Bahagyang naaaninag ni Lera ang itsura ng lalaki sa larawan, subalit bago niya pa man lubusang makilala ito ay nakuha na iyon ng hepe mula kay Ginang Juana.
Kaagad na nagbigay ng utos ang hepe sa kan'yang mga kapulisan upang hanapin ang anak na bunso ng mga Valle.
"Ano'ng nangyari kay Haya, Luisa?" tanong ng ginang sa pinsan ng kan'yang yumaong asawa.
Bahagyang ikwenento ni Luisa ang nangyari sa anak at ang ginawang pagtulong ni Lera.
Napaayos sa pagkakaupo si Lera nang tumingin sa kan'ya ang pinakamarangyang ginang sa kanilang bayan.
Yumuko ang kan'yang ama't ina, na nakatayo sa likod niya, bilang paggalang, habang siya nama'y mataman na nakipagtitigan dito.
Iniisip niyang napakaswerte ng mga mayayaman dahil bukod sa limpak-limpak na pera nila ay marami pa silang pribelihiyo, kagaya nito. Hindi pa isang araw na nawawala ang bunsong anak ni Ginang Juana ay mabilis nang tinugunan ng hepe ang kahilingan na hanapin ito, samantalang ang kan'yang ama'y nakipagtaasan na ng boses sa kinauukulan upang mahanap lamang siya subalit sa huli'y ito pa ang napagalitan.
"What do you expect from the starving people of Sta. Ignacia?" Sinabi iyon ni Ginang Juana nang hindi inaalis ang tingin kay Lera at sa mga magulang nito.
Hindi gaanong maalam si Lera sa pagsasalita ng ingles pero sapat ang kan'yang kaalaman upang makaunawa nito. Sa narinig niyang binitiwang salita ng ginang, hindi lamang ang sinabi nito ang naintindihan niya, maging ang panghuhusga sa tono ng pananalita at paraan ng pagtingin nito sa mga kagaya nila.
Ibinalik ng ginang ang tingin kay Luisa.
"Hindi na nakakapagtaka na gagawa sila ng masama. Mga walang pinag-aralan ang mga iyon at umaasa na lamang sa kakarampot na perang ipapasahod natin sa kanila," walang pag-aalinlangang sabi nito.
Mapaumanhing tumitig si Luisa sa pamilya ni Lera. Maging ito ay hindi rin nagugustuhan ang tono ng pananalita ng asawa ng kan'yang pinsan.
"Mawalang-galang na po Ginang Juana, huwag n'yo po sana'ng lahatin ang mga taga-rito sa Sta. Ignacia. Maging kami po ay mahirap din na pamilya, subalit kailanman ay hindi namin naisipan na gumawa ng masama," ani Lera.
Naalarma si Leroy at Nora sa pagsabat sa usapan ng kanilang anak. Mariing hinawakan ni Nora si Lera sa balikat upang pigilan ito na magsalita pa'ng muli.
"Pagpasensyahan n'yo na po ang aking anak Ginang Juana." Agarang humingi ng paumanhin si Leroy sa ginang, na siyang nagmamay-ari ng lupang kan'yang sinasakahan.
Alam niya'ng may punto ang anak subalit hindi niya nanaisin na mawalan ng hanapbuhay.
Taliwas sa kan'yang mga magulang, hindi nag-aalangan si Lera na ipahayag ang kan'yang saloobin at prinsipyo, mahirap o mayaman man ang kaharap ay wala siyang pakialam, basta't nasa panig siya ng tama ay ipapahiwatig niya ito.
"Karamihan hija," pagdidiin ni Ginang Juana, na binigyan pa si Lera nang mapanganib na ngiti.
Sa muli ay humingi ng paumanhin ang kan'yang magulang bago ito magpaalam at hilahin siya palabas ng estasyon.
Pagkauwi sa kanilang maliit na bahay, na napapaligiran ng mga puno at halaman na siyang nagsilbing bakuran, ay sinalubong siya ng bunsong kapatid na si Mikoy.
Hindi sila kaagad nakapagkwentuhan dahil kagaya ng kan'yang inaasahan ay pinagalitan siya ng ama. Dumiretso na sa mansyon ng alkalde ang kan'yang ina kung kaya't walang namagitan sa kanila.
"Hindi ka na maglalayas o pupunta sa ibang bansa! Wala na'ng aalis sa pamamahay na ito. Mag-aaral ka at gagawin ko ang lahat makapagtapos ka lang, anak." Gusto ni Lera ang sinabi ng ama subalit mahirap iyon para sa katulad nilang pobre.
Gayunpaman, tumango siya. Wala nang dahilan upang sumuway pa. Umalis na si Maris patungong Japan at naiwan siya ditong magtitiis muli sa hirap.
Pagsapit nang gabi ay umuwi na rin ang kan'yang ina mula sa pamamasukan bilang kasambahay. Kagaya ng kinasanayan nila ay sama-sama silang nagsalo sa hapag.
Hindi man masarap na putahe ang nakahain sa lamesa ay tinuruan sina Lera at Mikoy ng kanilang mga magulang na magpasalamat at maging masaya anuman ang nasa hapag.
Naiwan siya sa kusina upang maghugas ng pinggan. Ang kan'yang ama ay nagpapahinga sa munti nilang salas habang nakikinig ng balita sa mumurahing radyo na nabili nito sa bayan. Pagod ito sa maghapon na pagsasaka. Si Mikoy nama'y sumasagot ng assignment, nasa ika-pitong grado na ito.
Tahimik siyang nagsasabon ng plato nang mapadako ang kan'yang mga mata sa maliit na pasa sa kan'yang palapulsuhan.
Muli ay bumalik sa kan'yang alaala ang mapusok at mainit na kaganapang namagitan sa kanila ng estranghero. Madiin ang pagkakahawak nito sa kan'yang palapulsuhan dahilan upang magkapasa ito.
Naputol ang kan'yang pag-iisip nang tabihan siya ng ina at ito na ang nagbanlaw ng sinasabon niyang baso at plato.
"Saan ka ba talaga nagpalipas ng gabi kagabi?" Alam ng kan'yang ina na si Maris lamang ang nag-iisa niyang kaibigan, kaya't nagtataka ito'ng hindi siya doon natulog.
"S-sa isang abandonadong kubo po 'nay. Natakot po kasi ako'ng mahuli ng mga lalaking humahabol sa akin kaya nagtago ako doon."
Matagal siyang pinagmasdan ng ina. Nararamdaman nito na tila mayroon siyang tinatago subalit ipinagkibit-balikat na lamang iyon.
Bukas si Lera sa ina, pero sa pagkakataon na ito ay magtatago siya. Hindi niya kaya'ng ikwento ang parte ng gabi, kung saan ibinigay niya ang sarili sa isang lalaking may asawa na.
"Pitaka mo nga pala. Nakita ko ito sa mansyon ni Mayor Esteban." Iniabot ni Nora ang pitaka sa anak.
Nagtaka si Lera kung paano iyon napunta doon nang muling magsalita ang ina.
"Marahil ay nakita iyan ni Ma'am Haya kagabi kaya't nalaman niyang ikaw ang tumulong sa kan'ya. Mayroon nga palang hinihiling na pabor si Madam Luisa. Nais niyang maging witness ka sa pagsampa nila ng kaso."
Mabilis siyang tumango sa ina. Handa siyang tumulong.
Tumagal ng higit isang buwan ang paglilitis ng kaso, ngunit kung ikokompara sa iba ay mas mabilis na nabigyan ng hustisya ang nangyari kay Haya. Ito'y sa kadahilanang pamangkin siya ng alkalde.
"Maraming salamat Lera!" Mahigpit na niyakap ni Haya si Lera matapos maikulong ang dalawang suspek.
Mabait si Haya kung kaya't naging mabilis silang magkaibigan
"Mayroon ako'ng supresa saiyo, bilang pasasalamat," dagdag nito.
Iniabot ni Haya ang isang sulat.
Napaawang ang labi ni Lera nang mabasa ito. Isang full scholarship sa kolehiyo. Mabilis na nangilid ang luha sa kan'yang mga mata. Hindi niya akalaing ang simpleng pagtulong niya ay magbubunga sa isang napakagandang biyaya.
Niyakap niyang muli si Haya at paulit-ulit na nagpasalamat. Sa wakas ay matutupad na rin ang kan'yang pangarap.
Nang araw din na iyon ay bumalik na si Haya sa America kasama ang ina. Ikinalungkot ito ni Lera dahil bukod kay Maris, si Haya ang kaibigan na panatag ang kan'yang kalooban.
Nang sumunod na mga araw ay naging abala si Lera sa pag-aasikaso ng mga dokumentong kailangan sa pag-enrol niya sa kolehiyo. Nagsisimula na ang pasukan kung kaya't minadali niya ito.
"Ate, gising na. Ngayon ang unang araw mo sa kolehiyo 'di ba?" Mula sa masarap na pagtulog ay mabilis na napabangon si Lera nang marinig ang sinabi ng kan'yang kapatid.
Napangiwi siya nang makitang pasado alas-syete na nang umaga. Alas-nuebe pa ang kan'yang unang klase, ngunit may kalayuan ang pribadong paaralan na papasukan niya, kung kaya't kailangan niyang maging maaga.
Paano niya nagawang matulog nang napakahimbing gayong labis siyang nasasabik na pumasok kagabi?
Umalis na ang kan'yang ina't ama upang magtrabaho habang ang kapatid niya nama'y handa nang umalis, suot ang uniporme nito sa eskwela.
Dumiretso siya sa hapag upang mag-agahan. Pakiramdam niya'y nagugutom na siya dahil panay ang pagtunog ng kan'yang tiyan at tila ba punong-puno ito ng hangin.
Subalit kaagad siyang napangiwi nang maamoy ang bawang sa sinangag na luto ng kan'yang ina.
Mabilis siyang tumakbo patungo sa banyo nang makaramdam ng pagduwal. Dinaluhan siya ng kapatid.
Sinabi niya ditong maayos lamang siya dahil baka mahuli pa ito sa klase. Ang totoo'y nakakaramdam pa siya ng kaunting pagkahilo. Iniisip niyang dahil ito sa gutom kung kaya't pinagtyagaan niyang kainin ang itlog at tuyo sa lamesa matapos itago ang sinangag, na amoy na amoy niya pa din ang bawang.
"Ilang bawang kaya ang inilagay doon ni inay?" tanong niya sa sarili.
Paborito niya ang sinangag ng ina at ito ang unang beses na hindi niya kayang kainin iyon.
Masama man ang pakiramdam ay nagpumilit siyang pumasok. Labis ang kan'yang kagalakan na makapag-aral.
Habang naglalakad patungo sa silid-aralan ay nakaramdam muli siya ng pagkahilo.
"Miss okay ka lang ba?" Isang kagaya niyang estudyante ang lumapit. Bago pa man siya makasagot ay tuluyan na siyang bumagsak.
Nagising siyang nakahiga sa isang kama. Maayos na ang kan'yang pakiramdam nang pumasok ang isang nurse.
Nalaman niyang nasa clinic siya ng paaralan.
In-examine siya nito at tinanong kung ano ang kan'yang nararamdaman. Ikwenento niya ang pagduwal at pagkahilo kaninang umaga.
"Sa tingin ko po ay dahil lamang sa gutom ang nangyari kanina."
Subalit hindi iyon pinakinggan ng may edad ng nurse.
"Kailan ka huling dinatnan?"
Matagal bago nakasagot si Lera dahil ngayon niya lamang napagtanto na hindi pa siya dinadatnan. Normal ang kan'yang buwanang dalaw, ngayon lamang tila mahuhuli.
"Hindi pa po ako dinadatnan ngayong buwan." Hindi niya mawari ang kaugnayan nito sa pagsusuka at pagkahilo niya kanina, gayunpaman ay sinagot niya ang nurse.
Umiling ang walang kangiti-ngiting nurse.
"Mag-PT ka." Iniabot nito ang isang pregnancy test sa kan'ya.
Umiling siya bilang pagtanggi. Hindi siya buntis. Dala lamang iyon ng gutom dahil hindi siya sanay na mag-agahan ng lagpas sa oras ng alas-sais.
"Ang mga sinabi mo ay sintomas ng pagdadalang-tao. May nobyo ka pa? Kailan huling may nangyari sainyo?"
Wala siyang nobyo. Ito ang naging sagot niya sa nurse. Subalit malinaw pa sa kan'yang alaala kung paano niya inialay ang kabirhenan sa isang hindi kilalang lalaki.
Nahihiya niyang kinuha ang pregnancy kit. Hindi siya buntis. Hindi iyon pwede. Ito'y kahit pa alam niyang kapag mayroong nangyari sa pagitan ng dalawang makasalungat na kasarian ay maaari itong magbunga sa isang bata.
"Mga kabataan nga naman ngayon, kung kani-kanino na lamang ibinibigay ang sarili." Narinig niyang sabi ng nurse bago siya lumabas ng banyo.
Nanginginig ang kamay na iniabot niya ang kit. Hindi niya alam kung alin ang negatibo, dalawang linya ba o isa?
Marahas na bumuntong hininga ang nurse at umiling. Mataray siya nitong tinitigan.
"Buntis ka."
Pag-ibig. Isang makapangyarihang pakiramdam ang pag-ibig. Oras na magmahal ka, nabubulag ang puso mo sa iba pa'ng pakiramdam. Ang sakit at puot ay hindi mo madarama dahil ang tibok ng pusong nagmamahal ay ang natatanging emosyon na nais mong maramdaman. Hindi ka manhid, hindi ka bulag. Tinuruan ka lang ng pag-ibig kung paano makita ang positibo sa bawat bagay. Ito ang pag-ibig, emosyong mahirap pigilan at kalabanin."Relax Lucas." Ang pampapalubag loob na mga salita mula sa mga nakakatandang kapatid ni Lucas sa kan'yang likod ay hindi nakatulong upang maibsan ang malakas na tibok ng kan'yang puso.Marahan niyang minasahe ang kamay, pagkalaon ay inaayos ang kurbata at hinahagod ang buhok palikod. Paulit-ulit niyang ginagawa ngunit naroon pa din ang kaba."Papa, relax ka lang po." Napatingin siya sa tabi nang magsalita ang anak na kagaya niya ang suot na tuxedo."Ang tagal kasi ng mama mo. Nasa labas na siya 'di ba anak?" Ang mga naglalakad
Ang maingay at masayang mansyon ay nabalot ng katahimikan. Pakiramdam ni Lera ay bumalik siya sa panahon kung saan pinagpaplanuhan niya pa lamang na bawiin ang anak. Nakakapanibago. Nakakalungkot."Hindi talaga naubusan ng paraan si Ginang Juana para makuha sa'yo ang mag-ama mo."Hindi pinansin ni Lera ang sinabi ng kaibigan. Ang kan'yang mga mata ay tutok sa wedding gown na ipinadala kaninang umaga ng designer sa mansyon. Biglaan ang mga pangyayari kaya kahapon pa lang siya nakaabiso dito na kanselado ang kasal."Ikakasal na kayo bukas pero nagawa pa din ni Lucas na umalis kasama pa si Arim," dagdag pa ni Maris na umupo sa kama at pinagmasdan ang malungkot na kaibigan."Nasabihan mo na ba ang mga bisita na hindi na tuloy ang kasal bukas?" pagkalaon ay tanong ni Lera.Marahan na tumango si Maris. Sa totoo lang ay naaawa siya sa kaibigan, ngunit wala naman siyang magagawa kung sa bandang huli ay nais maging kontrabida ni Ginang Juana.
Ang pag-ibig ay mas matamis sa ikalawang pagkakataon. Tama nga siguro ang kasabihan dahil walang paglagyan ang kasiyahan na nadarama ng puso ni Lucas at ni Lera. Tila ba isang gamot na pampalimot ang pag-ibig, na nagawa nitong burahin sa kanilang alaala ang mga pinagdaanan noon."Papa, tama po ba ito?" tanong ni Arim habang pilit na itinatali ang munting na kurbata sa kan'yang leeg.Bahagyang umupo si Lucas upang magpantay sila ng anak at inayos ang pagkakatali ng kurbata. Napangiti siya nang makita na maliit na bersyon niya ang anak dahil pareho sila ng suot pati ang pagkakahagod ng buhok palikod."Papunta na daw siya dito." Mabilis siyang napaayos ng tayo nang marinig ang humahangos na boses ni Maris.Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng lugar bago pa man patayin ang ilaw doon.Nabalot ng dilim ang function hall ng hotel na ipina-reserve niya. Kinuntsaba niya ang malalapit na kaibigan ni Lera kabilang na si Jervy, na nirerespeto ang
Ang katahimikan ng gabi ay hindi napapansin ni Lera dahil ang kan'yang isipan ay ukopado nang naging pag-uusap nila kahapon ng kan'yang mag-ama. Partikular na ang katanungan ng mga ito sa kan'ya. Kung hindi lamang siguro pumasok sa loob ng silid ang kan'yang Nanay Nora ay baka napatango na siya. Subalit, ano pa ba ang bumabagabag sa kan'yang isipan? Si Ginang Juana ba? Malayo na si Ginang Juana at kung magtitiwala lamang siya kay Lucas ay madali para sa kanila na magkaroon ng isang buong pamilya. "Tulog na si Arim?" Ang pagpasok ni Lucas sa silid ay hindi niya napansin. Mabilis siyang napabangon sa higaan at kinapa ang noo ng bata. Mayroon itong sinat kaninang umaga. "Nakatulog na din. Mamaya kapag tumaas pa ang lagnat ay gigisingin ko para uminom ng gamot." Hindi niya naiwasan ang humikab matapos sabihin iyon. Umupo si Lucas sa paanan ng kama. "Ako na ang magbabantay sa kan'ya. Matulog ka na sa kwarto mo," anito. Umiling siya. H
Mula sa terasa ng kwarto ay nakangiting pinagmamasdan ni Lera ang kan'yang mag-ama at si Mikoy na maglaro ng basketball. Gumawa ng maliit na basketball court sa likod bahay si Lucas nang isang araw.Narinig niya ang halakhakan ng mga ito nang pumalya si Mikoy sa pag-shoot ng bola.Ang kan'yang malawak na ngiti ay naglaho nang tumuon sa kan'ya ang tingin ni Lucas. Itinuro siya nito na animo'y sinasabing para sa kan'ya ang pagtira nito ng bola sa ring.Narinig niya pa ang kantyawan ni Arim at Mikoy sa kanila. Hindi niya alam kung kailan naging close ang dalawa dahil simula nang bumalik siya ay parang ito na ang magkapatid.Kinagat niya ang pang-ibabang labi upang pigilan ang pagtawa nang mag-bounce lang pabalik ang bola. Humalukipkip siya at mataray na pinasadahan ng tingin si Lucas."Sira 'yong ring! Aayusin ko ito mamaya," sigaw nito nang tumalikod siya.Walang pasok kung kaya sabay-sabay silang kumain ng tanghalian sa bakuran. Sariwa ang ha
Ika nga sa sikat na kasabihan, action speaks louder than words. Ikinaiinis ito ni Lera. Bakit ba siya nakatulog sa tabi ni Lucas? Nakayakap pa siya dito. Hindi tuloy mawala ang ngiti sa labi ng lalaki kinabukasan. "Nakasuot ka pa ng pajama," pang-aasar nito sa kan'ya habang nagsasalo sila ng agahan sa hapag. Sinamaan niya ito ng tingin habang walang habas na hinihiwa ang bacon sa kan'yang plato. Tumigil lang ito sa pang-aasar nang tumunog ang telepono. "Yes anak, nandito ang mama po. I think she's worried to me last night kaya nakarating dito." Nagkakamali pala siya dahil nagpatuloy pa din ito sa pang-aasar. Mabilis na tumayo si Lera at sapilitan na inagaw ang telepono kay Lucas. Lihim na napatawa ang mga katulong na pinagmamasdan sila mula sa isang tabi. "Parang mga teenagers na nag-iibigan," komento ng mga ito. Kinausap ni Lera ang anak. Kasama ito ng kan'yang Tito Mikoy. Ipapasyal daw. Mabuti iyon para malibang ang bata.