Share

Chapter 4

Author: Mrsdane06
last update Last Updated: 2023-01-30 00:53:19

Rafael POV

I can’t believe that it is easy for my Lolo Augustus to slap me! Tumiim ang aking bagang at napayuko ako nang muli siyang tingnan. Guilty ako sa mga pictures na pinakita niya. Pero, walang nangyari sa amin ni Fiona!

“Isipin nyo na po ang gusto ninyong isipin. Hindi ako nagtaksil sa asawa ko. Gusto lang naman humingi ng closure ni Fiona sa akin. Mahirap bang ibigay ninyo sa amin ‘yon?” paliwanag ko.

“Ikinasal ka na! Maliwanag pa sa sikat ng araw na ang lalaking kasal na ay hindi na kailangan pa makipag-break sa dati niyang karelasyon! You are not stupid, Rafael. May pinag-aralan ka pero hindi mo ginagamit sa tama ang utak mo!” pangaral ni Lolo sa akin.

Hindi ako nakaimik. Tiningnan ko si Kyoko na wala man lang reaksyon sa mga pinagtatalunan namin ni Lolo Augustus. Tumalikod na ako at hindi man lang nagpaalam kay Lolo Augustus. Makikita ng Kyoko na ito ang ginawa niyang sumbong kay Lolo.

Pumunta ako sa aking silid. Nagtaka ako bakit maraming shopping bags doon na ang mga tatak ay mga pangbabae. Tiningnan ko ang isang paper bag at underwear ang laman nito. Gusto kong matawa sa liit ng mga panty na naroon. Parang panty lang ng grade six! Kung sabagay, napakaliit nga naman ni Kyoko. 

Noong nasa Palawan kami, palagi ko siya sinusundan ng tanaw habang naliligo sa dagat suot ang kanyang one piece na swimsuit. Matay mang isipin ay hindi ako nakadama ng atraksyon sa katawan niyang wala man lang kurba.

Nang buksan ko ang aking closet ay napanganga ako na mayroon ng mga gamit doon ni Kyoko. Napapikit ako. Hindi pa ako handa sa ideya na may katabi sa pagtulog lalo na kung si Kyoko!

Lalabas na sana ako ng silid nang pumasok si Kyoko na dala ang kanyang maleta. Parang hindi lang din niya ako nakita at diretso lang siya sa pagsalansan ng kanyang mga gamit sa closet.

“Mag-usap nga tayo, bubwit!” Naiinis kong saad sabay tayo at lapit sa kanya. Dumungaw pa ako sa liit nya at hinawakan ang kanyang ulo.

“Bitawan mo nga ako, Paeng! Hindi naman ako tuta para hawakan pa ang aking ulo!” Nagpupumiglas man siya pero mas hinigpitan ko pa ang paghawak sa kanyang ulo. But, I almost ran out of breath when her knee was in my groin! Napalundag ako sa sakit. I was never hurt this way before and I swear that if I can only reach her, I will strangle her neck.

“Antigas kasi ng bungo mo Paeng! Ayan tuloy, masakit ba?” tanong ni Kyoko.

“Why you!” Hindi mo na nagawa na habulin pa ang pasaway kong asawa sa sakit ng aking pagkalala*i na sinipa niya.

 

Nagmamadali siyang lumabas ng silid namin at  ako na nagpupuyos ang damdamin.

Nang sumapit ang gabi, malamig pa rin ang pakikitungo ni Lolo Augustus sa akin. Pero, magiliw siya sa asawa ko. Maging ang aking mga magulang ay aliw na aliw sa mga kwento ni Kyoko.

“Hija, you can start preparing the Feasibility Studies I asked you. Kung nahihirapan ka sa Financial aspects, ask Sebastian next week to assist you. Dadalaw siya rito para i-check ang ledger so you better rush your FS para maisingit niya sa mga gagawin niya.”

Nakikinig lang ako sa mga sinasabi ni Lolo Augustus kay Kyoko. 

Pagkatapos kumain, nagpaalam na kaagad ako at umakyat na sa aking silid. 

Naroon na si Kyoko at nauna pa pala siya sa akin. Pinihit ko ang seradura ng banyo at bukas iyon. Dinig ko pa ang pakanta-kanta niya habang naliligo. Hindi man lang niya ako napansin kaya hinawi ko ang shower curtain habang abala siyang nagsasabon ng katawan. 

Kung may mapupuri man ako sa katawan ni Kyoko, iyon ay ang maputi niyang balat na parang labanos. Ni hindi ko man lang akong makita na dark spots sa katawan at hindi ko napansin na umitim siya kahit na parang bata siyang nagtampisaw sa dagat doon sa Palawan.

“Care to join me, hubby?” tanong ni Kyoko sa akin. Nakangiti pa siya na humarap sa akin. And I swear, I saw the cutest b*obs I’ve ever seen in my life! Napaawang ang labi ko at bago ko pa napansin, uminit ang aking pakiramdam na parang sinisilaban.

“OMG! You are having a boner, Paeng!” Humagikgik pa si Kyoko sa napansin sa katawan ko. Sa sobrang pagkapahiya ko, tumalikod na ako at lumabas ng banyo.

Tinampal ko ang aking mukha para mahimasmasan ako. NO! This can’t be! Akala ko ay hindi talaga ako maakit sa asawa ko. But seeing her naked body in the shower gave me a boner! Sa lakas ng pasumpa-sumpa kong hindi ako maaakit sa kanya ay traydor naman ang katawan ko. To top it all, nahuli pa ako ni Kyoko!

Napaigtad pa ako nang lumabas siya ng banyo. Namilog ang aking mata nang makita ang suot niyang manipis na nighties.

“Nagustuhan mo ba ang suot ko Mister? Pwede mo na ba akong bigyan ng anak?” tukso pa ni Kyoko. 

Hindi ako nakaimik at bigla akong nauuhaw. Aaminin kong kahit walang kurbada ang katawan ng asawa ko ay naakit ako. Pero, hindi pwede! Kataksilan kung pagbibigyan ko ang panunukso niya sa akin!

Lumabas ako ng silid at pumunta sa veranda para magpahangin. Pilit kong tinatanggal sa aking sistema ang alindog ng asawa ko. Dumaan na lang ang treinta minutos pero hindi ko pa rin mabura sa isipan ang itsura ng asawa ko. I feel so frustrated and an asshole for being so weak!

Tumunog ang aking cellphone. Tumatawag si Fiona at bago ko pa iyon sagutin, ngumiti ako.

“Hello, love. Kamusta ang byahe mo?” tanong ko kay Fiona.

“Okay lang. Pupuntahan kita sa opisina mo bukas ha? At least doon wala ng asungot.”

Marami pa kaming napag-usapan ni Fiona. At nagkasundo kaming magkikita sa opisina kinabukasan. 

Bumalik na ako sa silid. Tulog na ang aking asawa at dinig ko pa ang mabini niyang hilik. Nang tingnan ko ang kanyang suot ay natawa na lang ako dahil balik ito sa nakagawian niyang pajama na cartoon character at tank top na itim.

Kinabukasan nga, maaga akong pumasok sa opisina. Kaagad na sinalubong ako ng tukso ng mga kaibigan na sina Kevin at Jake.

“So, how’s married life? Na-enjoy mo ba ang katawan ng batang bata na asawa mo, Cervantes? usisa ni Kevin.

“Ul*l ka talaga, Kevin. Bakit ko naman sasabihin sa iyo ang ginawa namin?” kunwari ay sita ko sa kanya.

“Oh, c’mon dude! Nag-asawa ka lang ay hindi mo na kayang i-share ang mga intimate moments ninyo ni Kpop!” reklamo ni Jake. Sa dalawa kong kaibigan si Jake ang may crush sa asawa ko.

“Isa ka pa! Tigilan mo na kapapantasya sa asawa ko, oy!” Tinapunan ko pa si Jake ng kornik na siyang kinukukot namin habang nag-di-discuss ng susunod na project sa bandang Toril.

“Sir, Miss Ricaforte is here.” Sumungaw sa bukas na conference room si Maya, ang aking sekretarya.

Lumabas na sina Jake at Kevin pero kita ko kung paano sumeryoso ang kanilang mga mukha. Hindi rin nila binati si Fiona kahit na all smile ang bagong dating.

“Love, na-miss kita.” Kumandong kaagad si Fiona sa akin at hinalikan ako. As usual, nadala ako sa galing niyang humalik. Kung may kinabibiliban man ako sa kanya, iyon ay ang galing niya sa performance.

Hinihingal na maghiwalay ang aming mga labi.

“Lapastangan!”

Namilog ang aking mata at dali-dali akong tumayo. Hindi ko alam ang gagawin ko lalao at ayaw ni Lolo Augustus kay Fiona and yet nahuli niya kami sa isang compromising scene. Gusto kong batukan ang sarili ko lalo at hindi ko nabilinan ang aking sekretarya na ipaalam ang mga bisita sa akin.

 Lalapit na sana ako kay Lolo pero napahawak siya sa kanyang batok. Mabuti na lang at nasalo ko siya bago bumagsak sa lapag.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Seducing My Aloof Husband    chapter 50

    Kyoko POV Ilang araw na rin mula nang umalis si Rafael. Pang apat na araw ko na dito sa mga Fontanilla at kahit paano ay naaaliw ako sa mag-asawang Terence at Faustina. Kaibigan ko na sila dati pa lalo at madalas naman sila dumadalaw sa Hacienda Esmeralda kahit noon pa. Nasa veranda ako at nagpapahangin lalo at siesta ngayon. Wala naman masyadong ganap sa bahay nila lalo at busy din sa niyugan at sagingan si Terence. Shipment ng cavendish banana ang negosyo ng mga ito. Kabilang ang Hong Kong, Japan, at Russia sa mga bansa kung saan nagsu-supply sila ng mga nasabing uri ng saging at pawang chain of supermarket ang kanilang kliyente. “Nandito ka lang pala. Halika nga at bumaba ka na. Isasama kaya kita sa koprahan, Tamang tama at nagbibiyak ng mga niyog ang mga tauhan. Baka gusto mo umusyoso.” Ayoko naman lumabas na bastos kaya sumama na ako kay Faustina. Binabaybay namin ang daan patungo sa koprahan nang masilayan ang isang pigura. Natatandaan ko ang babaeng iy

  • Seducing My Aloof Husband   Chapter 49

    Rafael "You didn't listen to your wife's request?" Kumunot ang noo ni Lolo Augustus habang tumatayo mula sa kanyang swivel chair. Nasa library kami kasama ang kanyang personal therapist na si Romer. "Lolo, I have to make sure na hindi apektado si Kyoko sa nasagap niyang tsismis," maikli kong sagot. "Was it just a rumor, Rafael? Siguraduhin mo lang na hindi mo ginalaw ang babaeng 'yon. Kung hindi ay malilintikan ka talaga sa akin." May papel na binagsak si Lolo Augustus sa kanyang table. "Sign this and the lawyers will submit these to the court. It will be my assurance na hindi ka na lalapitan ng babaeng 'yon." Pinulot ko ang papel na iyon at nakita na plano magsampa ng reklamo ni Lolo Augustus under my name para pigilan si Fiona na lumapit at manggulo sa aming mag-asawa. "Nag-offer na ako ng pera sa kanya pero hindi niya kinagat. And now all I have to do is coax you to finally file a complaint. If you are serious about fixing your marriage, heed my ad

  • Seducing My Aloof Husband   Chapter 48

    Kyoko POV "Anong ginagawa mo dito, Rafael? Bakit ang hirap mong intindihin ang sinabi ng asawa mo?" Asik ni nanay habang binababa ang hawak na tray. Naamoy ko na ang dala niyang pagkain ay pihadong tinolang manok lalo at nakausli pa ang dahon ng sili sa gilid ng mangkok. "At saka ibaba mo nga asawa mo. Hindi naman siya pilay o lumpo bakit kinakarga mo 'yan?" Napakapit ako sa balikat ni Rafael. Though alam ko naman na magaan lang ako kahit pa malaki na ang tiyan ko dahil kambal nga ang pinagbubuntis ko. Hindi na nakatiis si nanay at inagaw na niya ako kay Rafael. "Nay, relax ka lang. Magaan lang naman ang misis ko. Okay naman na si Kyoko na mag-stay ako dito. Please hayaan mo na ako ang magpakain sa kanya sa dala niyo na pagkain," may halong pagtaboy na saad pa ng asawa ko. Mahigpit ang hawak niya sa akin lalo at desidido si nanay na bawiin ako sa mga bisig niya. Kaya napatingin si Nanay Celina sa akin. Tumango ako lalo at ayaw ko na humaba pa ang diskusyon. Padabo

  • Seducing My Aloof Husband   Chapter 47

    Rafael "Ayaw mo ba talagang tumigil, Fiona?" Nagtagis ang mga ngipin ko at ilang beses na pinindot ang busina. I want her to feel that I am not pleased with her presence. Kung hindi lang kasalanan na sumagasa ng tao at babae pa talaga ay ginawa ko na! "Susuyuin mo na naman ang maarte kong half sister? Kung ako ang pinili mo, Rafael hindi ka sana namamalimos ng atensyon sa pangit na 'yon!" sigaw pa ni Fiona habang ginugulo ang kanyang buhok. Sa inis ko, bumababa ako ng sasakyan. Nilapitan ko siya at hinaklit ang kanyang braso. "Don't you ever insult the mother of my kids, Fiona. You will not like it when you anger me this much." Pinisil ko pa lalo ang kanyang braso kaya mapaigik siya. Hindi ko akalain na darating ang araw na kinamumuhian ko ang babae na minsan ay halos mabaliw ako sa kanyang alindog. I repulse the idea that once I was so madly and obsessed by her bed prowess. Gone are the days when she had me at her command. "Hindi ka ba napapagod intindi

  • Seducing My Aloof Husband   Chapter 46

    Rafael Wala akong nagawa sa kagustuhan ni Misis. Pinilit ko na lang ang sarili ko na bumalik sa Hacienda Esmeralda. Nasa bukana na ako ng malaking gate papasok ng hacienda nang makita ko si Fiona na nasa gitna ng daan. Kaagad kong binusinahan ito. Hindi man lang siya natinag. Matay mang isipin, gusto ko siyang sagasaan sa pagdudulot niya ng problema naming mag-asawa. "Rafael, wait!" sigaw ni Fiona habang nag-wave siya ng kamay. "Rafael, ano ba? Please, stop!" Hinarang na talaga niya ang sarili at dinantay ang kanyang matambok na pwet sa hood ng aking sasakyan. "Not right now, Fiona. Please, pabayaan mo na kaming mag-asawa. Give us peace," pagsamo ko sa kanya. Ni hindi ko siya makuhang tingnan lalo at bumabalik sa isip ko ang mga ginawa niya at ng kanyang tiyuhin na si Delfin. "What happened to us, Rafael. Hayaan mo na lang si Kyoko kung ayaw niya sa iyo. Nandito naman ako na willing maging side chick mo. Please, I am begging you to take me back

  • Seducing My Aloof Husband   Chapter 45

    Kyoko POV Natawa na lang si Faustina sa sinabi ko. Nakayakap si Terence sa kanya. Nakikita ko sa kanilang mag-asawa ang naging journey namin ni Rafael bilang mag-asawa. Like them, arranged marriage ang nagbuklod sa kanila. Mas maganda pa nga ang naging history nila dahil family friend ng mga Cervantes ang mga Fontanilla. Samantanlang kami ni Rafael ay parang aso at pusa na munting kibot lang nagbabangayan na kami. Simula pa nga noong bata pa ako, gigil na gigil na siya sa akin. Only to find out na kalahi ko pa ang babaeng nanakit sa kanya noong college siya. “Oy, naiinggit na si bilas oh,” tukso ni Terence sa akin habang may panakaw na halik sa pisngi ng asawa. Napangiti ako lalo at lumilipad ang utak ko kung saan habang naghaharutan ang dalawa sa harapan ko. Natawa na lang ako sa biro niya. The usual Terence na inaalaska ako every time may pagkakataon siya. “Terence, isa!” Halata sa boses ni Faustina ang inis. “Alam mo naman na bawal ma-stress si Kyoko.” “Sor

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status