Share

Unang Kabanata

Coin

"Bakit ka sasali riyan?" naiinis na singhal ni Leticia.

Kasalukuyang, nakapuwesto kami sa study table, nakatanaw sa malayo sa mga nag-rarally sa field. Iyong mga iskolar na gustong magreklamo sa pagtaas ng tuition fee.

"Ewan ko ba. Gusto kung marinig ang boses nila ng school administration." napaekis siya ng kamay sa dibdib. Her brows furrowed at me, irritated with my idealism in life.

"You're freaking rich, Pastel. Wala kang kinalaman na naging mahirap sila. Fees are to be paid. Hindi iyan mababayaran ng isang pagtitipon at rally."

I stared blankly at her. It's so easy for her to say it. Mayaman din ang pamilya nila dito sa Bayan. They owned a factory and holds the biggest shares in the sugar cane industry. Nagawa nga nilang mapabagsak ang nangungunang Cortes Industry sa larangan ng sugar cane business. Maybe she was raised with that mindset not minding other people below her level.

"Ah, basta. One of this days, sasali ako riyan." nguso ko sa mga nagtitipong estudyanteng may dala-dalang banner at flaglets.

"Ewan ko sayo."

"Leticia, bakit kaya mong bayaran ang tuition dito. Pero hindi mo kayang magwaldas ng kahit kaunti sa pagpapagawa ng artwork ni Yves sakin. Ang damot mo rin."

"Dahil kaibigan tayo, duh." 

We went to the classroom after that. Her lips slightly protruded. Sigurado akong may pupuntahan naman siya mamaya.

Leticia bought a lasagna for herself at the kiosk. I don't know but I don't like that food. Maraming nagkalat na stalls and kiosks ang nadaanan namin sa footwalk. Founding anniversary kasi ng Engineering Department at buhay na buhay ang campus.

"Gusto mo?" inilahad niya ang may malaking kagat na lasagna.

"No, thanks. Baka kulang pa sayo yan." She shrugged at me. Napalinga ako sa classroom at naabutan ko ang masamang titig ni Winona sa akin. Ano na naman ang problema niya?

"Ano'ng tinitingin mo diyan? You want another dollars?" with her on fleek brows, and reddish lips, she graced her way towards my position.

Nanatiling tahimik ako sa upuan. Winona's presence is near so I stood up to avoid another encounter with her. Pero hinawakan niya ang kamay ko at hinarap sa kanya.

"Hey, do you even know that I told Kuya Yves--"

"Winona." All eyes shifted at the guy. Sa boses palang kilala ko na. I didn't spare a sight at him. Gumawa ng tunog ang bawat yapak niya dahil sa suot niyang soccer shoes.

I can even hear the roaring silence of his avid fans at my side. Nasulyapan ko siyang nakatayo ng seryoso sa harapan namin. He's on his usual attire with a soccer ball at the side. Mahigpit ulit akong hinawakan ni Winona kung kaya napaigik ako.

"Kuya, ito yung sinabi kung muntik ng nakawin yung Bahrainian dollar kahapon." Hindi ako makapaniwalang napabaling kay Winona.

Is this about that cheap one dollar coin again? I didn't even steal that little amount of money. I'm not even interested at it. Wala akong intensiyon na kunin iyon.

"Hindi ko naman kinuha iyon. Napulot ko lang naman." mahinang sabat ko.

"Winona, you're being childish. Hayaan muna yan." bored na sabi niya. Binalingan ko iyong paghagod ng buhok niya gamit ang kaniyang kamay. Gusto kung magmura sa epekto niya sa loob ng room, lalong lalo na sakin. Natanaw ko pa si Leticia na nakatunghay sa arm chair, at pinagpapantasiyahan si Yves.

"No." pag-aayaw niya. Yves sighed and walked towards our position. Napalunok ako sa paglapit niya.

"What do you want to do to her, then?"

"I want her to be punished. It was given by Ate Harith, a sentimental coin from her." pekeng pagmamakaawa niya. I can't believe this. She's so unreasonable and childish. It was just a coin pero kung makaasta ay parang ginto ito.

Pinisil niya ng marahasan ang braso ko. It was swift, that I pushed her to save my hands from a possible scrape.

Dinaluhan kaagad ni Yves ang kapatid niya. Huli ko nang natanto ang nagawa ko. Nanlilisik na mata ang iginawad sa akin ni Yves. Tinulungan niyang makaahon si Winona pero ako'y nanatiling nakatayo.

"Kuya, my back. ugh-h." she pressed her back. All I could do is to stare at them in front of me, with a sideline thoughts about my aggressiveness a while ago.

"Why did you do that? Pathetic." nanliit ang mata ni Yves. I was just protecting myself from her. Pero mukhang hindi naman ako kapani-paniwala dahil nasaktan ko na ang kapatid niya. 

"I'm sorry." nakayuko kung sambit.

Mabilis akong umalis sa silid. Napahiya ako roon. Maybe I should avoid Winona and Yves right now.

Pero bakit anlaki naman ata ng kasalanang nagawa ko. I let out a heavy sigh.

"Hoy!" tawag ni Leticia. Kasalukuyang, nakaupo ako sa paborito naming study table malapit sa field. Naupo siya tabi ko at tahimik na napabuntong hininga.

"It's not my fault. She was about to inflict a scratch at me." nanghihinang sambit ko. She caressed my back, to lighten the feeling I am in.

"Alam ko naman."

"Ano'ng alam? Eh, titig na titig ka kay Yves eh." natawa siya ng kaunti.

"Kasi naman. Mahirap iwasan ang presensiya niya." kinikilig niyang lintanya. I rolled my eyes. Muntik ko ng makalimutan na magpipinta pala ako ng portrait ni Yves. I was planning to draw a Bahrainian coin. Para mahimasmasan na ang kapatid niya.

"Balita ko, nirape ng asawang Bahrainian citizen ang kapatid nilang si Harith. That coin is the only memory that she held on to. Kaya naging ganoon siya." napabaling ako ng tingin sa kanya. Seryoso siya. Halatang totoo ang sinabi. I never thought that. Hindi ko naman alam na ganoon ang nangyari.

"But don't worry. Just formally say sorry to her." pagpapakalma niya sa akin.

Maaga akong umuwi. Pansamantalang nawaglit ang nangyari kanina. Napatingin ako sa nakasabit na picture frames ni Kuya Achim. Nasasayangan ako sa kanya. He could've have been my ultimate savior but he was vulnerable.

Napaayos ako ng upo sa dining table. Masarap magluto si Mama. She always chose not to buy fast food cuisines and prefer to personally cook it, using her own blessed cooking skills. Natakam naman ako sa nakahaing paborito kung adobong pusit. Some may criticize it but I find it exotic and juicy. Kung minsan nga inaasar ako dahil nagkukulay itim ang ngipin ko.

"Ano'ng nangyari kay Kuya mo kanina?" binaba ko ang kubyertos at binalingan sila ni Daddy.

"Ma, pinagsabihan ko lang naman." I shut my mouth from continuing my words. Ayokong malaman nila na pinagbantaan ako ni Kuya kaninang umaga.

"Anak, alam mo namang sensitive siya. You need to control your restrictions for him. Dahil baka kung magwala or ano isipin ang niya." abiso niya. Napatango na lamang ako kay Mama.

"Sorry anak if you need to stand with your own feet. Hindi ata siya naging kuya sa iyo. Mas naging ate kapa nga sa kanya."

Minsan, pinag-iisapan ko ng masama si Kuya. Na pabigat sa pamilya at walang patutunguhan. Hindi ko kailanman naramdaman na naging maalaga at mapagmahal siya sa akin. Halos buong buhay ko ay naghahanap ako ng tunay na kapatid pero biniyayaan ako ng katulad niya. And I want to curse myself for thinking wrong of him. 

Natapos na kami sa pagkain ng hapunan. Nagpaalam na muna ako sa kanila na umakyat sa kuwarto para gawin ang portrat ni Yves. Kaagaran kung kinuha ang reference na prinint ko. It was him, holding a soccer ball and menacingly looking at the camera. With his athletic built, everyone could say he has a lot of assets to boast.

Halos isang oras ang tinagal ng paggawa ko.   Kinusot ko ang aking mata. Tinanaw ko ang reference tsaka nilipat sa portrait. Mukhang kuha naman kahit papaano. I put a babayin letters for artist preference. Siguradong hindi niya naman ito pagtutuunan ng pansin.

Napagpasyahan ko ring gawan ng Bahrainian Dollar coin. Gusto kung humingi ng tawad kay Winona. Sana tanggapin niya ito.

Kinaumagahan, maaga akong inabangan ni Leticia, sabik na sabik makita ang portrait para mapansin ni Yves. Marahasan niyang kinuha sa kamay ko at pinagmasdan ng mabuti.

"Ang ganda" puri niya. She tightly hugged me.

"Okay ba? You think magugustuhan niya?" pagbabakasakaling tanong ko.

Tumango siya. "Oo naman. Ba't kinakabahan ka?" natigil ako. Pekeng tumawa ako. Kahit papaano ayoko namang mapahiya iyang gawa ko. Baka kasi pangit at ibasura niya lang. Suplado at medyo magaspang pa naman ang ugali niya.

"Hindi ah. Kailangan din kasing makita mo muna. Kung panget na sa paningin mo. Ano pa kaya sa kanya?" tumango ulit siya, slowly getting my point.

"Oh siya, tara na. Samahan mo ako mamaya ah?" naguguluhan ko naman siyang tiningnan.

"Saan?"

"Siyempre sa Soccer Department."

The lesson was a pain in the head. Trigonometry is just so bloody and full of numbers. Parang naduduling ako sa mga numero at formulas. Pero I tried my best to cope up with it. Yun nga lang mahirap talaga siya i-absorb. Hindi lang naman ako ang nahihirapan kundi buo atang room.

Kanina ko pa pinipilit si Leticia na ayokong sumama sa Soccer Department. Wala ako sa mood na gumala at magliwaliw ng ganito kainit na hapon, dagdagan pa ng lesson kanina.

"Leticia, ayoko nga." naririndi na ako sa pamimilit niya.

"Bakit naman? Ako naman ang magbibigay eh. Please." pagmamakaawa niya. Napasapo ako sa ulo. Nasulyapan ko ang pagdaan ni Winona sa harapan namin. Dire-diretso lang ang lakad niya palabas. Muntik ko ng malimutan ang ginawa ko para sa kanya.

"Ano yan?" turo ni Leticia sa munting portrait ng Bahrainian coin. Nanlalaki ang mata niya at tinitigan ito ng maayos.

"Ang galing mo talaga."

"Salamat. Kaya hindi ako makakasama sa iyo dahil ibibigay ko ito kay Winona. Gusto kung humingi ng pasensiya sa kanya."

She pouted at me. "Samahan mo ako. Tutulungan kitang ibigay iyan." she winked at me. Wala akong choice kundi ang tumango at sang-ayunan ang suhestiyon niya.

Medyo may kalayuan ang Soccer Department. Malapit siya sa field pero kailangang lakarin pa ng kaunting distansiya sa kabilang side para makapunta roon.

Nang makarating kami maraming kababaihan ang naroon na nakatambay sa labas ng building. Mukhang oras ng pahinga ng mga ibang soccer players at may on-going na laro ngayon. Naulinigan ko ang pag-uusap nila ng medyo malapit na kami sa kanila.

"4:30 pm eksaktong naliligo si Yves sa shower room." iyon ang huling salitang narinig ko. Nanlaki ang mata ko. Ito ba ang sinasabi niyang mga sources ni Leticia tungkol kay Yves?

"Hi, friends. Hindi pa ata tapos iyong friendly game nila no?" napabaling sila sa mga makikisig na soccer player na kasalukuyang naglalaro sa field.

Kinurot ko si Leticia. "What is this?" kuryoso kung tanong. They were all busy retouching their make up and showing some skin. Medyo kikay rin ang pormahan nila.

"Sinabi ko na sa iyo diba? Mga legit sources ko ito na nagsisilbing tenga at baba ko rito."

"Talaga?...Ganon ka kalandi." sabi ko. Binusalan niya naman ang bibig ko.

"Tumahimik ka nga. Supportahan mo nalang ako." natatawang sabi niya.

Ilang minuto pa ay malakas na naghiyawan ang mga taong nasa stadium, hudyat na tapos na ang laro ng mga soccer players.

Hinila ako ni Leticia papunta sa waiting shed. Nagkumpulan sa unahan namin ang mga uhaw na uhaw na babae. Hindi ko maatim isiping ganoon sila kabaliw kay Yves. He's sweating but it didn't hinder his charisma from flowing. Basang-basa ang suot niya. Kaya maraming babae ang nag-offer ng towel at pagkain.

Nahagip niya ang titig ko. Nakakunot-noo siya ngayon at seryoso.

"Hala, nakatingin sa akin." Leticia exclaimed it. Nalihis ko kaagad ang tingin ko sa kanya. Eksaktong pagbalik ko ay ang unti-unting paglakad ni Yves papunta sa kinatatayuan namin.

Pumuwesto naman kaagad si Leticia sa unahan. Umatras ako ng kaunti na pinagmasdan si Leticia at ang portrait.  At hindi pinagtuunan ng pansin ang paparating na si Yves.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status