Share

Ikaapat na Kabanata

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa aking sekretarya dahil bigla ba naman siyang pumasok sa kwarto na ito at hindi man lang nag-abalang kumatok.

“Oo nga pala! Ma’am, inutusan po ako ng nasa taas na puntahan ka rito sapagkat kanina pa po nila kayo kino-contact at hindi pa rin kayo nasagot. By the way, pasensya na po at naputol ko ang ginagawa ninyong milagro hihi!” Lumabas na siya kasabay ng pagsara nito ng pinto.

“At ikaw! Hindi pa tayo tapos! Pinagsamantalahan mo ba ako?” tanong ko kay Maxwell at sasapakin ko na sana siya ngunit hindi ko maigalaw ang aking mga kamay dahil itinali niya ito.

“HAHAHA ang cute mo pala pag itinali? Kamukha mo ang aso sa bahay niyo.” Tinalikuran ako nito at kinuha ang packing tape sa loob ng kabinet.

“Nakikipaglokohan ka ba sa akin lalaki? Alisin mo nga itong tali na ito!” utos ko sa kaniya at pinandilatan siya mga mata.

“Aalisin ko ’yan sa isang kondisyon!” saad niya kasabay ng pagpitik nito sa aking noo.

“Aray! Masakit ’yon ah! Ano bang kondisyon mo?” tanong ko sa kaniya sa naiiritang boses. Ang dami niyang nalalaman.

“Ipagpatuloy mo ’yong ginawa mo kagabi.” Sinipa ko siya sapagkat alam ko ang laman ng utak nito. T*nga lang siya at hindi niya itinali pati ang mga paa ko.

“Kahit kailan talaga wala kang kwentang kausap! Pakawalan mo na ako dito! Aaahhhh-mommy! Tulungan mo ako! Uuwi na ako!” sigaw ko na siyang dahilan upang dali-dali niyang buksan ang packing tape at inilagay ito sa bibig ko.

“Ayan! Ang ingay mo. Maliligo muna ako tapos pakakawalan na kita, kailangan nating pumunta sa opisina ninyo.” Tumayo na siya at iniwan ako dito sa kama na ganito ang itsura.

Ginagalit talaga ako ng lalaking ’yon, baka nakakalimutan niyang hindi pa kami bati dahil sa Shekinah na ’yon.

“Maxwell! Bilisan mo diyan, male-late na tayo!” sigaw ko habang naliligo siya sa loob ng banyo.

“Tumahimik ka.” Lumabas na siya ng banyo habang pinapatuyo nito ang kaniyang buhok

gamit ang tuwalya, nakatakip lang siya ng tuwalya sa pang-ibabang parte ng katawan niya at dumadaloy mula sa basa niyang buhok pababa sa kaniyang tiyan ang tubig.

Napaiwas kaagad ako dahil bigla siyang tumingin sa direksyon ko. Lumapit ito sa akin at inalis ang tali sa kamay ko.

“Nakita ko ’yon Naomi HAHAHA attracted ka ba sa abs ko?” tanong nito sa nanunuksong tingin.

“Asa ka! Epal!” sigaw ko sa kaniya at agad akong pumasok  sa loob ng banyo.

Napasandal ako sa pader dito at pinunasan ang pawis ko, ba’t ako pinagpapawisan? Mainit kasi kaya namamawis ako.

Pagkatapos kong maligo ay palabas na sana ako ng banyo ngunit nakita ko siyang inaayos ang kaniyang kurbata kaya naman ay agad akong bumalik sa loob nito at isinara ang pinto.

“Maxwell! Lumabas ka na ng kwarto, bilisan mo!” sigaw ko sa kaniya habang kinakatok ko ang pinto ng banyong ito.

“Kailan ka pa nagkaroon ng karapatang utusan ako?” tanong niya, ang angas naman ng lalaking ito tsh.

“Magbibihis ako Maxwell, privacy ang kailangan ko! Sasapakin talaga kita.” Napapadyak ako dito sa loob dahil sa inis.

“Ah, nahihiya kang makita ko ’yang tinatago mo? HAHAHA huwag kang mag-alala, hindi ako interesado atsaka ayos lang naman na makita ko ’yan, asawa naman kita!” saad niya mula sa kabilang pinto.

“Hindi ka ba makaintindi? Kamanyakan lagi ang pinapairal mo! Dalian mo na, male-late na tayo!” sigaw ko sa kaniya at malakas kong sinuntok ang pintuan dito. Masakit ’yon ah.

“Ito na, lalabas na, ang sungit!” saad niya at narinig ko naman ang pagbukas ng pinto kaya lumabas na ako at nagbihis ng damit pang-opisina.

Nakarating na kami sa kumpanya at inihanda na namin ang mga kakailanganin sa pagpupulong.

Papasok pa lamang ako sa loob ng kwarto nang bigla akong pagbuksan ni Maxwell ng pinto, napakunot naman ang noo ko sa inaasta ng lalaking ito.

“Ano ’yan? Kunwari gentleman? Wala kang mauuto dito Mr. Willford!” singhal ko sa kaniya at binangga ko siya sa balikat at pumasok na sa loob ng kwarto na siya namang sinundan niya.

“Magandang umaga sa lahat!” bati ko sa board na siyang dahilan ng kanilang pagtayo, tanda ng pagbibigay galang.

Nagpresenta ang iilan ukol sa proposal na kanilang ginawa upang lubos na gumanda ang status ng kumpanya.

Napatingin kami sa pintuan nang bigla itong magbukas at iniluwa ang mukha ng isang taong hindi ko aakalaing magpapakita ngayon sa harapan ko. Anong ginagawa niya dito?

“Magandang umaga sa lahat!” bati nito habang nakangiti, tiningnan nito isa-isa ang mga tao sa loob at napako lamang ang tingin niya sa akin.

Agad siyang nilapitan ng mga kasamahan ko sa board at kinamusta, close ba sila? Tsh.

“Narito ako upang mag-invest ng malaking halaga sa kumpanyang ito.” Lumapit siya sa akin kaya naman ay tumayo ako.

“B-Bakit ka nandito?” nag-aalangan kong tanong sa kaniya.

“Ganiyan ba ang matinong pagbati sa isang investor Miss Naomi Acueva?” tanong sa aking ng Chief Financial Officer namin. Ano namang pakialam niya?

“Hindi ko hinihingi ang opinyon mo Miss Dela Rosa!” singhal ko sa kaniya na siyang dahilan ng pag-atras niya.

“Nagagalak akong makita kang muli Naomi, kamusta ka na?” tanong ni Xian, napangiti naman ako ng nakakaloko, ang plastic ah.

“Nagagalak kang makita ako? Pwes ako, hindi!” saad ko kaya naman ay hinawakan ni Maxwell ang aking braso upang pigilan ako.

“Inaanunsiyo kong tapos na ang pagpupulong na ito, maaari na kayong bumalik sa kaniya-kaniya ninyong opisina.” Lumabas na ang lahat matapos kong idiklara ang pagtatapos ng pagpupulong.

Nakita ko namang hindi pa lumalabas si Maxwell kaya tiningnan ko siya sa nangungusap ng mga mata ngunit hindi ito nagpatinag.

“Sumanod ka sa akin Mr. Xian Khairro Stanford.” Humakbang na ako palabas na siya namang dahilan ng pagsunod ni Xian sa akin.

Nang makarating kami sa opisina ko ay umupo siya sa harap ko. Ipinagsaklob ko ang aking mga kamay at tiningnan siya nang maigi.

“Bakit mo ’ko iniwan, ilang taon na ang nakakaraan? Bakit ka pa bumalik?” tanong ko sa kaniya. Napatikhim naman siya umayos ng upo.

“Naomi, hayaan mo muna akong magpaliwanag sa iyo!” saad niya, sumandal lamang ako sa upuan ko at hinintay ang susunod niya pang sasabihin.

“Hindi sa lahat ng oras ay hawak ko ang bawat desisyon, kinailangan ako ng aking ina at pinagbawalan ako ng aking ama na bumalik sa bansanh ito. Sinubukan kitang kontakin ngunit hindi kita mahagilap, lahat ng social media accounts mo ay nakapribado kaya hindi ko magawang magpaliwanag at kumustahin ka man lang.” Hinawi ko ang buhok ko at patuloy lamang na nakinig sa mga paliwanag niya.

“Bumalik ako rito upang ayusin ang relasyon nating dalawa, gusto kong bumalik tayo sa dati.” Tumayo siya at lumuhod at harap ko kasabay ng paghawak nito sa aking kamay. Tiningnan ko naman siya nang mariin at tumayo, tumayo rin naman siya.

“Alam mo bang sa tuwing umiiyak ako, ikaw ang hinahanap ko? Sa tuwing nasasaktan at nalulungkot ako, sinasabi ko sa sarili ko na kung sana ay nandito ka, may kasama sana ako. Sa bawat kaarawan o selebrasyon na nakakapagpangiti sa akin, iniisip ko na sana nandito ka upang may kasama akong pagsaluhan lahat ng kasiyahang nararamdaman ko. Alam mo ba ’yon?” sumbat ko sa kaniya at napaiyak na lamang ako habang inaalala ang mga karanasan ko noong wala siya.

“Pasensya ka na kung wala ako sa tabi noong mga panahong kailangan mo ako ngunit ipinapangako ko sa’yo na simula ngayon at sa mga susunod pang bukas, hinding hindi kita iiwan at palagi na kitang sasamahan.” Tumango naman ako at sinahaman siya palabas ng opisina ko.

Nang makarating na kami sa pasilyo ay agad siyang huminto at tiningnan ako ng mariin. Hinawakan niya ang aking mga kamay at inayos ang buhok ko.

“Bakit?” tanong ko sa kaniya, hindi ko siya magawang tingnan dahil sa pwesto naming dalawa.

“I miss you! Pwede ko bang mayakap ang kaibigan ko?” saad nito, kaya naman ay inunahan ko na siya. Niyakap ko siya nang mahigpit at niyakap din ako nito pabalik.

“Sana lagi tayong ganito Xian!” saad ko bago kumalas sa pagkakayakap sa kaniya.

“Naomi? Anong ibig sabihin nito?” sigaw ni Maxwell nang makalapit siya sa amin.

“Pinagsasasabi mo?” tanong ko sa kaniya sa naguguluhang tinig.

“Bakit ka nakayakap sa kaniya? Ipaliwanag mo nga kung anong ginagawa ninyong dalawa.” Hinigit niya ako papalapit sa kaniya at tiningnan gamit ang nangunguwestiyon niyang mga mata.

“Wala akong dapat ipagpaliwanag sa iyo Maxwell!” singhal ko dito kaya naman ay hinigpitan pa niya lalo ang paghawak sa braso ko.

“May karapatan akong malaman dahil asawa mo ako!” Napangiti ako ng nakakaloko dahil sa kaniyang iminungkahi.

“Gaya nga ng sinabi mo noong nakaraan, asawa lang kita sa papel ngunit hindi kita mahal! Wala kang ni isang karapatan kung ako ang pag-uusapan Maxwell!” singhal ko rito at tinulak siya papalayo.

“Kahit saang anggulo mo tingnan, asawa kita ay may karapatan ako sa’yo! Lumayo layo ka sa lalaking ’yan, ayaw kong nakikitang nakikipag-usap ka riyan!” Napaawang ang aking labi sa kaniyang itinuran, ang lakas ng loob niyang diktahan ako.

“Hindi mo ako kawal na basta basta na lang susunod sa iyo! Pwede ba? Hayaan mo muna kaming dalawa!” singhal ko rito at tinalikuran na siya ngunit bigla niya akong hinigit at hinawakan sa braso nang sobrang lakas.

“Huwag na huwag mo akong tatalikuran Naomi!” saad niya kaya naman ay napabalik ako sa kinatatayuan ko kanina.

“Pare, nasasaktan na siya sa ginagawa mo. Bitawan mo muna siya at kung may problema ka, pwede naman nating pag-usapan, hindi kailangang masaktan ang kaibigan ko.” Lumapit sa amin sa Xian at pilit na inaalis nito ang pagkakahawak sa akin ni Maxwell.

“Wala kang karapatang sumali sa usapan namin, kaibigan ka lang at asawa niya ako!” Hinwakan ni Maxwell si Xian sa kwelyo at isinandal sa pader.

“Hindi ko intensyon ang makipag-away sa iyo kaya kung maaari ay bitawan mo ako.” Binitawan naman siya ni Maxwell at umatras ito ng kaunti.

Akala ko ay tinigilan na niya si Xian ngunit laking gulat ko na lamang nang bigla niya itong sapakin na siyang dahilan upang mapahiga si Xian sa sahig.

“Xian! Ayos ka lang?” tanong ko kay Xian at lumuhod ako sa tabi nito upang tingnan kung kamusta ang kaniyang kalagayan.

“Hindi siya ayos Naomi! Ikaw ba naman ang suntukin, sa tingin mo magiging maayos ka lang? Common sense din naman!” singhal nito sa akin at hinawi niya ang kaniyang buhok.

Pinatayo ko muna si Xian bago ko hinarap si Maxwell at agad ko siyang sinampal na siyang dahilan upang mapahawak ito sa kaniyang pisngi.

“Hindi ko pinagbuhatan ng kamay ang Shekinah mo! Kaya huwag na huwag mong sasaktan ang kaibigan ko!” singhal ko sa kaniya at inakay ko naman si Xian, aalis na sana kami ngunit isang palakpak ang aking narinig, hindi kalayuan sa kinatatayuan ko sa ngayon.

“Ganiyan ka na ba ka disperada Naomi para lamang mailigtas ang kumpanya ninyo? Dala-dalawang lalaki ang nilal*ndi mo, astig mo naman! Pabulong nga kung anong sikreto ng mga malalandi HAHAHA!” Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi ng isang ito. Hindi ko akalain na ganiyan pala ang tingin niya sa akin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status