Okay, tuloy na agad tayo kay Miro para sa Season 4. Laban lang, ibang story naman ang gagawin natin, ma-action at mas mainit. Excited na ba kayong malaman kung sino ang partner ni Miro?
Samira POVSa wakas, sa isang taon kong paghihintay, sa dami ng beses na halos mawalan na ako ng pag-asa, natanggap rin ako bilang kasambahay sa mansiyon ni Don Vito Monteverde. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko nang matanggap ko ang message ng mayordoma doon na si Manang Luz.Ang dami kong pinagdaanan para lang makapasok dito, at ngayon, heto na ako sa mismong gate ng engrandeng bahay ng lalaking may kasalanan sa pagkamatay ng pamilya ko. Pero hindi ko rin maiwasang mapabuntong-hininga.Dahil para makuha ko ang trabahong ito, may isang taong nadamay. Isang linggo na ang nakalipas, ngunit ramdam ko pa rin ang malamig na simoy ng hangin nang gabing iyon, ang tunog ng makina ng motor ko, ang malakas na sigaw ng babaeng kasambahay na sinadya kong sagasaan. Hindi ko siya pinatay, pero sinigurado kong hindi siya makakabalik agad sa trabaho rito. Isang pilay lang ang kailangan para mapuwersa siyang magpahinga at isang linggo lang ang lumipas bago ko natanggap ang balitang may bakanteng puwest
Samira POVHabang hinihiwa ko ang mga gulay sa lamesa, nakilala ko na rin doon ang iba pang matagal ng kasambahay dito sa manisyon ni Don Vito.Sina Manang Josie, Manang Cora, Manang Percy, Manang Luciana at Manang Rowena. Halos lahat sila ay may edad na pala kaya nagulat din ako. Parang dito na sila nagtandaan. Napansin ko kasi na ako lang ang nag-iisang dalaga sa grupo, naalala ko tuloy ang kasambahay na sinagasaan ko. Siya lang pala ang natitirang dalaga dito noon. Ngayon, ako na ang pumalit sa puwesto niya.Napansin kong nakatingin sa akin si Manang Cora. “Hija, you should not have come here. Wala ka nang kawala. Habang buhay ka nang magiging kasambahay dito,” aniya habang patuloy sa paghihiwa ng sibuyas. Nagtaka ako, bakit kaya nasabi niya ‘yon?“She’s right,” sabat ni Manang Luciana. “You might end up just like the others... as one of Don Vito’s toys.”Manang Rowena smirked. “Or worse, you’ll be Via’s new plaything. That brat will make your life a living hell.”Tumawa si Manang
Miro POVAng hangin ng dagat ay malamig habang nakasandal ako sa railings ng private yatch ni Zaven. Nasa tabi ko ang mismong may-ari ng yate na si Zaven Montenegro, naka-suot ng designer sunglasses at nakahawak sa baso ng whiskey. Sa kabilang dulo ng deck, si Dristan at Lysander ay abala naman sa pag-aasaran habang nagbibiruan tungkol sa kung sino ang may pinakamaraming babaeng naiuwi sa kanilang mga party nung nakaraang magpunta sila sa La union.Kami ang mga itinuturing na hari ng campus, mga anak-mayaman, mga hinahangaan, mga hinahangad na masungit ng mga babaeng student sa school namin. Ngunit sa kanilang lahat, ako lang ang may lihim na plano, isang planong hindi ko kailanman ipapaalam sa pamilya ko. Hindi nila kailangang malaman na ang tahimik at mapagkumbabang si Miro Tani ay may mas matinding mission sa buhay at ito ay ang paghihiganti ko sa pagpatay sa Mama Raya ko.“Are you serious about this, Miro?” tanong ni Dristan nang inilapag ang kanyang baso sa mesa. “You’re talking
Samira POVTangina ni Manang Luz, hinila ba naman ako sa tenga habang palabas sa kuwarto ni Via. Sa inis ko, sinadya kong bitawan ang tasa ng kape sa paanan niya. Kaya pagkatapos magsisigaw ni Via, siya ang sunod na sumigaw kasi napaso ng mainit na kape ang paa niya. Akala niya, maiisahan niya rin ako. Iyon nga lang, pinarusahan niya ako. Sinabi niya na pumunta ako sa garden at magbilad sa araw ng isang oras.Ang araw pa naman ay tirik na tirik, nagbabaga ang sikat nito sa balat ko. Nandoon ako sa part na kung saan ay walang masisilungan. Parusa raw sa kasalanang hindi ko naman sadya. For me, okay lang ang parusa. Mas nakakatawa kasi ang nangyari kay Via at pati na rin kay Manang Luz.Sa totoo lang, ayos nga ito. Makakapahinga pa ako ng isang oras sa trabaho ko. Kung ganito naman pala ang parusa, masarap gumawa ng maraming pagkakamali para marami akong pahinga pala. Hindi nila kasi alam, easy lang ito para sa akin. Noong nagte-training ako sa pakikipaglaban, tatlo o hanggang limang or
Samira POVPumasok sa kuwarto ko si Manang Percy, sinabi niro sa akin na pinapatawag ako ni Manang Luz sa kaniyang kuwarto para kausapin. Hindi ko na kailangang hulaan kung bakit.Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko sa kama ko, matutulog at magpapahinga pa naman ako pero istorbo ang gurang na iyon.Pagdating ko sa kuwarto nito, sumalubong sa akin ang magkasalubong na kilay niya, galit na labi at halos nakayukom na mga kamao niya.“Samira, you have to learn how to behave,” bungad niya sa akin habang malamig ang tono ng boses niya. “Next time Ma’am Via bullies you, just take it. Don’t fight back, or you’ll be the one in trouble.”Tumango ako, hindi dahil sang-ayon ako, kundi dahil wala akong balak makipagtalo ngayon. Kung alam lang niya na sa loob-loob ko ay natatawa ako. Lihim akong napatingin sa mga paa niyang parehong may benda. Satisfying talaga sa akin ang pagsadyang kong pagbuhos ng mainit na kape sa mga paa niya.Sa tingin ko, ako palang ang nakakagawa nun sa kaniya. Well, deserve n
Miro POVPagkatapos ng klase ko, dumiretso ako sa hacienda ng mga tito-titoan kong sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryx. Isang malaking selebrasyon ang mayroon doon dahil birthday ngayon ni Tito Zuko. Sa likod ng sasakyan ko, maingat kong kinuha ang regalong inihanda ko para sa kanya, isa itong mamahaling samurai na in-order ko pa mula sa Japan, last month. Hindi lang ito basta-basta espada, handcrafted ito ng isang sikat na gumagawa talaga ng mga samurai at may halagang aabot sa daang libo. Alam kong magugulat si Tito Zuko, pero deserve naman niya ito kasi malaki ang naitulong nila sa akin para maging magaling ako sa pakikipaglaban.Pagpasok ko sa malawak na courtyard ng hacienda, sinalubong ako ng ingay ng mga bisitang naroroon na. Puro mga assassin at mga taong bihasa sa pakikipaglaban ang naroon, mga kalalakihan at kababaihang sanay sa patayan, ngunit sa ngayon, ang mga kamay nilang madalas may hawak na armas ay puno ng alak at pagkain.Walang gulo.Walang tensyon.Pero alam ko
Samira POVNung buhay pa ang mga magulang ko at ang kapatid kong babae, masaya na kami kapag may isang buong manok sa hapagkainan, pero dito sa manisyon ng mga demonyo, tangina, halos lagpas sampu ang putahe sa lamesa. Nagtataka tuloy ako, bakit parang mas masarap pa ang buhay ng mga taong makasalanan? Tapos, kung sino pa ang mga mababait, sila ang hirap na hirap sa buhay? Ang gara lang.Lalo tuloy akong naiinis, gusto kong lagyan ng lason itong mga pagkain nila, gusto ko lagyan ng pako, lagyan ng blade para magkautasan na silang lahat. Nakakagigil, lalo na’t alam kong makikita ko na ngayong gabi ang hayop na Vito na ‘yon.Sa gabing iyon, isa-isa na naming inilagay sa dining area ang mga pagkain para sa hapunan ng pamilyang demonyo este, pamilyang Salvatore. Kabilang ako sa mga naatasang mag-serve ngayong gabi at hindi ko maitanggi ang excitement sa dibdib ko. Sa wakas, makikita ko na siya. Ang taong pumatay sa kapatid at ama ko. Ang demonyong naging dahilan ng pagkamatay sa atake sa
Samira POVUmagang-umaga pa lang, abala na sa kusina ang mga kasambahay ng pamilya Monteverde. Kanya-kanya sila ng gawain at sa akin napunta ang pagkuha ng order na karne sa farm na matagal nang supplier ng pamilyang ito. Nakasalansan na ang mga kahon sa gilid, at tila ba alam na ng lahat kung anong mangyayari.“Samira, ikaw na ang kumuha ng order. Wala pang isang oras, dapat nakabalik ka na,” seryosong utos ni Manang Luz. Ramdam ko sa boses niya ang babala. “Kapag lumagpas ka sa oras na ‘yan, baka may tumagos na lang na bala ng baril sa ‘yo.”Hindi biro ang sinabi niya. Kaya mukhang totoo na wala na akong kawala rito. Alam kong seryoso siya. Ganoon din si Manang Cora na kanina lang ay sinabihan akong mag-ingat bago ako lumabas ng mansiyon. Sabi nila, ako lang talaga ang maaaring makalabas dahil mas bata ako kaya lang ay may oras lang talaga at hindi puwedeng magtagal, kundi ay talagang papatayin ako ng mga tauhan ni Don Vito. Ang dating batang kasambahay ay kaya lang nakakauwi ay dahi
Samira POVPagkatapos ng putukan, halos hindi pa rin humuhupa ang kaba sa dibdib ko. Habang sakay kami sa bulletproof van, mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Manang Cora habang nakahiga siya sa stretcher. May mga balot na ng gasa ang balikat niya pero kitang-kita pa rin ang patak ng dugo na hindi mapigil. Ang mga mata niya, nakapikit at masyado nang maputla. Tahimik lang siya, humihinga ng mababaw. Sa tabi niya, nakaupo si Miro, hawak ang cellphone at panay ang utos sa mga tauhan niya.Nandito na rin sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryz, sila na ang nasa harap ng van, isa sa kanila ang driver.“Make sure the area is clear. Double the guards until further notice,” utos ni Miro habang seryoso ang ekspresyon ng mukha.Habang umaandar ang van papuntang ospital, tinignan ko ang iba pang mga manang na kasama namin sa loob. Tahimik lang silang lahat. Si Manang Luz, nakapikit at tila nagdarasal. Si Manang Luciana, panay ang himas sa palad ni Manang Percy na hindi pa rin makapaniwalang ga
Miro POVKanina pa ako nakatanggap ng report mula sa isa kong soldier. Tumawag siya direkta sa secure line, at sa tono pa lang ng boses niya, alam ko nang hindi ito simpleng ulat lang.“Boss, may dalawang motor at isang van na pabalik-balik sa harap ng mansion. Same plate numbers, same route. Parang minamanmanan ang mansiyon ng mga manang,” sabi niya habang ang boses at klarong nasa ilalim ng tumutubong tensyon. Sila, hindi basta-basta magre-report kung hindi sila siguradong banta ito sa buhay ng mga manang.Hindi na ako nag-aksaya ng oras.“Send reinforcement. Double the guards. I want snipers on the roof and checkpoints within a kilometer radius. Now.”Kaagad akong tumayo mula sa leather chair ko sa opisina. Tinawagan ko rin agad si Samira.“Something’s wrong,” sabi ko ng diretsyo sa kaniya. Bawal maglihim, magagalit siya kaya kahit mag-panic siya, mas okay kasi ang mahalaga, alam niya agad ang nangyayari. “We need to go there. Now.”Hindi na ako nagtaka sa sagot niya.“I’m coming w
Samira POVIsang malakas na katok sa pinto ang gumising sa akin.“Samira! Samira!” boses iyon ni Miro na kanina pa pala gising kasi ako na lang ang natira dito sa kuwarto namin.Napabangon tuloy agad ako. Sa boses pa lang kung paano niya ako tawagin, kinabahan na rin talaga ako. Binuksan ko ang pinto at sinalubong ako ng seryosong tingin ni Miro.“Two of the manangs are missing,” mabilis niyang sabi. “Manang Percy and Manang Cora. They’re gone.”Nanlaki ang mga mata ko. “What do you mean gone?” tanong ko habang mabilis na sinusundan siya pababa ng hagdan.“This morning, hindi sila nakita sa kuwarto nila. Manang Luciana said they were last seen last night, pero ngayong umaga ay nawala na sila sa mansiyon.”Pakiramdam ko ay biglang sumakit ang ulo ko. Dalawang matatanda pa talaga ang nalawa. Hindi pa naman sila puwedeng lumabas ng mansiyon dahil delikado.Mabilis kaming sumakay sa sasakyan ni Miro at saka tumuloy sa lumang mansiyon kung saan pansamantalang nakatira ang mga manang.**Pa
Samira POVPagbalik namin ni Ramil sa loob ng mansiyon, napansin kong lalong tumindi ang seguridad. May mga bagong CCTV cameras na naka-install sa bawat sulok, mga guard na may earpiece at mga patrol vehicles na umiikot sa perimeter.Sinulyapan ako ni Ramil at ngumiti ng payapa.“I see Miro’s already tightening the defenses,” sabi niya.“He’s taking no chances,” sagot ko, proud sa fiance ko.Tumayo kami sa malawak na hallway, sa ilalim ng grand chandelier. Ang saya sana kung ang pinaghahandaan ngayon ay ang kasal namin ni Miro, hindi ang nalalapit o darating na malaking labanan na naman.“You need to be ready for anything,” Ramil said.“I am,” sagot ko habang ramdam ko ang apoy sa loob ng puso at katawan ko.He chuckled slightly. “You sound like a soldier.”I smiled. “Maybe I am now.” una palang naman kasi ay parang sundalo na ako. Sa mga nangyaring training ko kina Tito Sorin, Tito Zuko at Tito Eryx, para na akong sundalong atat na atat maging malakas.Humakbang siya palapit sa akin
Samira POVMainit na ang sikat ng araw nang lumabas ako ng mansiyon. Kasalukuyan akong may hawak na malamig na lemonade habang pinagmamasdan si Ramil na naglalakad sa hardin. Malayo na talaga ang narating niya mula noong iligtas siya nila Miro mula sa pagtatago sa masukal na gubat na iyon. Ngayon, nagkakalaman na ang pisngi niya at kahit medyo mabagal pa ang kilos niya, ramdam mo ang unti-unting pagbabalik ng lakas sa kaniyang katawan.Lumapit ako sa kaniya, sabay abot ng isang tuwalya para pamunas ng pawis niya.“You’re doing great,” sabi ko.Ngumiti si Ramil, kinuha ang tuwalya at pinunasan ang leeg niya. “Thank you, Samira!” sagot niya na medyo paos pa rin ang boses. Nitong nagdaang araw kasi ay nilagnat pa siya.Naglakad kami ng mabagal sa gilid ng hardin, kung saan may mga anino ng puno na nagbibigay ng kaunting lamig sa paligid. Habang naglalakad kami, napansin ko ang seryosong ekspresyon sa mukha ni Ramil.“Is something bothering you?” tanong ko.Huminto siya sandali, tumingin
Samira POVTahimik ang gabing iyon. Pero hindi pa ako makatulog.Nakahiga na rin si Miro sa kama, nakapikit pero alam kong gising pa siya. Marahan akong bumangon mula sa kama at naupo sa gilid. Nakita kong napadilat siya nang maramdaman ako“Bakit bumangon ka pa?” mahinang tanong ni Miro.Huminga ako nang malalim bago lumingon sa kaniya. “Miro,” bulong ko, “can we talk?”Umupo siya na parang nag-aalala. “Of course. What’s wrong?”Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. Tinitigan ko siya, siniguradong mararamdaman niya kung gaano kaseryoso ang sasabihin ko sa kaniya.“I want to build a secret hideout,” sabi ko na halos bulong ulit. “Underground. Just for the manangs. A place only we know about. Somewhere safe… in case Vic targets them.”Hindi siya nagsalita agad. Tinitigan lang niya ako habang tahimik na nag-iisip. Ilang saglit pa, ngumiti siya at walang alinlangang tumango.‘Let’s do it,” sagot niya. “Whatever you need, love. I’ll make it happen.”Nang marinig ko ‘yon, para
Samira POVNasa loob ako ng kuwarto ni Ramil ngayon. Busy sina Miro ngayon, kami lang nila Mama Ada at Ahva ang naiwan dito sa manisyon. Naisip ko naman na puntahan si Ramil kaya dinalhan ko siya ng pagkain—isang tray na may sinigang na baboy, kanin, at manggang hilaw na may bagoong.“You need to eat more,” sabi ko habang iniaabot ko sa kaniya ang tray. “You need strength, Ramil. Hindi ka puwedeng injury na lang habang buhay. Ikaw na ang nagsabi, kailangan nating maghanda kaya magpalakas ka rin.”Ngumiti lang siya sa akin. “Salamat, Samira. Huwag kang mag-alala, ito na, nagpapagaling at nagpapalakas na ako. Baka sa susunod na linggo, makalakad na ulit ako.”Habang kumakain na siya, pinagmamasdan ko lang siya, napansin ko, tila may gusto siyang itanong pero hindi niya agad masabi. Hanggang sa maya-maya'y nagsalita rin siya.“Ang mga manang pala, kumusta na sila?” tanong niya habang nakasandal sa mga unan.Napatingin ako sa kaniya. Biglang lumabas ang ngiti sa mga labi ko. Hindi pa nga
Miro POVPagkapasok namin sa mansiyon, agad kong tinapik ang balikat ni Ramil bilang hudyat na sa wakas ay nandito na kami, tuluyan na namin siyang nauwi. May lumabas na bahagyang ngiti sa labi niya, pero habang naglalakad at inaalalaya siya ng mga tito ko, hindi niya maitago ang pagngiwi ng mukha, halatang nasasaktan siya.Lumapit agad si Ahva at Mama Ada para salubungin siya. Lahat kami, may saya sa pagdating niya, pero may bigat din sa dibdib naming makita siyang halos ‘di na makalakad ng maayos.“Prepare his room,” utos ko sa isa sa mga tauhan. “Make sure it’s comfortable. Ramil needs full rest.”Nagkatinginan kami ni Samira. Ramdam ko ang lungkot sa mga mata niya. Alam naming hindi madali ang pinagdaanan ni Ramil. Kaya naman agad kong tinawagan si Dr. Elson, ang private doctor namin.“Ramil, the doctor will be here in ten minutes,” sabi ko sa kaniya habang inaakay siya papunta sa inihandang kuwarto para sa kaniya.“Thanks, Miro. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung ‘d
Miro POVOras na para bumawi kay Ramil. Nanghingi siya ng tulong sa amin na kung maaari ay i-rescue na siya kasi nahihirapan na siya sa kinalalagyan niya ngayon.Ako mismo ang nagmaneho ng sasakyan habang tahimik kami sa loob. Kasama ko sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryx. Dapat, nagbabakasyon sila ngayon sa Palawan kasi matagal na nila itong na-book. Pero dahil nakatanggap kami ng problema, hindi ko na muna sila pinatuloy kasi baka maging maaga ang paggalaw ni Vic. Ayaw ko naman na wala sila kapag lumaban na ulit kami, parang kulang na kasi ako kapag wala sila. Hindi ako nakakapag-isip ng maayos kapag wala ang mga tito ko. Oo, may Samira akong matapang at matalino, pero iba pa rin talaga kapag may nakakatanda na nangangasiwa sa amin.Tanggap ko nang parang hindi ako mafia boss, oo, mas babagay ito kay Samira, pero wala na akong pakelam ngayon sa posisyon na iyon. Ang gusto ko na lang sa ngayon ay matapos ang gulo, wala ng problema at dapat puro kasiyahan na lang.“We finally trac