Beranda / Romance / Seducing My Billionaire Stepbrother / CHAPTER 2: SAMPAL NA KATUNAYANG HINDI KA SAPAT

Share

CHAPTER 2: SAMPAL NA KATUNAYANG HINDI KA SAPAT

Penulis: Lady_Inkfinite
last update Terakhir Diperbarui: 2025-11-25 02:44:23

Haplos ang pisngi na sinampal ni lola, gulat at pagkabahala ang tanging naramdaman ko.

"L-lola? B-bakit po?" nauutal kong tanong.

Naningkit ang kaniyang mga mata at nagngangalit ang panga na nakatingin lamang sa akin.

"Kahit kailan..." madiin niyang sambit, "puro gulo at kahihiyan lamang ang dinadala mo!"

Nawala ang pagod ko at biglang napalitan ng bigat ng pakiramdam.

"Lola," marahan kong tawag, "galit po ba kayo sa akin?" tanong ko.

"Proud? Look at yourself!" aniya, habang dinuduro-duro ako. "Heather, bente singko anyos ka na pero wala ka pang nararating sa buhay mo. Mabuti pa itong hating-kapatid mo na si Philip, naha-handle niya ng maayos ang kumpanya na iniwan ng iyong papá at mamá. E' Ikaw? Pagmomodelo at pag-arte na nga lamang ang ginagawa mo hindi mo pa maiayos!" bulyaw niya sa akin na naging dahilan para mapayuko ako. Biglang nanliit ang tingin ko sa aking sarili dahil sa mga salitang binitawan niya.

"S-sorry 'la. Wala lang po ako sa mood kanina kaya napagbuntunan ko sila," pagpapasensiya ko sa mababang tono.

Sa halip na sagutin ako, dumako ang paningin niya sa loob ng kwarto at natanaw ang box ng chocolates na binili ko kanina.

"Sinasabi ko na nga ba." Dali-dali siyang naglakad papasok at hindi ko na napigilan pa.

Dinampot niya agad ang kahon at himpas sa pagmumukha ko.

"Hindi ba't sabi ko sa'yo huwag na huwag ka kakain ng mga 'yan dahil nakakataba 'yan?!!! 'Di ba???!!!" sigaw niya.

"S-sorry po 'la." Halos maiyak na ako pero pinilit kong bawiin ang luha.

"Kahit kailan talaga ang bobo mo sumunod sa instructions. Manang-mana ka sa ama mo," singhal niya.

"My father—"

"Your father left you for another woman! At iniwan niya sa akin ang isang tulad mo na walang mapatunayan sa angkan!"

Hindi na niya ako hinintay makapagdahilan pa. Lumakad na siya papalabas ng kwarto. Nang alam ko na wala na siya, agad ako nakaramdam ng panlalambot sa kinatatayuan at bumagsak sa kama, hawak ang kwintas na suot.

"Ma, pa," bulong ko, halos maiyak.

Tiningnan ko ang kamay na pinanghaplos ko sa aking pisngi at nakita ang patak ng dugo. Nanalamin ako at nakita ang gasgas na siguro ay dahil sa kudlit ng singsing ni lola na humiwa sa pisngi ko.

"It's just a wound," bulong ko sa sarili na may mapait na ngiti.

I took my phone para tawagan sina Tiphanny, makeup artist ko na siya ring madalas ko kasundo.

:The number you have dialed is either unattended or out of coverage area, please try again later.

"WHAT A LIFE!!!!!!!"

Rinig ko ang nagmamadaling hakbang patungo sa kwarto ko.

"Miss Heather??" alarmang tanong ng isang maid na nagbabantay sa labas ng kwarto ko nang marinig ang sigaw ko.

Napatawa na lamang ako ng malakas at umiling-iling habang nakahiga. Hinayaan ko tumulo ang butil ng luha sa gilid ng mata.

"Umiinom ka ba?" tanong ko.

Bakas sa mukha ng maid ang gulat at pagtataka.

"M-miss? Pakiulit nga po."

"Tara inom," pag-aaya ko.

"Sorry po—"

"Umalis ka na. Wala ka rin palang silbi."

"Miss—"

"Get the fuck out of here and lock the fucking door!!!"

"Y-yes, miss." Umalis ito nang nakayuko.

"Mga walang silbi," wika ko sa hangin. "Kung ayaw niyo ako samahan uminom, iinom ako mag-isa."

Tumayo ako sa pagkakahiga at nagtungo sa champagne room. Kinuha ko ang sampung bote ng alak at uminom mag-isa sa kwarto. Hinayaan ko malunod ang sarili sa alak at sa sariling luha. Bahala na kinabukasan. Kaya naman siguro ng makeup matakpan ang lahat ng ito.

Dahil sa kalasingan, kinuha ko ang cellphone ko at ni-block silang lahat sa contacts ko.

Sa sobrang pagkalunod, nakatulog na ako na nakaupo at nakasandal sa gilid ng kama habang suot ang nightrobe. Hinayaan ko na lamang nakakalat ang mga bote ng alak.

Nagmulat ako na nasa puting silid na at may suwerong nakakabit sa akin. Nakadamit na rin ako.

Ano 'to hospital? Ano'ng ginagawa ko dito?

Hindi pa ako natatauhan nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang isang babae na nakapag-nurse na uniform. Kasunod niya ay si lola.

"Lola."

Hindi siya nagsalita. Nilagay lamang niya ang isang basket ng prutas at tatlong layer ng pagkain na nakalagay sa sisidlan.

"La," tawag ko na muli, nagbabakasakali na kausapin na niya ako.

Pumostura siya sa tabi ko at tumingin ng matalim na walang halong emosyon. Galit pa ba siya?

"Kung gusto mo magpakamatay, yung pangmadalian na lang. Hindi yung magpapakamatay ka na lang, aaksayahin mo pa oras ko. Hindi ako nagpunta dito para makipagdramahan sa'yo. Gusto ko na pumunta ka ngayong araw sa kumpanya upang pirmahan ang pinapapirmahan sa'yo ng ahas mo na kapatid," aniya.

"Ma'am, bawal pa po siya umalis sabi ni doc," pangingialam ng nurse.

"Lola niya ako. Ako ang masusunod," malamig niyang saad bago tuluyang umalis.

Nagbaba ako ng tingin habang tumatawa, tinitingnan ang sariling repleksyon sa screen ng cellphone ko habang may pumapatak na luha.

"Miss?" Nilapitan ako ng nurse at naupo sa tabi ko. Humugot siya ng tissue mula sa tissue holder at inabot ito sa akin. "Here," aniya na may ngiti sa labi.

"Leave. You can leave me here. Mamaya magpapa-discharge na rin ako," saad ko at hinugot na walang pagdadalawang isip ang mga suwero na nakakabit sa akin.

"Miss, hindi ka pa pwedeng umalis!" singhal niya sa akin na ikinahinto ko para umalis. Magagalit dapat ako pero hindi ko magawa. I can feel the genuineness sa mga salita niya.

"Narinig mo ba si lola? Ang gusto niya ang masusunod. Huwag ka na lang makialam," saad ko bago tuluyang lumakad patungo sa pintuan.

Akmang pipihitin ko na ang kandado nang pigilan ako nito.

"Hindi mo man lang ba tatanungin kung bakit ka naririto?" tanong niya na naging dahilan para mapaisip rin ako. "Napasama ang pag-inom mo ng alak kagabi. Affected ang system mo dahil sa acidic ka or more. Siguro nga ay sinanay mo ang sarili mo na uminom ng lima o sampung bote ng alak gabi gabi. Pero hindi naman ibig sabihin nito ay di maaapektuhan ang katawan mo," paliwanag niya.

Hinarap ko siya at tiningnan ng matalim. "Acid lang yan."

"Here." Inabot niya sa akin ang isang maliit na calling card. "Take this. In case na magkaroon ka ng sama ng pakiramdam sa bandang tiyan o tagiliran, tawagan mo lang ako para makapagdala ako ng gamot mo. That's the least I can do for you." Ngumiti ito bago maunang umalis sa akin.

Teka, ako ang aalis diba?

Tinitigan ko muna ang calling card na hawak bago ilagay ito sa bulsa. Sakto naman na biglang may tumawag sa akin.

*Ahas calling

It's him again.

"What now?" bungad ko kay Philip.

"Meet me at my office," tipid niyang sagot bago patayin ang call na naging dahilan para mapakunot ang noo ko.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Seducing My Billionaire Stepbrother   CHAPTER 7: ANG HAMON KAY HEATHER

    "P-Philip?" tawag ko sa kaniya sa malambing na boses.Nag-arko agad ang noo niya. "Are you okay, Heather?"Bigla ako natauhan at napaiwas ng tingin dahil sa kahihiyan. Dumako ang tingin ko sa bintana para bawiin ang sariling lakas."I-Uh-yes," nauutal ko na sagot.Pinilit ko ikalma ang sarili bago ibalik ang tingin sa kaniya. "Phil—" Agad ako napahinto at tila naging estatwa nang lumingon ako dahil nakalapit pala ang mukha niya sa akin at amoy ko na ang mabango niyang hininga. Pakiramdam ko ay sasabog na ang dibdib ko at anumang oras ay babagsak ako dahil hindi ko alam ang kakaibang sensasyon na nararamdaman ngayon.Hindi ni Philip pinalagpas ang ilang segundo at agad na lumabas ng sasakyan at iniwan ang kontrata."Teka! Kotse ko 'yan!" sigaw ko, nang gamitin niya ang sasakyan ko paalis at humarurot ng pagpapatakbo.Hindi ko na siya hinabol pa. Hawak ang sariling dibdib ay nagderetso ako sa loob ng mansiyon."Heather? Heath.." tawag sa akin ni lola pero hindi ko na pinansin.Hindi ko

  • Seducing My Billionaire Stepbrother   CHAPTER 6: KAKAIBANG SENSASYON

    Binilisan ko na lamang ang pag-uwi dahil oras na rin. Habang nasa daan ay tinuyo ko muna ang luha at inayos ang postura dahil baka makita ito ni lola.Marahan ko na ipinarada ang sasakyan sa garahe at huminga ng malalim bago buksan ang pintuan ng sasakyan. Dahil alam ko na lahat ng galaw ko dito sa bakuran niya ay nakikita.Nang makita ako ng Chief Housemaid namin na bumaba ng sasakyan, agad niya ako nilapitan kasama ng iilang maid."Ma'am, naririto po ang tiyahin niyo. Kanina pa po nila kayo hinihinta," saad niya sa akin habang nakayuko.Napataas ang dalawa kong kilay at bumaling ang tingin sa kanila. "Tita Hilda?" usisa ko.Sa halip na sumagot, tumango na lamang ito habang nakayuko pa rin.Kung nandito si Tita Hilda, nandito rin ba yung demonyita niyang anak?"And Stephanie?" dagdag ko.Tumango siya muli.Biglang nawala ang kaba ko na mapagalitan ni lola at napalitan ng kung ano mang excitement. Dahil alam ko na hindi ako pipigilan ni lola kahit basagin ko ang mga mukha nila.Sa san

  • Seducing My Billionaire Stepbrother   CHAPTER 5: HANGGANG KAILAN MO AKO PAHIHIRAPAN, PHILIP?

    Nagising ako na nakahiga na ako sa hospital bed at may suwero na naman na nakakabit sa akin. Napatapik ako sa noo at napabuga sa hangin dahil sa lahat talaga ng ayaw ko, hospital.Luminga-linga ako sa paligid para hanapin ang cellphone ko at tingnan ang oras. May usapan kami ni Philip.Hala! 8:43 na!Saktong magpa-panic na sana ako nang bigla naman may nag-message sa akin.FROM: PHILIPTO: HEATHER"Magpahinga ka muna."Napataas ang dalawa kong kilay nang sabay dahil hindi ako makapaniwala sa message niya. Si Philip ba talaga ito?Saktong nalulunod ako sa sariling tanong, may pumasok naman na isang nurse. Iisang nurse gaya ng dati."Sabi ko naman sayo," aniya sabay lapag ng stainless na bowl sa mesa.Nang makita ko kaagad ito, natakam ako dahil mukhang masarap. Pero...si lola.Napangiti naman ang nurse dahil siguro napansin niya ang naging reaksiyon ko. "Sige na. Alam ko na gusto mo rin."Agad ako nag-iwas ng tingin at tumikhim. "Hindi ako gutom," pagsisinungaling ko.Nagtawa siya at n

  • Seducing My Billionaire Stepbrother   CHAPTER 4: DO IT OR REGRET IT?

    "Bakit mo ibebenta ang pinaghirapan ng papá?!" Napatayo ako habang hawak ang papel at bakas ang gigil.Hindi siya kumibo. Hindi man lang siya nakokonsensiya.Nakapamulsa siyang lumapit sa akin at tumingin ng matalim bago nagsakita. "Sign the paper and I'll prove you that you won't regret any of it," aniya na puno ng kasiguraduhan.Nakipagtitigan pa ako sa mga mata niya para malaman kung nagsisinungaling siya pero bigla naman niya ito iniwas."Hindi ko ito pipirmahan. Hindi ka pa ba nakuntento na nasa iyo na lahat?" usisa ko."Fine. Then you're not leaving," banta niya. Kinuha niya ang cellphone mula sa bulsa at may tinawagan."Block the door," utos niya sa katawagan bago ito patayin."Do you think you can threaten me?""Let's say I'm threatening you. That is why you have no choice but to sign that paper.""And why do you think I'll do that?""Fourty eight minutes before the shoot." Tiningnan niya ang relo niya bago bumalik ang tingin sa akin. "Sigurado ka ba na magpapahuli ka, lalo na

  • Seducing My Billionaire Stepbrother   CHAPTER 3: IKAW ANG PINILI AT AKO ANG ISINAKRIPISYO

    Kahit na medyo masama ang lagay ng katawan ko, pinilit ko makapunta sa kumpanya dahil utos din naman ito ni lola. Masakit na masampal ulit.Nakita ko ang pagdurugo sa pagkakahugot ko sa suwero pero hindi naman ito gano'n kalala. Baka mamaya ay lumipas din. "It's just a blood," sambit ko kahit na sa totoo ay masakit dahil sa pagkabigla kanina."Good morning, Ms. Villafuerte," bati ng isang empleyado na nasa entrance. Nagyukuan din ang iba maliban kay Director Sanchez.Kakarating ko pa lamang pero may kumukuha na naman ng inis ko. Kahit anong pilit ko na hindi na lamang ito pansinin, hindi kaya ng pride ko. Binalikan ko siya na may matalim na tingin habang nakakrus ang braso."Look who's here. Ang patapon na anak ng Villafuerte," anito.Napataas ang kilay ko dahil sa kayabangan sa tono niya. "Buhay ka pa pala tanda?" Ngumisi ako at yumuko upang bumulong sa kaniya. "Malaki ba ang kinikita mo sa pagnanakaw sa company ng daddy ko?" pabalang kong usisa.Tumawa lamang ito na para bang sinasa

  • Seducing My Billionaire Stepbrother   CHAPTER 2: SAMPAL NA KATUNAYANG HINDI KA SAPAT

    Haplos ang pisngi na sinampal ni lola, gulat at pagkabahala ang tanging naramdaman ko."L-lola? B-bakit po?" nauutal kong tanong.Naningkit ang kaniyang mga mata at nagngangalit ang panga na nakatingin lamang sa akin."Kahit kailan..." madiin niyang sambit, "puro gulo at kahihiyan lamang ang dinadala mo!"Nawala ang pagod ko at biglang napalitan ng bigat ng pakiramdam."Lola," marahan kong tawag, "galit po ba kayo sa akin?" tanong ko."Proud? Look at yourself!" aniya, habang dinuduro-duro ako. "Heather, bente singko anyos ka na pero wala ka pang nararating sa buhay mo. Mabuti pa itong hating-kapatid mo na si Philip, naha-handle niya ng maayos ang kumpanya na iniwan ng iyong papá at mamá. E' Ikaw? Pagmomodelo at pag-arte na nga lamang ang ginagawa mo hindi mo pa maiayos!" bulyaw niya sa akin na naging dahilan para mapayuko ako. Biglang nanliit ang tingin ko sa aking sarili dahil sa mga salitang binitawan niya."S-sorry 'la. Wala lang po ako sa mood kanina kaya napagbuntunan ko sila," p

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status