Share

Ikalawang Kabanata

Kanina ko pa hinihintay ang pagdampi ng kaniyang labi sa aking labi ngunit ilang minuto na ang nakalilipas ay wala pa rin kaya minabuti kong dumilat na lamang at bumungad sa akin ang kaniyang mukhang nakangisi dahil sa pagpikit na ginawa ko.

 

“Hinihintay mo bang halikan kita? May pa-pikit pikit ka pa ah HAHAHA,” saad niya at ngumiti pa ito nang nakakaloko.

 

“Pinagsasasabi mo riyan? Umalis ka nga sa harap ko! Ang pangit ng pagmumukha mo!” singhal ko sa kaniya kasabay ng pagtulak ko rito dahilan upang mapaatras siya. Nakakahiya ’yon ah, nag-expect ako eh, biro lang.

 

“Ano? Pipirmahan mo ba ang kontrata o hindi? Bilisan mo naman Misis ko, tumatakbo ang oras!” reklamo niya sabay tingin sa kaniyang orasan.

 

“Edi habulin mo! Baka gusto lang makipaghabulan sayo.” Tumayo na ako at hinawakan ang kaniyang kamay upang doon na lamang kami sa opisina ko mag-usap sapagkat ayaw kong makita ng ibang tao ang kat*ngahan ko.

 

Patuloy ko siyang hinahatak sa pasilyong ito patungo sa elevator papunta sa aking opisina. Sumusunod lamang siya sa akin at hindi na kumo-kontra.

 

“Huwag mo ulit akong hihipuan dito sa elevator na ito, dahil baka masipa ko ’yang alaga mo!” banta ko sa kaniya at napahawak naman siya sa pagitan ng kaniyang mga hita.

 

“Makailang ulit ko bang sasabihin sa iyo na hindi ako ang nanghipo sa’yo? Wala akong gusto sa katawan mo ’no! Ang liit pa ng hinaharap mo at kulang pa sa laki ’yang pwet mo!” saad niya na siyang ikinainis ko lalo.

 

“Tinitingnan mo ba ang katawan ko? Ang manyak mo talaga kahit kailan!” Sasampalin ko na sana siya ngunit bigla nitong hinawakan ang kamay ko.

 

“Tama na ang isang sampal na iyon kanina, ’pag naging dalawa na, iiyak ka talaga sa kama.” Sinipa ko ang binti niya dahil sa kag*guhan nito.

 

Hindi ko alam kung bakit pumirma ang aking ama sa kontratang iyon. Gan’tong lalaki ba ang gusto niyang mapangasawa ko? Ang manyak naman masiyado.

 

Nang makarating na kami sa aking opisina ay mas nauna pa siyang umupo sa aking silya na akala mo ay pagmamay-ari niya ito, ang kapal ng mukha. Umupo na lamang ako dito sa may couch upang makausap siya.

 

“Bakit pumayag ang aking ama sa kontratang iyon?” tanong ko sa kaniya na animo’y naguguluhan.

 

“Simple lang, dahil gwapo ako.” Napasapo ako sa aking noo dahil sa walang kwenta nitong sagot.

 

“Pwede ba? Umayos ka naman kahit ngayon lang oh!” pagmamakaawa ko rito. Umupo naman siya ng maayos at ipinagsaklob ang kaniyang mga kamay.

 

“Makinig kang mabuti sa akin Naomi, ang kontratang ito ay hindi para sa akin kun’di para sa inyong kumpanya. Pumayag lamang ako sa kondisyon ng aking ama kapalit ng kumpanya na kaniyang ipapamana. Hindi ko rin gustong maikasal sa’yo dahil unang kita ko pa lamang sa’yo ay alam ko nang isip-bata ka.” Napatayo naman ako sa aking kinauupuan, akala ko maayos siyang magpapaliwanag sa akin ngunit bakit biglang minaliit ako nito?

 

“May naisip ako Max! Ayaw ko sa’yo at ayaw mo rin sa akin ’di ba? Paano kaya kung pagbigyan natin sila, magpapakasal tayo at kapag nakuha na natin ang gusto natin ay pwede na nating iwan ang isa’t-isa!” saad ko sa nagagalak na tono. Ang talino ko talaga.

 

“May silbi ka rin pala ’no? Atsaka, habang kasal pa tayo, hindi mo ako pwedeng pagbawalan na makipagharutan sa ibang babae, naiintindihan mo?” seryosong saad nito, natawa naman ako HAHAHA ’yon lang talaga ang concern niya, tsh.

 

“Sige, deal?” Inilahad ko sa kaniya ang kanang kamay ko na agad naman niyang kinuha.

 

“Deal!” saad niya at ngumisi na mala-demonyo.

 

Lumipas ang ilang linggo at handa na ang lahat ng kakailanganin para sa aming kasal at napagkasunduan naman ng aming pamilya na magsalo-salo sa isang tanyag na restaurant dito sa aming lugar.

 

“Anak, sigurado ka na ba sa desisyon mo? Pwede ka pang umatras ’nak. Huwag mo kaming gayahin ng iyong ama na pinilit lang magpakasal kahit walang nararamdamang pagmamahal sa isa’t isa.” Niyakap ko si mommy dahil alam kong hanggang ngayon ay dinaramdam pa rin niya ang pamimilit sa kaniya nina lolo at lola.

 

“Huwag po kayong mag-alala mommy, alam ko po ang ginagawa ko at may plano po ako.” Niyakap naman ako nito pabalik at hinagod sa likod.

 

“Kung gano’n ay magbihis ka na riyan at baka mahuli pa tayo sa ating pupuntahan.” Tumayo na siya at naglakad palabas ng aking kwarto.

 

6 P.M na nang makarating kami rito sa restaurant na ito at nakaupo na rin ang pamilyang Willford habang hinihintay kami.

 

“Maxwell anak, ang swerte mo naman at maganda pala ang mapapangasawa mo!” anang ama nito na dahilan upang ngisian ako ni Maxwell.

 

“Mas swerte siya sa akin! Bihira nga lang siyang ikakasal, sa akin pa. Pribilehiyo ang tawag do’n.” Sinipa ko ang paa ni Maxwell mula sa ilalim ng mesa at kitang-kita ko sa mukha niya kung gaano kasakit ang ginawa kong iyon.

 

“Masarap ba Mister ko?” tanong ko sa kaniya at ang tinutukoy ko ay ang pagsipa ko sa kaniyang paa. Nginitian ko naman siya ng napakatamis.

 

“Sobrang sarap Misis ko! Heto, isubo mo!” saad niya at isinubo sa akin ang sobrang daming pasta na muntikan ko nang mailuwa dahil hindi kumasya sa aking bunganga.

 

“Ang sweet naman ng dalawang ito!” sabi ni Mr. Marvin habang tumatawa. Sweet na ’yon para sa kaniya? Muntikan na nga akong maduwal sa pinanggagagawa ng anak niya, tsh.

 

Makalipas ang ilang oras ay natapos na rin kami sa pagkain kaya oras na para umuwi ngunit may naisip akong kalokohan kaya tinawag ko si Maxwell na papasakay na sa kotse nito.

 

“Mister ko, sandali!” Huminto naman ito at hinintay akong makarating sa kaniya.

 

“Oh bakit?” saad nito sa masungit na boses, parang di kami nagharutan sa harap ng pamilya namin kanina ah.

 

“May ibibigay ako sayo!” tugon ko at hinalikan siya sa pisngi dahilan para mapahinto siya.

 

Umalis na ako doon pagkatapos ko siyang halikan sa pisngi. Ikaw ngayon ang target ko Maxwell! Mahuhulog ka rin sa akin at kapag nangyari ’yon, iiwan kita at ituturing na basura.

 

Naging maayos ang lahat at hindi muna ako ginambala ng pamilyang Willford ngunit alam kong tinutulungan nilang umangat ang kumpanya. 

 

“Handa ka na bang matali Nams? HAHAHA pero pogi naman pala ng mapapangasawa mo eh, kung ako ’yon ay unang kita ko pa lang sa kaniya hinalikan ko na!” sabi ni Chantal at humagalpak ng tawa habang inaayusan ako ng make-up artist ko.

 

Ngayon na ako ikakasal sa isang Mr. Antipatiko, suplado at walang modo pero gwapo. Oo na! Aaminin ko na, gwapo naman siya pero masama pa rin ang ugali niya. 

 

“Kung gusto mo, palit na tayo, ikaw na lang ang magpakasal do’n!” tugon ko at natawa naman siya.

 

“Kung papayag ka, hindi ako tatanggi!” saad nito sa nagagalak na boses. Ang l*ndi ah HAHAHA.

 

Nang matapos na akong ayusan ay sumakay na ako sa kotse na maghahatid sa akin sa simbahan kung saan gaganapin ang aming pag-iisang dibdib.

 

Nasa likod na ako ng pintuan ng simbahan at nang binuksan na ang pintuan ay naglakad na ako sa gitna habang kinukuhanan ng photographer ang bawat anggulo ko. Binilisan ko na lang ang paglalakad dahil doon din naman ako papunta, ayaw ko ng drama dahil hindi naman ako ikakasal sa lalaking mahal ko talaga.

 

“Hoy babae! Huwag kang magmadali, para kang sasali sa karera. Kasal ’to hindi paligsahan ha?” bulong sa akin ni Chantal na siyang dahilan para tumawa kaming dalawa.

 

Nang nasa harap na kami ng altar ni Maxwell ay hindi ko mapigilang tingnan siya ng masama. Ang pangit niya at hindi siya bagay sa ganda ko. Tinaasan lang ako nito ng kilay na animo’y nagtatanong at nagsusungit.

 

“Ikakasal na nga tayo, nagsusungit ka pa riyan! Hindi bagay sa’yo ha? Sapakin kita diyan eh!” singhal ko sa kaniya.

 

“At ikaw naman, ikakasal na nga tayo, mananakit ka pa! Bigwasan kita diyan eh.” Tumayo na kami ng maayos at humarap kay father.

 

Nag-uumpisa na ang seremonya at alam kong tatanungin na kami ng pari na ’to gaya do’n sa mga napapanood ko sa telebisyon. Ta’s pagkatapos no’n ay hahalikan na ng lalaki ang babae.

 

“Tinatanggap mo ba si Maxwell na maging kaisang-dibdib, iyong sasamahan mula sa araw na ito sa lungkot at saya, sa hirap at ginhawa, sa karamdaman at kalusugan, upang mahalin at pahalagahan, maging kabahagi mo hanggang sa kamatayan?” tanong sa akin ni father, hindi ko alam ang isasagot ko. Wala bang rehearsal ang kasal?

 

“Oo, tinatanggap ko siya father pero anong hanggang kamatayan? Ayaw ko pang mamatay, kung gusto niya mauna na lang siya.” Kinurot naman ni Maxwell ang tagiliran ko matapos kong sagutin ang tanong ni father. Dinig na dinig ko rin kung paano tumawa ang mga dumalo sa kasal namin na ito.

 

“Ayusin mo ang sagot mo Naomi!” bulong niya sa akin sa nanggagalaiting boses kaya natawa naman ako.

 

“Si Maxwell na po ang tanungin niyo father, ’pag umayaw siya edi t*nga siya! Ginto na ang ikakasal sa kaniya, aayawan niya pa!” saad ko at hindi ko namalayang hawak ko pa rin ang mikropono kaya narinig ng mga dumalo ang lahat ng sinabi ko na siyang dahilan upang magtawanan ulit ang mga tao.

 

“Tinatanggap mo ba si Naomi na maging kaisang-dibdib, iyong sasamahan mula sa araw na ito sa lungkot at saya, sa hirap at ginhawa, sa karamdaman at kalusugan, upang mahalin at pahalagahan, maging kabahagi mo hanggang sa kamatayan?” tanong ni father kay Maxwell. Kinuha naman ni Maxwell ang mikropono mula sa pagkakahawak ko.

 

“Oo father, tinatanggap ko si Naomi na maging kaisang dibdib dahil no choice naman ako. Baka umiyak pa ’yan kapag tinanggihan ko.” Sinuntok ko ang braso ni Maxwell pagkatapos niyang sagutin ang tanong ng pari.

 

“Kayo ay binibindisyunan ko bilang isang ganap na mag-asawa. Maaari mo nang halikan ang iyong asawa.” Itinaas ni Maxwell ang aking belo at akmang hahalikan na sana ako.

 

“Sandali! Nakapagsipilyo ka ba bago pumunta rito?” tanong ko sa kaniya at pinanlisikan naman ako nito ng kaniyang mata.

 

“Malamang! Huwag ka nang umarte! Gusto mo namang halikan ka eh!” saad niya at sinunggaban ang labi ko.

 

Matapos ang kasal ay dumiretso na kami sa magiging bahay namin ni Maxwell. Hindi na kami nag-abala pang mag honeymoon dahil gastos lang ’yon.

 

“Anong gagawin natin dito? Magtititigan lang? Nagugutom na ako!” reklamo ko sa kaniya dahil kanina pa ako nagugutom.

 

“Anong gagawin ko?” tanong nito sa akin, b*bo rin ’to minsan eh.

 

“Syempre sasamahan mo akong bumili ng kakainin natin!” singhal ko sa kaniya kaya naman ay pumunta na kami sa pinakamalapit na supermarket para bumili ng pagkain.

 

Habang tinutulak ko ang cart na may lamang pagkain ay bigla akong nabangga sa babaeng maarte na ’to.

 

“Ano ba? Matuto kang tumingin sa dinadaanan mo! Nakakaagrabyado ka sa magandang tulad ko!” singhal niya sa akin at napahawak pa ito sa kaniyang dibdib.

 

“Pasensya na ha? Medyo sadya.” Tinalikuran ko na siya at aalis na sana ngunit patuloy pa rin siyang kumukuda.

 

“Anong nangyayari dito?” tanong ni Maxwell sa amin.

 

“Maxwell! Ang babaeng ’yan inaaway ako!” saad niya, sabay hawak sa braso ng asawa ko.

 

“Makahawak sa braso ah!” saad ko at pinanlisikan si Maxwell.

 

“Siya ang magiging asawa ko dahil kilala na namin ang isa‘t isa noon pa.” Niyakap nito ang braso ni Maxwell, tarsier ka?

 

Hinila ko papunta sa akin si Maxwell at inilingkis ang aking mga kamay sa kaniyang braso. Hinalikan ko si Maxwell sa pisngi na siyang dahilan upang manigas ang lalaking ito sa kaniyang kinatatayuan.

 

“Magiging asawa mo? May sasabihin akong malupit na sikreto sa’yo babae. Itong sinasabi mong magiging asawa mo? Asawa ko na ’to kaya dumistansya ka kung ayaw mong magpagawa ng sariling lapida.” Tumalikod na ako sa kaniya at hinila si Maxwell kasama ko. Napako naman ang babae sa kaniyang kinatatayuan at itinaas ko naman ang pang-gitnang daliri ko para inisin ito lalo.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status