Compartir

Chapter 7

last update Última actualización: 2025-12-06 11:27:37

MIREA 

The event was already starting when I got out. I quietly walked back to the coffee station. I acted like nothing happened inside the restroom with Rex. I know my limitations, I'm aware that my role is different here on the range and as his lowkey slave. 

“Nand'yan ka na pala. Kanina pa kita hinahanap, eh. Sa'n ka ba nanggaling?” bungad sa'kin ni Dhana. 

“Restroom,” tipid kong sagot. 

“Matamlay ka, ayos ka lang ba?” 

Tumingin ako sa kanya at ‘di inabala ang sarili na sagutin siya. 

“Mainit ka,” sabi nito matapos idampi ang kanyang palad sa'king noo. 

“You can go, Mirea. Kami nang bahala ni Dhana rito,” seryosong sambit ni E-M. 

“Oo nga, baka gusto mo na umuwi. Isasakay kita sa labas, beshy.”

Tipid akong ngumiti sa kanya. 

“Kaya ko pa naman. Maya-mayang konti mauuna na ako. Kailangan ko rin kasi dumiretso sa ospital,” sabi ko. 

“Kailangan mo ba ng makakasama? Gusto mo samahan kita?” alok ni Dhana. 

Isang beses ako umiling. 

“Huwag na. Nakakapagod ang araw na'to. Kailangan mo rin magpahinga after event,” sagot ko sa kanya. 

“Sure ka, kaya mo, ah?” may pag-aalala ang kanyang tono. 

Ngumiti ako saka tumango ng isang beses. 

“Good evening, ladies and gentlemen!” 

Napatingin kami sa stage nang magsalita ang isang pamilyar na boses. 

“Si Anie pala ang master of ceremonies?” tanong ko kay Dhana. 

“Yes, ‘di ba kaibigan mo siya? Hindi niya ba nabanggit sa'yo?” tugon nito. 

Umisang iling ako. 

“Hindi pa kami nakakapag-usap buhat nang maospital si Nanay,” sabi ko. 

“Kaya pala . . . ewan ko ba! Sa pagkakaalam ko nga ay si Ms. Viela dapat ang nand'yan. Hindi ko alam kung bakit naiba ang nasa program.”

Pinagmasdan ko si Anie habang nagsasalita sa unahan. Isa siya sa may mataas na katungkulan sa course na ito. Nakatapos siya ng industrial psychology at tatlong taon na siyang nagtatrabaho rito. 

Siya ang una kong naging kaibigan sa lugar namin sa Q-Village, buhat ng lumipat kami ro'n. 

I was fifteen, nang makalaro ko siya at ipakilala nito sa akin ang kababata niyang si Kian, na ngayon ay isa nang engineer. Dito rin ito nagtatrabaho sa golf course. 

Magkakapatid ang turingan namin noon pa man. Sa kanila ko naramdaman na may pamilya ako. Nagkaroon ako ng takbuhan sa tuwing umuuwi na lasing si tatay at ako ang puntiryang saktan nito. 

Nagbago ang lahat, nang ipakilala ni Kian at Anie sa akin ang kapit bahay nilang si Bea at addam. Akala ko noon, hindi ko kailanman mararanasan ang magmahal at mahalin. ‘Pagkat nag-iba ang tingin ko sa mga lalaki pagdating sa pag-ibig, dahil sa tatay ko. Pero nagbago ‘yon, nang ligawan ako ni Addam at tratuhin ng mga bagay na kailanman ay hindi pinaramdam sa akin ng sarili kong ama. 

Ngunit, balanse ang buhay. Kung may kagaangan ay may kabigatan. At kung may tuwa ay mayroong pagluha. 

“Hey, are you okay?” 

Napabalik ako sa kasalukuyan, nang marinig ang boses ni Kian. 

Hindi ako agad nakapagsalita. 

“Pasensya ka na, Sir Kian, masama po kasi ang pakiramdam ni Mirea,” salita ni Dhana. 

“Gano'n ba? Gusto mo bang hatid na kita sa inyo?” magiliw nitong alok sa akin. 

Isang beses ako umiling. 

“Hindi na. Kaya ko pa naman. Isa pa, pupuntahan ko pa si Nanay at Keeth sa ospital,” sabi ko. 

“Edi, ihahatid na nga kita. Mas kailangan mo ng kasama," mabilis niyang tugon. 

Napatingin ako kay Dhana dahil alam ko na matagal na itong may pagtingin kay Kian. Pasimple niyang tinapakan ang sapatos ko. I know her, kaya pumayag na ako. 

“Sige,” sabi ko. 

Ngumiti si Kian, “I'll be back, may iaabot lang ako kay Anie.”

Isang beses ako tumango sa kanya. Hindi pa ito nakakalayo, nang marinig ko ang mahinang pagtili ni Dhana. 

“Napakabait at napaka pogi talaga ng baby ko!”

Napangiti ako sa sinabi niya. 

“Baka naman . . . sama mo'ko next time para maging close na kami ng baby ko,” kinikilig-kilig niyang sabi. 

Magsasalita na sana ako para sagutin siya, pero hindi na iyon natuloy dahil sa malakas na pagbagsak ng pinto. Mabilis kaming nagkatinginan ni Dhana, ‘pagkat ito ang unang beses na ginawa iyon ni E-M. 

“Galit yern?” Sambit ni Dhana. 

Malamang ay nagselos ‘yon kay Kian. 

“Ikaw kasi, eh!” tudyo ko sa kanya. 

Mahina akong natawa, nang umirap siya sa hangin. 

“Hayaan mo nga siya. Hindi ko naman siya jowa, ‘no!” anito. 

Kahit masama ang pakiramdam ko ay biniro ko siya nang biniro tungkol kay E-M. 

Natutuwa ako sa tuwing nakikita siyang naaasar. Hanggang maya-maya pa ay mapahinto kami nang magpalakpakan ang lahat dahil sa paglabas ni Rex kasama ng kanyang ama. 

Mabilis nawala ang ngiti ko nang makita siya, lalo nang alalayan nito si Viela hanggang maka-akyat sa stage at itabi sa kanya. 

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Maaring galit, dahil tulad ng iba'y wala siyang kakuntentuhan. Nanloloko siya ng babae, at ako ang ginagamit niyang instrumento upang makapanakit.

Lumunok ako at mabilis na nagbaba ng tingin nang sandaling magtama ang aming mga mata. Hindi ko inintindi kung mapansin ni Dhana ang lahat, ang mahalaga sa akin ay malinyahan kung anong meron sa aming dalawa. 

Hindi ko na binalik ang tingin sa stage kahit nagsasalita ang ama ni Rex. Kinuha ko ang phone ko saka nagkunwaring may ginagawa. 

Napakagat ako sa aking ibabang labi, nang muling mag palakpakan ang mga tao. Ang kaninang hiyawan ay mas lumakas pa. Gayunpaman, hindi ko pa rin inabala ang sarili na tumingin sa unahan. Hanggang sa mapansin kong tumahimik ang lahat, kasabay no'n ay ang pagtawag sa isang pangalan na kailanma'y hindi ko inasahang muling maririnig. 

“Let us welcome, Mr. Addamson Sevaña!”

Dahan-dahan akong nag-angat ng mukha. Pakiramdam ko'y sandaling huminto ang mga oras, at tumigil ang pag-inog ng aking mundo. 

Nasa unahan ang aking tingin, ngunit hindi nakatakas mula sa aking peripheral ang mga mata ni Anie at Kian na tila napako sa akin. 

Muli kong naalala ang unang araw na nagkakilala kami. Ang mga oras na pinagsaluhan naming dalawa. Hanggang sa pagguho ng aking mundo, nang lokohin niya ‘ko— kung paanong ang kapighatian na idinulot sa akin ng aking ama ay mas pinalalim niya. 

Limang taon.

Limang taon ko pinagdusahan ang ginawa niya sa'kin. Limang taon akong hindi lumabas ng bahay dahil sa lungkot at sakit. Hindi ako nakapag patuloy sa pag-aaral dahil kahit ang mga pangarap ko ay kinalimutan ko na. 

Halos lahat ay gusto kong sisihin sa nangyari. Pakiramdam ko, wala akong dulot— wala akong bilang sa mundong ito, dahil mahirap lang ako. 

Lumunok ako at huminga ng malalim, nang maramdaman ang init ng aking mga mata. 

Isa siyang Sevaña . . . 

Hindi ko alam kung ano ang gagawin sa mga oras na ito. Ang daming katanungan sa aking isipan kahit alam ko na hindi ito mabibigyan ng kasagutan. 

Bakit pa kailangan mangyari ‘to? Bakit kailangan niya pang bumalik? Bakit at paano sila naging magkapatid ni Rex! 

I was stunned when Addam's and I's eyes met.

Hindi ko alam kung paano, pero batid ko ang gulat sa kanyang mga mata. It was obvious, he was confused. However he continued to speak. 

I was speechless. 

Inalis ko ang tingin sa kanya nang mapansing tila nagtataka ang mga tao sa patigil-tigil niyang pagsasalita.  

Hindi ko na kayang magtagal sa lugar na ito. Kaya pinilit kong gumalaw mula sa'king kinatatayuan saka maayos na nagpaalam kay Dhana. Umalis ako matapos ibilin sa kanya na sabihin kay Kian na nauna na ako sakaling hanapin nito. 

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • Sevañas Obsession   Chapter 16

    MIREANaalimpungatan akong init na init ang aking pakiramdam. Tila nais ko nang maraming tubig, hindi ko maintindihan ang sarili ko, ‘pagkat ngayon ko lang ito naranasan.Malakas ang kutob ko na dahil ito sa alak na aking nainom. Sa pagkakaalam ko ay wine lamang ‘yon, pero bakit ganito ang epekto sa akin? I don't drink any alcohol, but I am aware of hard drinks. Gumalaw ako mula sa malambot na kama na aking hinihigaan. Sapo ang aking ulo nang mapatingin sa orasan na nakadikit sa kulay abong pader. Saka ko lang napagtanto na nasa ibang kwarto ako nang tamaan ng mga mata ko ang isang kahali-halinang painting. Nasa kwarto ako ni Rex? Anong ginagawa ko rito? Bakit? At paanong dito ako nakatulog? Mabilis kong ibinalik ang mga mata ko sa orasan. Maaga pa, alas-singko pa lamang ng umaga. I sighed.Tatayo sana ako upang kumuha ng tubig at bumalik sa kwartong tinutulugan ko, ngunit laking gulat ko nang biglang may braso na pumulupot sa baywang ko mula sa'king likuran! Magkatabi kaming n

  • Sevañas Obsession   Chapter 15

    REX“WHAT OUTRAGE IS THAT?”I violently hit the papers that Garry handed me on my table!“How did they fire so many employees without my permission?” umalingawngaw ang boses ko sa aking opisina dahil sa galit. “Walang nagsasalita kahit isa sa kanila, Sir. Maliban kay Ms. Dhana. Ayon dito, pinagpasa raw po ng resignation paper lahat nang ‘yan para palabasin na nagkusa ang mga ito sa pag-alis.”My eyebrows twitched as my nerves fluttered! “May nagsabi rin daw sa kanya na marami na ang pinapabago sa course. Bukod doon, dumarami na rin po ang nagrereklamo mula sa iba't ibang department. Isa sa inirereklamo ang delay na sahod at kakulangang bayad sa mga over time. Sa aking palagay, sinasadya ito para marami talaga ang umalis.”Tumalim ang tingin ko sa mga tumalsik na papel sa sahig. “Mananagot sa akin ang mga gumawa nito.” I smirked. “Padalhan mo ng mensahe lahat nang pinaalis. Pwede kang magpatulong kay Emmanuel. Sabihin mo sa kanila, mag report sa akin within this week. Babalik tayo b

  • Sevañas Obsession   Chapter 14

    MIREALumabas ako ng bahay nang bigla na lamang makaramdam ng pagkabagot. Kahit ang balcony ay kinasawaan ko na rin tambayan. Tatlong araw na ‘ko rito, tatlong araw na rin akong kain tulog lamang ang ginagawa. Hindi ako sanay. Gusto ko lumanghap ng sariwang hangin, habang naglalakad-lakad dito sa tabing dagat. Nakakainip din kasi kapag walang ginagawa. Bukod doon ay wala pa ‘kong makausap dito. Tila wala pang balak si Rex bumalik sa manila. “Asan na kaya ang lalaking ‘yon?” Hindi ko siya maintindihan. Kahit sa kung anong plano niya ay wala akong alam, dahil buhat nang tawagan siya ng daddy niya noong isang araw, hanggang ngayon ay hindi ko pa siya nakikita. Kapag tinanong ko naman si Manay tungkol sa kanya, hindi niya rin alam ang lagi nitong sagot. “Kailangan ko pa naman siya makausap…”Umupo ako sa buhangin, nang mapansin ko ang kaakit-akit na ganda nang sunset. Hindi ko maiwasang mapangiti, ngayon lang kasi ako nakapunta sa ganito kagandang lugar. Masarap sana rito, ‘pagkat

  • Sevañas Obsession   Chapter 13

    MIREAKatatapos ko lang maligo at magbihis, nang hawakan ko ang aking phone upang kumustahin ang kapatid kong si Keeth. Nagtitipa na'ko ng mensahe nang biglang may kumatok sa pintuan. Sandali akong napaisip. Kailanman ay hindi ako kinatok ni Rex, kaya malakas ang kutob ko na hindi siya ang nasa labas. “Good afternoon, Ma'am,” bungad nito nang buksan ko ang pintuan. I knew it. Tipid akong ngumiti sa babaeng nasa aking harapan. Ewan ko pero bigla akong nakaramdam nang hiya dahil sa itinawag nito sa'kin. Hindi ako sanay. “G-Good afternoon po,” naiilang kong sagot. Hindi ko alam ang itatawag sa kanya, halata rin kasi na may edad na ito. Puti na ang kanyang buhok, gayunpaman ay kita pa rin ang angking ganda nito. “Ako nga pala si Evie, Hija.” Pakilala niya. “Pwede mo ako tawaging Manay Evie, tulad ng nakasanayan ko na tinatawag sa akin dito,” magiliw siyang ngumiti sa akin. “Isa ako sa caretaker dito ni Rex,” dagdag niya pa. Tumikhim ako bago sumagot sa kanya. “Ako po si Mirea, M

  • Sevañas Obsession   Chapter 12

    MIREANaalimpungatan ako nang maramdaman ang lamig na tumatama sa aking balat. Hinila ko pataas ang blanket na nakapa ko, saka ko ito binalot sa aking katawan. Magaan na ang aking pakiramdam kumpara kahapon. Sobrang daming nangyari, para akong na-over fatigue. Ito ang unang beses na nagising akong payapa ang aking isipan. Walang maingay, walang magulo— hindi problema ang sumalubong. Marahan akong dumilat nang maalala ang kapatid ko at si inay. Nagtaka ako nang makita ang iilang kandila na nagbibigay liwanag sa kwarto kung nasaan ako. It's not just an ordinary candle, it gives a fragrant aroma to this whole room. Umupo ako at kinapa ang leeg ko. “Hindi na ako mainit . . .”Pinasadahan ko nang tingin ang paligid. Napakalawak ng kwartong ito. At kasya ang apat na tao sa kama na nagbigay nang ginhawa sa aking pagtulog. Sandali akong natulala, nang maalala ang huling tagpo sa pagitan naming dalawa ni Rex bago ako nakatulog kagabi. Nagtalo kami dahil sapilitan ako nitong sinasama sa

  • Sevañas Obsession   Chapter 11

    REXIt was morning when we arrived at the house I bought here in Batangas three years ago. No one else knows about it other than the two ladies who are the caretakers of this property, and Garry— my trusted body guard and driver. Hindi sila ordinaryong tagapangalaga o tagapagbantay lang. Mapili ako sa taong pinagkakatiwalaan ko, kaya sinigurado ko na maaasahan sila kapag kinailangan ko dahil malayo ang lugar na ito. Kakailanganin pa ng sasakyang pangtawid sa dagat bago makalabas dito. “She's fine now, Sir. Bumaba na ang lagnat niya. Kailangan lang nito nang pahinga para magtuluy-tuloy ang pag-galing niya.”“Thank you,” I answered in a low tone. “You're welcome, Sir.” Yumuko ito saka umalis. Hinatid ko nang tingin si Emmanuel hanggang makalabas ito ng kwarto ko. Isa siyang nurse. Anak ito ni manang Evie, ang naaasahan ko rito sa bahay. Binalik ko ang tingin kay Mirea nang gumalaw ito sa kama. Pinagmasdan ko siya habang mahimbing na natutulog. Gusto kong hawakan ang maganda niyang

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status