Share

Chapter 5

C5 SMGB

Hindi ko naman mapigilang makaramdam ng inis habang naghihintay kay Sir Bryan sa kanyang sala kanina pa siya ng bihis sa loob ng kanyang kwarto at hindi pa rin siya lumabas. Tatayo na sana ako para katukin ang kanyang kwarto pero bigla itong bumukas at lumabas siya. nakasimangot niya naman akong tiningnan at biglang inirapan.

“Ano ba ang ginagawa mo ritong babae ka?” asik niya sa akin. 

“Sir, nakalimutan mo yata na may trabaho pa kayo?” kunot ko ring wika sa kanya habang inirapan niya na naman ako.

“Tse! At ano naman kung hindi ako papasok aber? Nakalimutan mo ba ako ang boss?” Umupo siya sa harapan ko habang naka-de-kwatro ang kanyang paa.

“Oo nga po Sir. Ikaw ang boss, pero hindi mo ba naiisip ang mga tauhan mo na umaasa sa ‘yo? Paano naman kung malugi ang kom-.”

“Hoy! Babae hindi lalulugi ‘yon kasi magaling ako sa business.” maarte at mataray niyang sabi.

“Sir. Tinawagan ko po si Sir Adam at sabi po ng asawa niya puntahan kita pa-.”

“WHATTT!!!” halos mabingi ako sa lakas ng sigaw niya habang namimilog ang kanyang mga mata.

“My God! Shira!! Why are you calling her? Oh My God what should I do oh my God!!” hindi ko naman mapigilang magtaka habang pabalik-balik siyang naglakad sa aking harapan. Tsk ano na naman kaya ang problema niya.

“Sir. Okay lang po ba kayo?”

“Tse!! It’s your fault. Baka pagalitan na naman ako ni Honey dahil sa ginawa mo?” agad akong nagtataka sa kanya dahil sa kanyang sinabi. Honey? Sinong Honey? Lalaki kaya ‘yon? Hmm! Hindi ako papayag na may Honey siya dahil akin lang siya. akin lang si sir Bryan.

“Oh Shira, ngayon ka pa lang ba pinauwi ng boss mo?” Napatingin ako kay Ate Samera na nasa sala habang papasok ako.

“Ah oo Ate,” sagot ko habang hinubad ko ang aking sandal.

“Si Sam Ate.”

“Kanina pa dumating pero umalis ulit dahil may pupuntahan daw sila ng mga kaibigan niya.” hmm mula ng makarating at magkaroon kami ng trabaho dito sa Manila hindi na kami gaano nagkasama ni Sam.

“Oo nga pala Shira, tumawag ang Mama mo kanina tinatanong ka, dahil hindi ka raw tumawag sa kanial.” napahinto ako dahil sa sinabi ni Ate Sam. Nakalimutan ko pala silang tawagan dahil nagiging busy ako kakahabol kay Sir Bryan at nakalimutan ko rin pala silang padalhan ng pera.

“Salamat Ate, tatawagan ko na lang po,”

“Sige Shira, may pagkain pa pala riyan, kumain ka na lang tapos na akong kumain,” wika niya habang pumasok na siya sa kanyang silid.

“Sige Ate salamat,” sagot ko habang kinuha ang aking phone sa loob ng aking bag.

Dial ko ang number ni Mama at agad naman itong nag ring.

“Hello anak,” wika ni Mama sa kabilang linya.

“Hello Ma, kumusta po,” magalang kong wika sa kanya.

“Maayos naman kami rito Anak, ikaw bakit hindi ka na tumawag sa akin?” hindi naman agad ako nakasagot kay Mama, dahil simula ng makarating ako rito sa Manila ay palagi akong tumatawag sa kanya sa tuwing nandito na ako sa bahay.

“Pasensya ka na Ma, masyado lang po kasi akong busy sa trabaho,” hinging paumanhin ko kay Mama, habang hindi ko naman maiwasang ma-guilty dahil mas inuna ko pa si Sir Bryan kaysa kanila na pamilya ko.

“Huwag po kayong mag-alala Ma, bukas po magpapadala ako ng pera para panggastos at sa pag-aaral ng mga kapatid ko,”

“Salamat anak, pasensya ka na rin, alam mo naman na ikaw lang ang inaasahan namin,”

“Ma, ano ka ba okay lang po ‘yon, ‘diba sabi ko naman po sa inyo na ‘wag niyo na pong isipin ‘yan,”

“Salamat anak,”

“Sige po Ma, tawagan ko na lang po ulit kayo bukas kapag nakapagpadala na po ako,” 

“Oo anak sige magpahinga ka na,” agad ko namang binaba ang phone ng marinig na pinatay na ni Mama ang kabilang linya.  Tumayo ako at pumunta sa kusina agad ko ring binuksan ang takip na nasa ibabaw ng mesa.

Kumuha ako ng plato at inumpisahan kong kumain. Kinuha ko naman ang aking phone at nag-bukas ng email.

Puro sa trabaho naman ‘yong mga email ko kaya binaba ko ang aking phone at inumpisahan ng kumain.

Matapos akong kumain ay niligpit ko ang aking pinagkainan. Pumasok ako sa banyo at naligo.

Matapos kong makapagbihis ay nahiga ako sa kama habang panay pa rin ang pag-iisip kong paano ko mapapayag si Sir Bryan na pakasalan ako.

“Ah!! Kailangan niya talaga akong pakasalan.” wika ko habang nakatingin sa kanyang picture na nasa aking pone. Ninakawan ko kasi siya ng picture habang nasa meeting kami.

“Hmm, ang gwapo mo talaga Sir, at kahit bakla ka ang yummy mo pa rin.” ngiting wika ko habang naalala ang mga ginawa namin noong nasa bar kami. Kahit masakita ang p*******e ko no’n ay hindi ko naman ito pinagsisisihan.

NANG magising ako ay hindi ko mapigilang mapasigaw ng makitang alas otso na nang umaga. Late na ako dahil eight thirty ang pasukan namin. Ah kanis dahil sa kaiisip ko sa bakla kong boss ay hindi tuloy ako nagising ng maaga. Kailangan ko pa naman padalhan sila Mama ng pera. Tsk bahala na nga baka wala pa si Sir, dahil kahapon hindi naman siya pumasok.

Nang makarating ako sa office ay bandang nine thirty na, kaya hindi ko mapigilang mahiya dahil pinagtitinginan ako ng mga kasamahan ko. hmm eh ano naman ngayon lang naman ako na-late.

“Hoy, Shira ‘yong boss mo galit na galit na at kanina ka pa hinahanap.” wika naman ng isang kasamahan ko. agad naman akong nakaramdam ng kaba dahil alam kong marami siyang meeting ngayon.

“Miss. Brown!” Napapikit ako ng bumukas ang pinto ng kanyang office at agad akong sinigawan, kaya dahan-dahan akong humarap sa kanya at pilit ngumiti sa kanya.

“Yes Sir,” ngiting wika ko.

“Why are you late? Alam mo ba na kanina pa dapat ang meeting ko pero hindi natuloy dahil sa kapalpakan mo?” bulyaw niya sa akin. hindi ko naman mapigilang mainis dahil sa sinabi niya. isa pa ngayon lang naman ako pumalpak.

“Sir, ngayon lang naman po ako na-late at isa pa akala ko hindi na naman kayo papasok.” sagot ko sa kanya habang dumilim naman ang kanyang mukhang tumingin sa akin.

“Anong ngayon? You are my secretary kaya dapat ikaw ang mauna kaysa sa akin.” galit niya pa ring sabi habang ang kanyang mukha ay namumula na.

Napahinga ako ng malalim at humarap sa kanya.

“Sorry Sir, hindi na po mauulit,” ngiting wika ko pero lalo lamang siyang namula. Sa inis ko sa kanya ay nilabas ko ang aking dila at hinawakan ang aking dalawang mata. namilog naman ang kanyang mga matang nakatingin sa akin. habang ang kanyang mukha ay parang hindi makapaniwala.

“Miss. Brown!!” sigaw niya kaya agad ko siyang tinalikuran. Pero mabilis niyang hinila ang aking buhok kaya napadaing ako habang pilit na humarap sa kanya.

“Walang hiya kang bruha ka!!” sigaw niya habang hila pa rin ang aking buhok ang mga kasamahan ko naman sa trabaho ay hindi makapaniwalang tumingin sa amin. Inis ko namang inabot ang kanyang buhok at hinila rin ito.

“Ouch!! Ouch!!” maarte niyang sigaw.

“Bitawan mo ako Sir.” madiin kong utos sa kanya dahil hindi niya pa rin binitawan ang aking buhok.

“No. no no no no!! anong akala mo sa akin magpapatalo ako sa isang tulad mo. No way!!” sigaw niya habang mas hinigpitan pa ang pagkakahawak sa aking buhok. Ganun din ang ginawa ko sa kanya dahil sa inis ko sa kanya. Napapansin ko naman na matatalo niya ako kaya kinagat ko ang kanyang kamay.

“Ahhhh!!! Damn it!!! Ang sakit!!!” sigaw niya habang hinahaplos ang kanyang braso na kinagat ko.

“Walang hiya ka talagang babae ka. Talagag sisirain mo ang beauty ko!!” sigaw niya habang mabilis na lumapit sa akin. sinubukan niya na namang abutin ang aking buhok pero mabilis akong nakaiwas kaya ang aking damit ang nahila niya. galit naman akong napatingin sa kanya ng lumantad ang aking bra. Napahinto naman siya habang napatingin sa akin, kaya hinablot ko rin ang kanyang necktie sa suot niyang suit.

“Ouch!! Ouch!!” wika niya habang hinawakan ang aking kamay na patuloy sa paghila sa kanya.

“Bi..tawan mo ako!!” sigaw niya ulit habang natanggal niya ang aking kamay.

“Talagang ginagalit mo akong babae ka!!” galit na galit niyang sigaw sa akin. ang mga kasamahan ko naman ay takot na awatin kami dahil galit na galit na si Sir Byan.

“Hayaaa!!” namilog ang aking mga mata ng makitang papalapit na naman siya sa akin habang nakahanda ang kanyang kamay, kaya mabilis kong tinanggal ang aking sandal at binato sa kanya. Ngumisi naman siya ng hindi ko siya natamaan. Pero bigla siyang napahawak sa kanyang ulo ng matamaan ko na siya sa isa ko pang sandal.

“Ahh!!!! Bruha!!!!” sigaw niya habang napansin ko naman na naiiyak na siya.

Kinuha niya naman ang kanyang sapatos at binato ito sa akin. pero naiwasan ko ito, galit na galit naman siyang tumingin sa akin ng makitang hindi niya ako tinamaan. Kinuha niya ulit ang isa pa niyang sapatos para ito naman ang ibato sa akin.

“BRYAN LIM!!!!!” sabay kaming napatigil ng marinig ang sigaw ng isang babae.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status