Share

Set-up to Love you
Set-up to Love you
Author: Kry_x_Avi

Unang Kabanata

*Ring...Ring...Ring*

 

Napabalikwas ako mula sa aking pagkakahiga at tiningnan ko kung anong oras na kaya naman ay dali-dali akong pumunta ng banyo at sinagot ang tawag.

 

“Oh?” tanong ko sa kabilang linya.

 

“Ma’am Naomi! Kailangan po kayo dito ng kumpanya, isa sa mga site natin ay may sumabog na bomba at maraming napinsala dahil sa pangyayaring ito at kasama na rito ang inyong ama na kasalukuyang nasa hospital ngayon.” Napaupo ako sa aking narinig pagkatapos kong hubarin ang aking damit.

 

“Anong ibig mong sabihin? Saang hospital dinala si daddy?” tanong ko sa kaniya at dali-dali na rin akong naligo dito sa banyo.

 

Sa oras na natanggap ko ang mensaheng ipinadala sa akin ng aking sekretarya ay agad na akong pumunta sa hospital upang tingnan ang kalagayan ng aking ama.

 

Nanlumo ako sa aking nakita at niyakap ko ng mahigpit si daddy. Hindi pa raw siya gumigising simula no’ng dalhin siya rito at naaawa ako sa kalagayan niya ngayon.

 

Ilang oras pa ang lumipas ay pumunta na ako sa kumpanya at pagkababa na pagkababa ko pa lamang ng aking sasakyan ay bumungad na sa akin ang mga taong nagkukumpulan at mistulang nagra-rally.

 

Sinundo ako ng aking sekretarya at dumaan kami sa isang pintuan papunta sa lobby kung saan walang masyadong tao. Nang makarating na kami sa lobby ay nakita kong nagmamadali ang mga board of directors papasok sa elevator, nagtaka naman ako sa mga galaw nila.

 

“Ano ba kasing nangyari?” tanong ko sa sekretarya ko na nasa likuran ko lamang.

 

“Hindi niyo po ba alam Ma’am?” tanong din nito sa akin na siyang dahilan upang panlisikan ko siya ng mata.

 

“Magtatanong pa ba ako kung alam ko na? Common sense naman!” singhal ko sa kaniya at napayuko na lamang siya.

 

Dumaan muna ako sa aking opisina para tingnan ang mga dokumentong ipapasa ko sa board. At nang makita ko na ang mga ito ay lalabas na sana ako ngunit bigla akong nauntog sa pintuan dahil biglang binuksan ng aking sekretarya ang pintuan ng opisinang ito.

 

“Aray! Ano ba?” Napasapo ako sa aking noo na patuloy pa ring sumasakit dahil sa sekretarya ko na mukha atang pinulot lang sa kung saan-saan ng aking ama, tat*nga-t*nga kasi itong sekretaryang ’to eh.

 

“Hala! Pasensya na po Ma’am pero kanina pa po kayo hinihintay ng mga board of directors para sa gaganaping pagpupulong.” Tinulak ko siya upang makadaan ako sa pintuan, paharang-harang kasi.

 

“Hindi ba halatang papunta na ako doon? Sa susunod kasi matuto ka namang kumatok, parang hindi ka propesyonal sa inaasta mo.” Tinalikuran ko na siya at naglakad na ako papunta sa elevator upang mas mapabilis ang pagdating ko para sa pagpupulong.

 

Papasok na sana ako sa loob ng elevator nang biglang tinabig ako ng isang lalaking nais ding pumasok sa loob nito. Nagsilaglagan naman ang mga hawak kong dokumento at agad akong lumuhod upang damputin ito ngunit mas lalong nadagdagan ang inis ko nang makitang inaapakan pa niya ang isang folder na dala ko.

 

“Mawalang-galang na, pwede bang tumabi ka? Naaapakan mo ang folder ko!” singhal ko sa kaniya at tiningnan naman ako nito kasabay ng kaniyang pag-ngisi.

 

Inangat niya ang kaniyang paa at agad ko namang kinuha ang folder ko. Tumayo ako at inayos ang blazer na suot ko kasabay ng pag-atras ko dahil sa mga empleyadong pumasok.

 

Napatayo ako ng maayos nang may maramdaman akong humawak sa pwet ko at agad ko namang sinampal ang katabi ko dahil paniguradong siya ang may kagagawan no’n.

 

“Manyak!” singhal ko sa kaniya na siya namang ikinabigla niya at mababakas mo sa kaniyang mga mata na naguguluhan ito sa ginawa kong pagsampal sa kaniya.

 

“Sandali! Bakit mo ako sinampal?” tanong nito kasabay ng paghawak niya sa aking braso. Hinabol pa ako nito sa pasilyo patungo kung saan gaganapin ang pagpupulong.

 

“Dahil manyak ka! Ano ba? Bitawan mo nga ako! Matuto kang rumespeto sa tagapagmana ng kumpanyang inaapakan mo!” Binawi ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya at tiningnan siya ng masama.

 

“Manyak? At kailan kita minanyak ha?” tanong nito habang nakapamewang pa.

 

“Hindi ba matatawag na manyak ang hipuan mo ako sa loob ng elevator? Alam ko naman na sexy at maganda ako pero tandaan mo, empleyado lang kita dito, matuto kang lumugar kung ayaw mong lumipad palabas.” Tinalikuran ko na siya kasabay ng paghawi ko ng aking buhok.

 

“Miss! Hindi halatang tagapagmana ka ng kumpanya ah HAHAHA atsaka sa mukha mong ’yan? Hihipuan pa kita? Huwag na lang, sayang ang aking kaguwapuhan kung pwet mo lang ang aking hahawakan.” Binangga niya ako sa balikat at nauna na itong maglakad.

 

Napapadyak ako sa sahig dahil sa labis na inis. Humanda talaga sa akin ang lalaking ’yon! Kapag nakita ko pa ulit ang pagmumukha no’n patatalsikin ko na siya dito sa kumpanya. Ang lakas naman ng loob niyang sagot-sagutin ako, parang hindi niya ako boss ah!

 

Sinubukan kong ngumiti bago pumasok sa loob ng kwarto para sa gaganaping pagpupulong. Huminga pa ako ng malalim dahil medyo kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan.

 

Pagkabukas ko ng pintuan ay bigla akong nahiya dahil lahat ng mga board members ay nandito na at lahat ng mga mata nila ay nakatingin na sa akin kaya yumuko ako ng kaunti papunta sa aking upuan.

 

“Mabuti naman at nandito ka na.” Tiningnan ko lang at nginitian ang Chief Financial Officer ng kumpanyang ito dahil alam ko naman na tutol siya sa lahat ng gagawin ko.

 

“Magandang umaga sa lahat!” bati ko sa masiglang boses upang hindi nila makitang pinanghihinaan na ako ng loob.

 

“Alam mo naman na siguro ang trahedyang naganap sa site na kung saan isa sa mga biktima ay ang iyong ama. Bilang tagapagmana ka ng kumpanyang ito, nais naming malaman kung ano ang plano mo ukol sa sitwasyon ng kumpanya ngayon. Kailangan din nating bayaran ang hospitalization bill ng mga biktima at hindi iyon kasama sa budget ng kumpanya.” Sumandal ito pagkatapos niyang banggitin ang mga salitang dadagdag sa aking problema.

 

“Kailangan natin ng bagong investor dahil alam naman natin na iyon lang ang makakatulong sa suliranin natin sa ngayon at gaya nga ng sinabi mo, wala tayong budget, pera ang kailangan natin at kailangan natin ng investor na magbibigay ng malaking halaga!” saad ko at napangisi naman siya sa aking itinuran. Alam kong tutol ito sa lahat ng desisyong gagawin ko.

 

“Sabihin mo sa amin kung saan tayo hahagilap ng may mabuting puso upang tulungan tayo ukol rito.” Tumayo siya at mistulang hinahamon ako.

 

“Ako na ang bahalang maghanap ng posibleng investor natin.” Tatayo na sana ako nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang lalaking kasing-edad lamang ng aking ama kaya napabalik ako sa aking pagkakaupo.

 

“Magandang umaga sa lahat! Nais ko munang ipakilala ang aking sarili, ako si Marvin Willford at nandito ako upang ipakita sa inyo ang dokumentong inihanda namin ng aking matalik na kaibigang si James Acueva. Nakasaad dito sa aming pinagkasunduan na kung ano man ang mangyari sa kaniyang kumpanya ay tutulong ang kumpanya ng Willford sa kahit anong suliranin na kahaharapin ninyo at ang kapalit no’n ay ang pag-iisang dibdib ng nag-iisa niyang anak na si Naomi Acueva at Maxwell Willford na anak ko.” Napatayo ako sa kaniyang itinuran at hindi makapaniwalang tiningnan siya sa nagtatanong na mga mata.

 

Kasabay ng pagbukas ng pintuan ng kwartong ito ay ang pagpasok ng isang lalaki na taas-noong tiningnan ang lahat ng nasa loob nitong kwartong ito. Tiningnan ko siya ng masama dahil kabisado ko pa rin ang bawat detalye ng pagmumukha ng manyak na ito.

 

“Nais kong kausapin ang aking mapapangasawa, Misis ko?” Lumapit ito sa akin at tiningnan ako ng maigi kasabay ng pagngisi nito.

 

“Misis mo? At kailan pa tayo ikinasal?” singhal ko sa kaniya na dahilan ng pagtawa niya.

 

“Kailan? Bukas kung gusto mo, walang problema sa akin iyon Misis ko.” Tinalikuran ako nito at humarap sa mga board of directors namin na kanina pa naguguluhan sa mga nagaganap, naguguluhan rin ako pero hindi ko pinahalata, tsh.

 

“Nais kong ipakilala sa inyo ang aking anak na si Maxwell Willford, ang mapapangasawa ni Naomi Acueva!” saad nitong Marvin Willford na ito. Kung makadeklara naman ito ay akala mo pumayag na ako.

 

“Sandali nga muna! Bago kayo magdeklara diyan, tanungin niyo muna ako kung pumapayag ba ako o hindi!” sigaw ko sa loob ng kwarto at natuon sa akin ang atensyon ng lahat. Nakakahiya ’yon ah.

 

“Misis ko, nakapirma na ang iyong ama ukol sa kasunduang ito at ang pagpapasya mo na lamang ang hinihintay namin.” Napa-ubo ako ng malala sa kaniyang sinabi.

 

“Ibinenta ba ako ng aking ama sa iyo? Sabihin mo kung magkano at babayaran ko!” Taas-noong saad ko rito at napangisi naman ang manyak na ’to.

 

“Sa pagkakaalam ko, nangangailangan kayo ng pera ngayon dahil sa pagsabog ng isa sa mga site niyo kung saan isa sa mga biktima ay ang iyong ama Misis ko. Ngayon, sabihin mo sa akin kung paano mo masosolusyunan ang problema ng kumpanya? Ta’s magbabayad ka pa sa amin? Marami ka yatang pera ah!” saad niya at nagkunwari pang nagugulat.

 

“Pinagti-tripan mo ba ako? Pwes! Ang pangit ng trip mo, kamukha mo!” singhal ko sa kaniya.

 

“Mukha bang biro lang sa’yo ang lahat ng ito? Biro rin ba na nasa hospital ang ama mo at naghihingalo na rin ang kumpanya niyo? Kung biro lamang ito ay hindi na sana ako nag-abala pang pumunta rito sa kumpanya niyo! Sa iyo na ’yang kasunduan na ’yan, tumatanggi na akong tumulong sa problema niyo!” saad niya at aalis na sana ngunit biglang humarang ang Chief Financial Officer namin, tsh, epal talaga. 

 

“Sir Maxwell, pwede pa naman natin itong pag-usapan eh. Kailangan ng kumpanya na ito ang tulong na mula sa inyo.” Hinawakan pa nito si Maxwell sa braso, sus! Tyansing din itong matandang ito eh.

 

“At ikaw Naomi, isipin mo naman ang kalagayan ng kumpanya! Huwag mong pairalin iyang pride mo, hindi niyan masosolusyunan ang problema natin!” singhal nito sa akin na kung umasta ay daig pa ang nanay ko ah.

 

“Oo, alam kong ako muna ang mamamahala sa kumpanyang ito habang wala pa ang aking ama ngunit labag naman ata ito sa karapatang pantao ko! Ipapakasal niyo ako sa manyak na ’yan? Paano na lang ’pag may masamang balak pala ’yan sa akin? Kayo talaga ang sisisihin ko!” banta ko sa kanila at bumalik ako sa aking pagkakaupo.

 

“Sa mukha kong ito, masasabi mo bang may masamang balak ako sa dugyot na katulad mo? Atsaka, isang pribilehiyo ang matikman ang aking katawan Misis ko.” Yumuko ito at inilapit ang kaniyang mukha sa mukha ko, tiningnan nito ang mga labi ko na siyang dahilan upang mapalunok ako.

 

Sa sobrang lapit ng mukha nito sa akin ay dinig na dinig ko ang pagtibok ng aking puso. Ramdam ko rin ang panlalamig ng aking mga kamay at nang mas lalo niyang inilapit sa akin ang kaniyang mukha ay napapikit ako at hinihintay na lang na dumapo ang kaniyang labi sa aking labi.

 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status