Share

Chapter 6

last update Last Updated: 2025-12-05 02:45:01

3rd person’s POV

Sa labis na pag-aalala ni Mirea, tinawagan nito ang kanyang kapatid na si Keeth matapos magbihis at mag-ayos sa CR.

“Hindi ako papayagan umalis ngayon, dahil kailangan ako rito. Hindi ba talaga pwedeng ikaw na lang ang mag-ayos ng mga kailangan d'yan?”

“Hindi, Ate. Pirma mo raw po kasi ang kailangan sabi ng doctor.”

“Kung gano'n, wala tayong ibang choice. Pakisabi sa doctor pasensya na, seven o'clock pa’ko makakapag paalam sa bisor namin.” 

“Okay lang naman daw po, Ate. Maigi at makakapag pahinga pa raw si Nanay.” 

Ang totoo ay ayos na ang bayarin sa ospital dahil kay Rex, kaya't malaking palaisipan sa kanya kung bakit kailangan pa nitong pumunta roon upang makalabas ang kanyang ina. 

“Nga pala, nandyan pa ba si Ate Elly?” 

“Wala na, Ate. Umuwi din po pagkatapos namin kumain ng lunch kanina. Papasok daw kasi sa trabaho si Kuya, walang magbabantay kay Videl at Vitel,” sagot nito. 

Natahimik si Mirea sa sinabi ni Keeth. Hindi na nito inabala ang sarili na sumagot pa, ‘pagkat sanay na siya na walang ibang kasangga sa ganitong sitwasyon kundi ang nakababatang kapatid lamang. 

Si Elly ang panganay sa limang magkakapatid, mayroon itong kambal na anak. Bagaman, engineer ang naging asawa nito ay hindi siya kailanman naasahan sa pinansyal na problema. 

Si Ferym naman ang pangalawa. Nakapangasawa siya ng canadian kaya wala ito sa pilipinas. Buwan-buwan kung magpadala ito ng pera sa kanyang ina noon, ngunit tinigil nito ang pagbibigay nang malaman niya na kinukuha ng tatay nila ang pinapadala nito upang ipangbisyo lamang. 

Si Gerny ang pangatlo sa magkakapatid, ngunit nag-asawa na rin ito buhat nang makapagtrabaho si Mirea. 

Si Keeth ang naiiwan upang umalalay sa kanilang ina kapag wala itong pasok sa eskwelahan. Sa lahat ng kapatid nito ay kay Mirea lamang siya lubusang humahanga at sumusunod, sapagkat para sa kanya ay bayani ang ate niya. 

Pinasan ni Mirea ang responsibilidad sa pagpapaaral sa kapatid at pagtulong sa kanyang ina sa mga gastusin. Wala rin siyang aasahan sa ama, ‘pagkat lulong ito sa sugal at bisyo. 

Sa lahat ng magkakapatid, kay Mirea lang naiba ang trato ng kanyang ama. Wala siyang ideya kung bakit, pero dahil doon ay matinding trauma ang pinagdaanan niya. 

Buhat nang mabigo ito sa pag-ibig, hindi na inasam ni Mirea na makakatagpo siya ng lalaking mamahalin ito ng tapat. Akala niya noon ay magagamot pa ang masamang tingin sa mga lalaki bunga ng masamang pagtrato sa kanya ng kanyang ama. Ngunit, mas lumala ang tingin niya sa mga ‘to, nang maghiwalay sila ni Addam. 

“Sige na, Keeth. Babalik na ako sa trabaho, tatawagan na lang kita ulit mamaya . . .”

Hindi pa natatapos magsalita si Mirea, nang matigilan siya dahil sa biglaang pagsulpot ng lalaking hindi niya inaasahan makita mula sa kanyang likuran. Pinatay niya agad ang tawag at mula sa salamin ay umikot ito upang humarap kay Rex. 

“Hindi ka ba talaga marunong mag-message o tumawag man lang? Kailangan pasukin mo'ko rito?” walang gana ang kanyang tono. 

Napalunok ito nang ngisian siya ni Rex. 

“Really? Bakit? May kinatatakutan ka bang makakita sa atin?”

Napairap siya sa hangin dahil sa inis. Gusto niya itong sagutin, gusto niyang dipensahan ang sarili pero pinili na lamang niyang manahimik. Lalo, nang mapansin niya ang maliit na tokador na nasa kamay ni Rex. 

Isang maliit na kahon— na tila singsing ang laman. 

Napayuko siya nang maalala ang nalaman niya kay Dhana at E-M tungkol sa relasyon nito kay Viela. 

“Anong laban ko ‘ron? Bukod sa napakaganda na ay napakayaman pa,” sabi nito sa kanyang isip. 

Huminga siya ng malalim, nang may kung anong kirot na naramdaman mula sa kanyang dibdib. Lalo, nang makita niyang binulsa ni Rex ang maliit na tokador. 

“Tell me, may iniingatan ka ba?” nagbago ang ekspresyon ng mukha nito nang hindi pa rin kumibo si Mirea. “Huwag kang mag-alala, walang makakakita sa'tin dito.”

Malakas ang loob ni Rex na sabihin iyon, ‘pagkat bago siya pumasok sa restroom ay nilagyan nito ng maintenance sign ang pinto. 

“Huwag mo nang iligaw ang usapan, pwede ba? May number ako sa'yo, sana tumawag ka na lang!” 

Muling ngumisi si Rex nang bahagyang tumaas ang tono ni Mirea. 

“Does your tone sound like someone's bragging? May problema ka ba sa'kin?”

“Please, Sir Rex, ‘wag ngayon—”

Mabilis nitong sinunggaban si Mirea, saka niya kinulong sa bisig niya. 

“Anong sabi mo? Anong tinawag mo sa'kin?” bakas sa tono nito ang galit. Dahilan, kaya hindi nakasagot si Mirea. “Don't you ever measure my ability to hold you in my palms,” mariin nitong sabi. “Akin ka, kaya gagawin ko kung anong gusto kong gawin sa'yo. Naiintindihan mo?” 

Napapikit si Mirea nang maramdaman nitong halos magkadikit na ang kanilang katawan. 

“S-Sorry . . . m-masama lang ang pakiramdam ko.”

Pailalim na tumingin si Rex sa kanya. 

“Kaya sinusuway mo ang mga napag-usapan natin?” 

“Wala akong sinusuway—”

“I saw you,” mariin nitong sabi. 

Napabuga ng hangin si Mirea. Hindi niya maintindihan ang biglaang pagdagundong ng dibdib dahil sa inaasal ni Rex. Inisip nito kung ano ang maling nagawa niya sapagkat kilala niya ang kanyang boss, ganito ito kapag may nagawa siyang taliwas sa kanilang napag-usapan. 

“Kung ‘yung pag-angkas ko sa motor ang pinupunto mo, bakit hindi mo ‘ko i-hire ng driver para kung late na ‘ko, hindi ko na kailangan mag-book pa sa iba—”

“Huwag mo ‘kong sinusubukan.”

Muling natigilan si Mirea. Hindi na niya alam kung magsasalita pa ba siya o tatahimik na lamang ‘pagkat tila masama ang panagano ng kanyang boss. 

“L-Late ako nagising kanina dahil tayo ang magkasama kagabi. Hindi ba’t madaling araw na'ko nakauwi? Ano bang gusto mong marinig mula—”

Hindi na nito natuloy ang nais sabihin nang siilin siya ng halik ni Rex. 

“Ano ba!” Isang beses niya itong tinulak palayo, pero hindi siya nagtagumpay ‘pagkat hindi ito kaya ng kanyang lakas. 

“Rex, please, ‘wag dito . . .”

Hindi inabala ni Rex ang sarili upang bigyan siya ng atensyon. Ipinagpatuloy nito ang paghalik sa kanya— tila isang asong sabik sa laman at uhaw sa kahubaran. Wala na siyang nagawa, natagpuan na lamang niya ang sarili na sumusunod sa ginagawa ni Rex sa kanya. 

Napasinghap siya nang pagpalitin nito ang kanilang pwesto. Naipulupot niya ang kanang braso sa leeg nito, nang masahihin ang kanyang dibdib. 

“Ahhh . . .” Hindi niya maintindihan ang sarili sa t'wing ginagawa ni Rex ang bagay na'to sa kanya. 

“Rex . . . please . . .”

“Fuck!” 

“D-Do it, Rex . . .”

Lalong nanggigil si Rex sa mapang-akit na tinig niya. Tatanggalin na sana nito ang suot niyang damit, ngunit pareho silang natigilan dahil sa pagtunog ng cellphone ni Rex. 

Napalunok siya nang mapansin ang pag-igting ng panga nito. Pagtataka ang bumalot sa kanya, nang patayin nito ang tawag saka seryosong tumingin sa kanya. 

“Bakit mo pinatay?” malamig niyang tanong. 

Hindi siya nito sinagot. Nanatili lamang nakatingin si Rex sa kanya hanggang sa isang beses itong mapamura nang sa pangalawang pagkakataon ay tumunog ang cellphone nito. 

Mas lumalim ang titig ni Rex sa kanya, lalo nang mapansin nitong tila nawala siya sa mood. 

“I'll call you later,” malamig nitong sabi. “Akin ka lang. Tandaan mo ‘yan.” 

Binalot ng pagtataka ang isip niya sa sinabi nito. Hindi nakatakas sa kanyang diwa ang kawirduhang kinikilos ni Rex. 

“Damn it!” Umalis ito at padabog na binuksan ang pintuan palabas. 

Naiwan siyang tulala at magulo ang isip. Gusto niyang sundan si Rex, gusto niyang alamin kung anong meron sa kakaibang kinikilos nito, ngunit sino siya? 

Isa lamang itong hamak na empleyado— bayaran ng kanyang boss. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Sevañas Obsession   Chapter 16

    MIREANaalimpungatan akong init na init ang aking pakiramdam. Tila nais ko nang maraming tubig, hindi ko maintindihan ang sarili ko, ‘pagkat ngayon ko lang ito naranasan.Malakas ang kutob ko na dahil ito sa alak na aking nainom. Sa pagkakaalam ko ay wine lamang ‘yon, pero bakit ganito ang epekto sa akin? I don't drink any alcohol, but I am aware of hard drinks. Gumalaw ako mula sa malambot na kama na aking hinihigaan. Sapo ang aking ulo nang mapatingin sa orasan na nakadikit sa kulay abong pader. Saka ko lang napagtanto na nasa ibang kwarto ako nang tamaan ng mga mata ko ang isang kahali-halinang painting. Nasa kwarto ako ni Rex? Anong ginagawa ko rito? Bakit? At paanong dito ako nakatulog? Mabilis kong ibinalik ang mga mata ko sa orasan. Maaga pa, alas-singko pa lamang ng umaga. I sighed.Tatayo sana ako upang kumuha ng tubig at bumalik sa kwartong tinutulugan ko, ngunit laking gulat ko nang biglang may braso na pumulupot sa baywang ko mula sa'king likuran! Magkatabi kaming n

  • Sevañas Obsession   Chapter 15

    REX“WHAT OUTRAGE IS THAT?”I violently hit the papers that Garry handed me on my table!“How did they fire so many employees without my permission?” umalingawngaw ang boses ko sa aking opisina dahil sa galit. “Walang nagsasalita kahit isa sa kanila, Sir. Maliban kay Ms. Dhana. Ayon dito, pinagpasa raw po ng resignation paper lahat nang ‘yan para palabasin na nagkusa ang mga ito sa pag-alis.”My eyebrows twitched as my nerves fluttered! “May nagsabi rin daw sa kanya na marami na ang pinapabago sa course. Bukod doon, dumarami na rin po ang nagrereklamo mula sa iba't ibang department. Isa sa inirereklamo ang delay na sahod at kakulangang bayad sa mga over time. Sa aking palagay, sinasadya ito para marami talaga ang umalis.”Tumalim ang tingin ko sa mga tumalsik na papel sa sahig. “Mananagot sa akin ang mga gumawa nito.” I smirked. “Padalhan mo ng mensahe lahat nang pinaalis. Pwede kang magpatulong kay Emmanuel. Sabihin mo sa kanila, mag report sa akin within this week. Babalik tayo b

  • Sevañas Obsession   Chapter 14

    MIREALumabas ako ng bahay nang bigla na lamang makaramdam ng pagkabagot. Kahit ang balcony ay kinasawaan ko na rin tambayan. Tatlong araw na ‘ko rito, tatlong araw na rin akong kain tulog lamang ang ginagawa. Hindi ako sanay. Gusto ko lumanghap ng sariwang hangin, habang naglalakad-lakad dito sa tabing dagat. Nakakainip din kasi kapag walang ginagawa. Bukod doon ay wala pa ‘kong makausap dito. Tila wala pang balak si Rex bumalik sa manila. “Asan na kaya ang lalaking ‘yon?” Hindi ko siya maintindihan. Kahit sa kung anong plano niya ay wala akong alam, dahil buhat nang tawagan siya ng daddy niya noong isang araw, hanggang ngayon ay hindi ko pa siya nakikita. Kapag tinanong ko naman si Manay tungkol sa kanya, hindi niya rin alam ang lagi nitong sagot. “Kailangan ko pa naman siya makausap…”Umupo ako sa buhangin, nang mapansin ko ang kaakit-akit na ganda nang sunset. Hindi ko maiwasang mapangiti, ngayon lang kasi ako nakapunta sa ganito kagandang lugar. Masarap sana rito, ‘pagkat

  • Sevañas Obsession   Chapter 13

    MIREAKatatapos ko lang maligo at magbihis, nang hawakan ko ang aking phone upang kumustahin ang kapatid kong si Keeth. Nagtitipa na'ko ng mensahe nang biglang may kumatok sa pintuan. Sandali akong napaisip. Kailanman ay hindi ako kinatok ni Rex, kaya malakas ang kutob ko na hindi siya ang nasa labas. “Good afternoon, Ma'am,” bungad nito nang buksan ko ang pintuan. I knew it. Tipid akong ngumiti sa babaeng nasa aking harapan. Ewan ko pero bigla akong nakaramdam nang hiya dahil sa itinawag nito sa'kin. Hindi ako sanay. “G-Good afternoon po,” naiilang kong sagot. Hindi ko alam ang itatawag sa kanya, halata rin kasi na may edad na ito. Puti na ang kanyang buhok, gayunpaman ay kita pa rin ang angking ganda nito. “Ako nga pala si Evie, Hija.” Pakilala niya. “Pwede mo ako tawaging Manay Evie, tulad ng nakasanayan ko na tinatawag sa akin dito,” magiliw siyang ngumiti sa akin. “Isa ako sa caretaker dito ni Rex,” dagdag niya pa. Tumikhim ako bago sumagot sa kanya. “Ako po si Mirea, M

  • Sevañas Obsession   Chapter 12

    MIREANaalimpungatan ako nang maramdaman ang lamig na tumatama sa aking balat. Hinila ko pataas ang blanket na nakapa ko, saka ko ito binalot sa aking katawan. Magaan na ang aking pakiramdam kumpara kahapon. Sobrang daming nangyari, para akong na-over fatigue. Ito ang unang beses na nagising akong payapa ang aking isipan. Walang maingay, walang magulo— hindi problema ang sumalubong. Marahan akong dumilat nang maalala ang kapatid ko at si inay. Nagtaka ako nang makita ang iilang kandila na nagbibigay liwanag sa kwarto kung nasaan ako. It's not just an ordinary candle, it gives a fragrant aroma to this whole room. Umupo ako at kinapa ang leeg ko. “Hindi na ako mainit . . .”Pinasadahan ko nang tingin ang paligid. Napakalawak ng kwartong ito. At kasya ang apat na tao sa kama na nagbigay nang ginhawa sa aking pagtulog. Sandali akong natulala, nang maalala ang huling tagpo sa pagitan naming dalawa ni Rex bago ako nakatulog kagabi. Nagtalo kami dahil sapilitan ako nitong sinasama sa

  • Sevañas Obsession   Chapter 11

    REXIt was morning when we arrived at the house I bought here in Batangas three years ago. No one else knows about it other than the two ladies who are the caretakers of this property, and Garry— my trusted body guard and driver. Hindi sila ordinaryong tagapangalaga o tagapagbantay lang. Mapili ako sa taong pinagkakatiwalaan ko, kaya sinigurado ko na maaasahan sila kapag kinailangan ko dahil malayo ang lugar na ito. Kakailanganin pa ng sasakyang pangtawid sa dagat bago makalabas dito. “She's fine now, Sir. Bumaba na ang lagnat niya. Kailangan lang nito nang pahinga para magtuluy-tuloy ang pag-galing niya.”“Thank you,” I answered in a low tone. “You're welcome, Sir.” Yumuko ito saka umalis. Hinatid ko nang tingin si Emmanuel hanggang makalabas ito ng kwarto ko. Isa siyang nurse. Anak ito ni manang Evie, ang naaasahan ko rito sa bahay. Binalik ko ang tingin kay Mirea nang gumalaw ito sa kama. Pinagmasdan ko siya habang mahimbing na natutulog. Gusto kong hawakan ang maganda niyang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status