Share

Chapter 21

C21 SMGB

“Alam mo Shira, ang liit mong tao pero ang lakas ng boses mo, para ka talagang dwarf,”

“A-anong sabi mo?”

“Dwarf, haler,” ngiting wika pa niya habang nakataas ang isang kilay. Talaga bang hindi niya ako titigilan nakakapikon na talaga ang baklang ito.

“Ikaw naman para kang dugong,”

“OMG! Cute ba ‘yon?” tuwang tanong niya pa sa akin habang napatakip sa kanyang labi ang kanyang mga kamay.

Hindi ko naman mapigilang mapahalakhak dahil sa sinabi niya. kaloka talaga siya hindi niya pala ‘yon alam. Kumunot naman ang kanyang noo habang napapahawak na ako sa aking tiyan sa kakatawa.

“Bakit?” kunot-noo niyang tanong habang mabilis na kinuha ang kanyang phone. Mabilis naman siyang napasinghap kaya napahinto ako sa pagtawa.

“Walang hiya kang bruha ka!!” galit niyang sigaw sa akin. siguro nakita na niya kung anong itsura ng sinabi ko sa kanya.

“Sa ganda kung ito? Ganito mo ako i-compare? My goodness!” galit niyang sigaw habang namumula na siya sa galit.

“Bakit totoo naman ‘di ba? magkamu-
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status