Share

Chapter 28

C28 SMGB

“Shira, napapansin ko lang ang saya-saya mo,” Nilingon ko naman si Miles at ngumiti dito. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin nawawala sa isip ko ang nangyari sa amin ni Sir Bryan sa bahay niya. hindi ko kasi akalain na mangyari ‘yon kahit hindi siya lasing at higit sa lahat hindi siya nakainom ng pampatigas kaya hindi siya napilitan.

“Masaya lang kasi ako Miles,” wika ko habang itinuon na ang aking atensyon sa monitor. Nailing naman si Miles habang naupo sa harap ng kanyang mesa.

Hindi ko naman namalayan ang oras dahil nasa trabaho ko ang aking atensyon, doon ko lang din napansin na lunch break na ng ayain ako ni Miles sa canteen.

Napatingin naman ako sa pinto ng office ni Sir Bryan, dahil simula kanina hindi na niya ako tinawag. Matapos ko siyang ipagtimpla ng kape ay wala na akong naririnig mula sa kanya. Tsk ano na naman kaya ang ginawa niya sa loob? Bakit kaya hindi niya man lang ako tinawag? Imposible naman na wala siyang ipagagawa sa akin. naisipan ko namang puntahan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status