Eryx POVMatapos kong ibalik kay Miss Belinda ang pamamahala sa Silent Fang School, akala ko, matatahimik na ulit ako, pero hindi pa pala tapos ang pake ko sa school na iyon, lalo na’t alam kong si Ahva ang number one na inaasahan nilang lalaban sa mga susugod doon.Sa halip na magpahinga, heto ako ngayon, naka-itim na assassin outfit, may baril sa bewang, may patalim sa hita. Sa totoo lang, hindi dapat ginagawa ng isang mafia ang ganitong gawain, puwede ko namang iutos sa mga galamay ko, kaya lang, hindi rin talaga puwede. Hindi nila puwedeng malaman na nakikialam ako sa mga ganitong gulo ng mga school. Ginusto ko lang dahil kay Ahva.Hindi ako pupunta roon para manira. Pupunta ako para magbigay babala sa Red Eye School.Ayon sa mga impormasyong nakuha ko, ito raw ang isa sa mga pinakamalakas na assassin school sa Asphiron City. At higit sa lahat, sila raw ang may pakana ng pagsugod sa Silent Fang nitong mga nagdaang-araw. Hindi ko alam kung anong motibo nila—inggit, pondo, o simplen
Ahva POVNasa gitna kami ng training field ni Amon. Walang masyadong student ngayon, kaya malawak, tahimik, at puro tunog lang ng putok ng baril ang umaalingawngaw dito ngayon. Nag-request kasi ako kay Miss Belinda na kung maaari ay gusto naming ma-solo ang training field ngayong hapon. Amoy pulbura na ang buong paligid, may mga student din na nanunuod sa amin. Okay lang naman, naisip ko na puwede rin nilang mapag-aralan ang ginagawa naming training.“Target: 30 meters,” sabi ni Amon habang inaayos ang ear protection niya. “Tingnan natin kung kaya mong tumbukin ‘to, Ahva.”Ngumisi ako, sinilip ang target at saka huminga nang malalim. Mahigpit kong hinawakan ang baril ko, nilapat ang hintuturo sa gatilyo, at boom—diretso naman itong tumama sa ulo ng target.“Nice shot!” sigaw ni Amon, sabay ngumiti sa akin.Napangisi ako. Siyempre, gusto kong may angas at tawanan ang training na ito, “‘Wag mong kalimutan, Tani ako.”“Yeah, yeah,” biro ni Amon, habang siya naman ang pumuwesto sa firing
Ahva POVUmagang-umaga pa lang, gising na gising na agad ang buong Silent Fang School. Parang lahat ng estudyante ay may pinag-uusapan, may kaniya-kaniyang reaksyon, may nagbubulunganpa. Hindi ko na kailangan pang magtanong kung ano ang pinagkakaguluhan nila dahil alam ko na agad.Sure akong about sa nangyari kagabi iyon. At ako at si Kara ang tiyak na pinag-uusapan.Hindi ko pa man nasasabi sa mga kasama ko sa dorm ang nangyari kagabi, tila alam na rin ng lahat dahil nakita ko sa mga cellphone ng ibang estudyante na kumakalat na ang CCTV footage mula mismo sa school system. Ibig sabihin, mismong si Miss Belinda ang naglabas niyon para makita ng lahat.Nang makita ako nina Amon, Cael, Nyra, at Penumbra sa cafeteria, halos sabay-sabay silang nagsalita.“Ay grabe! Nakita namin kagabi, Ahva! Ang lupit mo talaga!” sigaw agad ni Nyra, na halos hindi mapigilan ang saya.“Pare, totoo ba talaga na lima ‘yung umatake sa school natin? Saka, bakit pinatakas mo pa? Dapat tinuluyan mo na ang mga’y
Ahva POVNagising ako bigla na para bang may narinig akong sigaw ng isang babae. Hindi ko lang alam kung sa panaginip o totoong narinig ko ngayong gabi. Napatingin agad ako sa malaking orasan na nasa dingding ng dorm. Alas dose na pala ng gabi. Tahimik ang paligid, halos rinig ko pa nga ang mahinang hilik ni Amon sa kabilang kama, at ang mahina namang paghinga nina Nyra at Cael. Kahit si Penumbra, na karaniwan ay madaling magising sa kahit anong ingay ay tulog na tulog rin.Akala ko panaginip lang, pero may narinig pa akong mahina, na parang sigaw ng babae na galing sa labas. Napakunot ang noo ko. Hindi ako puwedeng magkamali. Hindi iyon ingay ng hangin o ng mga hayop lang. Sigaw talaga iyon. Sigaw ng isang taong tila nangangailangan ng tulong ko.Ngayong alam na nilang hindi na si Eryx ang humahawak sa school, mukhang matapang na silang sumugod dito dahil wala na ang kinakatakutan nilang mafia boss, iyon ang naiisip ko.Dahan-dahan akong bumangon, kinuha ko ang maliit kong patalim na
Ahva POVPinatawag kami ni Miss Belinda kaninang hapon. Hindi lang basta meeting, kundi special gathering para lang sa amin—ang top ten students ng Silent Fang School.Habang naglalakad ako papunta sa grand hall kung saan gaganapin ang pagpupulong, nakasalubong ko si Ahva. Nauna kasi ako nun dahil ang babagal na naman kumilos ng mga kaibigan ko.“Bilang rank one, handa ka ba sakaling sugurin tayo ng ibang taga-school?” tanong ni Kara, na para bang minamaliit ako.“Kahit isang daan pa sila, hindi ako matatakot,” mayabang kong sagot, kasi niyayabangan niya ako.“Mayabang ka talaga.”“Tani ako, walang duwag sa pamilyang Tani.”“Baka puro ka lang salita, Ahva. Baka kapag nakaharap mo ang magagaling na student sa ibang school e, tatae-tae ka na. Pagtatawanan talaga kita, girl,” panunukso pa niya.“Sandali nga, talaga bang ganiyan ka mang-goodluck? Parang kalaban ka, e. Ano ba ang ipagtatanggol mo, ito bang school o ibang school? Sabihan mo lang, baka kasi ikaw pa ang magpabagsak ng school
Ahva POVUmaga pa lang, ramdam ko na agad na ito na ang simula ng pagkalungkot ko dito sa school. Nagpalabas kasi ng announcement si Miss Belinda Gomez, ang tunay na may-ari ng paaralan, at sinabi niyang kailangan daw magtipon ang lahat ng estudyante sa main hall para sa isang urgent meeting. Talaga ngang nandito na ang tunay na may-ari ng school na ito. At aalis na talaga ang Eryx ko bang ko.Hindi ko alam kung bakit nanginginig ang kamay ko habang nag-aayos ng uniform. Alam ko na kasi ang dahilan. Ito na ang araw na tuluyang ia-announce na hindi na siya ang tatayong leader ng paaralan.“Uy, hindi ka manlang ata kumain ng almusal, Ahva? Ayos ka lang ba?” tanong sa akin ni Amon.“Oo nga, kadalasan, ikaw pa ang unang nagtitimpla ng kape,” sabi naman ni Nyra.“Masama ba ang pakiramdam mo, Peachy?” tanong naman ni Penpen.“Okay lang ako, isipin niyo na lang na diet ako, today,” nakangiti kong sagot sa kanila, dinaan ko na lang sa biro ang pagsagot sa kanila para hindi nila makita at mara