Home / Romance / Seducing My Billionaire Stepbrother / CHAPTER 3: IKAW ANG PINILI AT AKO ANG ISINAKRIPISYO

Share

CHAPTER 3: IKAW ANG PINILI AT AKO ANG ISINAKRIPISYO

last update Last Updated: 2025-11-25 11:08:16

Kahit na medyo masama ang lagay ng katawan ko, pinilit ko makapunta sa kumpanya dahil utos din naman ito ni lola. Masakit na masampal ulit.

Nakita ko ang dugo sa pagkakahugot ko sa suwero pero hindi naman ito gano'n kalala. Baka mamaya ay lumipas din. "It's just a blood," sambit ko kahit na sa totoo ay masakit dahil sa pagkabigla kanina.

"Good morning, Ms. Villafuerte," bati ng isang empleyado na nasa entrance. Nagyukuan din ang iba maliban kay Director Sanchez.

Kakarating ko pa lamang pero may kumukuha na naman ng inis ko. Kahit anong pilit ko na hindi na lamang ito pansinin, hindi kaya ng pride ko. Binalikan ko siya na may matalim na tingin habang nakakrus ang braso.

"Look who's here. Ang patapon na anak ng Villafuerte," anito.

Napataas ang kilay ko dahil sa kayabangan sa tono niya. "Buhay ka pa pala tanda?" Ngumisi ako at yumuko upang bumulong sa kaniya. "Malaki ba ang kinikita mo sa pagnanakaw sa company ng papá?" pabalang kong usisa.

Tumawa lamang ito na para bang sinasadya pa niya na mainis ako.

"'E kumusta naman ang buhay na walang napala?" nang-iinis nitong sambit.

Tumiklop ang kamao ko sa sobrang inis at pagkokontrol. Mabuti na lamang dahil biglang dumating ang dating personal assistant ni papá para pigilan ako.

"Hayaan mo na," bulong niya sa akin. "Mr. Philip is waiting for you at his office."

Nagpahabol pa ako ng tingin kay Director Sanchez bago tuluyang umalis. Hintayin niyo lamang na mabawi ko ang dapat na nasa akin. Sisiguruhin kong matatanggal ang lahat ng salot sa kumpanyang ito.

Habang naglalakad papunta sa opisina ni Philip, hindi mapigilan ni Tita Gina na matuwa sa pagbabalik ko.

"Alam mo ba, lagi ko inaasahan na kahit papaano bibisita ka dito. 'E kaso alam ko naman ang sitwasyon mo," kwento niya.

"You're right, tita. Mula nang mawala sila mamá at papá mas humirap sitwasyon e."

Hinawakan lamang niya ang kamay ko at pinisil. "Kaya mo 'yan, ikaw pa," malambot niyang saad na may ngiti sa labi.

Naglaho ang ngiti ko nang ma-realize ko na nasa tapat na kami ng pintuan ng office ni Philip.

"Well, I guess iiwan na kita dito."

"Kaya ko na po i-handle itong lalaki na 'to," saad ko sabay tapik sa balikat niya.

"Kape tayo minsan."

"Sure, tita."

Pinanood ko muna na makalayo si Tita Gina bago pihitin ang kandado.

And there he is. Nakatayo sa glass window at nakataw sa ibaba ng building, habang may hawak na alak. Kahit nakatalikod siya ay kitang-kita ang matcho niyang katawan. Lumapat pa sa kaniyang mga muscles ang damit na suot.

"Tatayo ka lang ba diyan?" pagbasag niya sa ilusyon ko. Ano ba naman itong mga naiisip ko.

Naglakad ako palapit sa kaniya habang nakakrus ang braso. Pinilit kong pakalmahin ang sarili bago magsalita dahill last time, nasuntok ko siya.

"What do you want?" tanong ko.

Huminga muna siya ng malalim at inilapag ang alak na hawak sa mesa bago ako harapin na may malamig na titig.

"You saw the papers on the table?" At dumako ang tingin ko sa mga papeles na nakalatag sa mesa. "Sign them," utos niya.

Napataas ang magkabila ko na kilay dahil sa kapal ng mukha niya na utusan ako sa halip na makisuyo.

"Hindi ka ba talaga marunong makisuyo?"

"Why do I have to?"

Napatawa na lamang ako dahil di makapaniwala sa lakas ng loob niya.

"Hindi ko pipirmahan ang mga 'yan," pagmamatigas ko.

Naglakas ng loob ako na lumakad palayo sa kaniya para tuluyang umalis.

"Hindi na ako nagtataka kung bakit nandiyan ka ngayon sa sitwasyon mo," saad niya na naging dahilan para mapatigil ako sa paglalakad.

Naglakad ako pabalik sa kaniya at naglakas ng loob na sampalin siya. Hindi siya kumibo. Sa halip, ngumiti lamang siya sa akin na para bang hindi siya apektado dito.

"Hindi ba totoo? Dahil kung maaayos ka, hawak mo sana ang kumpanya na ito. But you're not deserving and enough for it. Nakikita mo ba ang kilos mo? Ang mga ginagawa mo? Isa sa mga factor ng isang mangmang na C.E.O."

"Ang kapal talaga ng mukha mo 'no? At sino ka para sabihan ako ng mga 'yan kung wala kang alam sa hirap at pagod na dinaranas ko? Palibhasa'y naliligo ka sa yaman ni papá na dapat ay nasa akin."

Nagtawa siya ng malakas na mas lalong nagpa-insulto sa akin. "Oh come on, Heather! Look at yourself. Ugali ba 'yan ng isang rightful heiress? Maglaklak gabi gabi dahil lang pagod sa trabaho? Paano pa kung ikaw ang hinayaan nila daddy—"

"My daddy!" pagtatama ko.

"Okay fine. Your daddy. Paano kung hinayaan ka niya na ikaw ang mag-handle ng kumpanya? Sa tingin mo tatakbo ito ng maayos sa mga kamay mo? I bet no. Ano 'yon sasabihin mo sa mga empleyado mo na maglaklak sa buong araw para magkaroon din ng lakas ng loob gaya mo? Fucking wake up, Heather!"

"No. You! Shut up!"

Pinilit kong pigilan ang luha sa kasulok-sulukan ng mata ko.

"Stop talking like someone from high-class. You stole everything from me. From the moment na ipakilala ka ni mommy na anak niya sa labas, I knew my place in Villafuerte was gone."

"Stop being dramatic, Heather. Paano mo nasasabing—"

"Because that's what I heard almost every second of my life since the day you arrived! Dahil ikaw ang lalaki. Ikaw ang magdadala ng apelyido. Ikaw ang mas may kakayahan dahil lalaki ka. At babae lang ako. You don't fucking understand any of it dahil ikaw ang pinili at ako ang isinakripisyo. Habang tinitingala ka ng lahat, hinahanapan nila ako ng pagkukulang ko. So don't fucking act like you really know me."

"Pero hindi sapat na dahilan 'yon para maglasing ka. Grow up, can you?"

Napatawa na lamang ako dahil hindi ko alam kung talagang hindi niya lang gets o nagmamaang-maangan siya. "I guess you're just really dumb and insensitive."

Kinuha ko ang mga papel na nasa mesa at isa-isang binasa bago pirmahan.

"I'll give you what you want but don't ever try to call me again para lamang magpanggap na concern," sabi ko at dinampot ang pinakahuling papel.

Napahinto ako at napatulala nang mabasa ang nakalagay dito.

"Ibebenta mo ang kumpanya?!"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Seducing My Billionaire Stepbrother   CHAPTER 13

    Nagmadali ako na pumasok sa loob para puntahan si Philip. Nakita ko siya na nakain na."Philip!" tawag ko. Pero nahuli na ako ng dating dahil nainom na niya ang inumin na binigay ng isa sa maid.Lumingon naman siya sa direksiyon ko. "Bakit ka ba nasigaw?" Nakakunot ang noo niya. "Buti naman naisipan mo na dumulog sa pagkain."Napabuga na lamang ako sa hangin at napairap. "Aba't iniiringan mo ba ako, Heather Shine Villafuerte?"At buo ko pa talagang pangalan?"Ano naman ngayon, Philip Raven Kingsley?" balik ko.Nakatingin lamang siya sa akin sa 'di makapaniwalang ekspresyon. "Wala akong gana." At tumalikod na ako.Akmang aalis na sana ako nang hilain niya ang braso ko. Sa mga sandaling ito ko na napagtanto na tumayo na pala siya."Pwede ba? Tigilan mo na ang kamalditahan mo, Heather?" aniya sa madiin na tono na para bang ubos na ubos na ang pasensiya niya sa akin.Umirap ako at tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin. "Ayoko nga."Huminga siya ng malalim at napapikit. Halata na nagtiti

  • Seducing My Billionaire Stepbrother   CHAPTER 12: ITATAKWIL KITA!

    PHILIP'S POVNapasuntok ako sa kama. Binaon ko ang mukha sa palad habang nakaluhod.Ano ba ang pinaggagagawa ko? Muntikan na.Humiga ako at napapikit ng madiin. "Hindi ko na pwede hayaan na maulit ito. Isang kalokohan ang mahalin si Heather, Philip."Kinausap ko ang sarili ko at pinipilit na kontrolin ang bugso ng damdamin. Dahil ayaw ko sirain ang pagiging magkapatid namin dahil lang sa nararamdaman ko na ito.Hindi na lumipas ang ilang minuto, napamulat ako nang tumunog ang cellphone.Tumatawag ang lola ni Heather. Ano na naman kaya ang kailangan niya sa akin ngayon?"Philip, speaking," bungad ko, nakahiga pa rin at nakalatag ang katawan sa higaan.Ilang sandali pa ay tahimik lamang siya na naging dahilan para mapakunot ang noo ko. "Hello?" Pero wala pa rin siyang sagot."Philip," sagot niya, "huwag mo na sa akin ibabalik si Heather, nagkakaintindihan ba tayo?"Napabangon ako sa pagkakahiga nang marinig ang sinabi niya."We already talked about this. Hindi ko pwede panatilihin sa ak

  • Seducing My Billionaire Stepbrother   CHAPTER 11: ANO BA'NG LARO MO, HEATHER?

    Tinitigan niya ako ng matalim. "Ano ang ginagawa mo sa kwarto ko?" tanong niya sa malamig na tono. Actually, hindi ko rin alam kung bakit ako nandito. Dinala lang ako ng paa ko. Kasalanan ito ng paa ko huhu. "A-ah tatanungin ko sana kung may ipapagawa ka sa akin. S-syempre first day ko 'to bilang personal assistant mo," pagdadahilan ko, nauutal. Kanina ay malakas ang loob ko na pasukin ang kwarto niya na hindi ko alam kung ano nga ba talaga ang tunay ko na pakay. Pero ngayon, hindi ko alam kung bakit ba hindi ako makaimik. "Sa kalalagayan mo na 'yan sa tingin mo may magagawa ka?" Na para bang lumpo na ako kung makapagsalita siya. Hiniklas ko sa kaniya ang kamay ko na hawak niya at pinilit na itindig ang sarili ng buong puwersa. "Ako akala mo sa akin? Lumpo?" sikla ko. Umayos na ako ng tayo at lalakad na sana nang maramdaman ko ang pamumulikat ng pilay ko, dahilan para mapatumba ako sa kaniya. "Ah!" tili ko. Mabilis siyang bumangon para alalayan ako. "Kita mo nga na hind

  • Seducing My Billionaire Stepbrother   CHAPTER 10: GINUSTO MO ITO, SHINE.

    Naglakad si Philip papunta sa direksiyon namin, dahilan para mapatigil si Stephanie at Tita Hilda. Binitawan din nila ang pagkakahawak sa akin. "Oh! Nand'yan ka na pala. Itong babae na 'to sinabi niya na kaya siya nandito ay dahila gusto niya agawin sa'yo ang kumpanya. Kaya iyan, tinuruan namin ng leksiyon," panguna ni Tita Hilda na proud pa. Dahan-dahang naglakad si Philip papunta sa kinaroonan namin. Hindi ko masabi ang emosyon na meron sa mukha niya. Lahat kami ay nagulat nang bigla niya sampalin si Tita Hilda. "Ano bang—" "Hold them! Tight," utos niya sa mga lalaking naka-black na suit. Agad naman siya nitong sinunod. Hinawakan nila ng mahigpit ang dalawa at hindi na nakapalag pa. "Philip, gusto niya kunin sa'yo ang kumpanya. Gusto ka niya akitin, tingnan mo nga ang suot niya papunta dito. Magkakampi tayo dito, Philip," pagmamakaawa ni Tita Hilda. Si Stephanie naman, hindi nagpaawat. Nagpilit siyang lumuhod sa harapan ni Philip. "Philip, siya ang nauna. Sinaktan niya kami d

  • Seducing My Billionaire Stepbrother   CHAPTER 9: TITA HILDA, STEPHANIE, TAMA NA PAKIUSAP!

    "Miss Heather, tama ba po ba ang narinig namin? Nagbibiro lang naman po siguro kayo di'ba?"Nakatitig lamang si Tip sa akin at para bang hindi siya makapaniwala. Nakakunot ang noo. "Kaya siguro bigla ka bumait sa amin. Tama ba?" aniya."Oo. Tama kayo. Pero hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa inyo, Tip. Hindi ko alam. May dahilan ako." Buo ang loob ko na sabi na walang pag-aalinlangan. "At hindi naman kaya intindihin ang dahilan na 'yon?""No...alam ko maiintindihan niyo pero...""Pero ano? Hindi kami worth it pagsabihan?" Inunahan na niya ako.Hindi ko alam kung bakit ako ang nasaktan sa sinabi niya. Hindi naman iyon ang dahilan kung bakit hindi ko sa kanila masabi e."Hinde, Tip. Dahil alam ko na pipigilan niyo ako. Ayaw ko na mag-modeling. Napapagod na ako na araw araw na ganito. Gusto ko na gumawa ng sarili ko na buhay malayo sa media. Ayaw ko na. Okay na?" Tuloy-tuloy ko na paliwanag. Hindi ko na siya binigyan pa ng pagkakataon na kausapin ako. Kinuha ko na ang gamit ko at

  • Seducing My Billionaire Stepbrother   CHAPTER 8: ANO BA ANG PAKAY MO SA AKIN, PHILIP?

    "Heath!" bungad sa akin ni Tip nang makita niya ako pababa ng sasakyan na para bang kanina pa niya ako inaabangan.Nilapitan niya ako at kinuha ang bag na bitbit. "I'm sure magugulat ka sa nandito ngayon," tuwang-tuwa niyang saad."Let's see. Baka kung sino na namang..."Napahinto agad ako nang masilayan ko mula sa malayo si Philip na nakatayo sa harapan ng stage at para bang may kung ano siyang kinukutingting sa cellphone. Kahit nakatalikod siya, sure ako na siya 'yon. Pero ano naman ang gagawin niya dito?"Wait. Wait. Wait," pagpigil ko kay Tip sa paglalakad.Nagkunot siya ng noo. "Bakit?"Ramdam ko na naman bilis ng tibok ng dibdib ko. Ano ba naman 'yan. Bakit kasi hindi ko alam ang gagawin basta nandiyan siya? "Feeling ko masama ang pakiramdam ko ngayon. Absent muna ako?" Hindi ko na alam mga pinagsasabi ko dahil hindi ko alam bakit ko siya tinatakbuhan."Ha? E nandito si Sir Philip. Kanina ka pa niya hinihintay. Pa'no 'yan?""Then just—""Sir Philip!! Si Ma'am Heather po nandito

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status