Gabi na at nagsisipaghandaan na rin ang ilang nagtratrabaho sa restawrant ni Sadie para umuwi. Habang abala siya sa pagtingin kung naayos na ba ang mga mesa at upuan, bigla na lang siyang tinawag ng isa sa mga part-timers.
"Ma'am! Ma'am!" tila aligaga nitong tawag. Napapahapid pa ito sa kaniyang buhok dahil hinahawi iyon ng hangin habang tumatakbo ito. "Bakit?" natatarantang tanong ni Sadie habang mabilis na naglalakad palapit dito. "May problema ba?" Napatingin siya sa telebisyon na kasalukuyang nakabukas. May telebisyon rito sa restaurant at may kalaparan iyon. Binubuksan lang ito kapag tapos na ang oras ng trabaho para kahit papaano ay makapagpahinga muna ang mga nagtratrabaho rito bago umuwi. "Ikaw po ba ang babaeng 'yan?" tinuro nito ang balita sa telebisyon. "Tatlong araw matapos ang pormal na pag-anunsiyo ni Mayor Ludwick ng kaniyang kandidatura, gumagawa ng ingay ngayon sa social media ang kumakalat nitong larawan na may kasamang babae. Bagamat hindi malinaw kung ang mayor ba ito ng San Catalia, may mga nagsasabi na ang mayor nga talaga ito dahil sa paraan nito ng pananamit." Ilang segundong tiningnan ni Sadie ang larawan sa telebisyon. Siya at si Ludwick nga iyon at nakuha ang larawang iyon pagkatapos nilang mag-check in sa hotel. Magkahiwalay pa sila noong pumasok at lumabas. Sa pagkakaalala ni Sadie, noong nakaraan pa iyon nang ipagdiwang nila ang kanilang fifth anniversary. Nagkasabay lang sila nang kinailangan nang sumakay ni Sadie sa isang taxi. Base rin sa larawan na ipinakita sa telebisyon, kuha ito mula sa itaas. Gustong-gustong sabihin ni Sadie na sila nga iyon ni Ludwick. Gusto niyang ipagsigawan kung ano ang namamagitan sa kanila ng sikat na mayor. Kung ano ang paborito nilang gawin, paborito nilang puntahan, at paboritong panoorin. Bago pa man makasagot si Sadie, naunahan na siya ni Ludwick na nakapanayam na pala ng reporter. "Hindi po ako 'yan and to tell you, I'm not seeing any woman." Napalunok si Sadie ngunit ipinagpatuloy pa rin nito ang panonood. "I'm single but in a long-term relationship with my responsibility as a mayor." Sadie's eyes were there again, ready to brim tears that would ask for explanation. She was holding herself and after a few seconds, she then forced herself to plaster a fake smile. "That's definitely not me," she said, sounding as if she didn't care with the news. "Why would I be with a mayor who always wants my business to be under inspection? Kung magkakaroon man ako ng boyfriend, it will never be that mayor." She heaved a sigh, and when she realized that she couldn't hold it anymore, she excused herself. "Excuse me, magbabanyo lang ako." Tinakbo ni Sadie ang daan papuntang banyo at kaagad na isinara ang pinto. Napasandal siya sa pinto at sinapo ang sariling ulo. Sa pagkakataong iyon, kaagad niyang kinagat ang kaniyang labi para hindi mapahagulhol. Hinayaan niya ring lumandas ang mga luha habang inaalala ang mga sinabi ni Ludwick. "Hindi po ako 'yan and to tell you, I'm not seeing any woman." "I'm single but in a long-term relationship with my responsibility as a mayor." *** "That's what I like about you, Uno. Palagi kang bumabawi sa mga pagkakamali mo." Ibinaba ng ama ni Ludwick ang hawak nitong cup matapos itong uminom ng tsaa. Katatapos lang din nito mapanood ang balita tungkol sa isyung nahuling may kasamang babae ang anak. Napasinghal si Ludwick at napatingin sa ama. Kanina pa gustong umalis ni Ludwick sa harap ng kaniyang ama para tawagan sana si Sadie ngunit hindi siya makaalis. Tinuturuan siya ngayon ng kaniyang ama kung paano pa niya mapapabango ang kaniyang pangalan. "Nga pala, nasabi ko na ba sa iyo na nais kitang ipakilala sa anak ng kumpare kong may-ari ng pinakamalaking hacienda rito sa San Catalia? His daughter is a perfect match for you. Pareho kayong mga panganay at may mga magagawa para sa pamilya." "I don't need a woman," diretsahang sagot ni Ludwick. "You don't need a woman? Or you don't need another woman?" Naging matalas ang mga tingin ng ama nito sa kaniya. Bigla namang may kung anong tumusok sa puso niya dahil para siyang nabigla sa sinabi ng ama. "Akala mo ba ay hindi kita binabantayan? Alam kong madalas kang pumupunta sa Marasa Restaurant." Ludwick struggled to swallow the lump on his throat. It even took him seconds before he was able to think of a cover up reason causing his father to smirk. "I'm having talk. . .uhm. . .let's say a collaborative talk. The restaurant needs worker at gusto ng may-ari na kunin ang mga taga-rito sa San Catalia para magkaroon ang mga ito ng trabaho. Also, nakipag-ugnayan na rin ako sa San Catalia Vocational School, so that Marasa Restaurant will be their industry partner kapag may work immersion ang students." Hindi alam ni Ludwick kung makukumbinse ba niya ang ama sa ginawa niyang rason. Wala siyang kinalaman sa partnership ng San Catalia National Vocational School at ng Marasa Restaurant, nabanggit lamang iyon sa kaniya ni Sadie. Ganoon pa man, umaasa siyang magmumukhang totoo ang sinabi niya lalo na at may proyekto siyang may kinalaman sa pagtulong sa mga naghihirap na estudyante. "Just to make it clear. I want to know. Are you dating the Marasa Restaurant's owner?" Bahagyang inilapit ng ama niya ang mukha nito sa kaniya para hindi na makawala pa ang pakikipagtitigan niya rito. Gusto ring masiguro ng ama niyang hindi siya nagsisinungaling. "I'm not dating that woman," pagmamatigas ni Ludwick at sinubukan nitong tikasan ang kaniyang boses para hindi mapaghalataang nagsisinungaling siya. Balak sana ng ama nito na tanungin pa siya ngunit biglang lumapit sa kanila ang isa sa mga katulong. "Don Leandro, dumating na po si Sir Lewis." Nakita ni Ludwick kung paano nagliwanag ang mukha ng ama nang sabihin ng katulong na nakauwi na ang kapatid nitong si Lewis na siyang pangalawa sa kanilang limang magkakapatid. Kaagad na tumayo ang ama nito at iniwan siya. Pinagmasdan niya kung paano naglakad ang ama papunta sa kapatid sabay yakap dito nang mahigpit."Ang pangit mo, gago" mahinang sabi ni Leopoldo kay Ludwick, saka pinasunod ito sa kaniya. Nasa tapat sila ng isang internet cafe, Indulge Hub ang pangalan. "Alam mo naman na pasikot-sikot dito pero sana, umakto kang baguhan."Ludwick was wearing a suit. His white polo was covered with an unbuttoned black coat. He was also wearing a black slacks and shoes. Pero hindi ang suot niya ang agaw pansin. Iyon ay ang maskarang suot niya. He wanted some part of his face covered. Para iwas na rin sa issue at baka may makakita sa kaniya rito makilala siya. Then again, mayor siya ng San Catalia.Ang aakalain mong isang simpleng internet cafe ay selda pala ng mga lulong sa pagsusugal. Lahat ng uri ng pagsusugal ay narito. Kahit ano, basta puwedeng pagpustahan makikita rito."Kung gusto mong makaisa, punta ka sa taas. Maraming babae roon," biro pa ni Leopoldo na tulad ni Ludwick ay maayos din ang suot. Kaunti na lang ay pareho na sila, wala nga lang coat, at maskara si Leopoldo. "Arrête de me harc
Kanina pa katok nang katok si Ludwick sa kuwarto ni Leopoldo. Nagtanong na rin siya sa mga katulong kung lumabas ba itong kapatid niya ngunit walang alam ang mga ito."Fifth! Open the door, now!" sigaw ni Ludwick nang mapagod na siya kakakatok. Sinubukan niya ring pihitin ang busol ng kuwarto ngunit naka-lock. "Ano ba? I have an important thing to ask. Buksan mo!" Nakapamaywang na lang sa inis si Ludwick. Hindi nagtagal, muli niyang naisipang idikit ang kaniyang tainga sa pinto para pakinggan kung sakaling may ginagawa ang kapatid. Mayamaya pa, bigla na lang siyang napalundag sa gulat nang may magsalita mula sa likod niya. "Mayor ka ba talaga o tsismoso? Umalis ka nga riyan." Si Leopoldo iyon at may hawak iyong isang makapal na libro. Maayos din ang suot nito at mukhang may nilakad ito. Seryosong-seryoso ang datingan nito."Hell! Saan ka ba nagpupunta?" tanong ni Ludwick at hindi na maiguhit ang kaniyang mukha dahil sa inis."Ulol! Puwede bang tigilan mo ang katatanong?” Inis nitong
"Mayor, nagkakagulo po sa labas!" Kaagad na itinabi ni Ludwick ang papel na kanina niya pa binabasa para sana pirmahan at aprubahan ang isang proyekto. "Bakit? Ano'ng mayro'n?" tanong nito sa isa LGU worker na siyang nagsabi sa kung ano ang nangyayari sa labas. Kaagad niyang binutones ang kuwelyo ng kaniyang polo at tinupi hanggang siko ang sleeves nito, habang naglalakad palabas.Kinuha niya ang kaniyang salamin na nakasabit sa pagitan ng kuwelyo niya nang tumama sa kaniyang mga mata ang sinag ng araw. Alas diyes na kasi ng umaga at walang patawad kung magbigay ng init ang haring araw. "Mayor, tulungan niyo po kami.""Ikaw na lang ang maasahan namin.""Wala na kaming ibang malalapitan pa.""Maawa po kayo sa amin. Tulungan niyo po kami."Ilan lang iyon sa bumungad na hinaing kay Ludwick. Hindi bababa sa sampu ang naroon sa may gate at umiiyak ang mga ito. May mga papel din silang hawak at ang iba ay nakalukot na. "Bakit? Ano'ng problema natin? Anong tulong ang maaari kong maibiga
The water dripped down to every sculpted part of Ludwick's body. His perfectly chiseled chest was overly exposed as sunlight struck over it, so as his rock-hard abs. Katatapos niya lang maligo sa swimming pool at kasalukuyan niya ngayong pinupunasan ang katawan ng kulay puting tiwala na may golden "LD" embroidery. He was just wearing shorts and because he was wet, his asset that strains through his shorts has nowhere to hide. Bakat na bakat!"Kuya!" naalerto si Ludwick sa sigaw ng kapatid lalo na nang may ihagis ito sa kaniya. Kaagad naman niyang nasalo ang hinagis nito at isa iyong susi.Tinitigan ni Ludwick ang susi at napatingin siya sa kapatid nang mapagtantong susi iyon ng sasakyan."Para saan ito, Fifth?" Napasinghal si Leopoldo saka natawa. "Of course, para sa 'yo. Ihahagis ko ba 'yan sa 'yo kung para kay dad' yan?""I never asked for one,” buwelta naman ni Ludwick."Can't you just accept it?" iritadong tanong ni Leopoldo.Napailing si Ludwick saka ipinulupot ang tuwalya sa k
Nakauwi na sa kanilang bahay si Ludwick matapos ang naging insidente kagabi. Wala naman siyang malalim na sugat maliban sa sugat sa kaniyang pisngi kung kaya hindi na niya kinailangan pang magtagal sa loob ng hospital. Hindi naman ganoon kalalim ang ginawa niyang sugat kung kaya'y mapapadali lang ang paghilom nito. May medical band-aid na rin sa sugat niya. Isa pa, kung mangailangan man siya ng tulong medikal, madali lang iyong masusolusyunan lalo na at doktor ang kapatid nitong sumunod sa kaniya, si Lewis. Her mom was so worried about him. Halos maglumpasay ito sa hospital dahil sa pangamba na baka natamaan talaga ang anak. Except for Lewis, none of his siblings knew about what happened. His brothers were probably busy feeding their sinful desires. Hindi pa nga umuuwi ang mga ito simula kagabi. Lewis, on the other hand, made sure that his brother had the best treatment especially the cleaning of wounds. He was also worried and tried to talk to Ludwick but Ludwick just said he want
Hindi lubos akalain ni Ludwick na magsasama sila ng chief of pulis sa iisang sasakyan. Hindi niya ginamit ang sasakyan niya at lulan siya ng sasakyan ng chief of police ng San Catalia. Para rin naman daw iyon sa seguridad niya kaya pumayag na lang siya. Naisip din ni Ludwick na gamitin ang pagkakataong iyon upang makausap ang pulis. Mayamaya pa, kinuha niya ang kaniyang cellphone at may tinipa. Kalaunan, s-in-end niya iyon sa hindi nakapangalang number. Pareho silang tahimik ngunit nagpapalitan ng mga tingin sa salamin. Nasisigurado na ni Ludwick na sinususpetsahan siya ng chief of police na ito. Ilang minuto na ang lumipas at kasalukuyan na silang nasa bahagi ng Dalaganan kung saan mailap ang kabahayan. May mga balitang nagsasabing dito naglalabas-masok ang mga rebelde dahil masukal ang bahagi na ito. May mga tao namang natatakot dumaan dito dahil madalas daw magpakita rito ang mga kung ano-anong klase ng kababalaghan. "Natatakot ka ba, Mayor?" may bahid ng pang-iinsulto ang tono