MasukBahagyang kinagat ni Mallory ang kanyang labi hanggang sa makaramdam siya ng kaunting kirot, sinusubukang pigilan ang kaba na parang bubulusok na mula sa kanyang lalamunan patungo sa kanyang bibig.
Nakaupo sa lamesa si Mallory kasama ang magulang nito, hindi mapakali. Ilang sandaling pananahimik ang namayani sa pagitan ni Mallory at magulang siya hanggang sa tinipon niya ang lakas ng loob at tinawag niya ang kanyang ama. "Pa." Mabilis siyang sinulyapan ng kaniyang ama, ngunit ang kanyang mga mata ay inilibot agad sa paligid ng bahay nila, tila may hinahanap. "Nasaan ang kapatid mo? Hindi pa ba umuuwi?" tanong nito, may bahid ang tono ng pag-aalala. Agad na lumundag ang puso ni Mallory, ngunit hindi dahil sa kaba, kundi sa dismaya. Hindi siya ang una sa isip nila. Bago pa man makasagot si Mallory, sumingit ang kanyang ina. "Tumawag ako kanina lang. Sabi nila naglalaro raw sila ng basketball kasama ang mga kaklase niya. Katatapos lang daw at pauwi na," paliwanag nito, ang kanyang boses ay kalmado. Hindi napigilan ng ama ni Mallory ang mapabuntong-hininga. "Araw-araw na lang basketball ang inaatupag. Hindi man lang makapag-aral nang maayos. Walang patutunguhan ‘yang batang ‘yan," dismayadong wika nito na dahilan upang sumalubong ang kilay ng nanay ni Mallory. "Ano ka ba naman, nag-aaral pa lang ng high school ang bata. Paano mo naman nasabi na wala siyang patutunguhan? Wala namang amang nagsasalita ng ganyan sa kanyang anak," suway ng babae. Hindi na nakaimik pa ang ama ni Mallory. Ipinagpatuloy na lamang nito ang kanyang ginagawa, habang si Mallory ay nanatiling tahimik sa kanyang kinauupuan. Ramdam niya ang tensyon na bumabalot sa kanilang tahanan, at hindi niya alam kung paano ito haharapin. Nais niyang sabihin sa kanyang mga magulang ang tungkol sa kanyang pagbubuntis, ngunit natatakot siya sa kanilang magiging reaksyon. Alam niyang mahihirapan silang tanggapin ang kanyang sitwasyon, lalo na at isang estranghero pa ang ama ng kanyang dinadala. Inihain na ang hapunan, at silang tatlo ay tahimik na umupo sa mesa. Walang sinuman ang gumalaw sa kanilang mga kubyertos. Nakaugalian nila dati pa na hangga't hindi pa dumarating ang kapatid niya ay walang gagalaw ni isang kubyertos kahit pa na kakalam na ang mga sikmura nila sa kakahintay. Sanay na si Mallory sa ganitong sitwasyon. Walang emosyon niyang tinitigan ang mga butil ng bigas sa kanyang plato. Sa kanyang isipan, naglalaro ang mga posibleng mangyari sa kanyang kinabukasan. Paano niya haharapin ang responsibilidad na ito? "Bakit kaya hindi pa dumarating si Maison? May nangyari na kayang masama?" nag-aalalang tanong ng ina nito. Ang kanyang mga mata ay punung-puno ng pagkabahala. "Anong mangyayari sa isang lalaking tulad niya?" sagot naman ng lalaki, hindi rin niya napigilang magtanong, "Bakit hindi mo siya tawagan at tanungin?" Biglang naalala ni Mallory ang kanyang huling taon sa high school. Dahil kinakapos siya sa kanyang gastusin, kinailangan niyang umuwi sa kanilang bahay tuwing weekends upang humingi ng dagdag na pera sa kanyang mga magulang. Isang araw, bumuhos ang malakas na ulan habang siya ay pauwi. Naghintay siya sa ilalim ng mga alero ng mga gusali habang hinihintay na tumila ang ulan. Nang buksan niya ang pinto ng kanilang bahay, basang-basa, nakita niya ang kanyang mga magulang at ang kanyang nakababatang kapatid na kumakain sa mesa. Tila hindi nila alintana ang kanyang kalagayan. Sa halip, kaswal nilang sinabi, "Sa lakas ng ulan, akala namin hindi ka na makakabalik ngayon." Malalim na ang gabi ng makauwi ang dalaga ng gabing iyon. Tanging tira-tirang pagkain na lang ang nasa lamesa na iniwan para sa kaniya. Pero iba na kapag usapan na ang kapatid ni Mallory na si Maison. Kung siya ang magiging huli ng kahit sampung minuto, mag-aalala na sila at tatawag upang tanungin kung pauwi na ba siya, at maghihintay silang lahat bago kumain. Nang akmang tatawagan na ng ina ni Mallory si Maison narinig nila ang pagbukas ng pinto. Agad siyang tumayo at naglakad papunta sa pinto. "Nandito na si Sonson ko," anunsyo niya sa malambing na boses. The boy who walked in was only sixteen years old. His face was caught between childhood and maturity, a few strands of hair falling over his forehead. He had a carefree look about him, and the buttons on his uniform were undone. "Gutom ka na ba? Ipinagluto ka ni Mama ng paborito mong pork adobo,” nakangiting sambit ng ina sa anak na lalaki. "Ayaw ko niyan. Matagal ko nang hindi gusto 'yan," sagot ng binata ang tono ng boses ay tila nayayamot. "Talaga? Anong gusto mong kainin ngayon? Ipagluluto ni Mama sa susunod," tanong ni Cora. "Kahit ano," sagot ni Maison. Nang makita niya si Mallory, napatigil ito at nilingon ang ina, "Anong ginagawa niya dito?" Ni hindi man lang tinawag ang nakakatandang kapatid sa pangalan nito, na parang isang estranghero na biglang pumasok sa kanilang bahay, o isang bagay na hindi kailangan at hindi nararapat na nandoon. “Weekend ngayon. Dumalaw ang kapatid mo para maghapunan," sagot ng ina, at itinulak siya papunta sa kusina "Dali na, maghugas ka ng kamay bago ka kumain, baka lumamig ang pagkain." Padabog na pumasok si Maison sa kusina. Nanatiling tahimik si Mallory sa buong hapunan, habang patuloy na nilalagyan ni Corazon, ang ina nila, ng pagkain ang plato ni Maison, na parang takot itong magutom. Nakakunot ang noo ng binata at naiinip na sinabi habang iniiwas ang plato, "May mga kamay ako, ma….kaya ko 'to." Si Leo, ama nila na nanonood mula sa gilid, ay nagsalita, "Oo nga naman, hindi ka ba makakakain nang maayos?” Kung ikukumpara sa kanila, tila wala sa lugar si Mallory sa tahanan nila. Wala sa sariling kumain siya ng isang piraso ng matabang karne at ilang sandali pa, ang tiyan niya ay biglang sumikip, ang mamantikang lasa ay naging nakakasuka, at may init na dumapo sa kanyang leeg hanggang sa kanyang lalamunan. At biglang kumulo ang kanyang tiyan na parang may nagbabaga doon. Nasusuka ako…. Hindi niya napigilan at sumuka ang dalaga. Ibinuga ito sa sahig ang kinain. Silang tatlo ay napatingin sa kanya, at agad tinakpan ni Maison ang kanyang ilong dahil sa pandidiri. Bago pa man makapagsalita si Mallory, kumulo na naman ang kanyang tiyan. Tumakbo siya sa banyo sa abot at umupo sa inidoro para ilabas ang lahat ng kinain niya nang gabing iyon. "Anong nangyari?” Sinubukan siyang sundan ni Cora, tinatapik ang kanyang likod. "Bakit ka biglang sumuka?" Hirap na hirap si Mallory na sumuka pa, halos lumabas na ang kanyang mga luha sa sobrang kirot at pagkahihina. Namumula na ang kanyang mga mata, at ramdam niya ang init ng palad ni Cora sa kanyang likod. Bigla siyang naisip. Hinimas din kaya siya ng kanyang ina sa likod at inalo siya ng ganito bago pa man ipinanganak si Maison? Sa sandaling iyon, kumirot ang kanyang mga mata habang bumabagsak ang mga luha. Ang pagkabalisa at takot na kanyang kinimkim sa loob ng maraming araw ay biglang umapaw, na parang isang basong punong-puno na biglang nahulog at nabasag. Gusto niyang yakapin ang kanyang ina, sabihin na siya ay buntis, at tanungin kung ano ang dapat niyang gawin. Tapos na ba ang kanyang buhay…. “Okay ka na ba?" tanong ni Cora. Umiling si Mallory, pagkatapos ay nag-aalangan siyang sinabi, "Mama, b..." Bago pa man siya matapos magsalita, tumayo si Corazon at lumabas, nakasimangot habang nagsasalita, "Kapag okay ka na, linisin mo 'tong kalat. Kumakain tayo, at kumalat na sa buong lugar, bakit hindi mo man lang mapigilan at sa banyo na lang sumuka?" Ang mga salita ni Corazon ay tumama sa kanya na parang isang kulog. Walang sinuman ang nagmalasakit. Walang nagtanong kung ano ang nangyayari kay Mallory sa loob ng banyo, walang nag-abot ng tissue, walang nag-alok ng tubig para magmumog siya. Wala. Lahat ay nasa labas, nag-aalala lang sa pagkain at sa sarili nila. Narinig niya pa ang isang tinig mula sa labas ng banyo, "Sonson, bakit hindi ka kumakain? Lilinisin ni Mama ang lahat ng ‘to, kaya kumain ka pa." Sumagot ang naiinip na Maison "Hindi na ako kakain, nawalan na ako ng gana." Nagsalita si Leo sa isang malalim, matigas na boses, "Bilisan mo na diyaan at maglilinis ka pa! Hindi mo ba kami bibigyan ng bagong pagkain?" Biglang napahagulgol si Mallory, nakakaupo sa banyo, ang kanyang mga braso ay nakayakap sa kanyang tuhod. Hindi siya dapat nagkaroon ng anumang ilusyon tungkol sa kanila. Akala niya ay makakahanap siya ng kaunting ginhawa sa kanyang pamilya ngunit nakalimutan niya na ang lahat ng pinsalang dinanas niya ay nagmula dito mismo. Kapag may nagawa siyang mali, sisihin at ibubuntong lang nila sa kaniya. Sa kabila ng mga lumuluhang mata, naisip niya ang lalaking iyon, ang isa na nagdulot sa kanya ng liwanag noong gabing iyon, kasing linaw ng buwan na sumisikat sa gitna ng kadiliman. Can she bring herself to tell him what to do or will Mallory be left alone once more, gazing at a light that’s always just out of her grasp? —----- In the silence of the night, Theodore sat in his study, a room lined with heavy books and cold metal shelves, with a laptop open before him. The light from the screen was a pale blue that washed over his face, highlighting his sharp jaw, eyes like a motionless stream void of emotion, and the cool, aloof expression that made him seem untouchable by the world. His long, slender fingers, smooth as polished twigs, danced across the keyboard, their tap-tap-tapping like soft rain against the window. Beep beep beep Biglang nag-vibrate ang telepono sa gilid, ang tunog nito ay isang tahimik na alon sa gitna ng kanyang pag-iisip. Hinilot ni Theodore ang kanyang sentido gamit ang isang daliri, ang kanyang kilay ay bahagyang tumataas, ang tanging palatandaan ng kanyang pagkagambala , bago ito kinuha. Nakita niya na ito ay isang hindi pamilyar na numero Unknown number: Can we talk? Napatitig ng matagal sa screen si Theodore, ang kanyang daliri ay nakalutang sa ibabaw ng keyboard, titipa sana ng isasagot ang lalaki nang biglang lumitaw ang pangalawang mensahe. Unknown number: It's me. Mallory De CarloBahagyang kinagat ni Mallory ang kanyang labi hanggang sa makaramdam siya ng kaunting kirot, sinusubukang pigilan ang kaba na parang bubulusok na mula sa kanyang lalamunan patungo sa kanyang bibig. Nakaupo sa lamesa si Mallory kasama ang magulang nito, hindi mapakali. Ilang sandaling pananahimik ang namayani sa pagitan ni Mallory at magulang siya hanggang sa tinipon niya ang lakas ng loob at tinawag niya ang kanyang ama. "Pa." Mabilis siyang sinulyapan ng kaniyang ama, ngunit ang kanyang mga mata ay inilibot agad sa paligid ng bahay nila, tila may hinahanap. "Nasaan ang kapatid mo? Hindi pa ba umuuwi?" tanong nito, may bahid ang tono ng pag-aalala. Agad na lumundag ang puso ni Mallory, ngunit hindi dahil sa kaba, kundi sa dismaya. Hindi siya ang una sa isip nila. Bago pa man makasagot si Mallory, sumingit ang kanyang ina. "Tumawag ako kanina lang. Sabi nila naglalaro raw sila ng basketball kasama ang mga kaklase niya. Katatapos lang daw at pauwi na," paliwanag nito, ang kanyang b
Pinilit niyang kalimutan muna ang lahat ng nangyari at ginugol na lang ang lahat ng oras sa pagtatrabaho at pag-aaral. Sa mga sumunod na araw, minsa’y wala sa sariling naglalakad sa mga pasilyo, nakatingin lang sa kawalan habang nakaupo sa library, parang may malaking salamin na naghahati sa kanya sa mundo. Walang sigla ang kanyang mga mata, walang gana kumain o makipag halo bilo sa iba. Parang isang laruan na walang baterya, patakbo lang ng kung ano ang kailangan gawin. Hindi pa siya nakakapagtapos ng kolehiyo. Alam niyang hindi niya pwedeng ituloy ang pagbubuntis, pero hindi niya kayang sabihin sa kanyang mga magulang. Para magawa ang operasyon, kailangan niya ng pirma ng kanyang pamilya, at kailangan pa niyang magpahinga. Kung malalaman ng mga tao sa eskwelahan, masisira ang kanyang pag-aaral at scholarship na pinaghirapan niya. Sa unang pagkakataon, nakaramdam siya ng labis na takot at pagkabalisa. Ramdam din ito ni Mimi, kaya tinanong siya nito, "Oy Lori, anong nangyayari sa'
Hinihingal na si Mallory habang naglalakad sa hallway, ang dibdib niya ay tumutunog nang malakas mula sa pagtakbo palabas ng opisina, para lang pigilan ang kanyang mga hikbi. Ngunit, hindi pa ata sapat ang nangyari sa opisina ni Professor Leviste at nakasalubong niya si Iñigo at ang ilan sa kanyang mga kaibigan. Mas matangkad si Iñigo kanila, at madaling makita dahil sa kanyang katangakaran at itsura. Naglalakad sila sa unahan ni Mallory at hindi napansin na nandiyan siya. "Uy, Jos, sabi nila hindi ka raw kinontak ni “Kurot” bago magsimula ang semester." "Siguro narinig nilang may girlfriend ka na kaya nadurog ang puso noon." "Kanina pa nga lutang sa klase ni Prof Levsite, sigurado dahil 'yun sa'yo at kay Julia na nakaupo sa harapan." Sabay sabay nagtawanan ang mga lalaki. Napagtanto ni Mallory na ang tinutukoy nilang "Kurot" ay siya. Pareho silang nasa top 10 ng klase ni Iñigo, at dahil gusto niya ito, madalas niya itong yayain na mag-aral nang magkasama. Hindi niya akalain na
Nakaupo si Professor Leviste malapit sa bintana, ang likod niya ay tuwid habang tinitingnan ang labas. Ang kanyang mukha ay parang inukit sa marmol, perpekto ang hugis ng kanyang panga, ang mga pisngi na bahagyang namumula dahil sa sikat ng araw. His eyes were like early morning ice, cold but with a tiny spark of tenderness like a star, so alluring you wanted to spill every secret. His nose had a subtle curve, not too sharp , making his whole face feel special in a way you couldn’t explain. Kahit ang araw ay parang pinipili siyang bigyan ng tamang liwanag, ang sinag ay dumadaan sa bintana at nagpapakislap sa kanyang buhok, parang binibigyan siya ng sariling ilaw. Parang kakapusin sa hininga si Mallory nang makita siya at ang mundo ay tumigil bigla. Ang gwapo! Ang tanging salitang pumasok sa kanyang isip, na parang hindi sapat para ilarawan ang kung ano ang nakikita niya. Pero bigla niyang naalala na hindi ito ang tamang oras para magpakatanga, kaya kinabahan na naman siya "A
Ano nga ba ang gagawin mo kapag pagkagising mo mula sa isang one-night stand, bigla mong natuklasang na propesor mo pala sa isa niyong klase? Sa sandaling iyon, ramdam ni Mallory na parang may pumukpok ng martilyo sa ulo niya. Yung tipong hindi na siya makapag-isip, hindi makahinga parang hinihigop palabas ang kaluluwa niya. Ang dami niyang gustong sisihin, sarili niya, ‘yong alak, si Iñigo, o malas lang talaga siya sa buhay. Nakaupo siya upuan niya, blangko ang tingin, pilit inaaninaw kung paano siya napunta sa sitwasyong ’to. Hindi niya alam kung iiyak ba siya, tatalon sa bintana, o babalik na lang sa pagkakatulog at sana panaginip lang lahat. Nang bumaling si Mimi kay Mallory napansin niyang wala sa sarili ang kaibigan. "Lor? Anong nangyari sa'yo? Para kang nakakain ng tae," salubong ang kilay na tanong ng kaibigan. Kung pwede lang, mas gugustuhin pa ni Mallory na kumain ng tae. "Mi…." nagmamakaawang sabi ni Mallory, "Patayin mo nalang ako. Wala na, ayoko na…" mangiyak ngiya
"Ugh..." Bumukas ang pinto ng silid, at dalawang pigura ang halos sumubsob sa loob. Kapwa sila lasing, at nagsimulang maghalikan. Ang mga halinghing ay nagsimulang umalingawngaw sa silid. "Ah!" Napasinghap si Mallory nang bigla siyang buhatin ng lalaki. Ang paa naman nito ay agad pumulupot sa bewang ng lalaki. Habang humigpit naman ang hawak nito sa bewang niya, hinila siya papalapit hanggang sa maramdaman niya ang tibok ng dibdib nito. Ibinagsak siya nito sa kama na parang wala itong pakialam kung maguluhan man ang kumot. At bago pa siya makabawi, pumaibabaw ang lalaki. Ang mga kamay ay nagsimulang maglakbay sa katawan ni Mallory. Mapula ang mga mata ng lalaki. Ang kanyang mga mata ay nagliliyab ng pagnanasa. Iyon ay tingin ng isang lalaking matagal nang nagtitimpi at ngayong natanggal ang preno…wala na siyang balak huminto. Mahigpit na kumapit si Mallory sa kumot, may sumilip na liwanag mula sa bintana, sumasayaw sa kanyang balat kasabay ng kanyang hininga, at ang kanyang mga







