Share

She Calls Him Dad, I Call Him Mine
She Calls Him Dad, I Call Him Mine
Author: Ms. Rose

Chapter 1

Author: Ms. Rose
last update Last Updated: 2025-06-23 19:41:39

“No!!! Hindi!!! Ayoko!!!” mariing sigaw ni Elizabeth habang nanginginig sa galit ang kanyang tinig. Napalakas ang kanyang tinig, sapat para umalingawngaw sa buong bahay nilang tila nagbabadya ng gulo.

“Bakit ba, anak? Bakit ba ang hirap mong pakiusapan?” tugon ng kanyang ina, si Claire, na hindi na maitago ang pagkadismaya. “Date lang naman ‘yon. Hindi naman ibig sabihin aasawahin mo na agad si Greg! Anak, sayang ang ganda mo kung hindi mo gagamitin. Pwede tayong makabangon sa pagkakalugmok kung matutulungan mo kami!”

Napatingin si Elizabeth sa kanyang ina na parang hindi niya kilala. “So ganun na lang? Gagamitin ko ang sarili ko para lang makabayad tayo sa utang? Ako? Ako ang isusugal niyong muli—pero hindi sa casino, kundi sa buhay ko mismo?”

Sumabat ang ama niyang si Raymond, mas matigas ang pananalita. “Anak, huwag kang makitid ang utak. Ang kailangan lang, makipagdate ka. Wala namang masama doon. Isa pa, matagal nang may gusto sa’yo si Greg. Hindi mo ba naiisip kung gaano kalaking tulong ang magagawa niya para makabangon tayo?”

Napailing si Elizabeth, halos mapaiyak na sa galit. “Tulong? Tulong? Paano naging tulong ‘yon kung kapalit ay ang dangal ko? Ma, Pa, may trabaho ako. Oo, hindi kalakihan, pero hindi naman ako palamunin. Bawat sweldo ko, sinusubukan kong magbigay sa inyo para mabawasan ang mga utang natin. Bakit parang hindi sapat lahat ng ginagawa ko?”

“Anak…” muling pakiusap ni Claire, ngunit pinutol siya agad ni Elizabeth.

“Ma! Pa! Hindi naman ako ang dahilan kung bakit tayo nabaon sa utang! Hindi ako ang dahilan kung bakit nalugi ang mga negosyo natin. Alam nating lahat kung sino ang may kasalanan! Kung hindi kayo nalulong sa sugal, hindi tayo aabot sa ganito!”

Nagkatahimikan. Bigla ang pagkalma ng paligid. Walang gustong magsalita. Hanggang sa...

PAAAAGGKKK!!!

Isang malakas na sampal ang dumapo sa kaliwang pisngi ni Elizabeth. Mula ito kay Claire. Napaatras siya sa lakas ng tama. Napahawak siya sa kanyang mukha, at unti-unting pumatak ang luha niya, hindi dahil sa sakit ng sampal kundi dahil sa sakit ng katotohanang kayang-kaya siyang saktan ng sariling ina.

“Anak… sorry... hindi ko sinasadya,” mahinang sabi ni Claire habang nanginginig ang mga kamay. Nangingilid na rin ang kanyang luha ngunit hindi na iyon pinansin ni Elizabeth.

“Hindi sinasadya? Gano’n na lang?” umiiyak na sigaw ni Elizabeth. “Isang salita lang ang sinabi ko—ang katotohanan. At ito ang isusukli mo sa akin? Sampal?”

“Ayusin natin ‘to, anak. Hindi na mauulit. Napikon lang ako,” pakiusap muli ni Claire, ngunit si Elizabeth ay tila wala na sa mundong iyon. Hindi na siya nakikinig.

Naglakad siya paakyat ng hagdanan, mabilis, mabigat ang hakbang. Sa bawat hakbang ay parang nawawala ang tiwala niya sa sariling pamilya. Pagpasok ng kwarto, binagsak niya ang pinto at ikinandado. Napasandal siya sa likod ng pintuan at tuluyang napahagulgol.

“Tama na. Sobra na.” Bulong niya sa sarili habang nanginginig ang buong katawan.

Maya-maya, pinunasan niya ang mga luha. Tumayo siya at nagsimulang mag-empake. Hindi na siya magpapatuloy sa isang bahay na hindi na tahanan kundi kulungan.

Kinuha niya ang cellphone at agad na tinawagan ang kanyang matalik na kaibigan. “Hello, best? Si Elizabeth ‘to… Pwede ba akong pumunta dyan sa inyo sa probinsya? Kailangan ko lang talaga ng matatakbuhan.”

“Best? Of course! Miss na miss na kita. Share ko na lang location. Dito ka na muna, okay? Don’t worry, safe ka dito,” sagot ni Monique sa kabilang linya.

Matapos ang tawag, mabilis na tinapos ni Elizabeth ang pag-iimpake. Bawat damit na malagay niya sa bag ay parang isang hibla ng galit at sakit na nais niyang iwan. Hindi niya na kayang huminga sa bahay na puno ng manipis na pasensya, mabigat na problema, at sugat na paulit-ulit na binubuksan.

Nagmasid siya sa paligid bago lumabas ng kwarto. Taimtim ang bahay. Tahimik. Siguro’y nagkulong na rin sa kani-kanilang kwarto ang mga magulang niyang marahil ay dinapuan na rin ng konsensya—o baka hindi. Marahan siyang bumaba, tangan ang kanyang maleta. Dahan-dahang binuksan ang pinto at lumabas, parang isang bilanggong tumatakas sa kadiliman.

Pagkaupo sa driver's seat ng kanyang kotse, binulungan niya ang sarili. “This is it. I’m ready. Kailangan kong makalayo. Kailangan kong muling mabuhay.”

Paglabas ng kanilang gate, bahagyang lumiwanag ang kanyang mukha. Inapakan niya ang silinyador. Sa wakas, nakalaya rin siya sa pighating paulit-ulit ipinapasan sa kanya. Ang bawat kilometro palayo ay tila isang hakbang patungo sa kanyang kalayaan.

Pakanta-kanta pa siya habang nagmamaneho. Hindi man ganap na masaya, pero ang katahimikan ng kanyang paligid ay nagbibigay ng kapayapaang matagal na niyang hinahanap. Malapit na siya sa destinasyon—isang bayan na lang ang layo mula sa lugar ni Monique—nang biglang…

“PSSSSSHHHHKKKKKKKKK!!!”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • She Calls Him Dad, I Call Him Mine    Chapter 11 sa kubo

    Sa ilalim ng langit na punô ng kumikislap na bituin, tila isang perpektong gabi ang bumabalot sa paligid nina Benedict at Elizabeth. Ang dilim ng gabi ay hindi nakakabahala kundi nagbibigay ng tahimik at mapayapang damdamin. Tahimik ang paligid, at ang tanging naririnig ay ang malambing na huni ng kuliglig at ang banayad na pagaspas ng malamig na simoy ng hangin. Sa mga sandaling iyon, tila huminto ang oras—parang ang buong mundo ay pansamantalang tumigil upang bigyang daan ang kanilang munting tagpo.Ngunit sa isang iglap, binasag ng kalikasan ang katahimikan. Isang malakas na kulog ang biglang gumulantang sa kalangitan, kasunod ang pagbuhos ng malalakas at malamig na patak ng ulan. Mula sa katahimikan, naging isang paligsahan ng tunog ang paligid—ang kulog, ang ambon, at ang mabilis na pagbagsak ng tubig sa mga dahon at lupa."Ay!" gulat ni Elizabeth, habang napaatras siya nang bahagya, sabay takip ng mga palad sa kanyang ulo. Tumalsik ang ilang patak ng ulan sa kanyang mukha at bal

  • She Calls Him Dad, I Call Him Mine    Chapter 10 papuntang kubo

    "Hahaha!" malakas na tawa ni Benedict habang pinagmamasdan ang mukha ni Elizabeth na hindi makaimik, pulang-pula ang pisngi na parang hinog na mansanas. Nakakatuwa itong panoorin—yung tipong alam mong gusto niyang magtago pero wala siyang mapagtaguan."Alam mo," patuloy ni Benedict habang nakangiti ng pilyo, "ang cute mo talaga, Eliz—lalo na kapag namumula ka. Gusto mo bang maglakad-lakad muna? Mas maganda ang paligid dito tuwing gabi. Tahimik, malamig, at minsan may bonus pang shooting star."Saglit na napaisip si Elizabeth. Ilang beses siyang nagkibit-balikat, saka patagong tumingin kay Benedict. Dalawang araw pa lang silang magkakilala, at ito ang ama ng kaibigan niyang si Monique—pero sa di niya maipaliwanag na dahilan, panatag siya rito.Agad namang napansin iyon ni Benedict. "Alam ko kung anong iniisip mo," sabay himas sa batok. "Huwag kang mag-alala, kabisado ko ang lugar na 'to—dito ako lumaki. At saka," sabay kindat, "ako ang ‘prince charming’ mo, kaya wala akong ibang gagawi

  • She Calls Him Dad, I Call Him Mine    Chapter 9 Hindi makatulog

    Hindi makatulog si Elizabeth. Ilang ulit na siyang nagpalit ng posisyon sa kama ngunit tila ba may mabigat na iniipit ang kanyang dibdib. Nakatingin siya sa kisame, hindi dahil may tinitingnan, kundi dahil doon nakatuon ang kanyang mga iniisip—mga tanong na walang kasiguraduhan at mga desisyong hindi niya alam kung tama.Napabuntong-hininga siya nang malalim. Maya-maya'y nakaramdam siya ng uhaw. Dahan-dahan siyang bumangon mula sa kama, nagsuot ng manipis na jacket, at tahimik na binuksan ang pinto. Gabi na, halos alas-dose. Tahimik ang buong bahay. Madilim ngunit malamig ang hangin na dumadampi sa kanyang balat habang papunta siya sa kusina.Habang naglalakad siya sa sala, napansin niyang may liwanag mula sa labas. Sumilip siya sa bintana at nakita si Benedict na nakaupo sa lumang bangkong kahoy sa may veranda. Nakayuko ito, hawak ang isang tasa ng kape—o marahil ay tsaa—at tila malalim na nag-iisip. Hindi niya ito agad nilapitan, ngunit may kung anong humila sa kanya palapit.Lumaba

  • She Calls Him Dad, I Call Him Mine    Chapter 8 Ang problema ni Elizabeth

    Nang makarating na sila sa bahay nina Monique, agad na nagtungo ito sa kusina at nagsimulang magtimpla ng mainit na kape. Ramdam ang lamig ng hangin kahit papalubog na ang araw—isang lamig na tila sumasalamin sa bigat na dala ng puso ni Elizabeth. Pagbalik ni Monique, may dala na itong dalawang mug. Iniaabot niya ang isa sa kaibigan bago umupo sa sofa sa tapat nito.Tahimik muna silang dalawa. Ang langit sa labas ay unti-unti nang nagkakaroon ng mga bituin. Sa loob ng sala, tanging tunog ng kutsarita sa loob ng mug ang maririnig.“Best,” simulang tanong ni Monique habang nakatitig sa kaibigan, “yan din ba talaga ang dahilan kung bakit ka nagdesisyong magbakasyon dito sa amin?”Bahagyang tumango si Elizabeth. Humigop siya ng kape, marahang parang sinisipsip pati ang tapang ng kanyang loob. Bumuntong-hininga siya, at sa wakas ay nagsimulang magsalita.“Best, alam mo naman noon na may mga negosyo kami. Masasabing marangya ang pamumuhay. Eh kaso, nalulong sa sugal sina mama’t papa. Parang

  • She Calls Him Dad, I Call Him Mine    Chapter 7 Hindi ka nag iisa

    “Best, okay ka lang ba?” tanong ni Monique, bakas sa kanyang mukha ang labis na pag-aalala habang dahan-dahang lumalapit kay Elizabeth. Napansin niya ang nanginginig nitong balikat, at ang bahagyang pamumula ng mga mata, palatandaan ng pilit na pinipigilang luha.Bahagyang tumango si Elizabeth, pero hindi naitago ang pamumula ng kanyang pisngi sa hiya at pagkapahiya. “Okay lang ako, best... Pasensya na talaga.” Lumunok siya bago tumingin kay Benedict na nakatayo ilang hakbang lamang ang layo sa kanila. “Sa inyo rin po, Tito... Nakita n’yo pa akong... nagalit. Nakakahiya.”Ngumiti si Benedict at umiling. “Ayos lang 'yon, hija. Lahat tayo napupuno minsan. Tao lang tayo.” Malumanay ang boses nito, puno ng pang-unawa. “Mas okay nga na nailabas mo ‘yan kaysa tinatago mo lang. Mahirap yun.”Hinawakan ni Monique ang braso ng kaibigan, dahan-dahan at maingat, para iparating ang suporta. “Ano ka ba, best. Natural lang ‘yun. Hindi mo kailangang humingi ng tawad. Huwag mo nang intindihin ‘yung n

  • She Calls Him Dad, I Call Him Mine    Chapter 6

    Habang masayang naglalangoy sina Benedict, Monique, at Elizabeth, dumating ang isang grupo ng mga kabataang babae at lalaki—ang mga pinsan ni Monique.“Ate Monique! Tito Ben! Andito rin pala kayo! Kanina pa ba kayo dito?” masiglang sigaw ni Alex, ang binatilyong pinsan ni Monique.“Hindi naman, kararating lang din namin,” sagot ni Monique habang lumalangoy palapit.“Papa, best, punta lang ako sa mga pinsan ko ha. Baka may dala silang pagkain, hehehe. Medyo nagugutom na rin ako. Kayo ba? Hindi pa kayo gutom?” sabay ahon ni Monique sa ilog.“Hindi na, best. Ieenjoy ko na lang muna 'tong ilog. Alam mo naman, pagbalik ko sa Maynila, wala nang ganito,” sagot ni Elizabeth habang nagpapakabog sa lamig ng tubig.“Eh ikaw po, Papa?” tanong ni Monique sa ama niyang masigla ring lumalangoy.“Hindi na rin, anak. Sige, punta ka na ro’n at makipag-bonding ka muna sa mga pinsan mo. Ako na ang bahala dito kay Eliz,” tugon ni Benedict habang nakaalalay sa gilid ng ilog.Nang marinig iyon, hindi malama

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status