Share

Kabanata 2: The Hot Aiden Hemsworth

Amora's POV

Sino ba ang mag-aakala na ang lalaking katabi ko ngayon sa kama ay isa pa lang Aiden Hemsworth. Si Aiden Hemsworth na ubod ng sama ang ugali. 

“Damn it! What's your problem?”

Pinahid ko ang luhang tumulo sa mga mata ko at hinarap siya. Pinaghahampas ko na naman siya kaya kaagad niya akong pinigilan. 

“Kanina ka pa, babae. Ano ba ang problema mo?”

Nagpupumiglas ako para makawala ako sa pagkakahawak niya pero parang wala yata itong balak na bitawan ako. 

“Bitawan mo nga ako. Ano ba!”

Umalis kaagad ako sa kama at pinulot ang mga damit saka sinuot ito. Sumunod naman siya sa akin na ngayon ay sinusuot na rin ang kaniyang damit. Hindi ko mapigilan ang sarili na lumingon sa kaniya at halos mahulog ang panga ko dahil ang tumambad sa akin ay ang hubad niyang katawan. Akala ko nagbihis siya pero hindi pala.

Hindi ko maipaliwanag ang inis ko sa kaniya dahil sa dami ng lalaki sa mundo ay bakit siya pa talaga? But he was still the hot Aiden Hemsworth.

Marami ang nakakakilala sa kaniya sa kabila ng ugali niya. Hindi lamang siya isang hamak na bilyonaryo sapagkat, nangunguna rin ito sa lahat. He's a french multi-billionaire, good-looking and popular personality.

At higit sa lahat marami na itong napaiyak na babae kaya umiinit ang dugo ko sa kaniya. Magkapareho lang silang dalawa ni Andrew. Niloko niya ako kaya ako napunta sa ganitong sitwasyon ngayon.

“Don't ever blame me for what happened to both of us. You provoked me first and this is no longer my fault.”

Nabaling ang atensyon ko sa kaniya at naikuyom ko naman ang kamao habang tinititigan siya nang masama.

Kahit isa siyang mapang-akit na Aiden Hemsworth, malaki ang kasalanan na nagawa niya sa akin. He took advantage of my innocence. Pero sa kabila niyan, bakit hindi ko naman pinagsisihan?

“Magbabayad ka sa ginawa mo sa akin. Napakawalang hiya mo talaga at alam mong lasing ako pero pinatulan mo pa rin ako!” 

Naglakad ito sa kinatatayuan ko na hubo't-hubad pa rin. Hindi ko mapigilan ang sarili na mapatitig sa katawan niya at hindi man lang napansin na malapit na pala ito sa akin.

“Don't you like it?”

Isang pilyong ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi upang manigas ako sa kinatatayuan lalo na no'ng bigla niyang hinalikan ang leeg ko. Tinignan ko siya nang masama dahil sa ginawa niya at saka itinulak. Masakit pa ang aking pagkababae ngunit kailangan ko na umalis.

“S-Sa tingin mo ba natuwa ako sa g-ginawa natin, huh? Huwag kang mangarap at sisiguraduhin ko pagbabayaran mo ang ginawa mo sa akin. Diyan ka na dahil aalis na ako.” Tinalikuran ko na siya at akmang lalabas na sana nang magsalita ito.

“Be careful, honey, and I hope to see you again.”

Tinitigan ko na lang siya nang masama at may gana pa talaga itong kindatan ako kaya padabog ko binuksan ang pinto at umalis. Kumukulo ang dugo ko sa lalaking iyon pero pinipigilan ko lang ang sarili ko na hindi magwala. Natatakot ako baka kung ano'ng gagawin niya sa akin sa loob. Wala na akong magagawa pa dahil tapos na ang lahat kahit sisihin ko pa siya. Ginusto ko rin ito para lang makalimutan ang dating nobyo na si Andrew. Hindi ko nga naibigay ang sarili ko sa dating nobyo pero sa isang Aiden Hemsworth ay nagawa ko? 

“What a nice decision, Amora.”

Napailing na lang ako sa ulo at nagpatuloy sa paglalakad paalis sa lugar na ito.

“Huwag mo na panghinayangan at sana hindi mo ito pagsisisihan pagdating ng araw.”

Kinakausap ko ang sarili habang palabas sa lugar na iyon at nagmumukha na akong timang. Hindi ko lang talaga makalimutan ang nagawa ko kagabi at hindi ko alam kung kailan ko ito makakalimutan. 

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at pasakay na sana sa kotse ko nang biglang tumunog ang telepono. Isang malalim na buntonghininga ang aking pinakawalan ng makita ang numero ng amo ko. 

“Hello, madame,” bati ko sa kaniya sa kabilang linya.

“Sumakay ka sa itim na kotse katabi ng kotse mo.”

Luminga ako sa paligid at nakita ang itim na kotse katabi ng sasakyan ko. Kaagad ko naman naibaba ang telepono at lumapit doon. Isang malakas na buntonghininga ang pinakawalan ko bago ako pumasok sa loob.

“Madame, may kailangan ka po ba sa akin?”

Malakas din ang kutob ko na may bago akong misyon kaya siya nandito. Hindi ito tatawag sa akin kung wala siyang ipapagawa at nagsisimula na naman akong kabahan.

“May ipapagawa ako sa 'yo, Amora.” Ibinigay niya sa akin ang isang kulay asul na envelope at nagtataka ko itong tinitigan.

“What is this, madame?” she smirked and crossed her legs.

“He is Aiden Hemsworth, your next mission.”

Nang marinig ko ang mga salitang iyan ay halos mahulog ako sa kinauupuan. Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa katawan papuntang ulo ko. Hindi ako makapaniwala sa kaniyang sinabi.

“B-Bakit siya, madame?”

“He's my nephew. Gusto kong trabahuhin mo siya. Gawin mo lahat para makuha ang loob niya. I will make you as his assistant so you can come near him and do your mission. Seducing Mr. Hemsworth is your mission, Amora. Don't disappoint me.”

Labag man sa kalooban ko ay tumango na lang ako. Hindi ko akalain na ang susunod kong misyon ay si Aiden Hemsworth, ang lalaking kumuha sa aking pagkababae.

“Copy, madame.”

Lumabas na kaagad ako sa sasakyan niya at saka lang pumasok sa utak ko lahat nang makaalis na ang amo ko.

Aiden Hemsworth is my next mission and because of that, I felt my legs quiver. Mas lalong nadagdagan ang inis ko dahil dito at sa dami ng misyon na puwedeng ibigay sa akin ay ito pa talaga?

“Bakit si Mr. Hemsworth pa talaga? Tadhana ba ito o isang bangungot? Ang lalaki pa talaga na nakatalik ko kagabi ay siya rin pala na magiging susunod kong misyon.”

Nahampas ko na lang ang manibela ng sasakyan dahil sa sobrang inis habang sinasabi iyon. Hindi ko na alam ang gagawin ngayon ngunit wala akong ibang pagpipilian. Malaki ang utang na loob ko sa amo ko.

Kailangan ko pag-aralang mabuti ang misyon dahil alam ko hindi magiging madali ang gagawin ko. It's Aiden Hemsworth.

The ruthless, cold-hearted and a man of few words is my next target. Para lang akong kumuha ng bato at pinukpok sa sarili kong ulo dahil sa mga nangyari. Kung may magagawa lang talaga ako. Hindi ako puwedeng humindi sa babaeng iyon dahil nakatali na ako at malaki ang utang na loob ko sa kaniya.

Hindi na ako nagsayang pa ng oras at kaagad na sinimulan ang aking pag-aaral tungkol sa lalaking iyon nang makauwi ako sa bahay ko. Masakit na ang ulo ko dahil ilang oras na rin akong nakaupo ngunit wala akong makuhang impormasyon tungkol kay Aiden Hemsworth. 

“Ano pa ba ang meron sa 'yo bukod sa pagiging guwapo, mapang-akit at pagiging marunong sa k-kama?” tanong ko sa sarili at nauutal pa ako.

Nahiga ako bigla sa kama at tinitigan ang kisame ng bahay na ito. Ang mukha ng lalaking iyon ang nakita ko at maging ang hubo't-hubad nitong katawan kanina. Kahit lasing ako ay ramdam ko pa rin ang init ng aming mga katawan. Ramdam ko pa rin ang mga haplos nito sa katawan ko at hindi maiwasang manayo ang balahibo ko kakaisip sa kaniya. 

Nagsisimula na naman uminit ang katawan ko nang maalala ang gabi na may nangyari sa aming dalawa. Gano'n na lang talaga ang naging dulot ng lalaking iyon sa katawan ko. I never ever feel this thing in my whole life before, but after our one-night stand, I could feel so many changes to my body.

The image of Aiden Hemsworth won't leave my head no matter how I tried to erase him out of my mind. Kahit na sa pagtulog ko ay siya pa rin ang nakikita ako.

Sa kalagitnaan ng mahimbing kong pagtulog ay biglang tumunog ang aking telepono. Itinaas ko ang isang kilay nang makita ang isang hindi pamilyar na numero ang tumatawag sa akin sa mga oras na ito.

“Hello,” bati ko sa kabilang linya.

Bigla namang kumabog ang puso ko sa hindi matiyak na rason habang hinihintay na sumagot ang kabilang linya. 

“Is this Amora Salvatore?” 

His voice looks familiar to me. That manly voice which I heard last time. The voice that I would never forget and I shouldn't be mistaken. It's Aiden Hemsworth.

Subalit kaagad ko naman iniling ang ulo ko para alisin siya sa isipan ko. Hindi naman siguro siya ito at baka kaboses niya lang. Pero bakit ba si Aiden Hemsworth pa rin ang iniisip ko kahit nandito na ako sa bahay ko? 

“May kailangan po ba kayo sa akin? Sino ka ba?”

Umayos ako nang pagkakaupo at hinintay na sumagot ito sa tanong ko. Pero malakas talaga ang kutob ko na kilala ko ang tumatawag ngayon.

“This is Aiden Hemsworth, your new boss. I was being told by my aunt that she assigned you to be my personal assistant and I called you now to remind you to be at my office at exactly seven in the morning. Don't be late or you'll taste my anger.” 

Hindi na ako nakasagot pa sa kaniya dahil kaagad kong ibinaba ang telepono matapos malaman na si Mr. Hemsworth pala talaga ang tumatawag sa akin.

“God . . . . Tell me this is not even real,” ani ko sa sarili at inis na humiga sa kama para magpatuloy sa pagtulog.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Sunsam Rhema Habagat
gandalf ng storya... saba hnda mag unlock plsss
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status