Share

CHAPTER 2

Medyo mabigat ang pakiramdam ko nang magising ako. Siguro ay dahil sa pagod na rin nitong mga nakaraang araw. Hindi na yata kinakaya pa ng katawan ko. Wala naman akong lagnat pero feeling ko ay meron. Agad akong napalingon sa pwesto ni Edrick. As usual, wala na naman siya.

Kailan ka pa ba masasanay Lex?

No… Ayokong masanay na wala siya lagi sa tabi ko. Natatakot ako na yun ang mag-uudyok sakin para sumuko. Bumangon na ako at dumiretso sa CR. After kung maligo at makapag ayos at linis sa kwarto ay bumaba na ako, baka sakaling maabutan ko pa siya.

“Good morning nak.”

“Good morning nang. Si Tsong?”

“Ay! Kanina pa nakaalis. Akala ko ay gising ka ng bumaba siya rito kaya hindi na kita inakyat.” Napasinghap na lang ako at napatango-tango.

“May sinabi ba siya 'nang bago umalis?”

“Wala naman. Hindi nga rin ‘yon kumain eh.”

“Hindi kumain? Bakit naman?”

“Hindi ko rin alam. Ikaw ba, kumain ka kagabi?”

Nasapo ko ang aking noo. Kaya naman pala nanghihina ako dahil nakalimutan ko ng kumain. Natulog na lang ako kaysa malungkot at magdamdam. Wala naman akong mapapala.

“Ahh… Oo, kumain naman ako. Tulungan mo akong magluto 'nang. Dadalawin ko si Tsong sa set nila mamaya, dadalhan ko na lang siya ng pagkain.”

“Ohh sige. Mabuti pa nga. Yayain mo na lang din siyang mamasyal pagkatapos ng work niya nang makapag-bonding naman kayo.” Pilit na ngiti ang pinakawalan ko. Gusto ko ang ideyang iyon pero ewan ko lang sa kanya. Pumasok ako sa kusina at nagsimula nang magluto.

“Kain ka na muna Lex. Hindi ka naman yata kumain kagabi eh. Walang bawas ang pagkain na itinabi ko para sa’yo.”

“Wala ho talaga akong gana. Manang pwede ba akong humingi ng pabor?”

“Ano ba ‘yon, 'nak?”

“Kapag pumunta rito sina Tita Nana, ‘wag na ‘wag niyo ho sanang mababanggit ang nangyayari sa amin ni Edrick. Alam niyo naman ho siguro na we’re not really in a good terms right now. Kailangan lang ni Tsong ng makakaintindi sa kanya, he needs me. Alam kong babalik din siya sa dati.” Napabuntong-hininga sabay tango lang ito bilang tugon sa aking pakiusap.

“Pero sana naman nak unahin mo muna ‘yong sarili mo. Hindi pwedeng ikaw at ikaw lang ang umiintindi. Sana nga bumalik na sa dati si EJ,” maya-maya ay saad nito.

Ngumiti naman ako nang pilit. “Aalagaan ko naman po ang sarili ko, ‘wag niyo akong aalalahanin.”

Pagkatapos naming magluto ay naghanda na ako. Tinawagan ko na muna si Pierce dahil siya lang naman lagi ang nakakasama niya.

“Hello Lex.”

“Hello, Pierce itatanong ko lang sana kung saan ang set niyo ngayon?”

“Ah, hindi kami magkasama ngayon ni EJ. Sina Garry ang kasama niya, tatanungin ko na lang then I’ll text you the address.”

“Yes, please? Salamat talaga.”

“You’re always welcome.” Pinutol ko na ang linya at hinintay na lang ang text. Lumabas na ako at inihanda na rin ang sasakyan. Napapitlag ako nang bigla nagvibrate ang phone ko.

“Good morning po Ma’am Alexa,” bati sa’kin ni Pia. Ang Personal Secretary ko sa A’s Publishing Company na pagmamay-ari ko rin naman.

Mula nang maikasal ako kay Edrick ay pansamantala muna akong tumigil sa pagsusulat at itinuon ang aking atensyon sa APC dahil mas gusto kong tumulong sa mga kabataang gustong maging manunulat kagaya ko.

“Good morning. Problem?”

“Pumayag na po si Mr. Maxwell na mag-invest sa APC at nagpa-set na ho siya ng appointment with you ngayong araw.”

At last! Napapayag ko rin ang batong iyon. Isa yata ako sa maswerteng hindi niya ni-reject. Kahit may kasungitan ang lalaking iyon ay pakiramdam ko naman ay magkakasundo kami.

“Mabuti kung gano’n. Pero may lakad ako ngayon eh. Ano bang oras?”

“Mamayang 1:00 pm po.”

“Okay. Got it. Susubukan kong humabol pero kung hindi ako makarating ay ikaw na ang bahalang makipag-usap sa kanya.”

“Copy Ma’am.”

Napabuntong-hininga na lang ako. Mabigat pa rin ang ulo ko pero kaya pa naman. Nang matanggap ko na ang text galing kay Pierce ay umalis na ako. Sana man lang matuwa siya sa pagbisita ko sa kanya. Hindi niya man lang ako ginising.

Hindi ko na alam kung saan ba patutungo ito pero handa pa rin akong sumugal. Handa akong masaktan ulit  maisalba ko lang ang paunti-unting lumalabo naming relasyon. Nangako kami sa isa’t-isa at yun na lang ang pinanghahawakan ko sa ngayon.

Dahil sobrang traffic ay mahigit isang oras din bago ko tuluyang narating ang venue ng shoot nila. Kinuha ko na ang paper bags na may mga lamang foods at hinanap na siya. Agad kong nakasalamuha ang mga teen artists na kasamahan niya.

Wala siya rito, asan kaya?

“Oh? Miss A.A! My God! Ang ganda niyo po.”

“Salamat. Ang ganda mo rin.”

“Kinilig naman po ako, ako nga pala si Yasmin.”

“Ako naman po si Ylona. Idol po kita.”

“Talaga ba? Salamat.” Isang pilit na ngiti ang ibinigay ko sa mga ito. Ang totoo ay kilala ko naman talaga sila dahil mga sikat sila eh.

“Pwede bang magtanong?”

“Yes po. Ano po ‘yon?”

“Si Edrick ba nandito?”

“Ay! Kanina po pero lumipat na sila. Tapos na ho kasi sila rito eh. Actually, parang kakaalis lang nila.”

“Yie! Dadalawin pala si Mahal.”

“Sana lahat dinadalaw, diba?” Tuksuhan pa nila. Ngumiti na naman ako.

“Gano’n ba? Alam niyo ba kung saan?”

“Earl diba alam mo?”

“Ah yes. Ako po papunta rin doon. Sabay na lang po kayo.”

“Sige. Aalis ka na ba?”

“Opo, tara na.” Sumunod na lang ako kay Earl.

Another one hour na naman ang biyahe. It’s 11:00 am already. May isang oras na lang ako. Pagkarating namin sa venue ay hindi na ako nag-aksaya ng panahon pa. Agad na nagtanong ako at hinanap siya.

“Nasa tent po na 'yon. Pasok ka na lang po kayo,” ani ng napagtanungan ko.

“Salamat,” saad ko at mabilis na tinungo ang tent. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong kinabahan. Napahawak pa ako sa aking dibdib at napapikit. Ang tibok ng puso ko ay parang hindi na normal. Ang sakit. Kinalma ko muna ang aking sarili bago pumasok.

“Bakit ba kasi ang gwapo mo? Nanggigigil tuloy ako sa’yo.” Napahigpit ang kapit ko sa paper bag at tila ba nayanig ang sistema ko.

He’s with his singing partner Crisha at nakaakbay pa talaga siya do'n sa isa habang magkadikit na magkadikit na nakaupo.

“Ewan ko ba. Ganda mo rin naman ah?” aniya sabay tawa. Nasaktan ako ng marinig ang tawa niya. Tawang hindi niya nagagawa kapag nasa bahay o kapag kausap ako. Tawang matagal ko ng hindi naririnig.

“Mas gwapo ka kapag nakatawa. Gawin mo ‘yan lagi ha?”

“Kung ‘yon ang gusto mo eh di sige. Pero kapag tayo lang ang magkasama.” Napapikit ako habang iniinda ang sakit. Tuluyan na akong pumasok. Meron naman silang kasama rito na parang wala namang pakialam sa kanila.

“Excuse me,” untag ko sa kanilang lahat. Nakita kong napahiwalay agad sila sa isa’t-isa.

“Oh… Miss A.A,” masiglang saad nung isa. Napadapo ang tingin ko sa kanya. Para bang nawalan agad ng kulay ang kanyang mukha. Nginitian ko siya.

“What are you doing here?” paasik niyang tanong.

“Ahh, guys labas muna tayo!” anunsiyo nung isa. “Sa labas lang kami,” paalam naman ni Crisha sa kanya.

“Sige. Saglit lang naman ito.” Napalunok ako. Hindi man lang siya masaya na nandito ako. Hinintay ko munang makalabas lahat bago ako nagsalita.

“Sinabi kasi ni Manang na hindi ka kumain ng agahan kaya naman hinatidan na lang kita.”

“Anong tingin mo sa akin, bobo? Pwede namang bumili ako ng pagkain at kumain kasama ang mga katrabaho ko diba? Hindi ka na sana nag-abala pa.” Nakagat ko naman ang labi ko. Wala naman akong sinabing bobo siya diba?

“Gusto ko lang din namang dalawin ka.”

“Dalawin? Bakit? Hindi ba ako umuuwi sa bahay?”

“Wala naman akong sinabing hindi ka umuuwi.” Nakita kong napakuyom pa siya. Bakit ba ang laki ng galit niya sakin?

“Iwanan ko lang ito rito. Alis na ako dahil may meeting ako with Maxwell.”

“With whom?”

“With Mr. Maxwell,” ulit ko at tinalikuran na siya bago pa ako makabitaw ng salita na sa bandang huli ay pagsisihan ko rin naman.

May oras pa ako para sa biyahe. Hindi naman masyadong traffic na kaya sakto lang ang dating ko. Agad na nakipagsosyo ako kay Maxwell at maayos naman ang aming naging usapan.

“You look so stress Miss Sebastian,” puna nito sa akin.

“Mrs. Ramirez,” agad na pagtatama ko.

“Whatever. Magpahinga ka naman minsan. Isa ka sa mayamang tao sa bansang ito kaya hindi mo na kailangang pagurin ang sarili mo.” Matutuwa sana ako kung si Edrick ang magsabi na ganyan para maramdaman ko man lang na may pakialam pa siya sakin.

“Anyway, so it’s all settled. Mauna na ako,” paalam nito. Tumango na lang ako. Napasandal ako at inalala ang senaryong nadatnan ko kanina.

Cheating is a sin tho. Masakit pero kakayanin ko Edrick para sa pangakong binitawan ko sa’yo noong araw na isinuko ko ang buhay ko sa’yo. Dadayain ko muna ang sarili kong emosyon para sa'yo, para sa pagmamahal na nararamdaman ko para sa'yo.

Lumabas na ako ng opisina at umuwi na lang ng bahay para makapagpahinga. Nararamdaman ko na kasi ang panghihina ng aking sistema. Nadatnan ko sina Lovely na nasa sala.

“Oh? Napadalaw kayo?”

“Wala kaming misyon eh. Kamusta?”

“Ayos lang naman. Galing ako kanina sa set nina Tsong.”

“Wow ha? Sweet naman. Sana ganyan din tayo Love ha?” singit ni Jaivee.

“Anong ganyan?” asik ni Lovely.

“Iyong sweet pa rin kahit matagal ng kasal.” Napalunok ako ng sunod-sunod.

“Oo nga. Gusto ko ‘yong araw-araw akong nakangiti sa kabila ng lahat just like Alexandra. Kaya naman, gayahin mo si Edrick! Loyal!”

Kung alam mo lang ang nasa likod ng mga ngiti kong ito Lovely. Gugustuhin mo pa kayang maging ako? Gugustuhin mo pa kayang mapunta sa posisyon ko?

“Anong oras pala uwi ni EJ?” Hindi agad ako nakasagot. Hindi ko naman kasi alam kung uuwi ba siya o hindi eh. “Hindi ko alam. Depende naman kasi sa magiging schedule niya eh.”

“Gano’n ba? By the way, may lakad pa pala kami. Dumaan lang talaga kami rito para kamustahin kayo. Mauna na kami ha?”

“Okay. Salamat sa pagbisita.” Umakyat na rin lang naman ako sa kwarto at nagbihis. Nagsulat na lang muna ako habang naghihintay sa kanya.

7:00 pm… Naidlip na muna ako dahil ang sama na din talaga ng pakiramdam ko.

8:00 pm… Ginising ako ni Manang para kumain. Kahit nakakalungkot ay pinilit kong lunukin lahat ng kinakain ko. Namiss kong makasabay siya sa hapag kainan.

10:00 pm… Nasa sala pa rin ako. Nanunuod habang hinihintay siya.

11:00 pm… Tinawagan ko na siya pero nagriring lang naman. 20 miscalls and 20+ messages pero no response at all. Baka busy pa rin siya. Tama, baka nasa shoot o rehearsal pa rin o baka pauwi na rin. Nilalamig na ako pero mainit naman ang katawan ko.

“Nak, matulog ka na. Diba masama pakiramdam mo? Ako na ang maghihintay kay EJ.”

“Ayos lang ako ‘nang. Ako na ang bahala rito.”

“Sure ka ba? Uminom ka na ba ng gamot?”

“Hmm.. tapos na po.”

“Sige, akyat na ako.” Tumango na lang ako. Sumisikip na naman ang dibdib ko.

Asan ka na ba? Uwi ka na please?

12:00 am… Wala pa ring Edrick na dumating. Nararamdaman ko na ang kirot ng ulo ko.

1:00 am… Hindi na yata siya uuwi. Baka pagod na siya sa work at nagcheck-in na lang sa hotel. Sana naman hindi niya na kasama si Crisha roon. Napahawak ulit ako sa aking dibdib.

Ayos lang ako. Okay lang ako. Kaya ko ‘to dahil ito ang dapat at kailangan. Umakyat na ako sa kwarto at bago natulog ay nagtext muna ako sa kanya.

“Good morning. Sana nasa safe place ka ngayon. Hinintay kita pero ‘di ka na naman umuwi. Hindi ka man lang tumawag o nagtext. Pero naiintidihan kita. Sleep well. I love you.”

Kahit sana hindi mo ako kibuin basta katabi lang kitang matulog ay ayos na sakin yun. Isang gabing wala ka na naman sa aking tabi.

Napasinghap na lang ako. In-off ko na ang cellphone at natulog na lang din.

Vote. Comment. Follow.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Hara Miya
grabeee na this
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status