Share

Chapter 25

C25 SMGB

Hindi naman mawala ang inis na nararamdaman ko kay Sir Bryan. Hindi ko kasi akalain na sisigaw siya ng ganun dahil lang sa lalaking nakita niya sa movie.

“Hindi ka pa ba tapos dyan Shira?” Nilingon ko naman siya at nakita itong naupo sa tapat ng mesa.

“Malapit na rin akong matapos Sir, mauna ka na lang matulog,” sagot ko habang binaling ulit ang aking atensyon sa aking ginagawa.

“Sabay na lang tayo, baka kasi sasakit na naman ang paa mo,” Napalingon ako sa kanya dahil sa kanyang sinabi. Wow himala naman, concern yata.

Matapos kung linisin ang kusina ay tumayo naman si Sir Bryan.

“’Wag ka na lang gumising ng maaga bukas dahil ‘di muna tayo papasok. Dito ko na lang gagawin ang ibang papers works ko at i-cancel mo na lang ang ibang meeting ko bukas,” taka ko naman siyang tinitingnan dahil sa kanyang sinabi.

“May sakit ka ba Sir?” Tanong ko habang hinawakan ang kanyang noo.

“Ano ba naman Shira! Masisira naman ang facial cream na nilagay ko!” malakas niya namang sigaw hab
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status