Share

Chapter 186

Pagkabasa ko sa text ni Adri kung nasaan ang aking asawa ay pinaharurot ko na kaagad ang sasakyan ko.

"Pare? Nasaan na ang asawa ko?" tanong ko sa taong kausap ko sa kabilang linya.

Kanina ko pa iniikot ang aking paningin dito sa address na sinend niya ngunit hindi mahagilap ng aking mga mata si Bianca.

"Aish! Nasa loob siya ng apartment na iyan." sagot naman niya sa akin.

Binaba ko na kaagad ang tawag at saka na inalis ang aking seatbelt.

Hindi pa ako nakakababa ng sasakyan ko nang makita ko si Bianca na palabas ng apartment na iyon at kasama niya si Anton.

Nag yelo ako sa kinauupuan ko at nakramdam ng kirot sa puso.

"Fvck." Pabulong na mura ko. "Sa lahat ng tao na pupuntahan niya, bakit si Anton pa?"

Kita ko mula sa kanilang tinatayuan hanggang sa aking pwesto ang pagtango ni Bianca, ang mga ngiti nito, at maging ang yakapan nila.

I heard from Anton last time we met that he and Fran are not on good terms. So there is a possibility that Bianca could grow feelings towards Anton again
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status