Habang pinapaandar ni Isabella ang kaniyang sasakyan ay naiisip niya ang mga pangyayari kagabi. Kumuyom ang kaliwang kamao nito at nagtatagis ang kaniyang bagang.Kaninang tumatawag ang kaniyang ama ay hindi niya ito sinagot, bagkus ay hinayaan niya lang itong magring hanggang sa tumigil ito. Pagkatapos non ay nagpaalam na siya kay Manang Nora at pati na rin kay Davis.Nang makarating ang dalaga sa kaniyang destinasyon ay itinigil na niya ang pagmamaneho. Walang emosyon itong lumabas sa kaniyang sasakyan habang tinatahak ang kaniyang opisina. Paniguradong naroon ngayon ang kaniyang ama habang hinihintay siya.Hindi nga ito nagkakamali nang matagpuan niya itong nakaupo sa swivel chair ng CEO na dapat ay para sa kaniya. Imbes na matakot si Isabella katulad ng dati ay pagkamuhi ang naramdaman niya habang nakaharap siya ngayon sa minsang mapagmahal niyang ama.Ngumisi ng mapait ang dalaga at matapang niyang nilapitan ang kaniyang ama na kasalukuyang nagbabasa ng mga dokumento."Saan ka na
Narito ngayon ang apat na magkakaibigan sa bar na pag aari ni Texas. Nagkaayaan sila dahil kaarawan ngayon ng kaisa isa nilang kaibigang babae na si Rachelle. "Happy birthday to you! Happy birthday to you!" Pagkanta nila habang hawak-hawak ang isang maliit na cake. Lumapit si Carlo at inilabas niya ang kaniyang dalang lighter upang sindihan ang kandila. "Happy birthday! Happy birthday! Happy birthday Rachelle!" Naging emosyonal si Rachelle habang pinagmamasdan niya ang kaniyang tatlong kaibigan.Si Davis naman ay nakangiti lang habang nakikisabay sa pagkanta. Inilapit niya ang cake kay Rachelle. "Make a wish," usal nito sa malakas na tinig dahil maingay ang nasa paligid nila.Ngumiti naman ang babae saka unti unting hinipan ang kandila. Pagkatapos niyon ay nagpalakpakan ang magkakaibigan. Inabot ni Texas ang isang bote ng alak saka niya nilagyan ang baso ng isa't isa. "Cheers para sa birthday girl!"Naunang inangat ni Carlo ang kaniyang baso, sunod niyon ay si Rachelle. Naiiling nam
"Get off her." Agad naitulak ni Davis ang lalaki mula sa dalagang nakatalikod mula sa kaniya. "Bella--" naputol ang pagtawag niya sa atensyon ng dalaga, naramdaman niyang may mabigat na kamay ang dumapo sa kaniyang balikat. At nang paglingon nito ay siya namang pagtama ng kamao ng kung sino kay Davis. Natumba ito dahil sa hindi niya inaasahang galaw ng kalaban lalaking itinulak niya kanina.Agad din siyang tumayo upang bawian ang lalaki. Lumapit ang ibang mga kalalakihan sa kanilang pwesto, habang ang ilang kababaihan naman ay nagbubulungan. Wala man lang umawat sa kanila.Umigting ang panga ni Davis nang muling umamba ng suntok ang lalaki. Agad naman niya itong naiwasan, kumuha siya ng tamang tiyempo upang muling gumawa ng aksyon. Nang tuluyan na niyang napatumba ang lalaki ay saka naman nagdatingan ang mga guards. Napailing iling ito dahil sa sobrang bagal ng kanilang serbisyo.Umayos na ng tayo si binata. Nalasahan niya rin ang bahid ng dugo mula sa kaniyang labi, ngunit ipinagsaw
Nag overtime kahapon si Isabella sa pagtratrabaho kaya naman ay late na itong nagising kinaumagahan. Mataas na ang sinag ng araw na lumalabas mula sa kaniyang bintana. Napaunat ito saglit at pagkatapos ay tamad niyang inabot ang kaniyang cellphone sa bedside table upang tingnan kung anong oras na. Mag aalas diyes na pala, talagang napahaba ang tulog niya dahil siguro sa pagod at puyat. Humikab si Isabella at nanatiling nakahiga sa kaniyang kama, maya-maya rin ay naisipan na nitong bumangon.Hindi siya papasok ngayon dahil day off niya sa trabaho. Malaya niyang magagawa lahat ng gusto niyang gawin.Nang makabangon ay hinanap ng kaniyang paningin ang kaniyang speaker saka ito nagpatugtog. Mas nagaganahan kasi itong gumalaw sa tuwing may naririnig siyang musika. Masaya niyang pinindot ang playlist na puro mga kanta ni Taylor Swift, ito ang pinakapaborito niyang singer dahil bukod sa maganda ang boses ni Taylor ay nakakarelate rin siya sa lyrics ng mga musikang ginawa niya.Itinali ni Is
The atmosphere became awkward as Davis maneuvered the car. Pareho silang tahimik sa loob ng sasakyan.Sinulyapan ni Isabella si Davis na seryoso lang na nagmamaneho. Pinasadahan niya pa ang suot nitong kulay puting polo, black slacks at white shoes. Wow! Coincidence na naman!Para tuloy silang couple dahil halos pareho sila ng suot ngayon, idagdag mo pa na naka shades silang dalawa. "Hey." Pagkuha ni Davis sa atensyon ni Isabella. "Ayos ka lang? Kanina ka pa tulala," wika ng binata sa baritono niyang boses. Damn that sexy voice!Napatuwid ng upo si Isabella bago nagsalita. "Ayos lang,"aniya. Napakunot ang noo nito nang dumapo ang paningin niya sa gilid ng noo ni Davis. "Ikaw? Ayos ka lang?" Balik niyang tanong sa binata. Napatingin naman si Davis kay Isabella dahil sa kaniyang naging tanong. "Ofcourse." Tumango na lamang ang dalaga kahit hindi siya kumbinsado sa naging sagot nito.Pagkaraan ng ilang minuto ay nakarating na sila sa tapat ng grocery store. Malapit lang ito sa condo n
Kapansin pansin ang pagbabago ni Davis. Kailan lang noong seryoso at malamig pa ang pakikitungo niya kay Isabella, pero ngayon ay madalas na itong napapangiti at nagiging madaldal na rin ito minsan. Kasalukuyang hinihiwa ni Isabella ang mga sangkap sa lulutuin. Hindi siya makapagtrabaho nang maayos dahil nasa tabi niya lang si Davis na nagmamasid sa bawat galaw ng dalaga."Bakit kailangang kay Manang Nora ka pa pwedeng magpatulong?" napatingin si Isabella sa biglaang pagbukas ni Davis ng usapan."H-ha?" utal nitong tanong. Paano ba naman kasing hindi siya mauutal? Sobrang lalim ng paraan ng pagtitig ni Davis sa kaniya, idagdag pa na sobrang lapit sa kaniya ng binata."Pwede ka namang manood ng tutorial sa YouTube, or you can just simply invite someone to come to your house to help you." Naniningkit ang mga matang wika ng Davis.Ibinaba ni Isabella ang tingin niya bago sumagot. Kunwari'y abala sa kaniyang ginagawa. "Gusto ko kasi 'yong paraan ng pagluto ni Manang, saka para na rin may
"Meeting adjourned." Isa-isang nagsilabasan ang mga tao sa loob ng kanyang office. The meeting had lasted for nearly an hour, and Isabella was feeling overwhelmed by the time it was finally over. She proceeded to her office desk, where she planned to continue working on a project she had been assigned to. Magsisimula na sana ito sa gagawin ngunit biglaan itong nakaramdam ng gutom. Hinawakan niya ang kumakalam nyang tiyan at napanguso. Hindi pala ito nakapag umagahan kanina dahil tanghali na ito nagising, wala na itong oras kumain dahil sa pag aakalang mahuhuli ito sa kanilang magaganap na business meeting.Kailangan niyang kumain para may lakas siyang makapagtrabaho. Kinuha niya ang laptop at susi ng kanyang kotse bago lumabas at nagtungo sa paborito niyang cafe. She can just ask her secretary to get her some food but she decided not to. She chose to eat outside, hoping that a different atmosphere and a change of scenery would help her improve her mood and concentration while she wo
Kausap ni Davis ang kaibigan sa telepono. Pinipilit siya nitong umuwi na sa Pilipinas dahil kailangan daw siya roon. "Kailan ka ba babalik? Kailangan ka na ng kumpanya mo rito. Dude, dalawang taon lang ang usapan natin bilang pamamahala ko sa sarili mong kumpanya, tapos na ako sa parte ko." Hindi matigil ang pamimilit ni Carlo sa kanya na umuwi na. Wala na rin naman siyang balak na manatili sa Canada nang mas matagal na panahon dahil sa Pilipinas ang totoong niyang tahanan. Narito lamang siya para bisitahin ang kanyang mga magulang dahil dito sila naninirahan. May sariling kumpanya si Davis sa Pilipinas na iniwanan muna kay Carl pansamantala habang nasa bakasyon siya."Just give me some more time, sa susunod na linggo nalang ako uuwi." Carlo sighed in relief."That's my man! Ako na ang susundo sa 'yo sa airport para sigurado." Hinayaan nalang niya ang kaibigan sa kung anong gusto nitong gawin. Mas mabuti na rin 'yon para hindi hassle ang pag uwi niya.Hinanap ni Davis ang kanyang ina