LOGINNaya DiazIsang malalim na buntung-hininga ang pinawalan ko bago ako tuluyang pumasok sa loob ng kompanya. Sa puntong iyon ay ramdam ko ang hindi maipaliwanag na kaba ganoon din ang kagustuhan kong umatras at umuwi na. It's been three days.Tatlong araw na ang nagdaan simula nang kumalat ang balita na nililigawan ako ni Xavier. At sa tatlong araw na iyon ay hindi ko mapigilan ang hindi mag-isip at gumawa ng kung ano-anong senaryo sa utak ko tungkol sa bagay na iyon. Halos late na akong nakakatulog dahil sa pag-iisip. Bukod pa roon ay hindi ako halos nakakalabas ng bahay dahil baka mamaya ay kung sino ang makasalubong ko. Kilala ko ang mga babaeng nagkakandarapa kay Xavier at karamihan sa kanila ay mas palaban pa kina Ms. Irene at Rowena. "Thank goodness, you're here," bungad ko kay Jasmine na sinalubong ako sa may elevator. She smiled at me, and I did the same thing to her. Humingi kasi ako ng pabor sa kanya na kung pwede ay samahan niya akong umakyat patungo sa office para na r
Xavier IglesiasIt's lunch break.Kaya naman sa mga sandaling iyon ay nagpasya akong lumabas ng opisina upang magtungo sa cafeteria. Kung tutuusin kasi ay hindi ako nakapag-almusal kanina dahil na rin sa pagmamadali sa akin ni Dad. Hindi ko rin nagawang kumain ng meryenda sa kadahilanang may kinailangan akong tapusing paperwork.Maya-maya ay nabasag ang katahimikan ko nang sumulpot sa tabi ko si Sebastian. Ngunit hindi tulad ng nakasanayan ay blangko ang reaksiyon ng mukha nito ngayon."Kamusta nga pala 'yong meeting niyo kanina kasama ang mga board members?" tanong ko habang patuloy pa rin kami sa paglalakad. "Based on what I'm seeing to you right now, it didn't go well. Am I right?"Isang malalim na buntung-hininga ang pinawalan niya."Worse," bulalas niya. "Gusto nilang paalisin sa kompanya si Ms. Diaz. They would let you pursue her if you let her go. Ayaw nilang mapunta sa wala ang narating na success ng kompanyang 'to kaya &
Naya Diaz"Ate Naya," tawag sa akin ni Noel. "May naghahanap sa 'yo sa labas."Nagkasalubong ang dalawang kilay ko. "Sino daw?""Jasmine. Jasmine Dela Monte. Katrabaho mo raw siya at matalik na kaibigan," sagot nito.Marahan akong tumango. "Yeah. I know her. Just let her in."Matapos ang usapang iyon ay agad na nilisan ni Noel ang living room at nagtungo sa labas. Sa muli kong pagbaling ng tingin kina Ariel at Calix na kaharap ko sa mga sandaling iyon ay natigil ako nang makita ko ang reaksiyon sa kanilang mga mukha."Matalik na kaibigan?" taas-kilay na anas ni Calix. "May kaibigan ka?"Akmang sasagot na ako ay naudlot iyon nang marinig namin ang pagbukas ng pinto. Mula roon ay iniluwa niyon sina Noel at Jasmine.Hind nagtagal ay agad akong tumayo mula sa kinauupuan ko at nakangiti siyang sinalubong. Bago ko pa man siya pasadahan ng tanong ay agad ko siyang hinila paupo sa couch na dali-dali din naman niyang sinunod."Anong ginagawa mo rito?" taka kong anas. "Day-off mo ba? From what
Third Person's POV"Hindi naman sa tutol kami sa kung ano man ang desisyon ni Xavier," anas ni Mr. Harry. "But Ms. Diaz is his personal assistant. Sa tingin ko ay hindi magandang image 'yon lalo na at unti-unti nang lumalago ang kompanyang ito. Baka kung ano ang isipin ng mga kliyente at ng mga business partners natin."Nagsalita si Mr. Nathan. "Some of our business partners hate the idea of the employers having a relationship with their employees. Alam ni Xavier 'yon at kung tutuusin ay siya pa nga mismo ang sumang-ayon sa ideyang iyon. Other than that, hindi ba't gumawa siya ng rules sa kompanya 'to tungkol doon?"Sa sinabing iyon ni Mr. Nathan ay agad na napuno ng bulungan ang buong conference room.Samantala, sa kabila ng ingay nilang iyon ay nananahimik lamang ang mag-asawang Iglesias. Agad silang nagkatinginan nang marinig nila ang iba pang saloobin ng kanilang mga kasamahan tungkol sa balitang panliligaw ng kanilang anak sa assistant nito."How about tanggalin sa kompanyang 'to
Xavier Iglesias"Are you freaking…telling the truth?" natatawang anas ni Victor. "Ikaw? Ang isang Xavier Iglesias ay magkaka-interes sa isang tulad ni Naya Diaz? Hindi ba't sinabi mo sa 'kin na hindi ka komportable sa kanya? Sinabi mo sa 'kin na nagagawa mo lang siyang pakisamahan dahil kailangan mo siya bilang assistant mo at malaki ang naitutulong niya sa 'yo. What happened? Wag mong sabihing purong kasinungaling lang ang lahat ng 'yon?"Isang nakakalokong-ngiti ang gumuhit sa mga labi ko nang mga sandaling iyon.Hindi ko alam kung paano kumalat ang balitang nililigawan ko si Naya. But knowing Mrs. Corazon, I'm sure she was the one who did it. Maaaring ibinalita niya na kaagad ang tungkol doon kay Mom habang ang magaling ko namang ina ay ipinakalat ang balitang iyon sa medya.I'm not expecting things to happen this fast, but at the same time mabuti na rin iyon. Kahit paano ay matitigil na rin ang kung sino-sinong mga babaeng walang ibang ginawa kundi ang bwisitin ako araw-araw.Tuma
Xavier IglesiasIsang matamis na ngiti ang pinawalan ko matapos kong kausapin ang tiyuhin ko. For so long, muli ay nagkausap na naman kaming dalawa. Sigurado ako na kapag nabanggit ko kay Mom ang tungkol dito ay hindi na naman mapapakali iyon.At sigurado ako na kapag nalaman niya na imbitado kami sa kasal ng anak ni tito Santisimo ay tiyak na mas lalong madaragdagan ang excitement niya.Parang kailan lang noong magkakilala kami ni Theo. Pareho pa kaming binata nang mga panahong iyon pero ngayon ay papasukin na rin niya ang buhay may asawa.I just hope the best for him.Hindi kalaunan ay natigil ako sa trabahong pinagkakaabalahan ko nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Agad kong dinampot iyon at doon ay agad na lumitaw ang message notification mula kay Naya.'Good morning. Umalis ka na pala. Bakit hindi ka man lang nagpaalam?' aniya na agad kong ikinangiti.I typed. 'May pinapaasikaso kasi sa akin si Dad. Hindi naman ako pwedeng tumanggi dahil sigurado na mapapagalitan na nam







