Mesaiyah Point of View
I am Mesaiyah Kumiko. Sixteen years old and I was senior high school. Meron akong ate at ang pangalan niya ay Terra. Ang mga magulang ko ay sina Irene at Ven Kumiko. Mahal ko sila parehas (sino ba namang anak na hindi mahal ang magulang diba?) pero ang pagmamahal ko sa kanila ay natatangi. Mahal ko sila higit pa sa buhay ko at handa akong isakripisyo ang pangarap ko para sa kanila. Seryoso.
In the middle of my school year, masaya ako dahil rank two ako sa aming klase at rank three naman sa overall fourth year. Ang hirap mag-aral no? Lalo na kung ang paghihirap mo ay para sa mga magulang mo pero hindi ko alam kung na-aapreciate nila yung paghihirap ko. Meron akong family problem. Si mama lagi-lagi nalang nagsusugal, si papa uuwi sa bahay na laging lasing. Sa totoo lang wala silang time sa aming dalawa ni ate. Kung tatanungin niyo naman ang estado ng buhay namin sa lipunan, hindi kami mayaman. Mahirap lang kami. Mahirap pa sa mahirap kaya si ate terra ay tumigil sa pag-aaral kasi wala kaming pera kaya ngayon. Ako nalang ang nagtitiyagang mag-aral at sa nakuha kong karangalan, sana naman matuwa sina mama at papa.
"Mama, may sasabihin ako sayo." sabi ko na mahinahon at may pagkalambing pa.
"Oh? Ano na naman yun? Hihingi kana naman ng perang pambili ng project mo? Hihingi kana naman ng kung ano-ano? Naku Mesaiyah, wag ka nang umasang bibigyan kita!" sabi ni mama na galit. Lagi naman eh, lagi naman ganyan. Sa tuwing kakausapin kita lagi kang galit. Laging mainit ang ulo mo sakin.
"Hindi po ako hihingi ng pera. Gusto ko lang po sabihin na rank two po ako sa klase namin at rank three naman sa overall fourthyear sa school namin."sabi ko na mahinahon ulit at ipinakita sa kanya yung certificate ko.
"PAKIALAM KO DIYAN? ALISIN MO NGA SA HARAPAN KO YAN! DI BALE KUNG PERA YAN MATUTUWA PA AKO! ALISIN MO NGA YAAAN!!" sigaw ni mama at tinapik yung binibigay ko.
Umalis nalang ako at pumunta sa kwarto namin ng ate ko. Useless ang paghihirap ko. Walang nakikinabang sa paghihirap ko. Useless ang sarili ko. Wala akong halaga sa bahay na'to. WALA!WALA!WALA! Sabi ko sa aking sarili at patuloy na tumutulo ang aking luha.
"Wag kang mag-alala saiyah. Andito naman ang ate mo, na-aappreciate ang paghihirap mo." sabi ni ate Terra na kakapasok lang sa kwarto namin. Niyakap niya ako at pinunasan ang luha ko.
"Ang galing-galing mo nga eh. Bihira lang bigyan ng talino ang isang tao kaya hanga ako sayo Saiyah. I'm proud of you." buti pa si ate proud sakin samantalang lahat nalang ng ginagawa ko para sa mga magulang ko lahat nalang mali.
Napangiti naman ako sa sinabi ni ate. Buti pa si ate ang bait-bait, hindi tulad nila na hindi man lang ako kayang intindihin. Anak lang naman ako na naghahanap ng pagmamahal na naggaling sa magulang. Mahirap ba ibigay yun? Oo, mahirap yun para sa kanila napakahirap ang bigyan nila ako ng pagmamahal kahit konti lang ang hinihingi ko.
It was friday cold morning and the sun shines effortlessly striking on my face. Nakaupo ako ngayon sa bleachers ng school namin kasama ang bestfriend ko. Ang pangalan niya ay Mark Angelo but I prefer calling him Angelo. He has the face of an angel just like his name. Matagal ko na siyang bestfriend since we were in elementary pa. Siya ang kasama ko sa lungkot at saya. Siya ang nagcocomfort sakin kapag may problema ako. Siya ang gumagawa ng paraan para mapasaya ako. Siya ang nagsosorry kapag nag-aaway kami kahit alam kong ako ang mali. Ayaw niya kasing pinapahaba ang away namin. Siya ang nagtuturo sa akin ng maraming bagay. Sa kanya ako nagtitiwala dahil alam ko mapapagkatiwalaan ko siya.
"Tapos mo na bang sagutan yung assignment sa math?" tanong ni angelo at tumingin naman ako sa kanya.
"Hindi pa." sagot ko.
"Teka?Bakit parang maga ang mga mata mo?" hinipo niya yung magkabilang side ng aking mata.
"Ah. Wala to." sabi ko at inalis yung kamay niya sa mukha ko.
"Hep! No secrets are allowed."
"Okay, panalo kana. Yun yung feeling na ang hirap magkaroon ng top tapos magulang mo hindi ma-appreciate yun. Gusto ko lang naman matuwa sila sakin eh (bwisit na luha, tumutulo na naman) nasabi ko na ba sayong kahit isang beses hindi pa man lang nila ako nayayakap o nahahalikan? Buti ka pa araw-araw, lagi-laging nasa tabi ko hindi tulad nila na sarili nilang anak ipinagkakait ang pagmamahal." sabi ko habang umiiyak.
Lumapit siya sakin at niyakap ako. Buti pa ang bestfriend ko niyayakap ako eh ni katiting na yakap galing sa magulang ko e wala akong natatanggap.
"Minsan ba naisip mong baka ampon ka lang? I didn't mean to ask this but sa napapansin ko kapag may problema ka. Lagi nalang sa magulang mo."
"Oo, naisip ko na yan. Minsan nga tinanong ko si ate Terra kung ampon ako sabi niya, wag daw ako mag-isip ng ganun dahil kung ampon lang daw ako e di sana pinalayas at pinabalik na ako sa kung saang lugar man ako nanggaling."
"Kung sa bagay, but don't worry saiyah. Andito ako para sa'yo lagi. Lapit ka lang kung ano man ang problema mo."
"Thank you, Angelo." I answered.
The next morning, my bestfriend and I planned to go out since we don't have school today. Nakaupo kami ngayon sa ilalim ng puno. Dito isinisigaw namin ang problema namin. Dito sa lugar na ito nawawala lahat ng doubts, fear, sadness, worries, confusions and hesitations namin at kung ano mang bagay ang nakakapagpagulo sa isip namin. Narerelax kasi ang isip namin dito at nagiging payapa, nagkakaroon ng peace of mind kumbaga.
It was a mountain that relieves whatever man na gumugulo sa isipan namin at sa tingin ko, kaming dalawa palang ng bestfriend ko ang nakakadiscover nito. Nakikita namin ang kabuuang siyudad ng aming lugar, lahat ng matataas na building, lahat ng mga bagay na nakikita namin sa tuwing nasa baba kami. Nakikita namin ang puti-asul na ulap na nakahalik sa dagat na parang wala man lang problema. Huminga ako ng malalim.
"Sana isang araw, maiparamdam ng mga magulang ko na anak din nila ako." Yan ang wish ko sa tuwing pumupunta kami ng bestfriend ko dito. Marami kasing dandelions dito and dandelion is the wishing flower.
Pagkatapos namin magtahan doon at magpicnic ay umuwi na din kami at almost six thirty in the evening na ako nakarating sa bahay namin.
"San ka naman galing?" tanong ni papa na ngayon ay umiinom ng alak. Pwede ba kahit isang araw lang, maging mabait naman kayo sakin. I can feel either papagalitan ako niyan o sasaktan.
"Gumawa lang po ako ng project kasama si angelo." sagot ko
"Ikuha mo nga ako ng pagkain, pwede?" sabi ni papa sabay hagis sakin ng pinggan na natama sa aking mukha.
"Ano pang hinihintay mo? Sabi ko, ikuha mo ako ng pagkain!" sigaw ni papa. Pumunta na ako sa kusina namin para kumuha ng pagkain at sa kamalas-malasan walang pagkain.
"DALIAN MO NGA SAIYAH!" sigaw na naman niya
"WALA PONG PAGKAIN!" sigaw ko
"TANGA! EH DI BUMILI KA!"
"Wala po akong pera." Nanginginig ang boses ko. Lumapit sakin si papa at hinawakan yung braso ko ng mahigpit.
"A-ARAY PO! Nasasaktan po ako papa." lalong hinigpitan niya ang hawak sa braso ko.
"KUNG WALA KA LANG SANA DITO, WALANG DADAGDAG NA PALAMUNIN!" sigaw niya. Dinala niya ako papalabas ng pinto at tinulak niya ako, tumulo ang luha ko ng hindi ko alam.
"LUMAYAS KA AT HUMANAP NG TRABAHO PARA MAY PAGKAIN KAMI! WALA KANG PAKINABANG!"
Kailan pa nga ba ako nagkaroon ng pakinabang sa inyo? Wala naman diba? Kailan pa kaya darating yung araw na mamahalin nila ako? Kelan pa kaya yun? Kapag tumanda na ako? Kapag namatay na ako o kapag mayaman na ako dun niyo palang ako mamahalin? Sabi ng teacher namin "dapat ang pagmamahal ng isang magulang ay hindi ipinagkakait sa anak." siguro nga talaga ampon ako. Tama si angelo na ampon lang ako.
/////////
Thank you sa lahat ng nagbasa at magbabasa palang. Here is your guide to my book para di kayo malito.She Married the Stranger Book 1The Last Day of Summer Book 2Saving my Last Goodbye Book 3Destiny's Choice Book 4Thank you, thank you, thank you. Wag niyo po kakalimutang mag comment at makipag interact sa akin. Sana nagustuhan niyo ang makulit at nakakainis na story ni Mesaiyah at Anhiro.This is just the beginning. I have more to offer to you and I need you to be with me 'til the end of my journey. and also I have an account in wattpad "yoursjulieann" din ang pen name. You could follow me there if you have wattpad because that's where I started building my writing journey and now, I'm sharing it with other platform because I hope someday, I won't regret pursuing this passion.Youtube Channel: yoursjulieannInstagram: yoursjulieannFacebook: Julie Ann LingaI love you. ❤
Mesaiyah's Point Of ViewIminulat ko ang aking mga mata. Gumuhit sa aking labi ang ngiti. Kanina parang naging manhid ako dahil hindi ako makapaniwala sa nangyari pero nararamdaman ko na ngayon ang kamay niyang nakayakap sa tiyan ko. Humarap ako sa kanya at pinagmasdan ang natutulog niyang mukha. Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Parang kahapon lang.Nakikita ko ang eiffel tower. Ang bintana ay natatabunan ng hamog na dulot ng malamig na paligid. Hinigpitan niya ang pagkakayakap sakin. Naku! Gising ang lalaki na ito."Nagugutom na ako. Gumising kana." Sabi ko. Minulat niya ang kanyang mata. Ngumiti siya sakin."I love you. Forever and always." He said."I love you. Forever and always." I repeat and he kissed my forehead.Pagkatapos naming kumain. Napagdesisyunan naming libutin ang buong Paris. Isinuot niya sa akin ang makapal na leather jacket na kinuha niya sa cabinet. Sa tuwing pinagmamasdan ko siya, bumabalik lahat ng ala-ala ko. Nung araw na una kaming nagkakilala at nagkita. Nu
Maysel Point of ViewNakaupo ako ngayon sa damuhan sa ilalim ng mangga. May nakasapak sa tenga ko na earphone. Nakikinig ng kanta at napamulat ang pikit ko na mata nang may tumabi sakin. Si Razec yun, sino pa ba? Humarap ako sa kanya at kumanta."So, it's gonna be forever? Or it's gonna go down in flames. You can tell me when it's over...nah..nah..nah..nah..cause we're young and we're reckless. We'll take this way too far. It'll leave you breathless or with a nasty scar. Got a long list of ex-lovers. They'll tell you I'm insane. But I've got a blank space baby. And I'll write your name." Kanta ko at inuntog ko ang noo ko sa noo niya pero pinisi niya lang ang ilong ko."Ano naman 'yang kinakanta mo?" Tanong niya."Blank space ni Taylor Swift. Nakaka LSS kasi." Sagot ko at ibinigay sa kanya ang isang pares ng earphone. Parehas na kaming nakikinig ng blank space. Umusog ako ng konti sa tabi niya at isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Parehas naman kaming nakatingin sa ulap.Nasa loo
Kerk Point of ViewAndami ng nangyari. Sobrang dami na ng nangyari. Kamusta naman tayo? Eto, napag-iiwanan.Si Prince at Mesaiyah kasal na. Si Anthea at Denstah kasal na din at ang Promises are meant to be broken ni Maysel at Razec ay napatunayan nga nila. Tayo? Meron pa bang tayo? O nag-iisa nalang talaga ako.Hawak ko ang kamay ni Terra na araw-araw kong ginagawa. Hinalikan ko ang palad niya at pinainit ito sa aking pisngi. Sa tuwing tinititigan ko ang kanyang mukha, naiimagine ko ang anak namin. Sayang lang talaga dahil nawala, lecheng buhay eh eh. Bakit kasi nawala pa?Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa upuan na katabi ng kama ni terra. Kinuha ko ang aking jacket at isinuot ang bonette at bago ako lumabas ng room ay hinalikan ko muna siya sa noo."Aalis lang ako sandali Terra. Iiwan na muna kita dito. Lalabas lang ako saglit at gusto ko pagbalik ko, mulat na ang mapupungay at chinita mong mata. Mahal na mahal kita Terra." Sabi ko at tuluyan ng lumabas ng kwarto. Habang naglalakad pa
"Prince si mesaiyah." wika ni Kerk mula sa kabilang linya."Ano?""Kagagaling niya lang dito sa hospital.""A-ano? Totoo ba yang sinasabi mo?""Oo Prince." Sagot ni Kerk. Napabuntong hininga ng malalim si Anhiro. Sinabi na nga ba babalik siya. Wika niya sa kanyang sarili sabay ngumiti."Babalik ako sa Pilipinas." Sagot ni Anhiro at ibinaba na ang cellphone pero lalabas na sana siya sa kanilang bahay nang hampasin siya ng kanyang lolo sa magkabilang tuhod. Bumagsak siya sa sahig dahil sa sakit."Wag na wag ka ng aalis hangga't wala akong sinasabi." Galit na sabi ng kanyang lolo. Tinawag ng matanda ang iba pa niyang tauhan."Gawin niyo ang sinabi ko.""Hai!" Sagot ng mga tauhan. Binuhat nila si Anhiro at dinala sa isang kwarto na tambakan ng mga gamit. Nakalumpasay ito sa sahig at iniinda ang sakit ng kanyang tuhod habang masamang nakatingin sa mga tauhan na nasa harap niya.Walang magawa ang mga tauhan, kung hindi nila susundin ang utos ng boss nila ay sila ang mamamatay. Yumuko muna a
2 years later ***There is no permanent thing in this world, the only permanent thing we can have from being alive to death is LOVE. When we die, we leave our memories and promises on earth but the love will always remain in our heart.Everything has changed after the lost of Mesaiyah's memories. But she can put them back together, she can put her memories into the right place because her love for Anhiro is still alive in her heart and mind.Magtatapos kaya ang storya niya sa and they lived happily ever after katulad ng sa fairytale? O katulad lang ng sa movie ang magiging end nito? Walang happily ever after, walang forever pero merong true love.True love ang sagot sa mga taong hindi naniniwala sa forever and happily ever after dahil ang true love, magkalayo man kayo, marami mang tutol sa pagmamahalan niyo, marami mang ayaw sa inyo, pagtatagpuin at magtatapos ang storya na kasama mo ang iyong true love. Makakatuluyan kaya ng prinsesa ang true love niya para masabing and they lived ha