sa ayaw kong magalit o magtampo sa akin si tita Celine, hindi ako komportableng matulog na ang suot ko ay ang pang-opisinang damit ko.Matapos kong magpunas ng buhok ko ay muli akong bumalik sa banyo bitbit ang night dress na iyon. Right after I closed the door, tinanggal ko ang twalyang nakatakip sa b
Xavier Iglesias"It's good to see you here," bungad na bati ni Mom kay Naya sabay yakap dito. "Is everything's all right? Wala naman bang naging problema? Anyway, nabanggit sa 'kin Xavier na inaya ka raw niyang kumain ng dinner. Kamusta ang pagkain doon? Ayos lang ba? I hope hindi ka pa busog dahil naghanda ako ng dessert…"Umangat ang kilay ko sa inastang iyon ni Mom.Ang akala ko ba ay gusto niya akong umuwi ng bahay dahil gusto niya akong makausap? It turned out na parang dahilan lang niya iyon.Umiling ako at humugot ng isang malalim na buntung-hininga. Hindi kalaunan ay nagtungo ako sa living room at umupo roon. Sa pagsandal ko roon ay pumikit ako at dinamdam ang katahimikan.Walang kung anong katok na ang isasalubong lang naman sa akin ay problema.Walang biglang tatawag sa akin para sabihan ako na kailangan kong um-attend ng seminar o meeting.At wala ring email na kailangan kong sagutin matapos mai-send sa akin.Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko sa mga sandalin
Naya DiazTen minutes after naming kumain sa restaurant kung saan ako dinala ni Xavier ay agad na rin kaming umalis.He insists on staying just for a little while and eat some dessert. Kung tutuusin ay gusto ko rin iyon lalo na at matagal-tagal na rin simula nang magkaroon kami ng bonding na mag-asawa.Sa kasamaang palad ay alas-diyes na nang gabi. I texted Xavier's mom a while ago and let her know that her son is going home tonight. Sinabi rin sa akin ni Mrs. Iglesias na hihintayin nila ng kanyang asawa si Xavier bago pa man sila matulog.Bukod pa roon ay ayos lang din daw na maghintay sila lalo na at nandoon ang kanilang pamangkin na siyang papalit sa pwesto ko bilang personal assistant ni Xavier.Maya-maya ay natigil ako sa paghihikab nang mapansin kong nilagpasan ni Xavier ang daan patungo sa apartment ko. Mabilis pa sa alas-kuatro ko siyang binalingan ng tingin."Did you forgot something?" basag ko ng katahimikan na saglit niyang ikinat
Xavier Iglesias"Sigurado ka ba talaga sa desisyon mong 'yan?" tanong ni Sebastian matapos naming sumakay sa elevator. "If she got that position, ano nalang ang sasabihin ni Irene lalo na ng mga iba pang empleyado?"Isang malalim na buntung-hininga ang pinawalan ko."I don't care what they say," blangko ang reaksiyon kong anas. "As for that, Ms. Irene, I put her in a position where she couldn't hurt Naya in any other way. Kung gawin niya ulit 'yong ginawa niya kanina, I'll fire her immediately."Pagak na natawa si Sebastian na ikinatigil ko sa paglalakad.He did the same thing. Matapos niyon ay nakapamulsa akong hinarap."Don't you think it's too personal?" nakangisi niyang tugon. "Hindi naman sa kinakampihan ko ang mga board members pero sigurado ako na may masasabi sila tungkol dito sa ginawa mo. Anong ibibigay mong dahilan sa kanila kung bakit mo ipinalit si Naya kay Irene?"I paused for a moment. Saglit akong napaisip at muli ay hinarap siya."Mas kilala nila ang Irene na 'yon kay
Third Person POVHindi lamang tuwa ngunit pagkasabik din ang nadarama ni Jasmine nang tuluyan niya nang matapos ang kanyang trabaho. Sa wakas ay natapos na rin niya ang poster design na noong nakaraang linggo pa niya inumpisahan ngunit inulit-ulit niya dahil hindi raw 'bet' ng kanilang supervisor.Now that it's finished, walang mapaglagyan ang nararamdaman niyang tuwa.Pero hindi rin nagtagal ay nabura ang ngiting iyon sa kanyang mga labi nang sumulpot sa kanyang harapan sina Jessy, Merezel at Rowena.Taas-kilay na nakatitig ang mga ito sa kanya at tila ba walang balak na kumurap sa mga sandaling iyon.Bagamat tahimik lamang ang mga ito at wala pa namang ginagawang kalokohan sa kanya ay hindi na siya nagdalawang-isip na maglagay ng copy ng kanyang design sa usb. Ayaw niya nang maulit pa ang ginawa ng mga ito noon kung saan ay kamuntikanan na siyang matanggal sa trabaho.Napalunok siya at hinarap sila."Anong ginagawa-"
Naya Diaz "Tatanggalin mo 'ko bilang personal assistant mo?" namilog ang mga mata kong tanong sa kanya. "Bakit? Is it about what happened? Is it, isn't it? Sinasabi ko na nga ba at magiging malaking issue 'to lalo na sa mga board members. Kilala ko 'yong mga 'yon eh! Masyado silang sensitive pagdating sa ganitong mga bagay." Sa puntong iyon ay nakahalukipkip kong hinarap si Xavier na nakatitig lang sa akin sa mga sandaling iyon. Ngunit hindi rin naman nagtagal ay mabilis siyang nag-iwas ng tingin at nagpakawala ng isang malalim na buntung-hininga. He turned to me once more. "You're right," mahina niyang sambit. "Sebastian told me everything they've talked about from the meeting with the board members. Ang totoo niyan ay gusto ka nilang paalisin sa kompanyang 'to. They said if you stay here, baka mas lalong lumala ang tungkol sa issue." "See?" nakangisi kong anas. I shook my head in disbelief. Hindi ako nagkamali...hindi ako nagkamali na kainisan ng husto si Xavier dahil sa gina







