LOGINKalalabas lang ni Sadie sa banyo at kasalukuyan niyang pinupunasan ang basang buhok habang naglalakad papunta sa tapat ng pinto dahil sa tatlong magkakasunod na katok na kaniyang narinig. Naka-bathing robe lang siya at hindi pa maayos ang pagkakasuot dahilan para sumilip ang dalawang malalaki nitong dibdib.
Naisipan niyang silipin muna sa may peephole para tingnan kung sino ang naroon ngunit hindi na siya nag-abala pa dahil sa kagustuhang matuyo kaagad ang buhok at matingnan kung sino ang may sadya sa kaniya. Walang paligoy-ligoy na binuksan ni Sadie ang pinto at hindi siya nakakilos nang makita kung sino ang taong nasa likod ng tatlong katok. Her blood boiled up and gave herself a command to immediately close the door. Nasa harap niya si Ludwick at may dala itong bouquet ng white roses at mayroon itong nakapatong na isang box ng chocolate. Binitawan niya kaagad ang tuwalya at ibinato sa taong ayaw niyang makita saka sinubukang itulak ang pinto. Ngunit mas mabilis at mas malakas sa kaniya si Ludwick. "Ano ang ginagawa mo rito?" sigaw nito at pinanliitan ng mata si Ludwick habang hinahabol ang hininga dahil sa labis nitong galit sa kasintahan. "I want to say sorry. . ." Isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ni Ludwick dahilan para hindi nito matapos ang kaniyang pagsasalita. "Sorry?" Isa na namang malakas na sampal ang umalingawngaw sa hallway ng condominium. "And that's for denying me!" Ninamnam ni Ludwick ang malakas na sampal ni Sadie at wala siyang ginawang pagganti dahil alam niyang nararapat lang iyon sa kaniya. Isa pa, hindi niya magagawang pisikalang saktan ang kasintahan maliban na lamang kung pareho silang nasa kama. Ngayon ay alam na niya ang pakiramdam nang sinasampal. Ang kaibahan nga lang, hindi lang kamay ang ginagamit niyang panampal kay Sadie. May kahabaan at kalakihan iyon. Nagawang isara ni Sadie ang pinto dahilan para paulanan ni Ludwick ang pinto ng katok. "Sadie, I'm really sorry. Please, open the door! Pag-usapan natin 'to," pagmamakaawa ni Ludwick at idinikit ang noo sa pader habang pinagpapatuloy ang pagkatok. "Fuck you!" malakas namang sigaw ni Sadie sa loob. "Sadie, please. Sana naman maunawaan mo why I had to do it." Ludwick's voice cracked. Dahil dito, parang nakonsensiya itong si Sadie nang ganoon kadali. Muntikan nang matumba si Ludwick nang buksan ni Sadie ang pinto. Kahit pa muntikan nang matawa si Sadie, pinigilan niya ang sarili dahil naroon pa rin ang galit niya sa kasintahan. Napahinga naman nang maluwag si Ludwick. Bahagya ring namula ang kaniyang mga mata dahil sa natakot siyang baka hindi na talaga siyan tuluyang kausapin ni Sadie. "You asked me if we could stop seeing each other for the mean time then look at you! Nandito ka. Para ano?" mariing saad ni Sadie na nagawa pa nitong iduro si Ludwick. Hindi nakasagot si Ludwick. Tinitigan lang nito ang namumulang mukha ng kasintahan nanaghihimutok ang galit sa kaniya. "Why are you here? You want to fuck me? 'Di ba nakikipagkita ka lang naman sa akin kapag gusto mo akong ikama!" Nagulat si Ludwick sa sinabi ni Sadie. Ngunit mas ikinagulat niya ang sunod na ginawa ng kasintahan. Sadie removed untied her robe and fully revealed her naked body. "Fuck me, then!" Standing with a disappointed face, Ludwick said, "Ganiyan ba talaga kababa ang tingin mo sa akin? You really think na tuwing nakikipagkita ako ay sex lang ang habol ko sa 'yo." Lumapit ito sa kasintahan at gamit lamang ang isang kamay, inayos nito ang robe ni Sadie. Sadie, on the other hand, was too stunned to speak. "I came here to ask for an apology and to tell you that you should forget what I told you in your restaurant. Kalimutan mo na iyon at magkita pa rin tayo." Humakbang si Ludwick dahilan para mas lalong magkalapit ang kanilang mukha. "I missed you so much. I've been texting you pero hindi ka nagrereply. I'm so worried." "Sinasabi mo lang ba ito para kalimutan ko kung paano mo ako i-deny?" "No!" giit ni Ludwick saka inabot ang kamay ni Sadie. "Sinasabi ko ito dahil mahal kita and not seeing you for three days makes me sick. Please, accept my apology." "Give me another reason to accept your apology." Ludwick's face brightened and his lips automatically curved. "I'd be spending my lunch time with you," saad nito at ang nagtitigas-tigasang puso ni Sadie ay biglang nanlambot."How can we fight disinformation? Ang daming kasinungalingan ang kumakalat sa social media. May mga poster na idinidikit sa kung saan-saan at hindi lang iyon patutsada sa akin, pati kay Sadie rin!" sigaw ni Ludwick kay Calisto. Hindi niya pa rin kasi matanggap ang umabot sa kaniya na may mga poster at paninira tungkol sa kaniya at kay Sadie ang idinikit nitong umaga sa pader na nakapalibot sa munisipyo. Napatingin si Calisto kay Sadie. Pagkakuwan ay lumapit ito kay Ludwick at bumulong. "Mayor, kung makareklamo ka naman, parang hindi natin 'to ginawa. Naaalala mo pa ba ang ginawa natin sa vice mayor?" Ito ang sinasabi ni Ludwick sa sarili niya na baka karma na ito sa ginawa niya. Ngayon ay natikman na niya ang pait ng plano niya para lang makasira ng iba at manatili sa puwesto. Ang malala, pati si Sadie ay damay na. Kung nakinig lang sana siya kay Sadie at hindi na nakisabay pa sa paninira sa social media, baka hindi hahantong sa ganitong gulo ang lahat. Hindi nga ba? "Oh, ano nam
Hindi maialis ng isang dalagita ang kaniyang mukha sa mga poster na nakadikit sa pader na nakapalibot sa city hall. Papunta pa lang ang batang babae sa paaralan, halata naman sa uniporme nitong suot. Lumapit siya sa mga poster dahil nagtataka siya kung ano ang mga iyon. Nagtataka rin siya kung bakit hindi iyon pinapatanggal ng mga taong dumaraan. Sa halip, tinatawanan lang ang nakasulat doon. "Mayor, kunsintidor." "Oust Mayor Ludwick!" "Biased!" "Sadie, sulsulera!" "Walang aasahan sa iyo!" "Gallejo naman!" Kinuha ng dalagita ang isa sa mga papel na may nakasulat na "Walang aasahan sa 'yo!". Napatitig siya rito hanggang sa napalingon siya sa mga taong dumaraan na pasimpleng tumatawa. Lumapit siya sa isa pang papel at kinuha iyon. Hindi niya tinupi ang mga iyon. Napakagat ang batang babae sa kaniyang labi at doon ay sinimulan niyang isa-isang kunin ang mga poster. "Hoy!" Hindi natinag ang dalagita sa malakulog na boses na sumaway sa kaniya. Ipinagpatuloy niya lang pagtanggal h
"Ipasara, Marasa! Ipasara, Marasa!" Iyon ang paulit-ulit na sigaw ng mga tao habang itinataas-baba ang kanilang placards. Biglang kinabig ni Ludwick si Sadie papunta sa likuran niya. "Ako na ang kakausap." "Marasa Restaurant ay may lason sa masa! Ipasara!" Ludwick cleared his throat and smiled. He walked closer to the group of people and waved hello. "Ah, magandang araw sa ating lahat. Maaari ko po bang malaman kung bakit kayo nagwewelga?" Parang bubuyog na nagsipag-unahan sa pagsagot ang mga tao. Lahat sila may rason, lahat sila may sagot. Pare-pareho lang ang punto, iba-iba lang ang haba at simple ng mga salita. "Mayor, limang taga-San Catalia ang nalason ng restaurant na ito. Hihintayin pa ba nating lahat tayo ay lasunin?" pasigaw na sabi ng isang lalaki at napalingon sa mga tao sa likuran. Nagsigawan naman ang mga kasamahan nito na para bang sang-ayon ito. Huminga nang malalim si Ludwick saka malumanay na nagsalita. "Mawalang galang na po, 'no? Nilinaw na po at may ebidens
Tatlong araw na ang nakalipas simula nang may nalason sa Marasa Restaurant. Sa tatlong nakalipas na oras, may iilang bagay na nalaman si Ludwick. Una, walang kapabayaang nangyari ang establisyemento. Pangalawa, magkakakilala naman pala talaga ang mga nalason at umaming binayaran lang sila. Pangatlo, kahit sinabi na nila sa madla ang tunay na nangyari, walang masiyadong naniniwala dahil may nagsilabasan pang issue tungkol kay Sadie. Inungkat ang naging kaso ng tatay nila at dinagdagan pa iyon ng mga kuwentong puro kasinungalingan. Sinabihan pa ang ama nitong isang kriminal at nakapatay umano ito, bagay na ikinaalma ni Sadie. Ang ina naman niya ay in-edit-an ng picture at binasagang "p****k ng taon" dahil kabit kuno ito ng kung sino-sino. Kaagad namang pinabulaanan ni Sadie ang mga nababasa niya sa social media. Ngunit, sa halip na simpatiya ang mababasa, pangba-bash ang natanggap niya. Sirang-sira naman na siya sa pamilya niya dahil siya pa ang sinisisi ng mga ito kung bakit kumaka
"Okay na?" tanong ni Ludwick at napadungaw sa taong nasa likod ng camera."Yes, Mayor. We're going live in five seconds."Naisipan ni Ludwick na mag-live sa social media dahil sigurado siyang kumalat na naman ngayon ang nangyari sa Marasa Restaurant kanina. Katatapos lang din nilang makausap ang mga nagtratrabaho sa Marasa Restaurant at nakapagtatakang wala sa kanila ang nagsabing galing sila sa banyo bago naghandang pagkain. Ayon naman sa taga-luto, well-cooked ang mga pagkaing inihanda nila. The CCTV footage confirmed the claims of the staff. Hindi lang dahil sa pangangampanya ngunit malakas talaga ang kutob ni Ludwick na maaaring may kinalaman na naman dito ang kampo nina Yadiel. Pinagbantaan siya nito na tungkol sa paghihiganti na gagawin niya. Idagdag pa si Farahmina na umaarteng biktima sa harap ng telebisyon at pinunto si Sadie sa isang isyung may kinalakam sa tito nito. Kaya naman, inutusan niya rin ang dalawang pulis kanina na busisiin ang mga biktima umano ng food poisoning
Kaagad na isinugod sa ospital ang limang hinihinalang nalason. Ang ibang customers naman ay hindi na tinapos pa ang pagkain sa restawrant at pagkakuwan ay umalis na rin.Bagamat wala pang pormal na imbestigasyon kung nalason nga ba ang lilimang customers, ipinangako ni Sadie na sasagutin niya ang lahat ng gastusin sa hospital. Inatasan din niya ang isa sa pinagkakatiwalaan niya sa restawrant na isara na muna iyon, kahit hindi na mabawi ang nagastos para sa mga rekados ng pagkain. Samantala, ibinigay na rin niya ang lista ng mga pangalan ng mga tagaluto dahil kung sakaling mapatunayan na dahil sa mga pagkaing niluto ang lason, malaki ang posibikidad na naroon sa loob ang salarin. Though Sadie was sure that none of her staff has the nerve to harm others, she was left with no choice but to give them an ounce of doubt.Truth be told, nanghihinayang talaga si Sadie ngunit mas nananaig sa kaniya ang takot. Nanginginig ang kaniyang mga tuhod at nanlalamig ang kaniyang mga kamay. Magkatabi si







