Share

Kabanata 20

Author: Rina
last update Last Updated: 2021-12-26 22:20:32

Minsan pa'y masayang manatili sa masayang parte ng buhay, subalit darating ang isang segundo na babalik tayo sa reyalidad.

Hindi inaasahan ni Lucas ang pagdating ng nobya. Kanina ay kausap niya pa lamang ito sa telepono ngayo'y nasa harapan niya na.

Bakas sa mukha ng babae ang pagkadisgusto sa tagpong nabungaran. Sa kabila ng namumuong galit sa dibdib ay nananatili pa din na mahinahon ang itsura nito.

"Tara na baby, akyat muna tayo?" Narinig niyang sabi Lera sa kanilang anak. Ipinagpasalamat niya iyon upang kahit papaano'y mabawasan ang tensyon sa pagitan nila.

"You appear to be having a good time here," sarkastikong pagkakasabi ni Maica habang sinusundan ng matalim na tingin si Lera.

"Maica, it's not what you think." Nilapitan siya ni Lucas subalit umatras ito ng isang hakbang.

"After seeing you laughing with a woman and a child who look exactly like you, what do you think I'm thinking?"

"Let me explain, babe." Napahinga nang malalim

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Seducing My Baby's Father    Epilogue

    Pag-ibig. Isang makapangyarihang pakiramdam ang pag-ibig. Oras na magmahal ka, nabubulag ang puso mo sa iba pa'ng pakiramdam. Ang sakit at puot ay hindi mo madarama dahil ang tibok ng pusong nagmamahal ay ang natatanging emosyon na nais mong maramdaman. Hindi ka manhid, hindi ka bulag. Tinuruan ka lang ng pag-ibig kung paano makita ang positibo sa bawat bagay. Ito ang pag-ibig, emosyong mahirap pigilan at kalabanin."Relax Lucas." Ang pampapalubag loob na mga salita mula sa mga nakakatandang kapatid ni Lucas sa kan'yang likod ay hindi nakatulong upang maibsan ang malakas na tibok ng kan'yang puso.Marahan niyang minasahe ang kamay, pagkalaon ay inaayos ang kurbata at hinahagod ang buhok palikod. Paulit-ulit niyang ginagawa ngunit naroon pa din ang kaba."Papa, relax ka lang po." Napatingin siya sa tabi nang magsalita ang anak na kagaya niya ang suot na tuxedo."Ang tagal kasi ng mama mo. Nasa labas na siya 'di ba anak?" Ang mga naglalakad

  • Seducing My Baby's Father    Kabanata 83

    Ang maingay at masayang mansyon ay nabalot ng katahimikan. Pakiramdam ni Lera ay bumalik siya sa panahon kung saan pinagpaplanuhan niya pa lamang na bawiin ang anak. Nakakapanibago. Nakakalungkot."Hindi talaga naubusan ng paraan si Ginang Juana para makuha sa'yo ang mag-ama mo."Hindi pinansin ni Lera ang sinabi ng kaibigan. Ang kan'yang mga mata ay tutok sa wedding gown na ipinadala kaninang umaga ng designer sa mansyon. Biglaan ang mga pangyayari kaya kahapon pa lang siya nakaabiso dito na kanselado ang kasal."Ikakasal na kayo bukas pero nagawa pa din ni Lucas na umalis kasama pa si Arim," dagdag pa ni Maris na umupo sa kama at pinagmasdan ang malungkot na kaibigan."Nasabihan mo na ba ang mga bisita na hindi na tuloy ang kasal bukas?" pagkalaon ay tanong ni Lera.Marahan na tumango si Maris. Sa totoo lang ay naaawa siya sa kaibigan, ngunit wala naman siyang magagawa kung sa bandang huli ay nais maging kontrabida ni Ginang Juana.

  • Seducing My Baby's Father    Kabanata 82

    Ang pag-ibig ay mas matamis sa ikalawang pagkakataon. Tama nga siguro ang kasabihan dahil walang paglagyan ang kasiyahan na nadarama ng puso ni Lucas at ni Lera. Tila ba isang gamot na pampalimot ang pag-ibig, na nagawa nitong burahin sa kanilang alaala ang mga pinagdaanan noon."Papa, tama po ba ito?" tanong ni Arim habang pilit na itinatali ang munting na kurbata sa kan'yang leeg.Bahagyang umupo si Lucas upang magpantay sila ng anak at inayos ang pagkakatali ng kurbata. Napangiti siya nang makita na maliit na bersyon niya ang anak dahil pareho sila ng suot pati ang pagkakahagod ng buhok palikod."Papunta na daw siya dito." Mabilis siyang napaayos ng tayo nang marinig ang humahangos na boses ni Maris.Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng lugar bago pa man patayin ang ilaw doon.Nabalot ng dilim ang function hall ng hotel na ipina-reserve niya. Kinuntsaba niya ang malalapit na kaibigan ni Lera kabilang na si Jervy, na nirerespeto ang

  • Seducing My Baby's Father    Kabanata 81

    Ang katahimikan ng gabi ay hindi napapansin ni Lera dahil ang kan'yang isipan ay ukopado nang naging pag-uusap nila kahapon ng kan'yang mag-ama. Partikular na ang katanungan ng mga ito sa kan'ya. Kung hindi lamang siguro pumasok sa loob ng silid ang kan'yang Nanay Nora ay baka napatango na siya. Subalit, ano pa ba ang bumabagabag sa kan'yang isipan? Si Ginang Juana ba? Malayo na si Ginang Juana at kung magtitiwala lamang siya kay Lucas ay madali para sa kanila na magkaroon ng isang buong pamilya. "Tulog na si Arim?" Ang pagpasok ni Lucas sa silid ay hindi niya napansin. Mabilis siyang napabangon sa higaan at kinapa ang noo ng bata. Mayroon itong sinat kaninang umaga. "Nakatulog na din. Mamaya kapag tumaas pa ang lagnat ay gigisingin ko para uminom ng gamot." Hindi niya naiwasan ang humikab matapos sabihin iyon. Umupo si Lucas sa paanan ng kama. "Ako na ang magbabantay sa kan'ya. Matulog ka na sa kwarto mo," anito. Umiling siya. H

  • Seducing My Baby's Father    Kabanata 80

    Mula sa terasa ng kwarto ay nakangiting pinagmamasdan ni Lera ang kan'yang mag-ama at si Mikoy na maglaro ng basketball. Gumawa ng maliit na basketball court sa likod bahay si Lucas nang isang araw.Narinig niya ang halakhakan ng mga ito nang pumalya si Mikoy sa pag-shoot ng bola.Ang kan'yang malawak na ngiti ay naglaho nang tumuon sa kan'ya ang tingin ni Lucas. Itinuro siya nito na animo'y sinasabing para sa kan'ya ang pagtira nito ng bola sa ring.Narinig niya pa ang kantyawan ni Arim at Mikoy sa kanila. Hindi niya alam kung kailan naging close ang dalawa dahil simula nang bumalik siya ay parang ito na ang magkapatid.Kinagat niya ang pang-ibabang labi upang pigilan ang pagtawa nang mag-bounce lang pabalik ang bola. Humalukipkip siya at mataray na pinasadahan ng tingin si Lucas."Sira 'yong ring! Aayusin ko ito mamaya," sigaw nito nang tumalikod siya.Walang pasok kung kaya sabay-sabay silang kumain ng tanghalian sa bakuran. Sariwa ang ha

  • Seducing My Baby's Father    Kabanata 79

    Ika nga sa sikat na kasabihan, action speaks louder than words. Ikinaiinis ito ni Lera. Bakit ba siya nakatulog sa tabi ni Lucas? Nakayakap pa siya dito. Hindi tuloy mawala ang ngiti sa labi ng lalaki kinabukasan. "Nakasuot ka pa ng pajama," pang-aasar nito sa kan'ya habang nagsasalo sila ng agahan sa hapag. Sinamaan niya ito ng tingin habang walang habas na hinihiwa ang bacon sa kan'yang plato. Tumigil lang ito sa pang-aasar nang tumunog ang telepono. "Yes anak, nandito ang mama po. I think she's worried to me last night kaya nakarating dito." Nagkakamali pala siya dahil nagpatuloy pa din ito sa pang-aasar. Mabilis na tumayo si Lera at sapilitan na inagaw ang telepono kay Lucas. Lihim na napatawa ang mga katulong na pinagmamasdan sila mula sa isang tabi. "Parang mga teenagers na nag-iibigan," komento ng mga ito. Kinausap ni Lera ang anak. Kasama ito ng kan'yang Tito Mikoy. Ipapasyal daw. Mabuti iyon para malibang ang bata.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status