Share

Ika-limang Kabanata

Sinampal ko siya ng malakas at tiningnan ng masama. Ang dami ng pwede niyang sabihin ngunit ang maliitin kung sino ako pa ang napili niya. Hindi man lang siya nahiya, magkadugo naman kami ah.

“Wala akong oras para sa pangungutya mo na wala namang katuturan Kyron!” saad ko at tinalikuran siya.

Nang may makita akong dumaan na dalawang empleyado ay agad ko silang tinawag at kinausap upang sila muna ang bahala kay Xian dahil may kailangan pa akong klaruhin kay Maxwell.

“Umuwi na tayo Maxwell!” sigaw ko rito kaya sumunod naman siya sa likuran ko.

Nasa loob na kami ng sasakyan at hindi ko siya kinikibo, gano’n din naman siya sa akin, patas lang kami. Ano ba naman kasi ang pumasok sa utak niya para suntukin si Xian?

Nararamdaman ko na tumitingin si Maxwell sa akin pa minsan-minsan ngunit nagkukunwari lamang akong nakatingin sa labas. At nang hindi ko na makayanan yung weird na nararamdaman ko ay kinuha ko na ang cellphone ko at nagkunwaring busy ako kaka-tipa rito.

Nakarating na kami sa bahay at agad naman siyang lumabas ng sasakyan at isinara pa ng ubod ng lakas ang pinto ng sasakyang ito.

Nagulat ako sa ginawa niya kaya agad din naman akong bumaba at sumunod sa likuran niya. Bigla akong napahinto sa labas ng pintuan ng bahay na ito dahil isinara niya ulit ng ubod ng lakas ang pinto.

Tinulak ko naman ang pinto at pumasok na sa loob. Nadatnan ko siya sa kwarto na nagbibihis ng pambahay kaya inilapag ko ang bag ko at umupo sa kama habang tinititigan siya.

“Anong problema mo?” tanong niya noong mapansin niyang kanina pa ako nakatitig sa kaniya.

“Ikaw! Anong problema mo? Bakit bigla mong sinuntok ang kaibigan ko?” tanong ko sa kaniya sa nagagalit na tono. Ngumisi siya ng nakakaloko at tiningnan niya ako sa mga mata ko.

“Kaibigan? Kaibigan nga lang ba?” tanong niya sa nakakainis na tono.

“Oo! Kaibigan, kaibigan lang!” sigaw ko sa kaniya at napatayo na ako upang harapin siya.

“Huh! Kalokohan!” saad niya na animo’y hindi makapaniwala. Tinalikuran niya ako at lalabas na sana siya ng kwarto ngunit agad ko siyang hinigit sa braso dahilan upang mapaupo siya sa kama.

“Bakit ka ba nagkakaganyan? Sa katunayan nga, ako pa ang dapat magalit dahil sa ginawa mo kanina!” sigaw ko sa kaniya at tiningnan ako ng mabuti nito.

“Bakit ako nagkakaganito? Dahil nagseselos ako Naomi!” sigaw niya at iniwan na akong mag-isa dito sa kwarto.

Napatingin ako sa kisame at paulit ulit na iniisip kung bakit siya nagseselos. Hindi kaya may nararamdaman na siya para sa akin?

Hindi! Hindi pwede! Bawal siyang magkagusto sa akin, mahdidivorce pa kami. Ayaw kong matali sa kaniya habambuhay.

Ilang oras na akong nakatunganga dito habang nakahiga sa kama nang maisipan kong tawagan si Chantal.

“Hello po Miss Naomi?” saad ng nasa kabilang linya.

“Chantal, mag impake ka ng mga gamit mo, dito ka muna tumira sa amin! Bilisan mo!” utos ko rito at ibinaba ko na ang tawag upang hindi na siya tumanggi pa.

Bumaba na ako upang ipaalam kay Maxwell na dito muna titira si Chantal sa amin. Kinakabahan ako ng bahagya ngunit kakayanin ko naman.

Nakita ko siyang nakaupo sa sofa habang nagtitipa sa kaniyang laptop. Lumapit naman ako at humarap sa kaniya.

“Maxwell?” panimula ko sa malambing na boses.

Tiningnan lang ako nito at ibinalik kaagad ang kaniyang mga mata sa laptop niya at patuloy pa rin sa pagtipa.

“Si Chantal, dito ko muna siya patitirahin.” Tumayo na ako pagkatapos kong banggitin iyon at aalis na sana nang bigla siyang magsalita.

“Desisyon ka ba? Hindi mo man lang ako kinonsulta kung ayos lang ba sa akin o hindi?” saad nito. Humarap naman ako sa kaniya sa nahihiyang mukha.

“Hindi na kita tinanong kasi akala ko ayos lang sayo.” Umupo ulit ako at hinintay ang sagot niya.

“Papayag lang ako sa isang kondisyon.” Tumingin siya sa aking mga mata at kinabahan naman ako sa kondisyon na sinasabi niya.

“Sige, ano iyon?” tanong ko sa kaniya ba may halong ngiti.

“Dito ko rin patitirahin si Jayce, ang bodyguard ko.” Isinara na niya ang kaniyang laptop at tunayo na upang pumasok sa kwarto namin.

Makailang oras lang ang lumipas ay sabay pa na dumating sina Chantal at Jayce. Inayos muna nila ang kanilang tutulugan at lumabas na upang samahan kami ni Maxwell dito sa couch.

“Ang boring naman! Laro tayong apat! Game?” saad ni Chantal at tinanong kami isa-isa, agad namang sumang-ayon si Jayce kaya wala na kaming nagawa kun’di sumali sa laro nila habang nanonood ng movie.

Napagpasyahan namin na fighting horse ang laruin. Ang kapares ko ay si Maxwell at sina Chantal at Jayce naman ang magkapares. Actually, bagay silang dalawa HAHAHA ako ang kinikilig kapag nagkakatitigan sila at biglang iiwas sa isa’t-isa.

“Kailangan nating manalo, never pa ako natalo sa tanang buhay ko!” saad sa akin ni Maxwell kaya tumango na lamang ako, hindi ko alam ang larong ito. Bahala na si Maxwell.

Sumakay ako sa likuran ni Maxwell habang ang mga paa ko ay nakalaylay na muntikan nang maabot ang sahig.

“Anong ginagawa mo? Akin na ang mga paa mo!” saad nito sa naiinis na tono.

“H-Ha?” sagot ko, hindi ko alam kung anong sasabihin ko, ang awkward ng atmosphere na ito. Conservative pa naman ako, hahawakan ba niya ang paa ko?

“Ha? Tsh, t*nga! Akin na ang mga paa mo! Huwag ka nang mag-inarte, itapon kita diyan eh!” sigaw niya at umirap pa, bakla ka ba mareh?

Itinaas ko na ang mga paa ko at hinawakan naman niya ito kaya nagulat ako at napaayos nga pwesto. Tiningnan naman ako nito at ngumisi lang, mukha atang nananadya itong isang ’to ah.

Nag-umpisa na ang laro at kanina pa kami nagbabanggaan dito at kanina pa kami natutumba ni Maxwell. Ako ang laging kawawa dahil ako ang laging unang tumatama sa sahig. P*steng lalaki ’to, ayaw daw niyang matalo ngunit parang sinasadya pa niyang matumba kami.

“Aray!” Natumba ulit kami sa sahig kaya napahawak na ako sa pwetan ko.

“Masakit ba?” tanong niya habang nagpipigil ng tawa, demonyo talaga ’to.

“Ay hindi! Masarap, try mo!” saad ko sa sarkastikong tono.

“Eh ang katawan mo, masarap din ba? Pwede kong ma-try?” saad nito at nagkunwari pang inosente.

Nakita ko namang tumatawa sina Chantal at Jayce habang pinapalo ni Chantal si Jayce sa braso. Para-paraan din itong babaeng ’to eh.

Inirapan ko lang si Maxwell at umupo na lamang ulit ako dito sa sofa. Umupo na rin sila at nanood ng TV.

“Alam ko na! Laro tayo ng spin the bottle! Ang maturo ng bote ay pipili sa dalawa. Truth or dare!” saad ni Chantal, binabasag ang katahimikan. Ang ingay ng batang ito.

Sumang-ayon kaming lahat sa kaniyang itinuran kaya pinalibutan na namin ang center table at umupo sa sahig.

Unang spin pa lamang nito ay tumama na kay Maxwell kaya sabi nina Chantal at Jayce ako raw ang magtanong.

“Max, truth or dare?” tanong ko sa kaniya habang nakatitig sa kaniyang mga mata.

“Truth.” Napahawak naman siya sa batok niya at naghihintay sa sasabihin ko.

“Bakit ka nagseselos kay Xian eh kaibigan ko lang naman ’yon?” tanong ko sa kaniya, napabuga naman ng kaniyang iniinom si Chantal at chismosang tumitig kay Maxwell, naghihintay din ng sagot.

“Dahil asawa kita at may karapatan akong magselos sa lahat ng umaaligid sa asawa ko! Matatawag mo akong possessive pero ayaw ko ng kahati. What’s mine is mine!” saad nito, napangiti naman si Jayce sa sinabi ng kaniyang amo. Gusto kong ngumiti sapagkat kinikilig ako ng bahagya ngunit pinipigilan ko ito.

“Ma’am Naomi! Hala! Nagba-blush po kayo!” saad ni Chantal kaya itinago ko ang aking mukha mula sa kanila, ramdam ko rin ang init ng mukha ko.

“Nahihiya po ba kayo ma’am? Normal lang naman kiligin sa asawa eh.” Napaharap ako kay Jayce dahil sa gulat, minsan lang siyang magsalita at ang ganda ng speaking voice niya.

“H-Hindi naman ako kinikilig ah!” sigaw ko at dinipensahan ang sarili ko. Nakita ko namang napasmirk lang si Maxwell, mukhang alam ko ang takbo ng utak nito.

Ini-spin na ni Maxwell ang bote at tumama naman ito kay Jayce kaya napagpasyahan namin na si Chantal na ang magtanong since mukhang may gusto si Chantal dito.

“Truth or dare?” tanong ni Chantal kay Jayce at excited pa ito.

“Dare.” Tumayo ito pagkatapos niyang sabihin ang kaniyang napili kaya tumayo rin si Chantal at masiglang tumingin kay Jayce.

“I dare you to be my boyfriend for one month!” saad nito at napatingin naman si Maxwell sa kanila na may nakakalokong ngiti.

“Woah! Ang tapang naman HAHAHA pumayag ka na Jayce, tutal never ka naman nagkaroon ng kasintahan, ngayon mayroon na, dare nga lang!” saad ni Maxwell at taas-noong tumindig naman si Jayce.

“Sige, isang buwan lang!” saad nito, napaawang naman ang bibig ko at tumayo na.

“Ayoko na! Nakakabitter kayo!” saad ko at tumalikod na sa kanila.

Sumunod naman sa akin si Maxwell dito sa kusina at kumuha ng tubig. Humarap siya sa akin kaya naghintay ako sa kaniyang sasabihin.

“May sasabihin sana ako sayo.” Napaatras naman ako at bigla akong nakaramdam ng kaba.

“Tigilan mo ’ko sa kakalingkis mo Chantal!” sigaw ni Jayce at rinig na rinig namin ito hanggang dito sa kusina.

“Bakit? Akala mo ba gusto ko rin na maging kasintahan ka sa loob ng isang buwan?” tanong ni Chantal sa naghahamon na boses.

Parang kanina lang ang tapang niyang i-dare si Jayce ah, ano namang pumasok sa utak ng mga ’to? Nawala lang kami saglit tas nagsisigawan na sila.

“Ayaw ko rin naman sa’yo! Ang ingay-ingay ng bunganga mo atsaka mukha ka pang unggoy na kinulang sa purga!” sigaw ni Jayce, napahagikgik naman ako at tumawa lang rin si Maxwell.

“Huwag na huwag mo akong kakausapin!” sigaw ni Chantal at may narinig kaming kalabog kaya agad kaming tumungo ni Maxwell sa sala para tingnan sila.

Nadatnan lang namin si Jayce na nakatayo at kumukuyom ang mga kamay. Galit ata ’tong isang ’to.

“Anong nangyari?” tanong ko kay Jayce, umupo muna ito sa couch at pinagsaklob ang kaniyang mga kamay.

“Si Chantal, ang daming kuda, wala namang katotohanan.” Tumalikod na ito sa amin at tumungo sa kaniyang silid.

“Ano nga ulit ang sasabihin mo?” tanong ko kay Maxwell.

“Wala, nakalimutan ko na!” saad nito at umupo sa couch.

“Tawagin mo si Jayce, tatawagin ko si Chantal, pagtripan natin sila HAHAHA para sumaya naman ang atmosphere ng bahay na ito.” Tumayo na si Maxwell pagkatapos kong sabihin iyon at tumungo sa kwarto ni Jayce kaya gano’n din ang ginawa ko, tinawag ko si Chantal at ilang minuto lamang ang nakalipas ay nakaupo na kaming lahat dito sa sala.

“Alam niyo? Bagay kayong dalawa HAHAHA kapag tinititigan ko kayo, naaalala ko sina mommy at daddy!” saad ko at tiningnan naman ako ng masama ni Chantal.

“Ah talaga ba Naomi? Eh kayo ni Maxwell? Tutal mag-asawa naman na kayo, nagkiss na ba kayo?” tanong niya na siyang dahilan upang mapahinto ako, nagkiss na kami? Ramdam ko ang init ng mukha ko.

“P-Pinagsasabi mo diyan? Gawa-gawa ka!” sigaw ko sa kaniya at umiwas ng tingin.

“Nags*x na ba kayo? Kamusta? Kwento ka naman!” saad niya habang tumatawa, nabaliktad ata ah! Ako dapat ang nanunukso sa kanila eh.

“Kung mags*x man kami, it’s none of your business! Asawa ko siya at may karapatan ako sa katawan niya.” Tumayo si Maxwell at lumapit sa akin.

Tiningnan ko ng masama si Chantal at gustong-gusto ko na siyang patayin ngayon din! Kung pwede lang, pinatay ko na siya.

“Ah Maxwell! Oh crap!” Napausog ako palayo kay Maxwell dahil muntik nang tumama ang mga labi namin aa isa’t isa.

“Chantal at Jayce, huwag kayong tumingin, maghahalikan lang kami ng asawa ko.” Tumalikod naman sina Chantal at Jayce kaya naiwan ako na hindi makagalaw dito sa harap ni Maxwell.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status