LOGIN"Bakit mo ibebenta ang pinaghirapan ng papá?!" Napatayo ako habang hawak ang papel at bakas ang gigil.
Hindi siya kumibo. Hindi man lang siya nakokonsensiya. Nakapamulsa siyang lumapit sa akin at tumingin ng matalim bago nagsalita. "Sign the paper and I'll prove you that you won't regret any of it," aniya na puno ng kasiguraduhan. Nakipagtitigan pa ako sa mga mata niya para malaman kung nagsisinungaling siya pero bigla naman niya ito iniwas. "Hindi ko ito pipirmahan. Hindi ka pa ba nakuntento na nasa iyo na lahat?" sikla ko. "Fine. Then you're not leaving," banta niya. Kinuha niya ang cellphone mula sa bulsa at may tinawagan. "Block the door," utos niya sa katawagan bago ito patayin. "Do you think you can threaten me?" "Let's say I'm threatening you. That is why you have no choice but to sign that paper." "And why do you think I'll do that?" "Fourty eight minutes before the shoot." Tiningnan niya ang relo niya bago bumalik ang tingin sa akin. "Sigurado ka ba na magpapahuli ka, lalo na't mahigpit na pinagbabawal ito ng lola mo?" Oo nga pala. I almost forgot. "Forty-seven. You still have to prepare." Bigla naman tumunog ang cellphone ko dahil may tumawag. Si Tiphanny pala kaya naman agad ko itong sinagot. "Nasaan ka na ba? Magre-ready ka pa, girl. Bilisan mo nandito pa naman si madam. Kanina ka pa niya hinihintay," pagmamadali niya sa akin. "O-okay. Tell her I'm on my way," sagot ko at ibinaba ang tawag. Lagot ako nito kay lola. Pero mas lalong hindi ko pwede payagan ang gusto ng hangal na ito. "Give me that paper. I'll sign that when I have time. But first, let me go," sabi ko, nakalagad ang kamay para abutin ang kontrata. Ngumiti lamang siya ng ngiti na nang-iinis at nagtaas ng dalawang kilay na para bang nakikipagbiruan pa ako. "I know you, Heather. Hindi ka tutupad sa usapan," nakakaintriga niyang saad. Fuck. Paano ba ako lalabas dito. Jusme naman. Hindi na ako mapakali sa kung paano ako makakaalis na hinde pinipirmahan ang papel. Hindi ko ito basta-basta pwede payagan. Palibhasa ba sa kaniya na ipinaubaya? "Fine. I'll leave it here. Babalik ako para mag-usap tayo." Last offer ko na ito. "How can I make sure na gagawin mo yan?" tanong niya sa akin. Bakas ang pagdududa sa kaniyang mukha na para bang hindi talaga ako matino kausap. Matino ako kausap, okay? "Sabihin mo gusto mong sabihin kay lola. Bahala ka kahit magsinungaling ka. Basta kung hindi ako makapunta 7PM sharp, gawin mo. Deal?" Inilahad ko ang kamay ko para makipagkasundo kahit na nag-aalanganin pa ako sa sarili kong salita. Bahala na. Hindi niya tinanggap ang kamay ko. Sa halip ay inayos na lamang niya ang necktie at tumalikod. "I will really do it," banta niya sa akin sa malamig na tono. I know he will. Lalo na dahil desperado siya pagdating sa kumpanya. Pero hindi ako papayag na basta ganoon na lamang. "Fine. Can I go now?" Sa halip na sumagot, kinuha niya ang phone niya at tumawag. "Let her out," utos niya at pinatay na agad. Akmang pipihitin ko na ang bisagra ng pintuan nang bigla siya magsalita. "Remember. 7PM sharp. And don't tell anyone about it." At kinuha ang alak na nasa mesa sa tabi niya bago inumin. "Alam ko." Nang makaalis na ako ay pinilit ko munang alisin sa isipan ang usapan namin at mag-focus sa trabaho ko. Mas malilintikan ako kay lola kapag mas lalo ako natagalan. Halos matapilok at matisod na ako sa kakamadali. Napahinto din ako agad nang bigla naman tumawag si lola. Eto na nga. Agad ko ito sinagot at sinubukang kumalma para hindi niya mahalata sa boses ko ang pagmamadali. "L-lola?" nauutal kong tawag na alam kong sigaw na niya ang kasunod. "Heather Shine Villafuerte! Where are you now?!" bulyaw niya na mas lalong nakapagpanindig ng mga balahibo ko. "Daisy's Bakeshop 'la, nabili lang ako saglit ng meryenda nila. Mahaba kasi pila," palusot ko. Nagkaroon pa ako ng gagawin. Napakagandang palusot. "Mabuti naman at nagkaroon ka ng isip magdala ng meryenda. Dalian mo. Bibigyan kita ng tatlumpong minuto na oras para makarating dito," aniya bago ibinaba ang tawag. Tinanggal ko na ang sandalyas ko at nanakbo papunta sa sasakyan. "Bilis. Bilis," pagmamadali ko. Halos ayaw na pumasok ng susi ng kotse dahil pagkataranta ko. Madali akong nag-drive na parang kaibigan ko si kamatayan. Binilisan ko na lang bilhin lahat ng pwede ko bilhin sa Daisy's Bakeshop bago tuluyang magderetso sa set. Nanginginig pa ako na pinunasan ang pawis na tumutulo at isinuot ang sandalyas. "Lola," tawag ko sa kan'ya nang makita ko siyang nakaupo at nakamasid sa mga models. Hindi niya ako nilingon o hindi man lang umimik kaya naman tumikhim ako at mas lalong lumapit. This time, kinalabit ko na siya. "'La," tawag ko sa malambing na boses. Lumingon siya na may malamig ngunit matalim na titig. "Mabuti naman dahil nakarating ka sa oras na ibinigay ko. Maghanda ka na dahil ikaw na ang susunod," utos niya at ibinalik ang tingin sa mga naggagandahang modelo sa harapan. Nilapitan ako ni Tip at inalalayan papunta sa dressing room "Halika na," aniya. "Heto po 'la yung meryenda," sabi ko bago maglakad, nagbabakasaling papansinin niya ito sa tabi niya. Gahol na sa oras kaya naman nagmadali na kami mag-prepare. Buhok, makeups, at damit. Keri na ito kahit simple lang. Kaya naman na siguro ng aura ko ito e. Nang matapos na sa paghahanda, confident ako na lumabas para ipakita kay lola. Naglaho bigla ang ngiti ko nang makita ko na tumayo siya bigla at umalis. Hindi man lang niya ako hinintay muna na matapos. "Heath? Come on?" ani Tip habang hawak ang braso ko at inalalayan ako paakyat. Kahit na na-off ako sa pag-alis ni lola, itinuloy ko ang shoot. "Ano ba naman Heather! Ayusin mo. Para ka lantang gulay!" sermon sa akin ng isa sa photographer. Bago lang siya kaya pinagpasensiyahan ko na. "P*tangina ano ito baguhan lang ba ito?!" sigaw niya ulit nang mahulog ako sa upuan. Lahat sila ay hindi na lamang makaimik habang ako, pinipilit kontrolin ang sarili. "Tayo! T*ngina ubos oras ko sa'yo!" dagdag niya na naging dahilan para mawalan na ako ng kontrol. Tumayo ako ng dahan dahan at bumaba para pumunta sa kinakatayuan niya habang nakatingin ng matalim. "Ano pang tinatayo-tayo mo diyan?!" singhal niya sa akin. "Escort him out," sambit ko na ikinakunot ng noo niya. "Y-yes ma'am," nauutal na sagot ng isang staff. "Teka! Teka! Hindi ako lalabas! Si Madam Felicia ang nagpasok sa akin dito!" "And she's my grandmother. So leave." "At—" "Or even better, you're fired. Effective immediately." Tinalikuran ko siya. Agad naman ako nakaramdam ng hilo at pakiramdam ko ay nagdidilim ang paningin ko. "Heather!" Rinig kong sigaw ni Tip bago ako tuluyang bumagsak.Nagmadali ako na pumasok sa loob para puntahan si Philip. Nakita ko siya na nakain na."Philip!" tawag ko. Pero nahuli na ako ng dating dahil nainom na niya ang inumin na binigay ng isa sa maid.Lumingon naman siya sa direksiyon ko. "Bakit ka ba nasigaw?" Nakakunot ang noo niya. "Buti naman naisipan mo na dumulog sa pagkain."Napabuga na lamang ako sa hangin at napairap. "Aba't iniiringan mo ba ako, Heather Shine Villafuerte?"At buo ko pa talagang pangalan?"Ano naman ngayon, Philip Raven Kingsley?" balik ko.Nakatingin lamang siya sa akin sa 'di makapaniwalang ekspresyon. "Wala akong gana." At tumalikod na ako.Akmang aalis na sana ako nang hilain niya ang braso ko. Sa mga sandaling ito ko na napagtanto na tumayo na pala siya."Pwede ba? Tigilan mo na ang kamalditahan mo, Heather?" aniya sa madiin na tono na para bang ubos na ubos na ang pasensiya niya sa akin.Umirap ako at tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin. "Ayoko nga."Huminga siya ng malalim at napapikit. Halata na nagtiti
PHILIP'S POVNapasuntok ako sa kama. Binaon ko ang mukha sa palad habang nakaluhod.Ano ba ang pinaggagagawa ko? Muntikan na.Humiga ako at napapikit ng madiin. "Hindi ko na pwede hayaan na maulit ito. Isang kalokohan ang mahalin si Heather, Philip."Kinausap ko ang sarili ko at pinipilit na kontrolin ang bugso ng damdamin. Dahil ayaw ko sirain ang pagiging magkapatid namin dahil lang sa nararamdaman ko na ito.Hindi na lumipas ang ilang minuto, napamulat ako nang tumunog ang cellphone.Tumatawag ang lola ni Heather. Ano na naman kaya ang kailangan niya sa akin ngayon?"Philip, speaking," bungad ko, nakahiga pa rin at nakalatag ang katawan sa higaan.Ilang sandali pa ay tahimik lamang siya na naging dahilan para mapakunot ang noo ko. "Hello?" Pero wala pa rin siyang sagot."Philip," sagot niya, "huwag mo na sa akin ibabalik si Heather, nagkakaintindihan ba tayo?"Napabangon ako sa pagkakahiga nang marinig ang sinabi niya."We already talked about this. Hindi ko pwede panatilihin sa ak
Tinitigan niya ako ng matalim. "Ano ang ginagawa mo sa kwarto ko?" tanong niya sa malamig na tono. Actually, hindi ko rin alam kung bakit ako nandito. Dinala lang ako ng paa ko. Kasalanan ito ng paa ko huhu. "A-ah tatanungin ko sana kung may ipapagawa ka sa akin. S-syempre first day ko 'to bilang personal assistant mo," pagdadahilan ko, nauutal. Kanina ay malakas ang loob ko na pasukin ang kwarto niya na hindi ko alam kung ano nga ba talaga ang tunay ko na pakay. Pero ngayon, hindi ko alam kung bakit ba hindi ako makaimik. "Sa kalalagayan mo na 'yan sa tingin mo may magagawa ka?" Na para bang lumpo na ako kung makapagsalita siya. Hiniklas ko sa kaniya ang kamay ko na hawak niya at pinilit na itindig ang sarili ng buong puwersa. "Ako akala mo sa akin? Lumpo?" sikla ko. Umayos na ako ng tayo at lalakad na sana nang maramdaman ko ang pamumulikat ng pilay ko, dahilan para mapatumba ako sa kaniya. "Ah!" tili ko. Mabilis siyang bumangon para alalayan ako. "Kita mo nga na hind
Naglakad si Philip papunta sa direksiyon namin, dahilan para mapatigil si Stephanie at Tita Hilda. Binitawan din nila ang pagkakahawak sa akin. "Oh! Nand'yan ka na pala. Itong babae na 'to sinabi niya na kaya siya nandito ay dahila gusto niya agawin sa'yo ang kumpanya. Kaya iyan, tinuruan namin ng leksiyon," panguna ni Tita Hilda na proud pa. Dahan-dahang naglakad si Philip papunta sa kinaroonan namin. Hindi ko masabi ang emosyon na meron sa mukha niya. Lahat kami ay nagulat nang bigla niya sampalin si Tita Hilda. "Ano bang—" "Hold them! Tight," utos niya sa mga lalaking naka-black na suit. Agad naman siya nitong sinunod. Hinawakan nila ng mahigpit ang dalawa at hindi na nakapalag pa. "Philip, gusto niya kunin sa'yo ang kumpanya. Gusto ka niya akitin, tingnan mo nga ang suot niya papunta dito. Magkakampi tayo dito, Philip," pagmamakaawa ni Tita Hilda. Si Stephanie naman, hindi nagpaawat. Nagpilit siyang lumuhod sa harapan ni Philip. "Philip, siya ang nauna. Sinaktan niya kami d
"Miss Heather, tama ba po ba ang narinig namin? Nagbibiro lang naman po siguro kayo di'ba?"Nakatitig lamang si Tip sa akin at para bang hindi siya makapaniwala. Nakakunot ang noo. "Kaya siguro bigla ka bumait sa amin. Tama ba?" aniya."Oo. Tama kayo. Pero hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa inyo, Tip. Hindi ko alam. May dahilan ako." Buo ang loob ko na sabi na walang pag-aalinlangan. "At hindi naman kaya intindihin ang dahilan na 'yon?""No...alam ko maiintindihan niyo pero...""Pero ano? Hindi kami worth it pagsabihan?" Inunahan na niya ako.Hindi ko alam kung bakit ako ang nasaktan sa sinabi niya. Hindi naman iyon ang dahilan kung bakit hindi ko sa kanila masabi e."Hinde, Tip. Dahil alam ko na pipigilan niyo ako. Ayaw ko na mag-modeling. Napapagod na ako na araw araw na ganito. Gusto ko na gumawa ng sarili ko na buhay malayo sa media. Ayaw ko na. Okay na?" Tuloy-tuloy ko na paliwanag. Hindi ko na siya binigyan pa ng pagkakataon na kausapin ako. Kinuha ko na ang gamit ko at
"Heath!" bungad sa akin ni Tip nang makita niya ako pababa ng sasakyan na para bang kanina pa niya ako inaabangan.Nilapitan niya ako at kinuha ang bag na bitbit. "I'm sure magugulat ka sa nandito ngayon," tuwang-tuwa niyang saad."Let's see. Baka kung sino na namang..."Napahinto agad ako nang masilayan ko mula sa malayo si Philip na nakatayo sa harapan ng stage at para bang may kung ano siyang kinukutingting sa cellphone. Kahit nakatalikod siya, sure ako na siya 'yon. Pero ano naman ang gagawin niya dito?"Wait. Wait. Wait," pagpigil ko kay Tip sa paglalakad.Nagkunot siya ng noo. "Bakit?"Ramdam ko na naman bilis ng tibok ng dibdib ko. Ano ba naman 'yan. Bakit kasi hindi ko alam ang gagawin basta nandiyan siya? "Feeling ko masama ang pakiramdam ko ngayon. Absent muna ako?" Hindi ko na alam mga pinagsasabi ko dahil hindi ko alam bakit ko siya tinatakbuhan."Ha? E nandito si Sir Philip. Kanina ka pa niya hinihintay. Pa'no 'yan?""Then just—""Sir Philip!! Si Ma'am Heather po nandito







