LOGIN“Who are you and what the hell are you doing here?!” mariing saad ng lalaking lumabas mula sa banyo ng silid na lilinisan sana ni Yelena. Dali-dali pa itong humakbang palapit sa pang-isahang sofa na nasa tabi lamang ng kama saka kinuha mula sa ibabaw niyon ang puting tuwalya. Itinapis iyon ng lalaki sa ibabang parte ng katawan nito upang takpan ang maselan nitong bahagi.Pero bagay iyon na huli na. Nakita na ni Yelena ang lahat dito na magdulot sa kanya ng pagkailang. Halos gusto pang maiskandalo ni Yelena. Sa tanang buhay niya ay hindi pa siya kailanman nakakita ng hubad na lalaki. Of course, hindi kasama roon ang mga nakita niya na sa larawan. O hindi kaya’y nang maliit pa ang kapatid niyang si Johan na madalas ay siya ang nag-aasikaso sa pagbihis.Ngunit ang sabihing katawan ng lalaki sa ganoong sitwasyon? Ngayon lamang siya nakakita. Parang gusto niya pang itaktak ang kanyang ulo para maalis sa kanyang isipan ang bagay na nakita niya. For goodness’ sake, the man was huge! And to t
FIVE YEARS AGO:ALTA VISTA RESORT, PALAWAN…Halos lakad-takbo ang ginawa ni Yelena nang makababa siya ng pampasaherong jeep. Dali-daling tinahak na niya ang daan patungo sa resort na kanyang pinagtatrabahuan--- ang Alta Vista Resort. Pasado alas-nueve na kasi ng umaga at kanina pa dapat nagsimula ang pasok niya. Sadyang nahuli lang siya ng dating dahil sa nagkaroon ng problema sa kanilang pamilya.Nang magising si Yelena kanina upang gumayak na patungo sa kanyang trabaho ay nadatnan niya ang kanyang ina na si Mercedes sa kusina. Sa tuwina kasi ay ito ang nauunang bumangon sa kanila dahil ipinaghahanda siya nito ng babaunin.Ngunit nang magtungo sa kusina si Yelena ay naabutan niya pa itong inaatake ng labis na pag-ubo. Ilang araw nang ganoon ang nararamdaman ng kanyang ina at inuudyukan niya na rin itong pumunta na ng ospital para magpatingin sa mga doktor. Bagay nga iyon na tinatanggihan nito. Ayon pa sa kanyang ina ay dagdag gastusin lang daw nila.Pero sa pagkakataong iyon ay hindi
Matapang na sinalubong ni Yelena ang mga titig ni Chase. Mataman itong nakatingin sa kanya na sa totoo lang ay nagdudulot na sa kanya ng labis na pagkailang. Nakita niya pa nga ang pagtaas ng isang sulok ng mga labi nito habang hindi hinihiwalayan ng tingin ang kanyang mukha.“Why the sudden change of mind, Yelena?” tanong nito na muli siyang tinawag sa kanyang pangalan.Hindi pa nga mapigilan ni Yelena ang mariing mapalunok bago sumagot dito. “Alam kong alam mo ang ginawa ng mga Go, Mr. Serravalle. Ikaw na rin ang nagsabing kilala sila ng pamilya mo.”Chase shrugged his shoulders. He was still sitting at the edge of his executive desk and was staring at her like she was one of his employees. Gusto niya pa tuloy manliit ngayong kaharap niya ito.“Kung ang tinutukoy mo ay ang pagsampa ng reklamo ng mga Go sa FD Construction, don’t you think they have the right to do that? Sila ang naloko, Yelena.”“It wasn’t Grant’s fault. Ang empleyadong pinagkatiwalaan ni Grant sa proyektong iyon ang
Isang napakalalim na buntonghininga muna ang pinakawalan ni Yelena bago siya lakas-loob nang humakbang papasok ng Serravalle Real Estate Company. Mula nga sa kompanyang pag-aari ng pamilya ni Grant ay doon na siya dumiretso at iyon ay dahil sa iisang rason--- gusto niyang makausap si Chase.Yelena didn’t have any other choice. Wala na siyang nakikitang ibang paraan para masolusyunan ang problemang mayroon si Grant. Sa loob ng limang taon ay ang kaibigan niya ang naging kasa-kasama niya. Matapos siya nitong tulungan noon, hindi niya naman gustong hayaan lang itong harapin ang problemang mayroon ang kompanya ng mga ito ngayon.She had to do something. She had to think of any solution.At iisa nga lang ang alam niyang makatutulong sa kanya. It was Chase. It was his offer.Yelena knew very well that accepting Chase’s offer was dangerous. Delikado, hindi dahil sa literal na may na panganib na dala iyon. Sa halip, nasabi niyang delikado dahil alam niyang maaaring magulo ang tahimik na niyan
Dire-diretso ang paglalakad na ginagawa ni Chase at halos hindi man lang pinagtutuunan ng pansin ang mga taong nadaraanan niya. Maging ang ilang empleyado nila sa Serravalle Real Estate Company na magalang na bumabati sa kanya ay hindi niya man lang sinasagot. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa marating niya ang palapag kung saan naroon ang kanyang opisina.He was always like that. Alam niya rin na karamihan sa mga empleyado nila ay naaalangan na kausapin at lapitan siya. He was unapproachable. Ang iba pa nga, ang tingin sa kanya ay istrikto. Some even thought that he was a snob.At wala siyang pakialam sa mga sasabihin ng iba. Naroon lamang siya sa kompanya ng kanilang pamilya upang magtrabaho, bagay na sa loob ng limang taon ay pilit niya namang ginagampanan nang maayos. That was what their father wanted. That was something he wasn’t able to refuse.He heaved out a deep sigh as he continued walking towards his office. He hated the idea that his father was able to manipu
“N-Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo?” halos nagigimbal pa ring sabi ni Yelena kay Chase. Hindi niya mapaniwalaang maririnig niya ang mga bagay na iyon mula rito matapos ng limang taon na hindi nila pagkikita.At hindi pa nga maiwasan ang paglitaw ng ilang gatla sa kanyang noo nang mapagmasdan niya ang ekspresyong nasa mukha ng binata. Seryoso pa rin ito. Para bang balewala lamang para rito ang mga nangyari sa kanila noon at ngayon nga ay nais ipagpilitang masunod ang gusto nito.And what Chase wanted? He wanted her back!Sa tingin ba nito ay ganoon lang iyon kadali? Matapos ng masasakit nitong sinabi sa kanya noon? Matapos ng pang-iiwan nito sa mga panahong higit niya itong kailangan dahil nagdadalang-tao na siya kay Jaxon? Matapos ng harap-harapan nitong pag-amin sa kanya na isang ‘fling’ lamang ang turing nito sa naging relasyon nilang dalawa? Did he really think she would instantly agree to what he wanted?“Definitely, yes, Yelena,” sagot ni Chase sa naging tanong niya kanina. “







