แชร์

Chapter 2

ผู้เขียน: Eloisahjean
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2024-11-27 21:26:44

"Ano ba ang ginagawa mo buong araw? Sisirain mo ba ang magandang relasyon natin sa pamilya Cabiles?”

Dinuro agad ni Jess si Eloisa, puno ng galit sa kanyang anak. “Ang pamilyang Cabiles ay mayaman at makapangyarihan. Ano bang masama kung magkaroon siya ng ibang babae? Hindi mo ba kayang maging mas mapagbigay? Ikaw pa ang may lakas ng loob na kanselahin ang engagement nang hindi man lang nagsasabi. Gusto mo bang tuluyang bumagsak ang pamilya natin?”

Pakiramdam ni Eloisa ay lalong bumigat ang nangyari. Hindi lamang sa damdamin kundi pati sa kanyang katawan. Nagbitiw siya ng mapait na tanong habang umismid.

“Ma, kung si Cara kaya ang nasa kalagayan ko, papayagan mo rin kaya siyang danasin ang ganitong sitwasyon?”

Natigilan si Jess, ngunit agad na nagbago ang ekspresyon nito. “Gusto mo talagang isisi ang lahat kay Cara kapag may pagkakamali ka! Bakit, kasing-ignorante mo rin ba siya? Kahapon, tumawag siya sa akin at sinabi niyang labis na siyang nangungulila sa kanyang kapatid. Tapos ngayon, ganiyan ang ipinapakita mong ugali?”

Napangiti nang mapait si Eloisa sa sinabi ng kanyang ina.

“Nililinlang ka lang niya gamit ang mga kasinungalingan niya.”

Biglang nanlamig ang mukha ni Jess at sumigaw, “Tama na ‘yang pagiging makitid mo! Mamayang gabi, babalik na ang kapatid mo mula sa ibang bansa. Nararapat lang na dumalo ka sa homecoming banquet bukas. At iimbitahan ko rin ang pamilyang Cabiles!”

Napatingin si Eloisa kay Jess, nangingilid na ang luha sa kanyang mga mata.

“Ma, masama ang pakiramdam ko. Pwede mo ba akong samahan sa ospital?”

Ngunit nanatili lang si Jess na nakatitig sa kanya, malamig ang tingin at walang pakialam.

Halos matawa si Eloisa sa sarili. Pinilit niyang pigilan ang kanyang luha habang mabilis na tumayo at inayos ang sarili. Paakyat siya ng hagdan para itago ang kanyang pagkahiya, ngunit bago siya tuluyang makalayo, narinig niya ang mga salita ni Jess.

“Kung kailan may problema, saka nagpapanggap na may sakit. Paano ko ba napalaki nang ganito ang anak kong ‘to? Kung katulad lang siya ni Cara, hindi sana ako nag-aalala. Ang mabait at maayos kong si Cara ay nagdurusa sa labas. Pero siya? Laging makasarili, sumpungin, at may masamang ugali.

Tama na, uuwi na si Cara. Samahan mo ako sa kusina para tingnan ang sabaw ng manok na inihanda ko para sa kanya.”

Natigilan si Eloisa, hindi makagalaw sa kanyang kinatatayuan.

Mula pa noong insidente noong siya ay labing-anim na taong gulang, unti-unting nawalan ng halaga ang kanyang presensya sa pamilya. Isa na lamang siyang anino sa pamilyang ito.

Ngunit hindi niya ito dinamdam noon dahil may isang taong palaging nasa tabi niya. Laging hawak ang kanyang kamay, magiliw na nakangiti, at puno ng liwanag ang mga mata.

“Eloisa, hindi kita iiwan hanggang sa huli.”

“Simula ngayon, ako na ang pamilya mo.”

“Mamahalin kita kahit anong mangyari.”

Ngunit ang lahat ng pangakong ito ay naglahong parang bula. Napagtanto ni Eloisa na ang sugat sa kanyang puso ay hindi na kailanman maghihilom pa.

Nanghina ang kanyang katawan at napaupo siya sa gilid ng hagdan, niyakap ang kanyang tuhod, at tahimik na umiyak.

Sa sumunod na araw, dumating si Eloisa sa banquet suot ang isang eleganteng berdeng gown. Agad niyang nakuhan ang atensyon ng lahat. Nakalaylay ang kanyang bahagyang kulot na buhok sa likod, mapula ang kanyang labi, at ang kanyang maputing balat ay parang kumikinang sa ilaw.

Sa unang tingin, para siyang reyna.

Hawak ni Jess si Cara habang masayang nakikipag-usap sa ilang mga kilalang panauhin. Napalingon siya kay Eloisa, at saglit na napatigil. Halata ang inis sa kanyang mukha, ngunit bago siya makapagsalita, hinawakan ni Cara ang kanyang kamay.

“Ma, hayaan mo na si Ate Eloisa. Maraming tao ngayon, normal lang na manamit siya nang maganda.”

Bahagyang napangiti si Jess at tinapik ang ilong ni Cara. “Kung naging kasing bait at maayos niya lang ang kapatid mo, wala na sana akong iniintindi.”

Ang mga bisita sa banquet ay nag-usap-usapan ang magkapatid.

Ang bunsong anak na babae ng pamilyang Ferrer ay kilala bilang mahinhin, magalang, at matalino. Sa murang edad, nakamit niya ang titulong bise-presidente ng International Piano Association.

Ngunit si Eloisa, ang panganay, ay palaging tampulan ng intriga at maling akala. Sa kabila nito, ang kanyang ganda at tindig ay hindi matatawaran.

Si Eloisa naman ang natatanging kataliwasan.

Mayroon siyang malakas na personalidad na kakaiba sa lahat. May ilang eskandalo rin siyang kinasangkutan, tulad ng pambu-bully sa mga kaklase niya at pati na rin sa kaniyang kapatid.

Bahagyang kumislap ang mata ni Cara bago mapait na ngumiti. “Parang hindi masaya si Ate. Pupuntahan ko siya para samahan.”

Nanatili ang tingin ni Eloisa habang pinagmamasdan ang bawat kilos ng mga tao. Nang mapansin niyang papalapit si Cara, ibinaba niya ang hawak na wine glass at tumalikod para umalis.

"Ano ba naman 'to. Kapag lumapit si Cara, baka bigla na lang siyang matapilok at banggain ako, tapos itatanong pa kung bakit ko siya tinulak," bulong niya sa sarili.

Plano niyang pumunta sa banyo para ayusin ang lipstick niya. Pero pagdating niya sa pinto, narinig niya ang kakaibang ungol mula sa loob.

Napahinto si Eloisa at kuryosong sumilip sa siwang ng pinto, kung saan natatakpan ng kurtina ang bahagi ng silid.

Isang magandang babae ang nasa braso ng isang lalaki. Namumula ang mukha ng babae, at bahagyang nakababa ang kaniyang suspender skirt, kaya kita ang malaking bahagi ng kaniyang balat. Ang lalaki naman, na nakatalikod, ay kitang-kita ang tangkad at balingkinitang pangangatawan.

Papalayo na sana si Eloisa nang marinig niyang nagsalita ang babae, "Mr. Cabiles, natapilok yata ako. Puwede mo ba akong tulungang tingnan ito?"

"Mr. Cabiles?"

Napahinto si Eloisa at hindi makapaniwala. Sa pamilyang Cabiles, ang tanging tinatawag na "Mr. Cabiles" ay ang misteryosong president ng pamilyang Cabiles, si Josh Cabiles, tiyuhin ni Khalil.

Hindi siya makapaniwalang naroon si Josh, ang lalaking bihirang dumalo sa mga ganitong pagtitipon.

Ayaw sana niyang makialam, kaya’t maingat siyang umalis. Ngunit biglang nag-vibrate ang phone niya.

“Simula ngayon ay kaya ko nang pumunta sa banyo nang mag-isa. Ma, Pa, ‘wag niyo akong maliitin.”

Namula si Eloisa sa hiya at dali-daling ibinaba ang telepono. Pagtingala niya, nagkataon namang nagtama ang tingin nila ni Josh.

Nakaupo si Josh sa liwanag, ang anino niya ay nagbigay-diin sa matalas na mga mata at malamlam na ekspresyon.

Nanlamig si Eloisa, tila ba may dumagan sa buong katawan niya. Nang makaharap niya si Josh, bahagya siyang nagsalita, “Mr. Cabiles, kararating ko lang. Wala akong nakita…"

Pagkasabi niya nito, gusto na niyang kagatin ang sariling dila. Para bang lalo pa niyang ipinahamak ang sarili niya.

Tiningnan ni Josh ang babaeng nasa braso niya bago malamig na nagsalita, “Umalis ka na.”

Namutla agad ang babae at mabilis na umalis. Tumalikod si Josh at dumaan sa tabi ni Eloisa. Bago tuluyang lumakad palayo, tumingin siya saglit kay Eloisa, na parang sinusuri ito.

Pagkatapos ng tensyon na iyon, dumiretso si Eloisa sa banyo upang ayusin ang sarili. Pagkalabas niya, sinalubong siya ng malamig na ekspresyon ni Jess.

“Kababalik lang ng kapatid mo, pero hindi mo man lang siya binati. Tinatawagan kita kanina, pero hindi mo sinasagot. Ano ba ang balak mo?” tanong ni Jess na halatang naiinis na.

Tamad na tumingin si Eloisa at ngumiti, “Hindi ba’t sinabi mong ang pangunahing layunin natin ngayong gabi ay si Khalil? Bakit ko pa kailangang hanapin si Cara?”

Galit na pinagalitan ni Jess si Eloisa, ngunit sa huli, hinila niya ito para hanapin ang pamilya Cabiles.

Nang makita ni Khalil ang suot na magarbong berdeng damit ni Eloisa, dumilim ang kaniyang ekspresyon. Nagkatinginan ang dalawa, ngunit ilang segundo lang ay umiwas na rin si Eloisa at magalang na binati ang mga miyembro ng pamilya Cabiles—maliban kay Khalil.

Tinukso ng matatanda si Eloisa, “Normal lang sa magkasintahan ang hindi pagkakaunawaan. Lilipas din ‘yan.”

Nakangiting tinakpan ni Eloisa ang bibig niya at sumagot, “Alam n’yo ba kung bakit ako naka-dark green dress ngayong gabi?”

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Seduction: The Scumbag Uncle Kiss Recklessly   Chapter 49

    Walang paraan para hindi mapansin ni Josh ang matalim at nanunuyang tingin ni Eloisa. Tumikhim ito habang sinulyapan ang dokumento sa harap nila.Bagamat seryoso ang ekspresyon sa gwapo nitong mukha, mas malambot ang tono ng boses nito kaysa dati.“Yes, I’ve reviewed it carefully.”Sa narinig niyang sagot, agad na ngumiti si Eloisa na parang isang bulaklak na biglang namukadkad.Maya-maya pa, pumasok si Secretary Cruz matapos ayusin ang babae kanina. “President, ready na po lahat. Pwede na po tayong umalis anumang oras.”Tumango si Josh at tumayo na, pero sandaling napahinto at napalingon kay Eloisa na tila may gustong itanong.“I have to head back to retrieve something. Stay here for now. There’s a party tonight, and you’ll be attending on behalf of Czan Innovations. I’ll have Secretary Cruz send you the details.”"Okay," tango ni Eloisa. Pero hindi niya napigilang itanong ang nasa isip niya. "Ah… Sir Josh... kailan..."Gusto sana niyang tanungin kung kailan ito babalik, pero naisip

  • Seduction: The Scumbag Uncle Kiss Recklessly   Chapter 48

    Inayos ni Eloisa ang mga gamit niya at ngumiti nang bahagya. Tapos na ang mga dapat niyang gawin sa Czan Innovations kaya aalis na siya.“Isama mo na rin sa report mo ang hospitality ni Mr. Ray Mercado. Mainit ang ginawa niyang pagtanggap sa amin dito. Pagkatapos ng dinner ay magpahinga ka na rin agad. I pretty much understand the operations of Czan Innovations. I’ll report everything truthfully kay President Cabiles.”“Miss Ferrer, why don’t you try eating at our staff cafeteria? Consider it part of getting the people’s sentiment. Mas matutuwa ang lahat kung makita ka roon na kasalo namin. Alam ng dad ko na darating kayo ngayon, kaya pina-prepare niya ng maraming pagkain ‘yung canteen. Sayang naman kung himdi mo matitikman ang mga pinaghirapan ng cook.”Sa totoo lang, okay naman si Lance sa ibang aspeto habang magkasama sila. Magaling ito at aaminin niyang malaki ang potensyal nito. Pero ang pinakakinaiinisan ni Eloisa ay ‘yung style nito na parang laging may kasamang guilt-tripping.

  • Seduction: The Scumbag Uncle Kiss Recklessly   Chapter 47

    Secretary Cruz was just about to ask the bodyguard to take Eloisa's things out of the car.“Sir, game ako diyan! Ako na!" Unexpectedly, Eloisa suddenly spoke, sounding cheerful. "Kung may ganitong trip ulit, isama mo na lang ako. Mahilig talaga ako mag-travel.”Napatingin si Josh sa kaniya, halatang nagulat sa biglang pagbabago ng tono niya. "Really?""Oo naman, sir!" Masaya ang ngiti ni Eloisa. “Sino ba namang tatanggi sa ganitong kagandang pagkakataon?”Tahimik na ibinalik ng bodyguard sa trunk ang gamit na kanina pa hawak.Yung lugar na pupuntahan nila ngayon ay hindi rin naman ganoon kalayo—nasa katabing lungsod lang ito, sa Santa Fe, sa maliit na bayan.Imbes na mag-eroplano o sumakay ng high-speed train na masyadong hassle, pinasundo na lang ni Josh kay Secretary Cruz gamit ang kotse. Mga dalawang oras lang din naman ang biyahe. Hindi nakakapagod.Pagdating nila sa service area sa kalagitnaan ng biyahe ay bumaba si Eloisa para bumili ng kung ano-anong makakain, at pumunta sa pam

  • Seduction: The Scumbag Uncle Kiss Recklessly   Chapter 46

    "Hindi pwedeng sa hotel ka pa rin tumutuloy. Malalaman din ‘yon ni Dad. Marami siyang mga mata sa labas, at kapag nangyari yun, mapupuno na naman siya ng pagdududa sa relasyon natin. Sayang naman ‘yung bahay na binigay niya sa atin, ilang araw nang walang nakatira. Pinakuha ko na rin ‘yung mga gamit mo, nasa baba na," mahinahong paliwanag ni Josh.At totoo naman talaga iyon.Eloisa thought about it and nodded in agreement. Even though staying in a hotel helped her avoid the Ferrer family, it still wasn’t the safest option. Anumang oras maari siyang puntahan ng kanyang ina sa hotel. Hindi pa siya handang harapin ito. Masama pa rin ang loob niya rito.Pagdating nila sa bahay, bitbit ni Eloisa ang kanyang maleta papunta sa guest room. Pero bago pa man siya makapasok ay kinuha na ni Josh ang maleta’t dumiretso ito sa master bedroom.Sumunod si Eloisa, pero agad din na napatigil. "Sir Josh... parang awkward naman yata kung ako ang matutulog dito sa master bedroom, lalo na kung wala ka rito

  • Seduction: The Scumbag Uncle Kiss Recklessly   Chapter 45

    Nagbago ang ekspresyon ni Khalil mula gulat papunta sa hindi makapaniwala. Napakunot noo nito at agad na tumutol. “Anong pinagsasabi mo? Hindi kailanman gagawin 'yon ni Samantha.”Hindi ito pinansin ni Eloisa. Dahan-dahan siyang lumapit kay Samantha, at tumingin dito mula ulo hanggang paa. “Pitong taon kaming magkasama at magkarelasyon ni Khalil, Samantha. Ikaw ang lumandi sa kanya habang magkarelasyon pa kami. Para mapasaya ka, inagaw niya lahat ng bonus at promotion na pinaghirapan ko para lang ibigay niya sa’yo."Isang malalim na buntong-hininga. Ang mga salita ay parang tinidor na tumutusok sa katahimikan."Tinanggap ko na lahat iyon. Pero bakit hindi ka pa rin makontento? Bakit kailangan mo pang sirain ang pangalan ko?”Tila nanlamig si Samantha sa narinig. Mula sa pagkabigla at kawalan ng magawa, nag-shift ang mukha nito sa kaawa-awang ekspresyon.“M-Miss Eloisa...mahal namin ni Sir Khalil ang isa’t isa. Naiintindihan kong galit ka kasi ako ang pinili niya, pero hindi mo naman s

  • Seduction: The Scumbag Uncle Kiss Recklessly   Chapter 44

    After all, sympathy was one thing, but signing a cooperation agreement was something entirely different.Pinasadahan ng tingin ni Megan si Samantha. Nakakaawa nga ang babaeng ito, pero kitang-kita ni Megan na wala talaga itong kakayahan na ihandle ang malaking deal na dapat sana ay gagawin ng dalawang malaking kumpanya. Pati nga ‘yung boss nito na sinasabi nitong nambu-bully ay mas may dating pa kaysa rito.Megan calmly avoided Samantha's hand and stood up. “Sige, kakausapin ko na lang si President Cabiles tungkol sa issue na ito para matapos na ang lahat. Kung kaya niyang tanggalin ‘yung tinutukoy mong tao, baka may chance pa para sa partnership. Baka ituloy ko pa pirmahan ang deal."Medyo nanigas ang mukha ni Samantha nang marinig na ayaw pa rin ni Megan makipag-cooperate. Pero pagkarinig sa huling sinabi nito, bigla itong ngumiti ulit.She even took the initiative to pick up her phone. "Thank you, Megan, for keeping me in mind. Since we’re friends now, how about we add each other

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status