Share

8

Alam niya ang daan papunta sa gitna ng gubat. Lagi rin siyang sumusulpot sa harap ko kahit hindi ko naman siya nakikita na naglalakad patungo sa akin.

"Adra!"

Kung tama ang iniisip ko, bakit niya sinabi sa akin na hindi iyon totoo? Pinahiya niya ako sa buong klase para lang don. Kaya paanong....

Anong dahilan niya?

"Huy!" Nahinto ako sa pagiisip ng hampasin ni Alta ang balikat ko.

"H-ha?"

"Tatlong isaw, apat na betamax tapos dalawang adidas ang akin. Anong iyo? Dalian mo at baka maubusan kana ng betamax!" si Alta.

Saka lang pumasok sa isipan ko na nasa labas pala kami ng school, hindi naman ito kalayuan doon. Kakain lang kami saglit at babalik din agad dahil may groupings kami sa isang subject namin.

Mabuti nalang ay mayroong nag titinda ng mga tusok tusok dito. Hindi naman sa hindi masarap ang pagkain sa cafeteria, mas gusto lang talaga namin ng ganto ngayon. Kahit pribado ang paaralang pinapasukan namin ay hindi naman kami ganoon kayaman, sakto lang.

"Anim na dugo kuya, tapos
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status