Share

Kabanata 21

Ang pagsulpot ni Maica sa mansyon ay tila isang hudyat para kay Lera na ituloy ang planong pag-alis sa Sta. Ignacia kasama ang anak.

"Anong balak mo ngayon anak?" tanong ng kan'yang ina nang mkatulog na si Arim sa kwarto.

"Itutuloy ko po ang pagbabalik sa lungsod."

Sadyang kayrami na ngayon ng rason upang ilayo ang anak sa lugar. Kahapon lamang ay narinig niya ang ilang kapitbahay nilang pinag-uusapan ang nangyaring komosyon nang isang araw sa mansyon. Kung saan nakarating sa mga ito ang pag-aaway ng bunso ng mga Valle, na si lucas, at nobyang si Maica. Dito ay narinig niyang nadawit ang pangalan ng anak.

"Malandi nga'ng tunay 'yang nanay ni Arim, kawawang bata."

"Hindi malandi si Lera, matalino lang iyan. Akalain mo'ng mayaman ang biningwit."

"Baka naman hindi anak ni Sir Lucas iyang si Arim, baka ginagamit lang nina Lera upang makaahon sila sa hirap."

Samo't-saring mga usapan na kayang tanggapin ni Lera kung siya lamang ang imbwelto

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status