Sobrang tahimik ng bar dahil walang katao-tao, pero pinili pa ring pumasok ni Ludwick. Mula sa entrance, kaagad niyang nakita ang kapatid niyang madalas na nagbibigay sa kaniya ng sakit ng ulo.
"Mayor!" sigaw ng kapatid nito nang makilala siya. "What brought you here? I mean, may gusto ka bang inumin?" Madaling makikilala itong si Ludwick dahil sa tuwing lumalabas ito, madalas ay white long-sleeved polo ang suot niya at naka-unbutton ang dalawang butones sa itaas. Palagi niya rin itong pinaparisan ng shorts at white sneakers. Higit sa lahat, hindi mawawala ang sunglasses niya dahil ayaw niyang pinagtitinginan siya nang dahil sa kaniyang mga mata. Seryosong napatindig si Ludwick at hindi nagawang matuwa sa kapatid. "For Pete's sake, Leonidas! You don't have to call me mayor dahil magkapatid naman tayo." "Chill, dude!" natatawang saad ni Leonidas. "Hindi ako si Fifth at lalong hindi mo ako kaedaran,” giit naman ni Leonidas dahilan para magkunot ang noo ni Ludwick. "What? Ano bang gusto mong itawag ko sa 'yo?" Napapailing na nilagyan ni Leonidas ng brandy ang baso saka inabot sa kapatid. Tinuro rin nito ang bakanteng stool. "You know what, I suggest na dalaasan mo ang pagtambay mo rito para naman magkaroon ka ng time sa sarili mo." Umusog nang kaunti itong si Leonidas at bumulong sa kapatid. "Para magka-girlfriend ka naman." Tumawa itong si Leonidas ngunit nanatiling seryoso itong si Ludwick. Napatingin naman siya sa inabot sa kaniyang baso kanina. Kinuha niya iyon saka nilagok. "I came here to check on you at baka may ginagawa ka namang makakapagpahamak sa akin," diretsahang sabi ni Ludwick saka ibinaba ang baso. "Dude. . ." Napaismid itong si Leonidas. "I mean, Kuya, wala ka bang tiwala sa akin? At isa pa, I didn't ask you to help me noong sumabit ako to clear my name." "Of course, you don't have to do that. As your older brother, responsibilidad kita. Responsibilidad ko kayo!" seryosong saad naman ni Ludwick. "Responsibilidad mo ba kami? O ang responsibilidad mo ay ang tungkol sa maaaring sasabihin ni dad?" Ludwick was caught off guard. If there's something he couldn't keep up with his twin brothers, iyon ay ang kabalbalan ng mga bibig nito. Lamang lang itong si Leonidas. Ilang segundo siyang natahimik. Ludwick was only sent back to reality after Leonidas gave him another glass to drink. "Galing mo kanina, ah. Paano ba maging katulad mo nang mas marami pa ang magkandarapa sa akin?" tanong ni Leonidas habang binubuhusan ang sariling baso ng brandy. Parang wala lang sa kaniya ang sinabi niya kanina sa nakatatandang kapatid. Ludwick heaved a sigh. "You wouldn't want to be in my position kapag alam mo na ang pakiramdam. I wish I was born as late as you." Napatitig lang si Leonidas sa nakatatandang kapatid. Batid niyang iba ang galawan ni Ludwick sa kaniya, sa kanilang magkakapatid. Ganoon pa man, kahit gaano niya kahirap subukang magpaka-pormal katulad ng kuya niya, madalas ay nagagapi siya ng pag-uugali niya. "I have to go. Again, I just had a visit to check your bar and to check on you. Huwag mo nang pasakitin pa ang ulo ko." Iyon na lamang ang sinabi ni Ludwick saka tinapik ang balikat ng kapatid bago tuluyang lumabas. *** Nasa tapat nagyon ng isang mamahaling restaurant itong si Ludwick. Napatingin muna siya paligid bago tinahak ang landas papasok. Maraming tao ngayon at normal na lang iyon para sa isang sikat na restaurant sa kanilang lugar. Vintage style ang restawrant at isa iyon sa gusto niya. Hindi gaanong masakit sa kaniyang mga mata ang brown color ng mga kagamitan at ang soft-yellow lights ng mga ilaw. Masarap din ang mga pagkain na inihahain dito at lahat ay nakatuon sa mga putaheng nagpapakita ng marubdob na pagmamahal sa bayan. Hindi iyon ideya ng may-ari o ng pinakamagaling na tagaluto ng restaurant. Ideya iyon ni Ludwick. Maliban kasi sa pagkain at disenyo ng restaurant, ang tanging pakay niya ay kahit matapunan man lang ng tingin ang may-ari. Si Sadie. Tinawag na ni Ludwick ang waiter at nagpakilala siya bilang isang mayor—bagay na hindi na niya dapat pa ginawa dahil kilala naman siya ng karamihan. Sinabihan din niya ito na nais niyang makausap ang may-ari dahil magkakaroon ng inspection sa establis'yemento sa mga susunod na araw ang mga kinauukulan. Wala talagang plano kanina na dumaan si Ludwick sa kapatid na si Leonidas. Ang nais niya lang ay magkaroon siya ng irarason sakaling tanungin siya ng ama kung saan siya nagpunta. "Lud. . .Mayor!" Muntik nang makalimutan ni Sadie ang magpanggap. Akma pa nga nitong yayakapin at hahalikan si Ludwick, mabuti na lang at mabilis siyang nakapag-isip at inilahad na lang ang kamay para makipagkamay dito. Pareho silang napatingin sa paligid para tingnan kung pinagtitinginan sila ng mga tao. Mabuti na lamang at hindi. Ganoon pa man, bagamat walang nakatingin, pareho silang maayos ang pagkakaupo at para bang magkakompentensiya sa negosyo na biglang nag-usap. Pareho silang seryoso at pareho nilang pinipigilan ang sarili mula sa pananabik at tawag ng kanilang laman at puso. "I will make it straight." Tinanggal ni Ludwick ang kaniyang salamin at nakipagtitigan kay Sadie. "It would be better if we stop seeing each other until the election ends." "Ano?" gulat na tanong ni Sadie dahilan para muli siyang mapatingin sa paligid. "Ilang buwan pa bago ang eleksyon? So, matagal tayong hindi magkikita? "Look." Inabot ni Ludwick ang kamay ni Sadie ngunit inilayo niya rin ang sariling kamay nang mapagtantong kailangan pa rin pala nilang magpanggap. "Ayaw kong ma-involve ka sa akin at sa kung ano mang paninira ang gagawin ng kalaban kapag malaman nilang we're in a relationship. You know how dirty politics is." Napatakip ng bibig si Sadie saka pinanliitan ng mata si Ludwick. "I agreed na walang makakaalam ng relasyon natin pero pati ba naman sa pagkikita natin, hindi na rin puwede? Kahit patago? Kahit katulad nito kung saan pareho tayong nagpapanggap?" "Ito ang makakabuti para sa atin. Ito. . ." Napahinto siya nang malakas na tumunog ang pagdausdos ng kahoy na upuan sa sahig na sinundan ng pagtayo ni Sadie. "It's for your candidacy, Lud. Ito ang makakabuti sa kandidatura mo, that's it!" Namula ang mga mata ni Sadie at kaagad iyong sinundan ng pagpatak ng kaniyang luha. Wala na siyang pakialam kung may makakita man sa kaniya. "Fine. I don't want to see you, anymore!" Mariin nitong sabi saka tinanggal ang singsing na regalo sa kaniya ni Ludwick noong anniversary nila. Naiwan si Ludwick sa mesa at tahimik na lang na pinagmasdan ang singsing habang iniisip kung tama ba ang mga sinabi niya tungkol sa hindi na muna nila pagkikita ni Sadie."Ang pangit mo, gago" mahinang sabi ni Leopoldo kay Ludwick, saka pinasunod ito sa kaniya. Nasa tapat sila ng isang internet cafe, Indulge Hub ang pangalan. "Alam mo naman na pasikot-sikot dito pero sana, umakto kang baguhan."Ludwick was wearing a suit. His white polo was covered with an unbuttoned black coat. He was also wearing a black slacks and shoes. Pero hindi ang suot niya ang agaw pansin. Iyon ay ang maskarang suot niya. He wanted some part of his face covered. Para iwas na rin sa issue at baka may makakita sa kaniya rito makilala siya. Then again, mayor siya ng San Catalia.Ang aakalain mong isang simpleng internet cafe ay selda pala ng mga lulong sa pagsusugal. Lahat ng uri ng pagsusugal ay narito. Kahit ano, basta puwedeng pagpustahan makikita rito."Kung gusto mong makaisa, punta ka sa taas. Maraming babae roon," biro pa ni Leopoldo na tulad ni Ludwick ay maayos din ang suot. Kaunti na lang ay pareho na sila, wala nga lang coat, at maskara si Leopoldo. "Arrête de me harc
Kanina pa katok nang katok si Ludwick sa kuwarto ni Leopoldo. Nagtanong na rin siya sa mga katulong kung lumabas ba itong kapatid niya ngunit walang alam ang mga ito."Fifth! Open the door, now!" sigaw ni Ludwick nang mapagod na siya kakakatok. Sinubukan niya ring pihitin ang busol ng kuwarto ngunit naka-lock. "Ano ba? I have an important thing to ask. Buksan mo!" Nakapamaywang na lang sa inis si Ludwick. Hindi nagtagal, muli niyang naisipang idikit ang kaniyang tainga sa pinto para pakinggan kung sakaling may ginagawa ang kapatid. Mayamaya pa, bigla na lang siyang napalundag sa gulat nang may magsalita mula sa likod niya. "Mayor ka ba talaga o tsismoso? Umalis ka nga riyan." Si Leopoldo iyon at may hawak iyong isang makapal na libro. Maayos din ang suot nito at mukhang may nilakad ito. Seryosong-seryoso ang datingan nito."Hell! Saan ka ba nagpupunta?" tanong ni Ludwick at hindi na maiguhit ang kaniyang mukha dahil sa inis."Ulol! Puwede bang tigilan mo ang katatanong?” Inis nitong
"Mayor, nagkakagulo po sa labas!" Kaagad na itinabi ni Ludwick ang papel na kanina niya pa binabasa para sana pirmahan at aprubahan ang isang proyekto. "Bakit? Ano'ng mayro'n?" tanong nito sa isa LGU worker na siyang nagsabi sa kung ano ang nangyayari sa labas. Kaagad niyang binutones ang kuwelyo ng kaniyang polo at tinupi hanggang siko ang sleeves nito, habang naglalakad palabas.Kinuha niya ang kaniyang salamin na nakasabit sa pagitan ng kuwelyo niya nang tumama sa kaniyang mga mata ang sinag ng araw. Alas diyes na kasi ng umaga at walang patawad kung magbigay ng init ang haring araw. "Mayor, tulungan niyo po kami.""Ikaw na lang ang maasahan namin.""Wala na kaming ibang malalapitan pa.""Maawa po kayo sa amin. Tulungan niyo po kami."Ilan lang iyon sa bumungad na hinaing kay Ludwick. Hindi bababa sa sampu ang naroon sa may gate at umiiyak ang mga ito. May mga papel din silang hawak at ang iba ay nakalukot na. "Bakit? Ano'ng problema natin? Anong tulong ang maaari kong maibiga
The water dripped down to every sculpted part of Ludwick's body. His perfectly chiseled chest was overly exposed as sunlight struck over it, so as his rock-hard abs. Katatapos niya lang maligo sa swimming pool at kasalukuyan niya ngayong pinupunasan ang katawan ng kulay puting tiwala na may golden "LD" embroidery. He was just wearing shorts and because he was wet, his asset that strains through his shorts has nowhere to hide. Bakat na bakat!"Kuya!" naalerto si Ludwick sa sigaw ng kapatid lalo na nang may ihagis ito sa kaniya. Kaagad naman niyang nasalo ang hinagis nito at isa iyong susi.Tinitigan ni Ludwick ang susi at napatingin siya sa kapatid nang mapagtantong susi iyon ng sasakyan."Para saan ito, Fifth?" Napasinghal si Leopoldo saka natawa. "Of course, para sa 'yo. Ihahagis ko ba 'yan sa 'yo kung para kay dad' yan?""I never asked for one,” buwelta naman ni Ludwick."Can't you just accept it?" iritadong tanong ni Leopoldo.Napailing si Ludwick saka ipinulupot ang tuwalya sa k
Nakauwi na sa kanilang bahay si Ludwick matapos ang naging insidente kagabi. Wala naman siyang malalim na sugat maliban sa sugat sa kaniyang pisngi kung kaya hindi na niya kinailangan pang magtagal sa loob ng hospital. Hindi naman ganoon kalalim ang ginawa niyang sugat kung kaya'y mapapadali lang ang paghilom nito. May medical band-aid na rin sa sugat niya. Isa pa, kung mangailangan man siya ng tulong medikal, madali lang iyong masusolusyunan lalo na at doktor ang kapatid nitong sumunod sa kaniya, si Lewis. Her mom was so worried about him. Halos maglumpasay ito sa hospital dahil sa pangamba na baka natamaan talaga ang anak. Except for Lewis, none of his siblings knew about what happened. His brothers were probably busy feeding their sinful desires. Hindi pa nga umuuwi ang mga ito simula kagabi. Lewis, on the other hand, made sure that his brother had the best treatment especially the cleaning of wounds. He was also worried and tried to talk to Ludwick but Ludwick just said he want
Hindi lubos akalain ni Ludwick na magsasama sila ng chief of pulis sa iisang sasakyan. Hindi niya ginamit ang sasakyan niya at lulan siya ng sasakyan ng chief of police ng San Catalia. Para rin naman daw iyon sa seguridad niya kaya pumayag na lang siya. Naisip din ni Ludwick na gamitin ang pagkakataong iyon upang makausap ang pulis. Mayamaya pa, kinuha niya ang kaniyang cellphone at may tinipa. Kalaunan, s-in-end niya iyon sa hindi nakapangalang number. Pareho silang tahimik ngunit nagpapalitan ng mga tingin sa salamin. Nasisigurado na ni Ludwick na sinususpetsahan siya ng chief of police na ito. Ilang minuto na ang lumipas at kasalukuyan na silang nasa bahagi ng Dalaganan kung saan mailap ang kabahayan. May mga balitang nagsasabing dito naglalabas-masok ang mga rebelde dahil masukal ang bahagi na ito. May mga tao namang natatakot dumaan dito dahil madalas daw magpakita rito ang mga kung ano-anong klase ng kababalaghan. "Natatakot ka ba, Mayor?" may bahid ng pang-iinsulto ang tono