Gaya ng laging nangyayari sa bahay ng Campoverde buwan-buwan ay may salu-salo na namang inihanda. Puno ang mahabang lamesa sa kanilang hardin ng iba't ibang pagkain. Mahalaga sa pamilyang ito ang kanilang mga trabahador. Kaya naman lubos na ginagalang ang pamilya nila sa probinsyang ito. Tinatingala sila ng mga tao dahil sa kahit na mayaman sila ay hindi nila tinitingnan na mas mababa sa kanila ang mga taong hindi nila kapareho ng estado.
"Magandang umaga sa inyong lahat!" masayang bati ng matanda na si Ismael Campoverde.
Kasama niyang lumabas ang ilan sa kanyang pamilya. Ang mag-asawang si Jaime at Eloisa Campoverde kasama ang anak nilang si Catalina. Nandoon rin ang nakakabighaning si Tajana Canizales na apo ni Don Ismael sa anak niyang babaeng si Alicia.
"Magandang umaga rin po Don Ismael!" masayang bati ng mga trabahador. Ang ilan pa ay kumakaway sa kanila bilang pagsalubong.
"Halina kayo at kumain sa simpleng salu-salong inihanda namin para sa inyo." nakangiting sabi ng matanda habang nakahawak sa kanyang tungkod at naglalakad palapit.
Nasa baba ang mga trabahador. May pagitan na ilang espasyo at hagdan. Hindi bumaba ang matanda sa hagdan nanatili siya doon na inaanyayahan ang mga trabahador na kumain.
"Salamat po!" masiglang sabi ng mga trabahador bago sinimulang kumain.
"Tapos naman na siguro 'di ba?" pabulong ng tanong ni Eloisa sa kanyang asawa na anak ni Don Ismael.
"Wala pang sinasabi si papa, Eloisa kaya manatili ka sa labas." mahinang sagot ni Jaime sa asawa.
Pinilit ni Eloisa na ngumiti pa rin at 'wag ipahalata ang pagkainis niya sa mga ito. Galing sa mayaman na pamilya si Eloisa kaya hindi siya sanay na makisama sa hindi niya kapareho ng estado sa buhay. Kahit na nagkaroon na siya ng asawa at madalas ng ginagawa iyon ng Campoverde ay kailanman hindi niya sinubukang makihalubilo sa mga ito.
Nakangiti lang si Catalina habang pinagmamasdan ang mga trabahador. Palihim din niyang sinisilip ang isa sa mga ito na gusto niya. Hindi tulad ng ina niya ay mas mabait si Catalina at malambot ang puso niya sa mga tao. Masaya siyang tumulong sa mga ito. Hindi rin batid sa kanya ang estado sa buhay.
Ang ilan namang mga taong napapadaan at bumabati sa pamilya nila ay di maiwasang mapatitig sa tahimik na dalagang si Tajana. Madalas ay hindi nababasa ang emosyon niya. Siya ay matalino at perpektong babae sa paningin ng lahat ng tao. Walang masasabi sa kanya. Kahit sa pag-guguhit, pananahi at kahit na karera sa pagsakay sa kabayo ay magaling ito. Nangunguna siya sa mga paligsahan kapag sumasali siya.
"Don Ismael!" masayang tawag ni Simon Vallejos sa matanda ng makababa siya sa napakaganda at mamahaling kotse niya.
"Simon!" masayang bati naman ng matanda ng makalapit ito. Bakas sa mukha niyang masayang makita ang bisita. Tinapik-tapik nila ang balikat ng isa't isa bilang pagbati ng magyakap sila.
"Napakatagal na panahon na simula ng magkita tayo." aniya.
"Oo nga po. Pasensya na at hindi ako nakakadalaw. Naging abala kami sa syudad."
Ang Vallejos ay isa sa mga pinakamayaman na pamilya sa probinsya kung nasaan ang Campoverde. Tanyag ang dalawang apelyido na ito dahil sa kanilang magaling na pagpapatakbo ng kanilang mga negosyo. Madaming farm ang mga Vallejos at marami rin silang naging mga kakilala sa syudad kaya mas lalong lumawak ang negosyo nila na dati ay sa probinsya lang.
"Nanghihinayang talaga ako sayo. Sana ngayon ay kapamilya na kita." tatawa-tawang sabi ng matanda na may halong pagkadismaya.
Si Simon ang nakatakdang pakasalan ni Alicia na ina ni Tajana. Ngunit tumakas ang kanyang ina para sumama sa ama niyang si Flavio.
Nakagawian ng mayayaman na pamilya sa probinsyang ito na ipagkasundo ang kanilang mga anak. Naniniwala sila na mas magiging maginhawa ang buhay ng mga anak nila kapag sila mismo ang pumili sa papakasalan ng mga ito.
"Ano po ba kayo Don Ismael. Maayos naman ang inyong naging apo. At balita ko pong napakaganda ng apo niyo kay Alicia." Bumaling ang tingin ni Simon kay Tajana.
"Kung hindi ako nagkakamali, siya ang anak ni Alicia."
"Oo siya nga." masaya at may pagmamalaking sagot ng matanda.
Napairap si Eloisa dahil sa reaksyon ng magkausap ngayon. Gusto niyang pansinin si Catalina ng mga tao. Maganda ang anak niya ngunit hindi ito mapapansin agad kapag kasama niya si Tajana dahil sa taglay nitong sobrang ganda.
Nakangiti lang si Catalina habang pinapakinggan ang magandang komento ni Simon sa kanyang pinsan.
Tipid na ngumiti si Tajana kay Simon. Ganoon lang ang madalas niyang reaksyon kapag hindi pa siya panatag sa tao. Pero kapag dating sa mga taong kailangan niyang kausapin, doon mo makikita kung paano siya natatawag na perpekto ng mga tao.
"Jaime nandyan ka din pala." Lumapit at bumati si Simon sa anak ni Don Ismael maging sa pamilya nito.
"Balita ko ay may anak kang lalaki." masayang sabi ng matanda ng makaupo na sila sa sala.
"Ahh meron nga po. Dalawa na ang anak ko at parehong lalaki." sagot ni Simon matapos uminom ng juice na inihanda sa kanya.
"Maganda 'yan, kung gusto mo ay pwedeng-pwede pa ang dalawa kong apo." pabirong sabi ng matanda. Pero gusto niya talaga ang pamilya ng Vallejos.
"Wala pang nobyo si Catalina." nakangiting imik ni Eloisa.
"Ma." mahinang tawag ni Catalina sa kanyang ina upang bawalin ito. Pero hindi siya pinansin ng ina niya.
"Gano'n ba. Sa bagay, bata pa naman siya." sagot naman ni Simon.
"Ahh opo, mas bata po ako kesa kay Tajana." sagot ng dalaga.
"Si Tajana itong apo ko ay nakapagtapos na ng pag-aaral. Naaasahan ko na rin 'yan sa mga negosyo ko. Matalino 'yan at maraming talento." mayabang na sabi ng matanda.
Uminom na lang si Tajana sa kanyang baso para iwasan ang paghihintay sa isasagot niya. Ilang beses na itong nangyayari pero ngayon lang naramdaman ni Tajana na purihin siya ng sobra-sobra ng kanyang lolo. Ngayon pa lang ay ramdam na niya kung gaano kagusto ni Don Ismael ang pamilya ng Vallejos.
Tumawa si Simon sa mga pabirong pagpaplano ng matanda para sa apo nito at anak niya.
"Iba po ang nakalakihan ng mga anak ko, kaya maaaring may pagkakaiba po sila ng inyong mga apo. Pero dadalhin ko pa rin po sila dito kung sakaling kasama ko man sila kapag bumalik ako."
"Maganda 'yan. Bukas lagi ang aming tahanan para sa inyo."
"Maraming salamat po Don Ismael."
Puno ng saya ang usapan sa pagitan ng Campoverde at Vallejos. Pero tila naba-bahala naman si Tajana sa pag-uusap na naganap.
"Narinig mo ba? Mukhang balak pa tayong ipakasal nila lolo sa pamilyang 'yon." Hindi mapakali si Catalina sa pag-iisip. Alam nilang pagdating sa pagpapakasal nila ay wala silang karapatan.
"Matagal na nating alam na ganito ang mangyayari. Sinabi na nila 'yon sa'tin dati pa. Sila ang magdedesisyon ng kasal natin." mahinahong sabi ni Tajana. Hindi bakas sa kanyang boses o mukha na hindi rin siya sang-ayon sa kasal na plano lang ng pamilya nila. Pero alam niyang wala siyang magagawa.
"Wala ka bang gagawin para pigilan ang kasal kung matuloy man?" malungkot na tanong ni Catalina.
"Wala akong gagawin. Iyon ang tradisyon ng pamilyang 'to." sagot niya na nagpadismaya sa dalaga.
Araw ng lunes ay dadalawin ng Campoverde ang ilang lupa nila sa ibang lugar. Laging sumasama si Don Ismael para puntahan ang mga ito. Gusto niyang lagi niyang nakikita ang mga pinaghirapan niya. Si Jaime ang kasa-kasama niya. Dahil sa gustong mapalapit ni Eloisa si Catalina ay nagsusumiksik din siyang sumama sa bawat lakad at pinipilit ang anak.
"Ikaw na ang bahala dito Tajana." bilin ng kanyang lolo.
"Opo lolo. Wala po kayong dapat ipag-alala." Tinapik-tapik ng mahina ng matanda ang apo sa kanyang balikat bago bumaba ng hagdan para sumakay sa naghihintay na kotse.
Sanay na si Tajana na maiwan para magbantay ng negosyo. Madalas na umaalis ang pamilya niya at siya ang naiiwan.
Sinusuri ng mabuti ni Tajana ang mga dokumento na kailangan niyang pag-aralan para sa kanilang planta. Kailangan ay walang mali. Abala siya buong maghapon sa pagbabasa at pag-intindi sa mga ito.
Nang sumapit na ang gabi ay mabilis na nagpunta si Tajana sa garahe ng mga kotse. Pinaandar niya ang koste niya at nagsimulang tahakin ang daan patungo sa pinakamalapit na syudad.
Alam niyang hindi pa uuwi ang pamilya niya dahil madalas silang natutulog sa mga dinadalaw na planta at lupain. Meron silang mga bahay doon na pahingahan.
Bakas sa mukha ni Tajana ang pagkatuwa habang mabilis na nagmamaneho ng sasakyan. Malayong-malayo sa mahinhin at perpektong Tajana na kilala ng lahat.
Nagbihis siya sa loob ng kanyang kotse at saka ito iginarahe. Maiksi ang suot niyang palda at sleeveless naman ang pang-itaas. Makapal din ang makeup niya sa mukha at malayong-malayo talaga sa perpektong apo ng Campoverde na kilala ng lahat.
"Jana." masayang bati sa kanya ng isang babae ng makapasok na siya sa loob ng bar. Agad siyang hinalikan nito sa kanyang pisngi at hindi na siya nagulat.
"Zoe, para naman ang tagal mong hindi ako nakita." nakangiting sabi ni Tajana.
"I always love to see you, Jana. You're really perfect in my eyes." Mas lalong lumawak ang ngiti ni Tajana sa sinabi ng babae na halos tingnan siya na parang siya ang pinakamagandang nilalang na nakilala niya.
Si Zoe ay ang kasintahan ni Tajana ngayon sa syudad. Isa lang siya sa mga taong nahalina at sinusubukan ni Tajana dala ng kyuryosidad niya sa pakikipagrelasyon sa kapwa babae.
Ang mundong ginagalawan ngayon ni Tajana ang isinisikreto niya sa lahat. Dahil sa mundong ito, nandito ang tunay na siya.
Masaya si Tajana na ilang araw pa ang natitirang oras niya para makapaglibot sa syudad. Mas gusto niya ang buhay doon at mas gusto niya na mabuhay siya ng hindi kailangan limitahan ang sarili niya. Mahigpit ang Campoverde sa pamilya. Ang gusto ni Don Ismael ay ang maging perpekto ang pamilyang meron sila. Kaya nga para sa kanya ay isang kahihiyan si Alicia. Hindi rin naman gustong bumalik nito sa probinsya nila. Umiikot na ang mundo niya sa syudad. At hinayaan niya rin na si Tajana ay mapunta sa pamilya niya. Para kay Alicia, nasira na ang kanyang pinangarap na buhay simula ng iwan siya ni Flavio."Mukhang marami kang oras ngayon at nandito ka ulit."puna ni Zoe kay Tajana na umiinom ngayon ng isa sa mga paborito niyang cocktail sa bar kung nasaan sila."Walang bantay ngayon."
Nang magising si Tajana sa kwarto ay wala na siyang suot na mga damit. Napaupo agad siya at pilit inalala ang mga nangyari. Hindi niya matanggap ang mga alaalang bumabalik sa kanyang isipan. Pinayagan niya ang lalaking 'yon. Hinawakan siya nito, hinalikan at may nangyari sa kanila.Litong-lito ang isip ni Tajana. Nang marinig niya ang tunog ng tubig mula sa banyo sa loob ng kwarto ay nagmadali na siyang magbihis. Alam niyang nasa loob pa ang lalaking 'yon. Gusto niyang kalimutan ang mga nangyari. Gusto niyang takasan na lang ito. Lasing lang siya. Wala siya sa sarili niya ng mangyari ang lahat ng 'yon.Kahit na masakit ang ulo niya dahil sa alak at pagod pa rin ang katawan ay pinilit niya pa rin na magmaneho. Ayaw niyang makita ang lalaking 'yon.Nang makadating siya sa kanilang
"Umayos ka Catalina."may inis na sabi ni Eloisa sa kanyang anak.Nakasimangot si Catalina habang sinusukatan siya ng isang sikat na designer."Ano ba 'to ma? Hindi ko kailangan ng bagong damit. At bakit pa po ako magpapasukat?""Hindi ka talaga nag-iisip. Ang bisita natin ay ang mga Vallejos. Siguraduhin mong makukuha mo ang loob ng anak ni Simon. Ang importante sa'kin ay 'yong bunso niyang anak."Lalong napasimangot si Catalina dahil sa mga sinabi ng kanyang ina. Ayaw niya sa mga gano'ng usapan. Gusto niyang siya ang magdesisyon kung sino ang nararapat para sa kanya."Thank you Ricky."masayang pasasalama
Sa maluwang na mansyon ng Campoverde ay abala ang mga taga-pagluto at kasambahay. Lahat ay nagmamadali habang pinagbubutihan din ang kanilang ginagawa. Mahigpit ang bilin ni Don Ismael sa mga ito na hindi dapat sila makagawa ng pagkakamali. Dahil ito ay napakaimportanteng panauhin para sa kanya."Ayusin ninyo ang trabaho.""Bilisan ang kilos.""Ang mga kubyertos ay iayos na sa tabi ng mga plato."Ang pamilya naman ng Campoverde ay abala rin sa kanilang pag-aayos."Narinig mo naman ang mga bilin ko Catalina. 'Wag mong kalimutang umayos. Kilala mo ako, alam mo kung anong kaya kong gawin kapag hindi ka sumunod." Hindi na umimik pa si Catalina sa kanyang ina. Para sa kanya ay magiging mahaba ang araw na ito kaya ayaw niyang pagurin ang sarili niya sa pakikipagtalo.Sa kabilang silid naman ay
Nanatili rin ang mga mata ni Terrence kay Tajana na ngayon ay nakatingin lang sa kanya. Ang pagkatigil niya ay dahil sa pagiging pamilyar ng mukha nito sa kanya. Hindi niya alam kung tama ba siya pero bakit magkasing-ganda sila ng babaeng nakilala niya?Kahit na iba ang ayos ni Tajana ay nakikita pa rin ni Terrence sa kanya ang babaeng nakilala niya sa syudad. Ang babaeng hindi agad makakalimutan ng lahat kapag nakilala nila.Tila huminto ang oras para sa kanilang dalawa. Hindi sila nakagalaw sa pamilyar na tinginan na iyon gaya ng una silang nagkakilala.Ang mga tao sa paligid nila ngayon ay pareho silang tinitingnan dahil hindi na nila maialis ang tingin nila sa isa't isa. Puno ng tanong ang kanilang isipan pero hindi mahanap ang sagot sa nangyayari.
"Napakaguwapo no'n oh." Agad na binitawan ni Tajana ang kamay ni Terrence ng marinig ang pag-uusap ng ilang mga babaeng napadaan. Tila hindi agad makaalis ang mga ito dahil sa paghanga sa binata. "Tatawagin ko na si Catalina." tumalikod si Tajana matapos sabihin 'yon. Pero ang mga mata ni Terrence ay nanatili sa kanya. "Hindi na kailangan." Bumalik ang tingin ni Tajana kay Terrence. Naglakad na ito palapit sa kanya ng may ngiti pa rin sa labi. "Puro tanim lang naman ang makikita dito. Gusto mo bang dalawin ang pastulan namin? Meron din kaming mga alagang kabayo. Balita ko ay magaling ka sa pagsakay do'n." "Hindi ako interesadong dumalaw sa pastulan niyo." Napatawa ang binata sa masungit na sagot nito. "Bakit ang sungit mo sa'kin? May naga
Tuloy lang ang pagtakbo ng kabayo ni Calvin habang si Tajana naman ay pinipigilan ang pag ngiti sa mga oras na 'to.Hindi ako makapaniwala na ihahatid niya ako."Calvin.""Ano 'yon?""Ah. Mas gusto mo ba sa syudad o sa probinsya?""Mahirap na tanong 'yan... Madaming oportunidad sa syudad. Pero mas tahimik sa probinsya. Kaya pareho kong gusto."Hindi ko inaasahan ang sagot niya. Akala ko mas gusto niya sa probinsya."Ikaw? Mas gusto mo ba dito o sa syudad?"balik tanong niya sa'kin.
"Bakit ganyan ang mukha mo?"tanong ni Terrence kay Tajana ng makapasok sila sa kotse. Nakahulukipkip lang ito at nakatingin sa labas. Para bang wala siyang narinig sa tanong ni Terrence."Maglilibot lang tayo. Kaya 'wag kang mag-alala."nakangiting sabi ni Terrence. Kabaligtaran ang makikita sa mukha nito kumpara sa kasama niya.Lumapit si Terrence kay Tajana kaya naman nakuha niya ang atensyon nito. Dahil sa humarap si Tajana ay sobrang lapit na ng mukha nila sa isa't isa. Ngumisi si Terrence ng hindi na mabasag ang tinginan nila."Ano bang ginagawa mo?"inis na tanong ni Tajana."Ikakabit ko lang 'yong seatbelt mo po. Makasigaw?"natatawang sabi