Home / Romance / Set-up to Love you / Ikatlong Kabanata

Share

Ikatlong Kabanata

Author: Kry_x_Avi
last update Last Updated: 2022-02-11 17:32:06

Nang makauwi na kami sa bahay ay bigla akong hinawakan ni Maxwell nang mahigpit sa aking braso dahilan para masaktan ako.

 

“Ano ba? Bitawan mo nga ako!” singhal ko sa kaniya at binawi ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya.

 

“Bakit mo ako hinalikan sa harap ni Shekinah?” tanong nito sa galit na boses, tiningnan ko naman siya ng masama.

 

“Bakit? Ayaw mong makita ng iba na hinahalikan ka ng sarili mong asawa?” Tinulak ko siya at papasok na sana ako sa kwarto ngunit iniharang niya ang kaniyang kamay sa pintuan.

 

“Asawa lang kita sa papel pero hindi kita mahal! Kaya umayos ka sa inaasta mo Naomi!” sabi niya at nakaramdam naman ako ng sakit sa kaniyang itinuran.

 

“Oo! Asawa mo ’ko at may karapatan akong pagbawalan ka kaya ’pag sinabi kong huwag kang lumapit sa Shekinah na ’yon ay huwag kang lalapit!” sigaw ko at binangga siya upang makapasok ako sa kwarto.

 

“Hindi mo ako pwedeng diktahan sa mga gagawin ko Naomi, naalala mo ang sinabi ko sa’yo sa deal natin? Hahayaan mo akong makipagharutan sa iba at pumayag ka doon!” saad niya na siyang ikinamangha ko. Hindi naman siguro ako nasasaktan ’no?

 

“Respeto lang ang hinihingi ko sa’yo Maxwell kaya kung hindi mo maibigay ’yon ay mas mabuti pang huwag na lang nating kausapin ang isa’t isa.” Umakyat na ako sa kama at nagtalukbong ng kumot. Nasa iisang kwarto lang pala kami, gusto ko sanang magdrama eh.

 

Nakaramdam ako ng gutom makalipas ang ilang oras kaya lumabas ako ng kwarto at naabutan kong nakaupo si Maxwell sa couch habang tumitipa sa kaniyang laptop.

 

Nagluto na ako ng makakain namin. Alam kong hindi ako marunong magluto kaya nagprito lang ako. Hindi naman nila sinabi na tumatalsik pala itong mantika kaya habang niluluto ko ang ulam ay panay sigaw ako tuwing tumatalsik ito.

 

Nakita ko namang tumakbo papunta sa akin si Maxwell at tiningnan kung ano ang ginagawa ko at nang makitang nagluluto lang ako ay bumalik kaagad ito. Hindi man lang ako tinulungan, ang pangit ng ugali ah, kamukha niya.

 

Sa wakas ay natapos ko na ring lutuin ang ulam ko at syempre ay ipinagluto ko na rin si Maxwell, baka sabihin niyang wala akong kwentang asawa. Inilatag ko na ang mga kakainin namin ngayong hapunan sa mesa.

 

“Max! Kain na tayo!” saad ko habang papalapit sa kaniya ngunit hindi man lang ito nag-abalang tumingin sa akin.

 

“Maxwell, tara na! Kumain na tayo!” sigaw ko ngunit patuloy lamang ito sa pagtipa sa kaniyang laptop.

 

“Hoy Maxwell! Bingi ka ba? Sabi ko, kumain na tayo!” sigaw ko sa tenga niya ngunit lumipat lang ito ng pwesto at patuloy pa rin sa pagtitipa.

 

“Maxwell, ba’t ayaw mo akong kausapin? Dahil ba doon sa isyu ni Shekinah? Oo na! Papayagan na kitang makipagharutan sa maarteng babae na ’yon pero dapat ako lang ang asawa mo! Bawal siya, hindi ko gusto ang ugali ng babaeng ’yon, masyadong m*****a.” Umupo ako sa tabi ni Maxwell at patuloy siyang kinukulit pero matatag ang Lolo Maxwell na ito, tsh.

 

“Sige, mauuna na akong kumain sa’yo. Kumain ka na lang mamaya ’pag nagutom ka na.” Tumayo na ako at dumiretso sa mesa upang kainin ang niluto ko para sana sa aming dalawa  ngunit ayaw naman niyang kumain.

 

May asawa nga ako, ayaw naman akong pansinin! Mas mabuti pang mag-isa na lang kung masungit naman pala ’tong kasama ko sa bahay na ’to.

 

Nang matapos na akong kumain ay niligpit ko na ang mga pinagkainan ko at hinugasan ito. Magpapahinga na lang siguro ako, wala naman na akong gagawin.

 

Habang nakahiga dito sa kama ay naisip kong uminom sa pinakamalapit na bar. Aaminin kong masama ang loob ko dahil hindi man lang niya ako pinapansin. Kanina pa ako nagpapapansin sa kaniya, ang tigas pa rin ng puso niya. Pinayagan ko na nga silang magharutan ng Shekinah na ’yon eh, sama ng ugali niya.

 

Nagbihis na ako ng damit at umalis na sa bahay papuntang bar. Sikat itong bar na ito sa lugar namin at maraming dumadayo rito kaya naman napagpasyahan kong dito na lamang uminom at ilabas lahat ng sama ng loob ko.

 

Nang makapasok na ako ay umorder kaagad ako ng isang shot ng alak. Gusto kong magpakalasing at sumaya kahit ngayong gabi lang, walang Maxwell na masungit at walang Maxwell na haliparot pero ako na asawa niya ay ’di man lang niya hinaharot.

 

Nararamdaman ko na ang tama sa akin ng alak sa makailang ulit kong shots. May tumabi naman sa aking dalawang lalaki at inalok ako ng alak.

 

“Ako nga pala si Gavin at ito si Lloyd. Ikaw? Anong pangalan mo?” Inilahad sa akin ng nagpakilalang Gavin ang kaniyang kamay kaya kinuha ko naman ito, tanda ng pagbati.

 

“Ako si Naomi, kanina pa kayo rito?” tanong ko para makabuo kami ng mapag-uusapan.

 

“Hindi naman masyado, mukhang lasing ka na ata ah! Gusto mo munang magpahinga? Hatid ka na namin pauwi!” saad ng lalaki habang tumatawa pa, lasing na siguro ito.

 

“Hindi, iinom pa ako! Ano ba ’tong alak na binigay niyo sa akin? Ba’t nakakahilo?” reklamo ko at natawa naman sila.

 

“Relax ka lang, ganyan talaga ang epekto ng alak HAHAHA para kang baguhan ah!” saad nito, minamaliit ata ako nito ah!

 

Uminom pa kami ng maraming alak hanggang sa maramdaman kong hindi ko na talaga kaya, kaya naman ay nagpatulong na ako sa kanilang ihatid ako sa kotse ko upang makapagpahinga ako kahit kaunti, hindi ako pwedeng umuwi sa bahay na ganito ang sitwasyon.

 

Nang makarating na kami sa labas ay agad nila akong sinunggaban upang pagsamantalahan. Lasing ako at nahihilo pero alam ko pa rin ang nangyayari sa paligid ko.

 

Niyakap ako ng isa kaya naman ay tinulak ko siya papalayo sa akin, wala akong lakas dahil sa labis na kalasingan.

 

“Anong ginagawa niyo ha?” tanong ko sa kanila at tumawa naman sila na parang mga demonyo.

 

“Ano pa ba? Kun’di ang pasayahin ka!” saad ng isa at akmang hahawakan na sana niya ang aking hinaharap nang biglang may tumamang isang suntok sa kaniyang mukha.

 

“Sino ka?” tanong ng isa sa mga lalaki. Sinubukan ko namang tingnan kung sino ang lalaking sumuntok sa isa sa mga narito.

 

Nakahoodie jacket lang siya at hindi ko masyadong maaninag ang kaniyang mukha. Takot ba ’tong makilala? 

 

“Sino ako? Asawa niya!” saad ng lalaking matapang. Ilang suntok pa ang narinig ko bago ako mawalan ng malay kasabay ng pagsalo nito sa akin.

 

Nagising ako nang maramdaman ko ang sarili kong inihiga ng lalaking ito sa kama. Hinubad niya ang kaniyang jacket at nakakita ako ng isang nilalang na ubod ng linamnam.

 

Lumuhod ako sa kama at ipinulupot ko ang aking mga kamay sa leeg ni Maxwell. Itinutulak naman niya ako palayo sa kaniya ngunit ayaw ko siyang bitawan.

 

“Ang ganda pala ng mata mo Mister ko kaya dapat sa akin ka lang titingin ha? Huwag doon sa Shekinah na ’yon.” Inilapit ko ang aking mukha sa kaniya at napaiwas naman siya.

 

“Umayos ka Naomi at matulog ka na! Lasing ka lang.” Inaalis nito ang pagkakahawak ko sa kaniya pero hindi naman niya magawa.

 

“Huwag ka namang magsungit oh! Alam mo ba na mas gusto ko ang mga lalaking masungit at maangas?” Pinadulas ko ang aking daliri mula sa kaniyang noo patungong labi.

 

“Pwede ko bang matikman ulit itong labi mo? Pangako, titikman ko lang at hindi ko lalantakan!” saad ko sabay taas ng kaliwang kamay ko upang manumpa.

 

“Naomi, sa pangangako mo pa lang, halatang sinungaling ka na! Sa kanan ka manumpa t*nga mo naman!” singhal niya sa akin na dahilan ng pagtawa ko at natawa rin naman siya.

 

“Handang magpakat*nga sa’yo Mister ko.” Tumayo ako sa kama at sasakay sana sa kaniyang likuran ngunit umiwas ito kaya natumba ako.

 

“Matulog ka na Naomi! Lasing ka lang, baka magsisi ka bukas sa pinanggagagawa mo.” Inayos niya ang higaan namin na nalukot sa pinanggagagawa ko.

 

“Patutulugin mo na ako? Ayaw mo bang matikman itong katawan ko? Pwede mo naman akong tikman eh pero huwag mong sagarin, masakit!” saad ko at nagkunwaring nasasaktan. Napalunok naman siya at pinilit akong ihiga sa kama.

 

“Tabi tayo Mister ko! Ayaw kong matulog nang hindi ka katabi!” ani ko at nagkunwaring maiiyak na.

 

“Oo, tabi tayong matutul-sh*t! Bakit ka sumuka? Ang dugyot mo Naomi!” sigaw niya sa akin at hinubad ang kaniyang damit at pantalon kaya naka boxers lamang siya. Sira na ba ang aircon at bakit naiinitan ako?

 

“Ang sexy naman ng asawa ko! Higa ka na rito, at pagsaluhan natin ang mainit na gabi Mister ko.” Hinatak ko siya pahiga sa tabi ko at niyakap ng sobrang higpit upang hindi na siya makaalis.

 

Makalipas ang ilang minuto ay bigla siyang nakatulog at gano’ n din naman ako.

 

Nagising ako kinaumagahan na masakait ang ulo at nagulat ako sa posisyon naming dalawa kaya naitulak ko siya dahilan upang malaglag siya sa kama. Nagising siya sa ginawa ko at biglang tumayo.

 

“Aaaahhh! Bakit ka n*******d?” sigaw ko sa oras na makita kong tanging boxers na lamang ang suot nito.

 

“Huwag kang maarte Naomi, naka boxers pa ako.” Umupo ito sa kama at hihiga na sana ulit ngunit tinulak ko siya paalis ng kama.

 

“Eh bakit n*******d din ako? Huwag mong sabihing pinagsamantalahan mo ang kahinaan ko!” sigaw ko sa kaniya at tiningnan ang mga saplot ko sa katawan na nasa sahig na.

 

“Ako pa talaga? Ikaw nga ’tong nilal*ndi ako kagabi eh! May pa tikim-tikim ka pang nalalaman, tsh!” saad nito na ikinakunot ng noo ko.

 

“Hindi ako malandi ah! Manyak ka lang talaga at gusto mong ako ang makonsensya kaya mo binabaliktad ang lahat!” saad ko at tumalikod na upang magbihis sa loob ng banyo.

 

Bigla akong napahiga sa kama nang hilahin ako nito at daganan. Seryoso siyang nakatingin sa mga mata ko na siyang dahilan upang mapalunok ako at hindi makagalaw, anong ginagawa niya? Kinakabahan ako.

 

“Ngayon alam mo na kung paano lumunok dahil sa kaba. Kung hindi ka lang talaga lasing kagabi, baka ano na ang nagawa nating dalawa. Nirerespeto kita kaya hindi ko pinagsamantalahan ang kalagayan mo ngunit pinagsamantalahan mo naman ang kahinaan ko. Hindi ka na lasing ngayon kaya gusto kong pagbayaran mo ang ginawa mong pambibitin sa akin kagabi.” Inilapit niya pa lalo sa akin ang kaniyang mukha na siyang dahilan upang mas lalo akong kabahan.

 

“Anong gagawin mo?” tanong ko sa kaniya sa kinakabahang boses.

 

“Sinisingil ka sa utang mo kagabi. Ngayon mo ito pagbabayaran Naomi.” Sinunggaban niya ang aking labi at hindi ko na namalayang ginagantihan ko na pala ang kaniyang paghalik at sinasabayan ko rin ang galaw ng mga labi nito.

 

Habang nilalasap ko ang matatamis niyang labi at ang paghimas nito sa bulubundukin kong hinaharap ay bigla kaming napabalikwas dahil sa lakas ng pagkakabukas ng pintuan ng aming kwarto.

 

“Hala! Bakit kayo gumagawa ng milagro? Inosente pa ako!” sigaw nito at napahawak pa sa kaniyang bibig dahil sa pagkagulat.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Set-up to Love you   Ikadalawampu’t-apat na Kabanata

    “Anong ginagawa mo rito?” tanong ni Maxwell sa kaniya at tumawa naman si Krueger.“Anong ginagawa ko rito? Nandito ako upang angkinin ang babaeng nais ko!” sigaw nito saka tinutukan ng baril si Maxwell.Kinabahan naman ako sa nangyayari kaya hinawakan ko si Maxwell sa kamay at mas lalong hinigpitan din nito ang kaniyang pagkakahawak sa akin.“Surprise! Anong balita? Magkakaanak na pala ang karibal ko!” sigaw ni Shekinah sa amin saka ito lumapit sa akin at hinawi ang buhok ko.“Shekinah! Anong kaguluhan ito?” tanong sa kaniya ni Maxine kaya tiningnan nito si Maxine saka ngumiti.“Oh! Ang aking sister-in-law na hilaw HAHAHA sayang at hindi napasaakin si Maxwell, ang hina mo kasing kasangga!” singhal nito kay Maxine at tinapik ang balikat nito.“Kung hindi niyo man ako nakikilala, hayaan niyong ipakilala ko ang aking sarili. Ako si Kyron Krueger at narito ako upang kunin ang babaeng nais ko!” saad nito saka tumawa na parang demonyo.Ito ang muntikan nang pumatay sa amin ni Maxwell. Patul

  • Set-up to Love you   Ikadalawampu’t-tatlong Kabanata

    “K-Kambal? Anong kasarian nila?” tanong ni Maxwell na halatang excited kaya naman ay na-excite din ako.Tumingin ako sa monitor kasabay ng paghawak ko sa kamay ni Maxwell. Hinawakan din nito nang mahigpit ang aking kamay.“Congratulations po! Babae at lalaki po ang mga anak ninyo!” masiglang sagot sa amin ng doktor.Niyakap naman ako kaagad ni Maxwell saka niya hinaplos ang aking tiyan. Hinalikan pa nito ang aking noo kasabay ng paghalik nito sa aking tiyan.“Maiwan ko po muna kayo ma’am, sir!” paalam bg doktor at lumabas na nga ito.“Salamat naman at malusog ang mga anak natin kahit abnormal ang nanay nila. Salamat Naomi sa pagbibigay mo sa akin ng biyaya at bagong rason para mabuhay!” Naiyak ako dahil sa sinabi ni Maxwell nginit agad ko rin naman siyang binatukan.“Aray ko naman! Bakit mo ako binatukan? Para saan iyon?” tanong nito sa akin sabay himas sa kaniyang ulo.“Sa pagsabi mo sa akin na abnormal ako!” sagot ko sa kaniya saka ako tumayo at nagbihis na upang makaalis na kami ri

  • Set-up to Love you   Ikadalawampu’t-dalawang Kabanata

    “Dad! Si Naomi kasi eh!” sumbong nito sabay kamot sa kaniyang ulo.“Naomi? Anong ginawa mo sa anak ko?” tanong sa akin ng kaniyang ama kaya naman ay nalipat sa akin lahat ng atensyon ng mga tao sa loob ng kwarto na ito.“Bagay naman po ito sa kaniya sir ah! Hindi ba Maxwell?” tanong ko kay Maxwell saka siya tiningala at niyakap.“Ah oo! Bagay nga sa akin, baka umiyak ka na naman!” singhal nito sa akin saka niya ako hinalikan sa noo.“Ang sakit niyo naman sa mata HAHAHA umupo na nga kayo at tayo ay magsisimula na!” sabi ng babaeng may edad na.Naupo naman ako sa gilid ni Maxwell at habang nagsasalita siya ay nakatingin lang ako sa kaniya nang nakangiti. Proud ako sa asawa kong ito. Kapag tumitigil siya sa pagsasalita ay pumapalakpak naman ako.Ilang oras lamang ang nakalilipas ay natapos na rin sa wakas ang kanilang pagpupulong. Habang palabas ang mga tao sa kwartong ito ay isa-isa rin nilang hinaplos ang aking buhok na may halong ngiti. Ang babait ng mga tao dito, hindi kagaya sa kump

  • Set-up to Love you   Ikadalawampu’t-isang Kabanata

    Nagising ako na masakit ang buong katawan habang nakahilata rito sa aking kama. Nakita ko naman sina mommy at daddy na nagtatalo sa labas ng aking kwarto sapagkat nakabukas lang naman ang pinto.Pagtingin ko sa aking gilid ay nakita ko si Maxwell na prenteng nakasandal sa upuan habang nakahalukipkip at nakapikit.Hinawakan ko ang kamay nito na siyang dahilan upang dumilat siya. Nginitian ko siya saka siya tumayo at nilagay nito ang kaniyang palad sa aking noo.“Maxwell! Anong nangyari?” tanong ko rito at nakita ko namang napatingin sa direksyon namin sina mommy at daddy.“Nahimatay ka Naomi!” saad nito at umatras upang bigyan ng space ang aking mga magulang.“Bakit hindi mo sinabi anak?” tanong sa akin ni daddy na siyang dahilan upang kumunot ang aking noo.“Ano pong sasabihin ko?” tanong ko rito at pinilit kong tumayo ngunit pinigilan nila ako.“Na buntis ka.” Napatingin kaagad ako kay Maxwell na tahimik lamang sa gilid.“D-Daddy! M-Mommy? Sinabi niyo po ba?” tanong ko rito at kaunti

  • Set-up to Love you   Ikadalawampung Kabanata

    “Positive? S-Sandali! Magiging ninang na ako? Omo! Seryoso iyan?” tanong nito sa akin kaya naman ay tumango lamang ako.“Patingin nga ako! Baka joke time ito!” Inagaw nito sa akin ang pregnancy test saka tiningnan nang mabuti.“Natatakot ako!” saad ko kaya naman ay tiningnan ako nito sa mata saka siya ngumiti.“Huwag kang mag-alala, ako ang bahala! Dapat natin itong ipaalam kay Maxwell, panigurado, matutuwa iyon!” Kinuha niya ang kaniyang telepono at akmang tatawagan na sana si Maxwell nang bigla kong kunin ito at pinigilan siya.“Huwag! Hindi pwede! Walang dapat makaalam nito, lalong lalo na si Maxwell.” Tumalikod ako at lumabas saka naglakad-lakad sa tabing-dagat.Sasabihin ko ba ito kay Maxwell? Ngunit kapag nalaman ito ni Maxine ay paniguradong magagalit iyon.Pinutol ko na rin ang koneksyon namin ni Maxwell kaya hindi ko ipapaalam sa kaniya ang pagbubuntis na ito. Hindi pa naman sigurado ’di ba? Magpapacheck-up pa ako para makasigurado.Dahil sa balitang ito ay agad naming naisip

  • Set-up to Love you   Ikalabing-siyam na Kabanata

    Isang malakas na sampal ang dumapo sa aking pisngi. Napahawak ako rito saka ko tinignan nang masama si Maxine. Itinaas nito ang kanang kilay niya saka ako nginisian.“M-Maxine!” saad ko saka ko siya hinawakan sa braso.“Huwag na huwag mo akong hahawakan! Traydor ka! Akala ko ba ay may pinirmahan ka nang kontrata? Ano pang silbi ng kontratang iyon kung makikipagkita ka pa rin sa kapatid ko? Nakipaghalikan ka pa talaga!” sigaw nito sa akin saka ako sinampal-sampal.Napahawak ako sa dalawa kong pisngi habang patuloy pa rin nilang sinasampal. Tahimik lang akong umiiyak habang nakayuko at walang kalaban-labang napaupo sa sahig.“Masakit ba? Ha Naomi? Masakit ba?” sigaw sa akin ni Shekinah, alam ko naman na sa kaniya na si Maxwell pero deserve ko ba ito?Tumayo ako saka ko tinulak si Shekinah na siyang dahilan upang matumba siya. Nang mapahiga na ito sa sahig ay saka ko siya pinatungan sabay sabunot dito.“Sino ang nagbigay sa iyo ng permiso para saktan ako? Higad ka! Kung tutuusin nga ako

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status