LOGINMarga’s POV
Pagkatapos ng lahat ng nangyari, sinabihan ako ni Oliver na kailangan kong magpalit ng damit. Wala pa rin kasi akong sariling gamit sa bahay niya. Naiwan lahat sa apartment ko, at wala talaga akong balak bumalik doon—hindi pa ako handa. Baka maabutan ko na naman si Mama at si Dom, at baka hindi ko mapigilan ang sarili kong gumawa ng bagay na pagsisisihan ko. “Use these,” sabi ni Oliver habang inilalagay sa kama ang neatly folded na polo shirt at slacks. “Medyo malaki, pero at least comfortable.” Kinuha ko iyon at ngumiti nang bahagya. “Thanks, Doc. Don’t worry, ibabalik ko agad.” “Keep them for now,” sagot niya. “Baka kailanganin mo pa.” Tumingin ako sa kanya. “Hindi mo naman ako kailangang tulungan nang ganito. Nakakahiya na.” Umiling siya. “You’re staying under my roof. You’re my responsibility.” “Responsibility?” napangiti ako. “You make it sound like I’m a kid.” “Maybe because you act like one sometimes,” balik niya, pero kita sa mukha niyang may bahid ng ngiti. “Wow,” sabi ko sabay tawa. “So you really think I’m childish?” Hindi siya sumagot. Tumalikod lang siya, pero narinig ko ang mahina niyang buntong-hininga. “You can eat breakfast first before I drive you to work.” Napalingon ako. “Drive me to work? Hindi na kailangan. I can take a cab.” “No,” maikli niyang sagot. “You’re still recovering. And it’s safer if I take you.” “Are you sure? Baka isipin ng mga tao, may something tayo,” biro ko. “Then let them think whatever they want,” sagot niya agad. “As long as you’re safe.” Hindi ko alam kung bakit, pero napangiti ako. May kung anong kilig sa tono ng tinig niya kahit alam kong hindi niya sinasadya. Habang nasa kotse kami, nagtanong siya bigla. “So, you really are a detective?” “Of course,” sagot ko, nakatingin sa bintana. “Bakit, hindi ka naniniwala?” “I just didn’t expect it,” sagot niya. “You don’t look like someone who handles serious cases.” Napatawa ako. “Anong ibig mong sabihin? Mukha ba akong masyadong girly para maging detective?” “Hindi naman,” sagot niya agad. “You just… surprise me.” “Good,” sabi ko, sabay lingon sa kanya. “I like surprising people.” Nagkatinginan kami sandali. Parehong tahimik, pero mabigat ang hangin sa loob ng sasakyan. Nang marating namin ang opisina, inihinto niya ang kotse sa harap ng gusali. “Thanks for the ride, Doc,” sabi ko habang tinatanggal ang seatbelt. “You’re welcome,” maikling sagot niya, pero hindi niya ako tinitingnan. Bago ako bumaba, yumuko ako palapit sa kanya. “Doc,” tawag ko. Paglingon niya, hinalikan ko siya sa labi kaya napatigil siya. Nakita kong pumikit siya. Pagkatapos, agad kong binuksan ang pinto at lumabas. “See you later,” sabi ko, sabay kindat. Nakita kong napahawak siya sa manibela habang nakatingin sa labas. Halata sa mukha niyang gulong-gulo siya. Hindi ko mapigilang matawa habang naglalakad papasok ng building. Epektibo nga ang plano ko. Unti-unti ko na siyang nahuhulog sa bitag ko. Pagdating ko sa opisina, agad akong sinalubong ng mga kasamahan kong detective. Halata pa rin ang kasiyahan nila dahil sa pagkapanalo namin sa kaso noong nakaraang linggo. “Uy, Marga!” tawag ni Rica, isa sa mga pinakamalapit kong katrabaho. “Sino ‘yung kasama mo kagabi? Ang hot!” Napatingin sa kaniya si Leo, ang isa pa naming teammate. “Oo nga! Grabe, parang artista. Hindi ko alam kung mas guwapo siya o mas intimidating.” Napangiti ako. Hindi nila pwedeng malaman ang pangalan niya. “Ah, si Oli?” “Oli talaga?” tanong ni Rica, medyo nang-aasar. “First name basis agad? Spill the tea!” Umupo ako sa mesa ko, kalmado. “He’s my new lover,” sabi ko sabay ngiti. Natahimik silang lahat ng ilang segundo. Si Leo ang unang bumalik sa katinuan. “Wait, what? Lover? Marga, seryoso ka? Akala ko may Dom ka pa?” Wala akong nagawa kundi magkunwaring kaswal. “Wala na kami ni Dom. Noong isang gabi pa lang, naghiwalay na kami.” “What happened?” tanong ni Rica. “Niloloko lang pala niya ako,” sagot ko habang nagtatype sa laptop ko. “Pero ayokong pag-usapan. Tapos na ‘yon.” “Tapos na agad?” tanong ni Leo. “Tapos may bago ka na agad?” “Bakit? May masama ba roon?” sagot ko. “Hindi ako nag-aaksaya ng oras sa mga lalaking manloloko. At least si Oli, he’s mature.” “Mature?!” halos sabay na sabi ni Rica at Leo. “Marga, halata namang matanda ‘yung lalaki. Ilang taon na ba siya?” Ngumiti lang ako. “Secret.” Lahat sila natahimik. Si Rica pa ang unang nakabawi. “Girl, seryoso? Secret?!” “Yes,” sagot ko, kalmado pa rin. “Baka magulat kayo sa edad niya. He’s amazing.” “Grabe ka!” tawa ni Leo. “Baka kaedad lang ‘yan ng ng ex mo!” Napangiti ako nang bahagya. Kung alam lang nila. “Pwede naman siguro akong magmahal ng mas matanda, ‘di ba? Age doesn’t matter.” “Wow,” sabi ni Rica, umiiling. “Ibang level ka talaga, Marga. Pero aaminin ko, ang hot niya talaga kagabi. Lahat kami napalingon nang makita namin kayo sa labas.” Napalingon ako bigla. “Wait—nakita n'yo kami?” “Oo,” sagot ni Leo. “You two were literally making out sa harap ng bar. Hindi mo kami nakita kasi lasing ka.” Napangiti ako. “Then I guess I made a scene.” “Teka, so ‘yung Oli na ‘yon…” tanong ulit ni Rica. “Doctor ba siya? Parang pamilyar ang mukha niya.” “Yup,” sagot ko. “A surgeon.” “Wow, rich, older, smart. Jackpot ka, girl,” sabi ni Leo. “Yeah,” sagot ko. “Perfect for revenge.” Napakunot ang noo ni Rica. “Revenge? Anong ibig mong sabihin?” Bigla kong napagtanto na nakalimot ako sa sinabi ko. Mabilis kong binawi. “I mean… revenge sa sarili ko. Para makabawi. You know, self-love.” “Ah,” sagot ni Rica, halatang hindi kumbinsido. “Basta ingat ka lang, ha? Baka mapaso ka.” Ngumiti ako. “Don’t worry. I know what I’m doing.” Pagkatapos nilang bumalik sa trabaho, napahinga ako nang malalim. Sa isip ko, maayos ang pagkakakubli ko sa totoong dahilan. Hindi nila kailangang malaman na si Oliver ay ama ng ex kong si Dom. At hindi nila pwedeng malaman na sarili kong ina ang kalaguyo ni Dom kaya kami naghiwalay. Wala silang dapat malaman. Habang nakaupo ako sa mesa ko, tumunog ang cellphone ko. Ngumiti ako nang nakita ang pangalan ni Oliver. “Hello?” sagot ko. “Are you alright?” tanong niya sa kabilang linya. “You left without eating. Gusto mo bang magpa-grab ako ng food?” Napangiti ako. Never kong narinig kay Dom noon na concern siya sa health ko. “I’m fine. Busy lang sa work. Pero bakit, nami-miss mo na agad ako?” “Hindi,” mabilis niyang sagot, pero halatang nagulat. “Gusto ko lang siguraduhin na okay ka.” “Hmm,” sagot ko. “You sound worried. That’s cute.” “Marga, I’m serious.” “So am I,” sabi ko. “Don’t worry, Doc. I’ll behave… for now.” Tumahimik siya saglit bago sumagot. “You’re playing a dangerous game, Detective..” “Then maybe you should stop me, Dr. Mendoza,” sabi ko. “Marga—” “Got to go, Dr. Mendoza,” sabat ko. “I’ll see you later.” Pagkababa ko ng tawag, napangisi ako. Unti-unti, gumagana ang plano ko. Hindi niya alam, bawat halik, bawat biro, at bawat tingin—lahat iyon ay bahagi ng paghihiganti ko. Kapag tuluyan ko nang nakuha ang puso ni Oliver, sisiguraduhin kong masisira rin ang relasyon nilang dalawa ni Dom.Marga's POV Hindi ako maka-focus sa trabaho buong araw. Pakiramdam ko bawat tingin ng mga kasamahan ko ay may kasamang panghuhusga. Habang naglalakad ako sa hallway ng presinto, rinig ko pa ang bulungan. “Ayan siya… ‘yung pumatol sa tatay ng ex niya.” “Sayang ang mukha pero hindi pala maayos ang ugali.” “Grabe, babae pala ng tatay ni Dominic? Ang gulo ng buhay.” Hindi ko man sila tingnan nang diretso, ramdam ko ang bigat ng mga salita nila. Parang araw-araw akong tinutusok sa likod ng mga maling paratang. Wala pa ring tigil si Dominic sa paninira. Halos isang buwan na mula nang huli kong makita si Oliver pero wala siyang kahit isang text o tawag. Wala ring paliwanag kung bakit bigla siyang naglaho. Hindi ko alam kung galit ba siya o tinalikuran na niya talaga ako. Ang tanging kaginhawaan ko ay hindi siya nagsalita tungkol sa aming relasyon niya. Dahil kung naglabas siya ng kahit anong salita, baka mas lumala ang sitwasyon at lalo akong mapag-initan. Naupo ako sa lamesa ko at bi
Marga's POV Maaga akong pumasok sa trabaho kahit ramdam ko pa rin ang bigat ng mga sinabi ni Dominic kagabi. Pagpasok ko sa opisina, pakiramdam ko lahat ng mata nakaabang sa bawat hakbang ko. 'Yung iba, hindi nagsasalita pero halatang may iniisip. 'Yung iba naman, hindi na tinatago ang pagtingin mula ulo hanggang paa. “Yan ba yung nabalita sa group chat?” narinig kong bulong ng isa. “Oo. Siya yung sinasabing pumatol sa tatay ng ex niya. Grabe, no?” sagot ng isa pa na parang wala ako sa harap nila. Humigpit ang hawak ko sa bag ko pero hindi ako nagsalita. Diretso lang ako sa desk ko, pinipilit maging normal. Pero maya-maya, tumunog ang internal phone. Tumatawag ang boss namin. Napapikit ako saglit bago sumagot. “Yes po, Sir?” “Marga, my office. Now.” Napalunok ako bago tumayo. Pagpasok ko sa opisina niya, seryoso ang mukha niya. Nakaupo siya sa swivel chair, nakalagay ang dalawang kamay sa mesa. “Sit,” utos niya. Umupo ako, pilit pinapakalma ang sarili ko. “Marga…” bumuntong-h
Marga's POV Pagkatapos ng trabaho ko bilang detective, agad akong nagpunta sa ospital para kausapin si Oliver. Hindi na ako nagdalawang-isip; dala ko ang buong katotohanan kung bakit ko nagawang gamitin siya noong una. Lahat. Ang planong paggamit ko sa kanya para gantihan ang anak niya, ang mga lihim na itinago ko, pati na ang mga pangambang baka hindi niya ako mapatawad. Pagdating ko, nakita ko siya sa corridor, nakatayo sa tabi ng operating room, nakatingin sa monitor habang may kausap na nurse. Nang mapansin niya ako, hininto niya ang ginagawa niya at lumapit. Tahimik lang siyang tumingin sa akin. Sobrang lamig din ng awra niya. Parang hindi na siya ang lalaking minahal ko at iniyakan gabi-gabi. Para bang hinahamon niya ang bawat salita ko bago niya pakinggan. Napaupo ako sa bench sa harap niya, iniwan ang bag ko sa tabi. Hindi ko alam kung paano sisimulan. Lumingon siya sa akin, tinitigan ako, pero tahimik pa rin. “Oliver…” mahina kong wika, halos bumulong. “I… I need to tell y
Marga’s POV Umagang-umaga na nang muling subukan kong tawagan si Oliver. Paulit-ulit ko na siyang tinatawagan, pinipilit makipag-usap, kahit alam kong galit siya. Pero walang tugon. Huminga ako nang malalim at pinindot ang call button. “Oli… please… sagutin mo naman ako. Please…” halos umiiyak na ang boses ko. Walang sumagot. Napailing ako at hinanap ang messaging app. Nag-type ako ng mahabang text, nag-send ng voice message, halos umaagos ang emosyon ko. “Oliver… I know I hurt you. I know I lied and I used you at first… I never meant for this to happen. Pero… I can’t lie anymore. I’m in love with you. I forgot all about my plan to get back at Dominic… I just… I love you. And I’m sorry for everything. Please… please just hear me out. I can’t bear not talking to you.” Hinintay ko ang kahit isang reply, kahit simpleng “ok,” pero wala. Ibinaba ko ang phone at umiyak nang tuloy-tuloy. Halos lahat ng emosyon ko—pagsisisi, lungkot, takot—ay sabay-sabay lumabas. Napaupo ako sa kama ni
Marga’s POV Nagising ako nang bahagyang maingay ang pintuan ng silid. Ang huling alaala ko ay nakahiga sa kama ni Oliver, nakangiti habang hawak niya ang kamay ko. Pero nang tumingin ako sa pintuan, napatigil ako. Namilog ang mga mata ko nang makita si Dominic, kasama ang aking ina, si Liza. “Mama? Dominic?” halatang nagulat ako, halos hindi makapaniwala. “Anak, kailangan nating mag-usap. Anong ibig sabihin nito? Boyfriend mo ang tatay ni Dom?” sabi ni Mama nang seryoso, at si Dominic ay nakatingin sa akin na parang galit na galit. “Ano’ng ginagawa niyo rito?” tanong ko imbes sagutin si Mama, nanginginig ang boses. “Paano kayo nakapasok?” “Relax, Marga,” sabi ni Dominic, pero halata ang init ng galit sa tono niya. “Alam mo ba kung gaano ako nasaktan numoong nalaman ko na rito ka na pala nakatira, sa bahay ng tatay ko, na parang wala kang pakialam sa akin?” “Dom, please, hindi naman gano’n!” pinilit kong ipaliwanag, pero hindi siya nakinig. “Hindi mo lang basta ginagamit si Dadd
Oliver’s POV Pagkatapos ng isang mahabang operation at ilang oras na halos walang pahinga, nagpasya akong maligo muna bago kumain. Mabigat pa rin ang pakiramdam ko dahil sa puyat, pero gumaan nang kaunti dahil naririnig ko si Marga sa kusina. Maingat siyang nag-iinit ng mantika at may naririnig akong hinihiwang gulay. Mabango ang bawang at sibuyas sa hangin. Nagbukas ako ng gripo at nagsimula nang maligo. Habang nagsasabon, biglang nag-ring ang phone ko sa ibabaw ng sink. Hindi ko agad kinuha kasi basa ang kamay ko, pero nagpatuloy ang ringtone. Kinuha ko ang tuwalya at pinunasan ang kamay bago sinagot. “Hello?” sabi ko, medyo pagod ang boses. “Oliver.” Si Olivia. Napapikit ako at huminga nang mabagal. Ganito na naman. Wala pang isang linggo mula nang huli siyang tumawag. “Bakit ka tumatawag?” kaswal kong tanong. “May emergency ba? Dahil kung wala, I don’t think this is necessary.” “Can we meet?” sagot niya agad. “Please, Oliver. I want to talk to you properly. Hindi puwede sa







