Share

CHAPTER 2:

     “Babe!” boses ni Vhan ang pumigil sa akin sa paglalakad palayo sa entrance gate ng university. Nilingon ko siya sa likuran ko na nagmamadali namang lumapit sa akin.

     “Mr. Llorico, ‘yang boses mo!” saway ko sa kaniya. Ngumiti siya sa akin na siyang ikinahugis-parihaba ng kaniyang labi. Huminto siya sa tabi ko at sinalubong ako ng mahigpit na yakap.

     It’s been three weeks since my birthday. Vhan and I, we’re doing fine and our relationship goes on. Isinawalang-bahala ko na lamang ang mga pagdududa ko sa kaniya. Baka naman kasi namamalikmata lang ako ng gabing iyon dala na rin ng tama ng alak.

     Today isn’t the first day of the new school year but this is the first time that I’ve seen him here in the university. Wala naman daw kasing klase sa una at pangalawang araw ng pasukan kaya kesa sa tumunganga sa room at magbilang ng dumadaraang estudyante sa lobby ay mas gugustuhin na lamang niyang maglaro ng mobile games sa bahay nila.

     Hindi nga siya nagkamali. The first two days were hella boring! Maliban sa walang instructor na pumapasok sa room, wala ring Vhan, Charmaine at Aquinah. Oo na, si Vhan ang rason kung bakit sa dinami-rami ng universities sa syudad, itong Settle State University ang pinili ko.

     “Bakit ba ang hilig mong tawagin ako gamit ang apelyido?” tanong niya. Tinaasan ko siya ng kilay kahit pa hindi niya makita.

     “I just wanna get used to it. Anong malay natin magagamit ko pala siya for future purposes.”

     “Ganoon ba?” Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at mahinang inilayo sa kaniya. Napanganga na lamang ako nang bigla niya akong buhatin tsaka inikot at ibinaba rin kaagad.

     “Nga pala, babe,” naghahabol ng hangin niyang saad. “Pwede ko na raw kunin ngayon ‘yung isang subject na naiwan ko last sem. Meron n’un sa section niyo. Doon ko i-eenrol para classmates tayo.” Tumaas-baba pa siya ng mga kilay niyang natatakpan ng kaniyang buhok.

     “Ikaw ang bahala.” Inabot ni Vhan ang kamay ko. Hinawakan niya ito nang mahigpit. Nagpatuloy kami sa paglalakad nang magkahawak ang mga kamay.

     “Bakit mo nga pala naiwan ‘yung subject na iyon?” pagtataka ko.

     “Naalala mo n’ong hinatiran kita ng payong sa dati mong school kasi umuulan nang malakas? Ang sabi mo, manganganak ang asawa ng driver niyo. Hindi ka pa marunong mag-commute nang mag-isa noon. May presentation dapat ako nang araw na iyon,” kwento niya.

     Napatango-tango ako nang tila ba may mga dumaang alaala sa isipan ko. Nagkatampuhan kami nina Aquinah at Charmaine nang araw na iyon. Wala akong ibang kaibigan maliban sa kanila kaya wala akong kasabay na umuwi. Tinawagan ko siya sa kasagsagan ng klase niya. And to tell you, nanliligaw pa lang siya noon.

     “Kapag naging Instructor mo ‘yung teacher na ‘yun, malalaman mo kung gaano siya ka-terror,” dugtong pa nga ni Vhan.

     Nakaramdam ako ng panghihinayang nang maalala ang tungkol doon. Ayon sa kaniya, iyon ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaroon siya ng incomplete na grade magmula nang grade school. Natahimik kami habang nanatiling magkahawak ang mga kamay. Nabasag ang katahimikang iyon nang biglang may bumusinang sasakyan sa unahan.

     “Siya nga pala, hindi kita maihahatid sa room mo.” Mula sa bumusinang kotse sa entrance ng gate—na pinagalitan ng guard ang driver ay bumaling ako kay Vhan.

     “Ipinag-reserve ako ni Xaw ng pwesto sa encoder’s lane. Magkita na lamang tayo sa room mo mamaya. Bye, bye!” Kumaway pa nga siya sa akin nang nakangiti at nagmadali nang naglakad paalis.

     “Ano ba ‘yan! Ang aga-aga nilalanggam kayo.” I subconsciously turned my head towards the back.

     Nakadungaw sa bintana ng passenger seat ng kotseng sinita ng guard kanina si Cham. Binuksan niya ang pinto sa tabi niya at excited na lumapit sa akin. Yayakapin pa sana niya ako nang tila ba may naalala siya. Bumalik siya sa tapat ng kotse at sinilip ang taong nasa driver’s seat na sumilip din sa bintana. Humigpit ang pagkakahawak ko sa sling ng aking bag.

     “Thunder, alam mo naman siguro kung saan banda ‘yung parking area ‘di ba?” Nakangiting tumango ang lalaki bilang tugon tsaka bumaling sa akin. Umiwas ako ng tingin. Hindi naman gaanong malakas ang ingay sa paligid pero pakiramdam ko, nabibingi ako.

     “Hi!” Tinapunan ko siya ng saglit na tingin tsaka muling umiwas. Nahuli ko siyang ngumisi. Sigurado akong blonde ang buhok niya nang una kaming magkita. Mukhang nagpakulay na siya ng itim. Gusto kong paniwalain ang sarili ko na hindi siya iyon pero sa detalye ng mukha niya, walang duda na siya iyon.

     “Cham, male-late na tayo. Tara?” Nginitian ko ang lalaking nasa kotse bago ko hinila palayo si Charmaine.

     “Male-late? T-teka—Thunder, ikaw na ang bahala diyan!” pahabol niyang sigaw sa lalaking nasa kotse. Pilit pa nga niya itong nililingon habang hinihila ko siya palayo.

     Sumigaw naman ito pabalik, “noted!”

     Bakas sa mukha ng mokong na para bang may iniisip siyang kalokohan. Mariin akong pumikit upang iwaksi ang mga nangyari sa bar na bigla na lang dumaan sa isipan ko. No, I don’t know him. I haven’t met him even for once. I don’t know his name and my name wasn’t Aquinah.

     “Jehan naman, we still have ten minutes. Excited kang pumasok? Baka nga hindi pa nakakauwi from out of town ‘yung ibang instructor natin,” reklamo niya. Lumingon ako sa likuran namin at nang hindi ko na makita ang kotse ay binitiwan ko na siya.

     “Bahala ka na nga!” Nagdadabog akong nagpatuloy sa paglalakad. Maya-maya pa’y naramdam kong humabol siya at kumapit sa braso ko.

     Pareho kaming freshmen nina Aquinah at Cham. Same course—business management, year and section. Marami nang tao sa room nang makarating kami and Cham being the friendly that she is, madali siyang nakasundo ng mga ito. Ako naman ‘yung tipong kontento na sa iisang circle of friends. Hindi naman sa anti-social ako, ayoko lang mag-entertain ng mga taong dadaan lang sa buhay ko.

     That’s why instead of disturbing people, I prefer to stay in my seat while waiting for Aquinah na halos ilang araw na ring walang paramdam.

     Tumalon sa gulat ang pang-upo ko nang may kamay na tumakip sa aking mga mata. Sa takot na baka ang lalaking iyon ang may-ari ng kamay ay agad ko itong tinanggal mula sa pagkakatakip sa mga mata ko. Nilingon ko siya at napaatras nang magtagpo ang aming mga labi.

     “Llorico!” Madiin at mahina kong saway sa kaniya. Mabuti na lamang at abala ang lahat sa kani-kanilang mga ginagawa. Wala naman sigurong nakapansin ng pagiging public display of affection niya. Pabiro ko siyang hinampas sa braso.

     “Nga pala, nakuha mo ba? Patingin nga ako ng schedule mo,” pag-iiba ko ng topic na ang tinutukoy ay ang schedule ng mga klase niya. Hinila niya ang upuan sa likuran ko tsaka siya naupo roon. Inabot niya sa akin ang hawak niyang papel at kinunan iyon ng picture.

     “Balikan ko na lang kaya ang lahat ng subject dito sa section niyo?”

     “At bakit?”

     “Para classmates tayo.” Binasa ko ang iba pang nilalaman ng papel. Vhan is on his second year. Business Management din ang course niya.

     “Tingin mo babe, kung naging classmates tayo, makakapasa kaya tayo pareho? Imagine-nin mo kasi, pinatayo ka ng instructor to present tapos natulala ka sa kagwapuhan ko. Pati ako, matutulala na rin sa iyo.”

     “Ang yabang mo!”

     “Syempre, mahal m—” umangat ako ng ulo sa taong sumagi kay Vhan. Maging siya ay umangat ng tingin sa lalaking sumagi sa kaniya.

     “P’re, pasensya,” paumanhin ng lalaki. Tinapik niya ang balikat ni Vhan na nakangiti namang tumango sa kaniya. Maging si Xaw na nasa likuran ng lalaki ay tinapik din si Vhan sa balikat. Bumaling ng tingin sa akin ang lalaki at kapagka’y kumindat.

     Ayokong mag-assume kaya sabihin na lang nating may kinindatan siya sa direksyon ko. Teka, magkakilala ba silang tatlo?

     “Naks! Kaya naman pala nagmamadali,” kantiyaw ni Xaw. I just rolled my eyes at him.

     Hindi tulad ni please-censor-his-name, matagal ko ng kilala si Xaw. Kaibigan siya ni Vhan since middle school. Madalas din siyang sumisingit sa lakad namin para bumuntot kay Cham na kaibigan ko. Bumalik sa reyalidad ang isipan ko nang may pumasok na instructor sa pinto.

     “Hello, everyone! I’m Mari Jang. I’ll be the adviser for this class as well as your instructor for this subject. I am strictly implementing an alphabetical seating arrangement in my class for manageable checking of attendance, since a roll call may consume our class hour. Nandito na ba ang lahat?” Sinipat niya ang oras sa relos na nasa bisig niya. She looks young for a college instructor.

     “Good morning, ma’am. My apologies for coming late.” Sumenyas si ma’am sa kaniya na tumuloy.

     “Okay, everyone stand up!” She looks kinda intimidating. Tumayo naman kami tulad ng sinabi niya. Kinuha ni Vhan ang bag ko at isinama ito sa pagpunta namin sa likurang bahagi ng room. Ang mga tatawaging pangalan ay mauupo sa pwestong ilalaan niya.

     “Next, Miss Liane Akari Javier and Mr. Vhan Austin Llorico.”

     “Malas! Hindi tayo magkatabi,” rinig kong bulong ni Vhan sa bandang tainga ko. Nakangiti akong nilingon siya at kinuha sa kaniya ang aking bag. “Pero mas okay na ito kesa si Mr. Raymundo ang instructor.”

     “Next will be, Miss Jehan Xaimylle Monhador and Mr. Thunder Khaos Monhador.” Si Vhan naman ang lumingon sa akin sa pagkakataong ito. Humakbang na nga ako papunta sa magiging upuan ko. Nagkatinginan pa nga kami ni please-censor-his-name nang marating ang mga respective seats namin.

     “Are you guy’s related or something?” naisaboses ni Miss Jang na tanong din ng aking isipan. Ngumiti ako sa kaniya tsaka umiling.

     “Hindi ho.” Nagkibit-balikat naman ang lalaking katabi ko.

     “Let’s proceed!”

     “Hi!” Kumaway sa akin si please-censor-his-name bago siya naupo sa upuan niya. Nagkunwari na lamang akong hindi ko siya narinig. Labag man sa loob kong maupo katabi ang lalaking ito ay wala akong magagawa. There are 4 rows and every row has 4 columns. Nasa pangalawang row ako mula sa harap at nasa center.

     Lumingon ako sa gawi ni Vhan na malapit sa wall. Nakatingin din siya sa akin. Lumingon sa gawi ko ang babaeng katabi niya tsaka kumaway. I didn’t wave back at her. Hindi kasi ako sigurado kung ako ba ang kinawayan niya o ang lalaking katabi ko. As much as possible, ayokong banggitin ang pangalan niya o kahit makasalubong ng tingin ang kaniyang mga mata. Mahirap na at baka mabuksan pa ang tungkol sa nangyari sa bar, three weeks ago.

      “Jey, lumipat pala ng section si Quin? In-inform ka ba niya?” Patagong lumapit sa harap ng desk ko si Cham habang nag-aayos pa rin ng seating arrangement si Ma’am sa likuran.

      “Hindi, e. Sinong nagsabi sa ‘yo?”

     “She chatted me!” Itinaas niya ang hawak na cellphone. “Finally! After weeks of ghosting.” Akala ko ako lang ang iniignore niya, si Cham din pala. Ano naman kayang nangyari sa babaitang iyon?

     “Hanggang bukas na lamang pwedeng lumipat ng section at mag-add ng subjects. Kaya habang may oras pa, gawin niyo na.” Mabilis na bumalik sa pwesto niya si Cham nang magsalita si Ma’am. Mukhang tapos na ang pag-aayos ng seating arrangement at bumalik na siya sa harapan.

     May mga bagay pa siyang ibinilin sa amin tulad ng mga do’s and don’ts sa klase niya pati na rin ang magiging grading system. Namigay na rin siya ng syllabus.

     “That’s all for today class. Please attend the orientation seminar on Friday. Goodbye!” Nang makalabas ng room si Miss Jang ay muling binaha ng kwentuhan ang classroom. Bumuntong-hinga na lamang ako at nilingon si Vhan sa pwesto niya. Pero mukha ni please-censor-his-name ang bumungad sa akin.

     “Naiwan mo nga pala ‘yung sandals sa bahay,” seryoso ang mukha niyang saad. Napalunok ako ng sariling laway. Umiwas ako ng tingin at kunwaring tiningnan ang oras sa aking cellphone pero ang totoo ay gusto ko lang ipakita sa kaniya ang lockscreen wallpaper ko na mukha namin ni Vhan.

     “Ito ‘yung address ko.” May ipinatong siyang maliit na piraso ng papel sa desk niya. Itinulak ito ng mga daliri niya papunta sa desk kong nakadikit sa desk niya.

     “Kung gusto mo lang namang kunin. Kung ayaw mo, I can keep it as a remembrace. O baka gusto mong ako na lang mismo ang magsoli sa bahay niyo. Saan ka ba nakatira?”

     Napakagat ako sa ibabang labi tsaka siya nilingon. Umiwas siya ng tingin at lumingon sa gawi ni Vhan na nag-aayos ng mga gamit.

     “Siya ba ‘yung sinasabi mong boyfriend? Not bad.” Muli siyang bumaling sa akin.

     “Pwede ba?”

     “Bakit?” tanong niya, himig natatawa. Napansin kong tumayo na si Vhan sa kinatatayuan niya kaya umiwas na lamang ako ng tingin kay please-censor-his-name.

     “Babe, aalis na ako.” Muli akong bumaling sa direksyon niya nang marinig ang boses ni Vhan. “May klase na ako sa susunod kong subject. Tatawagan na lang kita mamayang break time.” Nakangiti akong tumango bilang pagsang-ayon sa bilin niya. Bumaling siya ng tingin sa katabi ko na hindi na ako nag-abala pang tingnan.

     “Thun, cafeteria tayo mamayang break time.” Sa pagkakataong ito, si Vhan naman ang tumapik sa balikat niya.

     Napalingon ako kina Xaw at Cham na base sa nakabusangot na mukha ng huli ay tila ba kotang-kota na siya sa pang-aasar nito. Nang mapansin ni Xaw na nakatingin kami sa kaniya ay iniwan niya si Cham sa pwesto nito tsaka siya naglakad papunta sa pwesto namin. Hindi yata nag-iisa si Vhan na naging incomplete sa subject na ito.

     “Thun, cafeteria ha? Mamayang break time,” pag-uulit ni Xaw.

     “Oo na. Dalawa na kayong nag-imbita sa akin. Tatanggi pa ba ako?” Kumaway sa akin si Xaw na siya ring ginaya ni Vhan. Kumaway na lang din ako pabalik. Inayos ko pabalik sa bag ang mga gamit kong akala ko ay magagamit ko sa unang subject.

     “Aquinah pala, ha?”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status