Share

7

"May natagpuang katawan ng babae!"

"Ano?!" Mayroon nanamang bangkay na natagpuan, "Saan?"

"Sa mismong lugar ulit nakita, kung saan natagpuan 'yong unang nakitang bangkay.

Fucky!

"Totoo ba yan?"

"Oo! Ayan nga ang pinaguusapan ngayon! Sira sira din ang mga damit. Kawawa nga e..."

"Anong kinamatay?"

"Hindi sinabi ng pulis, hindi rin matukoy nung mga nakakita kasi puro dugo daw ang katawan pero parang tinali daw base sa bakat doon sa pulsuhan saka sa may paa."

Fucky! Mabilis na pumasok sa isipan ko ang nangyari kagabi. Hindi lang bampira ang nakita ko sa gubat kagabi. Mayroon ding babae! Nakatali ang pulsuhan at paa niya. Hindi kaya... Siya iyong tinutukoy ni Alta?

Isa isang bumalik sa isipan ko ang mga nangyari ng gabing iyon. Akala ko ay bampira din ang babaeng iyon pero hindi pala dahil peke lang ang pangil niya. Iyon yung nga binebenta dati tuwing halloween, mga pekeng pangil.

"Laganap na naman ang krimen dito sa bayan natin, parang nung nakaraan lang may natagpuan ding bangkay.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status