共有

Kabanata 05

作者: raenique
last update 最終更新日: 2025-12-15 21:26:14

Pinilit niyang kalimutan muna ang lahat ng nangyari at ginugol na lang ang lahat ng oras sa pagtatrabaho at pag-aaral. Sa mga sumunod na araw, minsa’y wala sa sariling naglalakad sa mga pasilyo, nakatingin lang sa kawalan habang nakaupo sa library, parang may malaking salamin na naghahati sa kanya sa mundo. Walang sigla ang kanyang mga mata, walang gana kumain o makipag halo bilo sa iba.

Parang isang laruan na walang baterya, patakbo lang ng kung ano ang kailangan gawin.

Hindi pa siya nakakapagtapos ng kolehiyo. Alam niyang hindi niya pwedeng ituloy ang pagbubuntis, pero hindi niya kayang sabihin sa kanyang mga magulang. Para magawa ang operasyon, kailangan niya ng pirma ng kanyang pamilya, at kailangan pa niyang magpahinga. Kung malalaman ng mga tao sa eskwelahan, masisira ang kanyang pag-aaral at scholarship na pinaghirapan niya.

Sa unang pagkakataon, nakaramdam siya ng labis na takot at pagkabalisa. Ramdam din ito ni Mimi, kaya tinanong siya nito, "Oy Lori, anong nangyayari sa'yo?"

Nitong mga nakaraang araw, ang kanyang mukha ay maputla, at parang wala siyang kaluluwa.

Mahina siyang umiling. "Wala 'to."

Imposible.

"Sabihin mo sa akin kung anong problema. Magtutulungan tayong ayusin 'to." Parang naaawa si Mimi sa kanya. Nag-aalangan din itong magtanong, “Dahil ba 'to kay Iñigo?"

Para kay Mallory, hindi na mahalaga si Iñigo sa buhay niya ngayon.

But Mimi was also a student, young, still finding her footing in a world that already felt too big. If she told her now, it would only twist her thoughts more, tangling her up in confusion she didn’t need to carry.

Ngumiti siya. "Wala talaga 'to. Huwag kang mag-alala."

Dahil hindi siya nagsasalita, hindi na lang din siya pinilit ni Miimi. Sinubukan nitong magsalita tungkol sa ibang bagay para maiba ang usapan. "Mamaya, ang huling klase natin ay ang Anatomy ni Prof Leviste. Agahan natin para makahanap tayo ng magandang upuan."

Doon lang nakaramdam ng pagkabahala si Mallory. Hindi niya kayang harapin si Theodore. "Pwede bang hindi na lang ako pumasok?"

"Hindi pwede. Alam mo naman na sobrang istrikto ni Prof Leviste. Lagi siyang nagtatawag ng pangalan. Hindi ko alam sa ibang klase, pero sa klase niya, walang umaabsent."

Meron at si Mallory ang kauna unahang estudyante iyon.

Pero wala siyang lakas ng loob. Sa tatlong taon niya sa kolehiyo, hindi pa siya umaabsent. At alam na rin ni Theodore ang tungkol sa kanya.

If she let's Mimi sign the attendance for her, it’s like she’s handing herself over to a tiger on a silver platter.

Bago pa man magsimula ang klase, hinila na siya ni Mimi papuntang auditorium. Sa kasamaang palad, nakahanap sila ng upuan sa harapan.

"Mi, pwede bang doon na lang tayo sa likod? May upuan pa doon," pakiusap ni Mallory.

The moment they stepped into the lecture room together, Mallory’s stomach twisted into a knot and suddenly, she wanted to avoid Theodore more than ever.

"Hindi pwede. Ang ganda kaya ng upuan na 'to." Umupo na si Mimi. "Perfect 'to para makita natin nang malapitan ang kagwapuhan ni Prof Leviste."

Naisip ni Mallory na sa likod na lang siya uupo. Pero nakita niyang may nakaupo na roon. Wala siyang nagawa kundi umupo sa tabi ng kaibigan.

Maya-maya, nag-ring ang bell hudyat na magsisimula na ang lecture. Nagtago si Mallory sa likod ni Mimi para hindi siya mahalata.

Like always, Professor Leviste walked in looking impossibly handsome, his long legs moved with easy confidence, his frame was tall and sharp, and the khaki coat draped over him like it was made just for him.

Tumahimik ang buong auditorium parang nawalan lahat ng boses.

Ang kanyang malalim na boses ay umalingawngaw sa buong silid habang hawak ang mikropono. "Alright, shall we begin?”

Sa pagkakataong ito, hindi na lutang si Mallory. Isinulat niya ang lahat ng importanteng detalye sa kanyang notebook. Habang nakikinig, hindi niya mapigilang obserbahan si Theodore ng kanyang mga mata.

Aminin man ni Mallory, si Theodore ang pinakagwapong lalaki na nakita niya dito sa auditorium. May itsura, may karisma siyang lumalabas mula sa bawat salitang binibigkas, mula sa kanyang malalim na kaalaman na parang walang katapusan.

Ang paraan niya ng pagtuturo ay napakahusay. Ginagawa niyang simple ang mga kumplikadong bagay. Madaling makinig sa kanya. Kusang-loob na nakikinig ang lahat sa kanyang tinuturo.

Nakikinig nang mabuti si Mallory habang nakatingin kay Theodore.Nang bigla itong, tumingin sa kaniyang direksyon. Nagtama na naman ang kanilang mga mata.

Dahil sa pagkabigla ay yumuko si Mallory.

Naisip niya kung ano kaya ang magiging reaksyon ni Prof Leviste kapag nalaman niyang buntis siya.

Siya ang ama ng kanyang dinadala. Sigurado soya doon, dahil siya ang una at huling lalaki na nakasama niya. Dapat naman niya sigurong sabihin ito?

Kinagat ni Mallory ang kanyang labi.

Ayaw na niyang magkaroon pa ng koneksyon kay Prof Leviste.

Lumipas ang ilang oras at nag-ring na ang bell. Pinatay ni Theodore ang kanyang presentation at humarap sa mga estudyante.

"Class is dismissed. If any of you have questions, you can ask me now.”."

"Prof, ako po."

"I have a question, sir."

Nilapitan ng ilang estudyante si Theodore. Habang sinasagot nito ang mga tanong, nakita niya si Mallory na biglang tumayo at umalis, na parang may humahabol dito.

Nitong mga nakaraang araw, dalawang beses na silang nagkita sa campus. Sa tuwing nakikita siya nito, agad itong umiiwas.

Tiningnan ni Thedore ang kanyang records.

She’s only 20 years old, but her track record? Not a single day of absence, it’s like his feet are glued to campus. Always in the top 10 of her class, and she never misses out on a scholarship every semester.

Everything seems so easy for her, a true all-around achiever.

Yumuko si Theodore at nagpatuloy sa pagsagot ng mga tanong.

—--

Hindi madalas umuwi sa kanila si Mallory tuwing weekend. Pero dahil sa mga nangyayari, gusto niyang makasama ang kanyang pamilya.

Biyernes ng gabi, umuwi siya.

Pagbukas niya ng pinto, naamoy niya ang niluluto. Narinig niya ang boses ng kanyang ina na mula sa kusina "Ga, andiyan ka na ba? Malapit na 'to."

Ibinaba ni Mallory ang kanyang bag at pumunta sa kusina. "Ma, ako 'to."

Napalingon ang nanay niya sa direksyon ni Mallory. Nang makita niyang si Mallory nga ay napatigil siya. "Bakit ka umuwi?"

"Weekend bukas," sagot ni Mallory.

Sumimangot ang nanay niya . "Dapat sinabi mo sa akin na uuwi ka. Hindi kita naipagluto."

"Sinabi ko naman sa'yo kahapon."

"Talaga?" Walang pakialam na sagot ni kaniyang nanay. "Nakakalimutan ko na kasi ang mga ganitong bagay. Hindi ka naman umuuwi."

Hindi na nagsalita si Mallory.

Tuwing malapit na ang weekend, tinatawagan si Mimi ang kanyang mga magulang para tanungin kung uuwi siya. Sa pamilya ni Mallory, wala man lang nag abalang kamustahin siya.

"Ano pang tinatayo-tayo mo diyan? Ilabas mo na ang mga ulam. Tawagan mo na rin ang kuya at tatay mo. Pinapabili ko pa ng kanin sa labas."

"Sige po." Naghugas si Mallory ng kamay at dinala ang mga ulam sa mesa. Pagkatapos, tinawag niya ang nakatatanda niyang kapatid sa kwarto nito.

Nang maluto ang lahat ng ulam ay saktong dumating ang kanyang tatay na may dalang kanin.

Habang nagtatanggal ng sapatos, nagrereklamo pa ito “Dapat sinabi mo na uuwi ka. Ang mahal pa naman ng bigas sa labas. Pati ang lalagyan, kailangan pang bayaran. Sayang ang tatlong piso. Makakabili na sana tayo ng ulam."

"Sobrang mahal na ng mga bilihin ngayon. Ang taas ng presyo ng lahat, pero hindi tumataas ang sweldo mo. Hindi na tayo makakaraos," utas ba ng nanay niya, inaabot ang lalagyan ng kanin. "Bakit pa kailangan ang lalagyan na 'yan? Malinis naman ang plastic bag. Diyan na lang sana nilagay.”

Ang magulang ni Mallory ay patuloy na nagbabangayan, boses nila ay umaalingawngaw hanggang sa pumasok silang dalawa sa loob nang hindi nililingon si Mallory.

Habang ang dalaga ay naiwan sa pintuan, nakatayo, hindi makagalaw, kasing-tigas ng yelo ang kanyang buong katawan. Kasama nga niya ang pamilya niya, ngunit walang sinuman ang tumitingin, walang sinuman ang nag-aalala.

Tumulo ang luha sa kanyang pisngi habang humugot ng malalim na hininga. Kinapa niya ang kanyang tiyan, at doon mismo sa pintuan na iyon, ipinangako niya na papalakihin niya ito ng lahat ng pagmamahal na kailanman hindi niya nakuha dito sa sarili niyang tahanan.

Na sa mga bisig niya, hindi kailanman malulungkot na at mag iisa ng ganito.

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • Shadows of a Vow: The Professor's Hidden Bride    Kabanata 06

    Bahagyang kinagat ni Mallory ang kanyang labi hanggang sa makaramdam siya ng kaunting kirot, sinusubukang pigilan ang kaba na parang bubulusok na mula sa kanyang lalamunan patungo sa kanyang bibig. Nakaupo sa lamesa si Mallory kasama ang magulang nito, hindi mapakali. Ilang sandaling pananahimik ang namayani sa pagitan ni Mallory at magulang siya hanggang sa tinipon niya ang lakas ng loob at tinawag niya ang kanyang ama. "Pa." Mabilis siyang sinulyapan ng kaniyang ama, ngunit ang kanyang mga mata ay inilibot agad sa paligid ng bahay nila, tila may hinahanap. "Nasaan ang kapatid mo? Hindi pa ba umuuwi?" tanong nito, may bahid ang tono ng pag-aalala. Agad na lumundag ang puso ni Mallory, ngunit hindi dahil sa kaba, kundi sa dismaya. Hindi siya ang una sa isip nila. Bago pa man makasagot si Mallory, sumingit ang kanyang ina. "Tumawag ako kanina lang. Sabi nila naglalaro raw sila ng basketball kasama ang mga kaklase niya. Katatapos lang daw at pauwi na," paliwanag nito, ang kanyang b

  • Shadows of a Vow: The Professor's Hidden Bride    Kabanata 05

    Pinilit niyang kalimutan muna ang lahat ng nangyari at ginugol na lang ang lahat ng oras sa pagtatrabaho at pag-aaral. Sa mga sumunod na araw, minsa’y wala sa sariling naglalakad sa mga pasilyo, nakatingin lang sa kawalan habang nakaupo sa library, parang may malaking salamin na naghahati sa kanya sa mundo. Walang sigla ang kanyang mga mata, walang gana kumain o makipag halo bilo sa iba. Parang isang laruan na walang baterya, patakbo lang ng kung ano ang kailangan gawin. Hindi pa siya nakakapagtapos ng kolehiyo. Alam niyang hindi niya pwedeng ituloy ang pagbubuntis, pero hindi niya kayang sabihin sa kanyang mga magulang. Para magawa ang operasyon, kailangan niya ng pirma ng kanyang pamilya, at kailangan pa niyang magpahinga. Kung malalaman ng mga tao sa eskwelahan, masisira ang kanyang pag-aaral at scholarship na pinaghirapan niya. Sa unang pagkakataon, nakaramdam siya ng labis na takot at pagkabalisa. Ramdam din ito ni Mimi, kaya tinanong siya nito, "Oy Lori, anong nangyayari sa'

  • Shadows of a Vow: The Professor's Hidden Bride    Kabanata 04

    Hinihingal na si Mallory habang naglalakad sa hallway, ang dibdib niya ay tumutunog nang malakas mula sa pagtakbo palabas ng opisina, para lang pigilan ang kanyang mga hikbi. Ngunit, hindi pa ata sapat ang nangyari sa opisina ni Professor Leviste at nakasalubong niya si Iñigo at ang ilan sa kanyang mga kaibigan. Mas matangkad si Iñigo kanila, at madaling makita dahil sa kanyang katangakaran at itsura. Naglalakad sila sa unahan ni Mallory at hindi napansin na nandiyan siya. "Uy, Jos, sabi nila hindi ka raw kinontak ni “Kurot” bago magsimula ang semester." "Siguro narinig nilang may girlfriend ka na kaya nadurog ang puso noon." "Kanina pa nga lutang sa klase ni Prof Levsite, sigurado dahil 'yun sa'yo at kay Julia na nakaupo sa harapan." Sabay sabay nagtawanan ang mga lalaki. Napagtanto ni Mallory na ang tinutukoy nilang "Kurot" ay siya. Pareho silang nasa top 10 ng klase ni Iñigo, at dahil gusto niya ito, madalas niya itong yayain na mag-aral nang magkasama. Hindi niya akalain na

  • Shadows of a Vow: The Professor's Hidden Bride    Kabanata 03

    Nakaupo si Professor Leviste malapit sa bintana, ang likod niya ay tuwid habang tinitingnan ang labas. Ang kanyang mukha ay parang inukit sa marmol, perpekto ang hugis ng kanyang panga, ang mga pisngi na bahagyang namumula dahil sa sikat ng araw. His eyes were like early morning ice, cold but with a tiny spark of tenderness like a star, so alluring you wanted to spill every secret. His nose had a subtle curve, not too sharp , making his whole face feel special in a way you couldn’t explain. Kahit ang araw ay parang pinipili siyang bigyan ng tamang liwanag, ang sinag ay dumadaan sa bintana at nagpapakislap sa kanyang buhok, parang binibigyan siya ng sariling ilaw. Parang kakapusin sa hininga si Mallory nang makita siya at ang mundo ay tumigil bigla. Ang gwapo! Ang tanging salitang pumasok sa kanyang isip, na parang hindi sapat para ilarawan ang kung ano ang nakikita niya. Pero bigla niyang naalala na hindi ito ang tamang oras para magpakatanga, kaya kinabahan na naman siya "A

  • Shadows of a Vow: The Professor's Hidden Bride    Kabanata 02

    Ano nga ba ang gagawin mo kapag pagkagising mo mula sa isang one-night stand, bigla mong natuklasang na propesor mo pala sa isa niyong klase? Sa sandaling iyon, ramdam ni Mallory na parang may pumukpok ng martilyo sa ulo niya. Yung tipong hindi na siya makapag-isip, hindi makahinga parang hinihigop palabas ang kaluluwa niya. Ang dami niyang gustong sisihin, sarili niya, ‘yong alak, si Iñigo, o malas lang talaga siya sa buhay. Nakaupo siya upuan niya, blangko ang tingin, pilit inaaninaw kung paano siya napunta sa sitwasyong ’to. Hindi niya alam kung iiyak ba siya, tatalon sa bintana, o babalik na lang sa pagkakatulog at sana panaginip lang lahat. Nang bumaling si Mimi kay Mallory napansin niyang wala sa sarili ang kaibigan. "Lor? Anong nangyari sa'yo? Para kang nakakain ng tae," salubong ang kilay na tanong ng kaibigan. Kung pwede lang, mas gugustuhin pa ni Mallory na kumain ng tae. "Mi…." nagmamakaawang sabi ni Mallory, "Patayin mo nalang ako. Wala na, ayoko na…" mangiyak ngiya

  • Shadows of a Vow: The Professor's Hidden Bride    Kabanata 01

    "Ugh..." Bumukas ang pinto ng silid, at dalawang pigura ang halos sumubsob sa loob. Kapwa sila lasing, at nagsimulang maghalikan. Ang mga halinghing ay nagsimulang umalingawngaw sa silid. "Ah!" Napasinghap si Mallory nang bigla siyang buhatin ng lalaki. Ang paa naman nito ay agad pumulupot sa bewang ng lalaki. Habang humigpit naman ang hawak nito sa bewang niya, hinila siya papalapit hanggang sa maramdaman niya ang tibok ng dibdib nito. Ibinagsak siya nito sa kama na parang wala itong pakialam kung maguluhan man ang kumot. At bago pa siya makabawi, pumaibabaw ang lalaki. Ang mga kamay ay nagsimulang maglakbay sa katawan ni Mallory. Mapula ang mga mata ng lalaki. Ang kanyang mga mata ay nagliliyab ng pagnanasa. Iyon ay tingin ng isang lalaking matagal nang nagtitimpi at ngayong natanggal ang preno…wala na siyang balak huminto. Mahigpit na kumapit si Mallory sa kumot, may sumilip na liwanag mula sa bintana, sumasayaw sa kanyang balat kasabay ng kanyang hininga, at ang kanyang mga

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status