Pumakala ako ng naiiritang ungol bago itinuon pabalik sa ginagawang pagsulat sa notebook ang aking atensyon. In fairness, kahit nasa 50’s na si sir ay hindi siya boring magturo. Sa sobrang lively ng klase ni Sir ay nagamit pa namin ang another five minutes na dapat ay sa susunod ng subject. Good thing, wala pa raw kaming instructor para sa subject na iyon.
Nang magpaalam na si Sir na aalis ay nagligpit na rin ako ng mga inilabas kong gamit. Sumunod ang mga mata ko sa kamay ni Thunder na naunang dumampot sa notebook ko. Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin subalit tila hindi man lamang siya natinag at binuklat pa nga ang nasabing notebook.
Aagawin ko sana ito sa kaniya nang bigla siyang tumayo at naglakad papunta sa direksyon ng pinto. Minadali ko ang pagliligpit ng aking mga gamit pabalik sa bag tsaka hinabol si Thunder. Naabutan ko siyang naglalakad sa lobby sukbit ang backpack sa kanan niyang balikat. Gustuhin ko man siyang tawagin ay hindi ko magawa dahil na rin nasa lobby kami.
“Babe!” Sisigaw na sana ako para tawagin si Thunder nang may pamilyar ng tinig akong narinig. Napabuntong-hinga na lamang ako nang makita ko si Vhan. Patakbo siyang lumapit sa akin.
“Dismissal niyo na?” tanong niya nang makalapit siya sa akin. Luminga ako para habulin ng tingin si Thunder. Patuloy ito sa paglalakad papunta sa gate.
“H-hindi pa. I-ikaw? Bakit nasa labas ka na?”
“Humiram kami ng remote sa kabilang department. Ayaw kasing gumawa ng remote sa room.” Itinaas niya ang remote na hawak. Tumango-tango naman ako at muling hinabol ng tingin si Thunder. Kapag nakalabas siya sa gate, imposible ng mahabol ko pa siya.
“Hoy, Llorico! Tara na!” sigaw ng lalaking kaklase yata niya. Tinapik niya nang mahina ang balikat ko tsaka ngumiti at nagmadali pabalik sa kasama niya. Ako naman ay nagpatuloy sa paghabol kay Thunder.
Maaaring notebook lang iyon pero kalahati iyon ng buhay ko. Hindi ko na hahayaan pang may magamit na naman siya para i-blackmail ako. Nawala na sa paningin ko si Thunder nang makaabot ako sa gate. Sinubukan kong magtanong sa guard pero ayun sa kaniya ay sumakay na ito ng taxi paalis. Napaupo na lang ako sa bench sa labas ng school. Ilang segundo lang ang lumipas ay v-um-ibrate ang cellphone ko.
Si Cham ang tumatawag. Doon ko lang naalalang hindi ako nagpasabi na mauuna akong lalabas.
“Jehan, nasaan ka? Uuwi na kami.”
Kami? Gusto ko sanang itanong nang maalala ko si Liane. Mukhang nagiging close na sila.
“N-nandito na ako sa gate. Hinihintay ko ‘yung sundo ko,” alibi ko kahit pa usapan namin kanina na sasabay ako sa kaniya pauwi at doon sa apartment niya magpapalipas ng maghapon.
“Ganoon? Nang-iiwan ka na ngayon? Akala ko ba tutulungan mo akong maglinis ng apartment ko?”
“Duh?! Hindi nga ako naglilinis sa bahay. Bakit kita tutulungan? Tsaka na lang ako pupunta kapag malinis na. Sige, bye!” paalam ko. Akmang ibababa ko na ang cellphone nang may maalala ako kaya muli ko itong itinapat sa aking tenga.
“Cham, may contact ka ba ni Thunder? Importante lang.”
“Okay. Message ko na lang sa ‘yo.”
“Sig—” natigilan ako, “may load ka?”
“Kelan ba ako naubusan ng load? Hello? Ako kaya ang tumawag sa iyo!” Napakagat ako sa ibabang labi nang maalala ang sinabi ni Thunder kanina na wala raw load si Cham.
Natatawa ako nang pindutin ko ang end button. Minuto lang ang lumipas at naisend na kaagad ni Cham sa akin ang hinihingi ko. Napatitig ako sa numerong naka-flash sa screen at naghihintay na lang na pindutin ko ang call button. Isang pindot lang sa green button ay magkakaroon na siya ng contact ko. Ganoon ba talaga kaimportante ang notebook na iyon para makuha niya ang number ko?
“Cham, si Jehan oh!” Nataranta ako’t involuntarily na napindot ng hinlalaki ko ang call button. Napatayo ako nang marinig ang dial tone.
“Jehan!” hila ni Liane si Cham at nakangiting lumapit sa akin. Hindi ko alam kung malakas lang ba ang volume ng cellphone ko o sadyang nai-loudspeaker ko ito. Nagpapaligsahan sa lakas ang pag-ring ng cellphone ni Thunder at ang tibok ng puso ko. Napapikit na lamang ako nang sagutin niya ang tawag.
“Kuya, si Liane ito. Si Jehan ang tumawag sa iyo,” pag-eexpose sa akin ni Liane. Napalunok ako ng sariling laway nang balutin kami ng nakabibinging katahimikan. Hinila ni Cham palayo sa akin si Liane.
“Ah! Jehan, ikaw pala. B-bakit?” Sa halip na sagutin ang tanong niya ay agad ko ng tinapos ang tawag. Tiningnan ko nang masama si Liane tsaka muling naupo sa bench.
Tila ba gusto ko na lamang maglaho sa kinauupuan ko sa lubhang hiya. Mabuti na lamang at niyaya na ni Cham si Liane na umalis at ako naman ay tumawag na rin sa bahay upang magpasundo.
“Contact number, saved!”
Ito ang mensahe na bumungad sa akin nang buksan ko ang cellphone ko pagkagising. Papalubog na ang araw sa kanluran. Himalang nakatulog ako pagkauwi ko galing sa school. Nakabalandra sa lockscreen ang picture namin ni Vhan kasama ang limang unread messages mula kay Thunder at lima ring missed calls. Bumuntong-hinga na lamang ako at bumangon.
Pagkatapos mag-ayos ng sarili ay bumaba ako para maghanap ng makakain. Habang nasa hagdanan ay nagbabasa ako ng mga mensahe. Apat sa limang mensahe ay mula sa isang unregistered contact, marahil ay si Thunder. Tinatanong nito kung ba’t ako napatawag. Ang isa naman ay mula kay Vhan na nagsasabing tatawag siya.
Huminto ako sa paghakbang sa hagdanan nang mabasa ang mensahe niya. Sa pag-aakalang kay Thunder nagmula ang limang missed calls ay hindi ko na iyon pinagkaabalahan pang tingnan. Binura ko lahat ng mensahe ni Thunder, isinilid sa bulsa ang cellphone tsaka nagpatuloy sa pagbaba sa hagdanan.
“Ayan, gising na siya.” Bumaling ako sa main door nang marinig ang boses ni Nanay Dolor.
Pumasok siya sa pinto kasunod si Vhan na may dala pa ngang box ng cake. Nalimutan ko tuloy ang siyang sadya ko kaya ako bumaba at naglakad para salubungin siya. Nang tuluyan na silang makapasok sa living room ay nagpaalam si Nanay na maghahanda ng maiinom. Maliban sa cake ay may isang tangkay ng pulang rosas din siyang dala na inilagay ko naman sa vase na nasa center table.
“Galit ka pa rin ba?” tanong niya. Nagtataka akong lumingon sa kaniya. Itinuro niya ako na tila ba binaril gamit ang kanan niyang kamay at kapagka’y umiling.
“Moody ka talaga, ano? Huwag mo akong kakausapin. Naiinis ako sa iyo!” pag-iimitate niya sa sinabi ko sa kaniya kanina sa school. Hindi lang paraan ng pagkakasabi ko, kung ‘di pati na rin ang madalas na pagtaas ng kaliwa kong kilay.
“Kung galit pa rin ako, hindi na dapat kita kinausap sa lobby kanina.” Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa couch tsaka lumingon sa kaniya.
“Gusto mong lumabas sa garden?” Nakangiti naman siyang tumango.
“Hindi mo na naisoli sa akin ‘yang shirt ko.”
Yumuko ako upang tingnan ang sinasabi niyang shirt. It’s the dark green shirt na hiniram ko sa kaniya noong magwa-one hundred days pa lamang ang relasyon namin. Sa pagkakatanda ko, ito ang pangatlong beses na sinuot ko ang damit na ito mula nang hiramin ko sa kaniya.
Katamtaman lang ang laki ng outdoor space namin. It was just a typical residential house with a small garage, pool and a garden. Bermuda grass ang nagsilbing carpet sa garden area at mga non-flowering plants naman ang nagsilbing baby fench. Kinuha ko sa likurang bulsa ng shorts ang aking cellphone bago umupo sa rattan couch kung saan din umupo si Vhan para tumabi sa akin.
“So? What brought you here?” pagbubukas ko ng topiko. Napansin ko si Nanay Dolor na papunta sa gawi namin dito sa garden. Inilapag niya sa round glass table ang dala niyang juice.
“Bawal ka ng puntahan dito ng walang dahilan?” I rolled my eyes at him. Nagsalin ako ng juice sa sa dalawang baso habang hinihintay ang matino niyang sagot sa tanong ko.
“May gagawin ka ba bukas?” Sa halip na sagutin ang nauna kong tanong ay muli siyang bumitaw ng katanungan.
“Bukas? May klase ako bukas. Bakit?”
“Pagkatapos ng klase mo, may gagawin ka ba?”
Umiling ako. “Wala naman.”
“O-kay!” Pakiramdam ko may gusto siyang sabihin pero hindi niya alam kung saan sisimulan.
“Anong meron?” tanong ko pagkatapos sumimsim sa juice. Nakangiti naman siyang umiling tsaka inabot ang basong nakaalan para sa kaniya.
“Siya nga pala, ‘yung Thunder. Paano mo ‘yon nakilala?”
Kahit pa narinig ko na kanina na ang tungkol sa kung paano ay gusto ko pa ring kunin ang side ni Vhan. Anong malay natin, may dagdag at bawas na ang kwento ni Thunder kay Cham kanina.
“Ah, si K? I prefer to call him K. Napapadalas na ako sa motocross camp nitong mga nakaraang araw ‘di ba? Doon ko siya nakilala. Nagkataong kababata pala siya ni Xaw. Lumipat sila sa Seattle sa States noong seven siya at pinapalitan rin ang pangalan niya. Akala ko nga noong una, pinsan mo pero ang sabi niya hindi siya totoong Monhador.”
“Originally, ano raw talaga ‘yung name niya?” curious kong tanong.
“Hindi niya sinabi at hindi na rin ako nag-abala pang itanong. Bakit?”
“Bakit hindi mo tinanong!?” napagtaasan ko siya ng boses. Naudlot tuloy ang balak sana niyang paghawak sa kamay ko.
“Nagagalit ka na naman? Sa susunod, itatanong ko.”
I don’t have much social exposure. I prefer to be alone but most of the time, I spent it with Cham and Aquinah. Sa kaso naman ni Vhan, masyado siyang outgoing at maraming kaibigan kaya gustuhin ko man o hindi, may makikilala at makikilala akong bagong personalidad kapag magkasama kami.
“Kahit huwag na,” kunwari ay nagtatampo kong saad. Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko tsaka ako hinila palapit sa kaniya at niyakap ng mahigpit. Tumagal din iyon nang ilang minuto. Nang kumalas siya sa pagkakayakap sa akin ay napatitig ako sa kaniyang mukha.
He’s undoubtedly handsome. Marami akong nakilalang may crush sa kaniya at ang iba ay usap-usapan pang naging girlfriend niya pero parang hindi naman. Sweet lang talaga siya kaya siguro nami-misunderstood ng iba. Napakagat ako sa ibabang labi nang mapansing nakatitig roon si Vhan. Maya-maya pa’y binasa niya ang kaniyang mga labi gamit ang dila tsaka unti-unting inilapit sa akin ang kaniyang mukha. Napapikit na lamang ako.
Eksaktong paglapat ng mga labi namin ay tumunog ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa. Dismayadong kinagat ni Vhan ang gilid ng labi niya at siya na mismo ang umabot sa cellphone ko sa mesa. Hindi ko ugaling maglagay ng password kaya madali niya iyong nabuksan.
“Unregistered.”
Muli niyang pinatay ang cellphone tsaka iyon pataob na ibinalik sa mesa. Umupo ako nang maayos. May kung anong tensyon sa pagitan naming dalawa. Nang tumagal pa ang katahimikan ay peneke na lamang ni Vhan ang pag-ubo. Nilingon ko siya at muli kaming nagkatitigan.
May kung anong energy na humihila sa aming dalawa. Muling nagkalapit ang aming mga mukha at nagtagpo ang aming mga labi. Sa pagkakataong ito, wala ng nakapigil pa sa naudlot naming balak—kahit pa ang malakas at paulit-ulit na ringtone ng cellphone ko. Kapwa kami naghahabol ng hininga nang mapagtantong nasa bahay nga pala kami. It wasn’t our first kiss but it’s the first time that we did it here at my house.
“Isa pa. Wala namang nakakakita,” hirit pa nga niya pero hinampas ko na lang siya sa braso.
Tumayo na ako sa pagkakaupo tsaka dinampot sa mesa ang cellphone ko. Isinilid ko iyon sa likurang bulsa ng shorts ko. Tumayo na rin si Vhan. Bitbit ang tray ng juice at hindi nagalaw na cake ay naglakad kami papunta sa pinto ng kusina, papasok sa bahay.
“Jey! Babe…” pangungulit pa nga niya na siyang ikinangiti ko na lang.
“Llorico!” Nilingon ko siya na nasa likuran ko tsaka dinuro. Inilapag niya sa counter ang tray. Kinuha niya ang box ng cake at isinilid sa ref tsaka sumunod sa akin papunta sa living room.
“Yes ba, babe?” Bumuntong-hinga na lamang ako.
“Nanay, lalayas este aalis na raw ho si Vhan!” sigaw ko nang makarating sa salas kahit pa nasa harapan ko lang si Nanay Dolor.
“Ha? Maaga pa naman. Dito ka na lamang maghapunan, hijo.” Pilit akong ngumiti kay Nanay. Wala namang sinabi si Vhan na uuwi na siya pero baka kung saan mapunta ang isa pang kiss na hinihingi niya. Naramdaman ko ang pagpatong ng braso ni Vhan sa balikat ko.
“Lalayas na ho ako Nanay D. Babalik na lang ho ako sa susunod.” Bakas sa mukha ng matanda ang pagkadismaya pero napalitan naman iyon ng ngiti nang ngumiti si Vhan.
Nagpresenta akong ihatid si Vhan at siyang magsara ng gate. Nang hindi na abot ng aking tanaw ang minamaneho niyang kotse ay pumasok na ako’t isinara ang gate. Nakakailang hakbang pa lamang ako palayo sa gate nang tumunog ang cellphone ko sa bulsa. It’s the same unregistered number. Si Thunder ba ito?
“Hello?” bati ko. May naririnig akong kung anong pagkalampag sa background niya.
“Jehan, pwede ka bang pumunta sa address na binigay ko sa ‘yo kanina? Magpapatulong lang sana akong maglagay ng band—”
I ended the call.
“Aquinah!” Lumingon ako sa aking likuran nang marinig ang pagtawag ni Cham sa pangalan ng kaibigan namin. Iilang hakbang na lamang at mararating na namin ang pinto ng classroom. Bumitaw siya sa pagkakakapit niya sa braso ko at tumakbo para salubungin si Quin. Nakangiti akong sumunod sa kaniya. “Bakit ka lumipat ng section?” nanlabi si Cham na siyang nagtanong. Bumaling sa akin si Quin kaya tumango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Cham. “May in-advance akong subject sa second year. Conflict sa schedule natin kaya lumipat na lang ako ng section,” paliwanag naman nito. “Ba’t ka ba kasi nag-advance? Pwede naman nating kunin nang sabay-sabay next year!” may pagtatampo sa boses ni Cham. Lumingon siya sa akin kaya tumango na naman ako para suportahan siya. “Girls, I’m two years older than you both. Nahuhuli na ako
“I’ll try,” tanging sagot ko na lamang. Binitiwan naman na ni Aquinah ang mga kamay ko at tumayo mula sa pagkakaupo sa kama. Naglakad siya papunta sa pwesto nina Cham at Liane tsaka sinabing magpapakulot din siya ng buhok. “Siya nga pala! Birthday ng friend ko na taga-kabilang school bukas. Kilala yata ‘yon ni Quin,” pag-iiba ni Liane ng topiko. Sa wakas! Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa swivel chair at lumapit sa gawi ko. Si Aquinah naman ang umukupa sa upuan sa harap ng vanity mirror. “Si Rizel ba?” tumango si Liane. “Ah, oo. Pinapapunta nga niya ako. Sa bar daw nina Corbi gaganapin. Everything is free, aside from boys.” “Pupunta ako, kayo?” Nilingon ako ni Cham. Kanina ko pa gustong palitan ang topic pero ngayong iba na ang pinag-uusapan namin, sumisingit naman si Thunder sa isipan ko. We did met that night
“’Yung bilin ko. Umuwi before 10 P.M. Gusto mo, sunduin na lang kita?” ani Vhan via phone call. “Eh, kung sumama ka na lang kaya?” “Ten P.M. Final na. Kapag hindi ka pa umuwi sa oras na iyon, susunduin kita.” I rolled my eyes as if he’s right in front of me. He sounded possessive, too. Hindi naman sa ayoko siyang sundin pero minsan na nga lang ako makapupunta sa mga night party, may time limit pa? Habang abala sina Liane, Cham at Aquinah sa pag-aayos ay prente naman akong nakaupo sa kama. “I can handle myself, okay?” “No, you can’t, Jey! Remember that night when you got drunk? Saan ka nga natulog?” He might talking about that night of my birthday. I let out a deep breathe. “Babe!” Kapag hindi pa gumana itong pagpapa-cute ko, ewan na lang. Narinig ko naman
Weekend was over but I’m not in the mood to attend my classes today. Matapos akong ihatid ni Vhan sa bahay noong tanghali ng Sabado ay hindi na ulit siya nagparamdam. Buong weekend akong walang balita sa kaniya. Hindi niya sinasagot ang mga messages ko, pati na mga tawag. Gustuhin ko mang lumiban ngayong araw ay hindi pupwede. May mga instructors pa kaming hindi name-meet last week. Matapos mag-ayos ng sarili ay bumaba ako sa salas. Maaga pa naman pero sa cafeteria na lang siguro sa school ako kakain ng breakfast. Naabutan ko si Nanay Dolor sa salas na may kausap sa cellphone. “Aalis na ho ako,” paalam ko nang hindi humihinto sa paglalakad. “Hija, susunduin ka raw ni Vhan dito sa bahay. Hintayin mo na lamang at on the way na raw siya.” Tila ba ako nabuhayan ng loob nang marinig ang sinabi niya. Napakagat ako sa ib
Nilakihan ko ang awang ng pinto at tumuloy na nga papasok. Binati ako ng malamig na temperaturang nagmumula sa aircon—‘sing lamig ng mga tingin sa akin ni Corbi. Anong problema ng isang ito? Kahit pa hindi siya direktang nakatingin sa akin, ramdam ko ang nanlalamig niyang mga tingin. Ang awkward lang. Mauupo na sana ako sa kulay brown na sofa sa gilid malapit sa wall nang mapansin kong may nakabaluktot ang pagkakahiga roon at tila ba natutulog. Si Craig! Katulad ng nabanggit ko na, magkaibigan ang pamilya namin ni Corbi. Ninong sa kasal ng mga magulang niya si Lolo Martin. Mula pagkabata ay madalas nang nagku-krus ang landas naming dalawa—sa bahay man o sa kung saang family events. But we’re not close. Madalas nga akong naiilang sa tuwing nakikita ko siya. Isa rin siya sa iilang mga taong nakasalamuha ko na mahirap basahin ang ugali. Minsan bigla-bigla na lamang mangangalabit at ngingitian ka nang walang sapat na rason. Madalas naman da
“B-bitiwan mo ako,” pagkontra ko sa pagitan ng pagsinghot. “Stay still! You’re heavy!” saway naman niya na siyang nagpatameme sa akin. May mga napapalingon sa gawi namin kaya upang takasan ang kahihiyan ay nanamihik na lamang ako at itinago ang aking mukha sa dibdib niya. Sa puntong ito ay sinubukan kong tumahan na at hayaan na lamang siyang itakas ako palayo. May kung ano sa presence niya na siyang nagtanggal ng takot na nararamdam ko. Ibinaba ako ni Thunder sa parking area ng university; sa harap ng itim na kotseng gamit niya noong ikatlong araw ng pasukan. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger seat at mahinang itinulak papasok. Kung tutuusin, dapat nagpapanic na ako sa mga oras na ito—remembering that night sa bar—pero sa mga sandaling ito ay wala man lamang akong maramdaman na takot. I found myself sitting on the passenger seat with him on the driver’s seat. “Iyan. Dito ka umiyak. Dito ka magwala. Dito mo ibuhos lahat ng kadramahan mo
Nanumbalik sa wisyo ang aking pag-iisip nang marinig ang tanong niya. Nakangiti akong yumuko para tingnan si Toki na kanina pa nagpupumilit na bumaba. Iginala ko ng tingin ang paligid at nang mapagtatantong nasa garden area na kami ay ibinaba ko na si Toki. “I got it from Th—” natigilan ako nang ma-realize kong mae-expose kong magkasama kami ni Thunder buong maghapon. “From a friend. Yeah, from a friend.” “Anyways, tara doon! May naiambag din naman kahit papaano ‘yong pag-uwi mo nang late.” Humakbang siya papunta sa likuran ko. Piniringan niya ako gamit ang panyo at saka inalalayan sa paglalakad. Napanganga na lamang ako nang makita ang nagliliwanag na light bulbs na nakasabit sa hindi kataasang arc nang tanggalin ni Vhan ang panyong nakatakip sa aking mga mata. Sa tagal kong umuwi, malamang ay nagkaroon siya ng oras para gawin ito. The arc served as the door papunta sa wooden table at bench. Mababa lang ang table at bench. Halos ilang inch lang ang t
Kanina pa ako tila baka na umaatungal sa loob ng kotse ni Thunder. Tumigil na rin siya sa pag-aalo sa akin, siguro ay na-sense niyang hindi ako titigil hangga’t hindi ko nailalabas ang lahat ng sama ng loob na meron ako. Nanatili siyang nakaupo sa driver’s seat habang nasa labas—sa malayo—ang mga tingin. Paminsan-minsan niyang ipinupukpok ang index finger ng kamay niyang nakahawak sa steering wheel. “Parang may something talaga sa kanila, ‘di ba?” Nilingon ako ni Thunder pero wala siyang binitawang salita. Pinunasan ko ang mga natuyo kong luha sa pisngi at sinalubong ang mga tingin niya. Kumunot ang noo niya’t siya ring naunang umiwas ng tingin. Marahil iniisip niya na over acting ako at masyadong mapaghinala. Mukha naman kasing walang matinong babae na papatol sa kaniya. Malamang hindi niya alam ‘yong pakiramdam na may ibang nagpapasaya sa taong mahal niya. Moreover, he’s a guy so he wouldn’t really know what female intuition is and how accurat